Chapter 36 - Parinig
Dumaan ang mga araw, sinagot na ni Sheryl si Robby. Si Joax busy sa ipinapagawang hotel. Si Robby ang kanang kamay ni Joax at araw-araw itong nasa construction site. Si Sheryl, naging sikat na commercial model ilang mga beauty products at isang food chain ang ineendorso niya kaya madalas na nakikita sa TV. Si Maya sinunod naman ang suggestion ni Joax. Kinuha niyang tagabagsak ng mga gulay niya at taga deliver si Baste at Uro kaya regular na sumesweldo at nadagdagan ang ipon ni Baste. Si Nitoy tagahugas ng pinggan kapag wala ng pasok sa eskwela kaya may regular na pambili ng gamit.
Nagpupunta pa rin naman si Maya sa Palengke para maningil ng utang sa mga suki niya. Kapag nasa palengke ganon pa rin ang itsura niya, nakamaong, maluwag na checkered na long sleeves polo at rubber shoes.
Isang beses isang linggo kung umangkat ng gulay si Maya sa Baguio at kapag nandodoon din lang ito dumadaan sa Hacienda at nangangamusta. Nakuha na din niya ang lahat ng branch ng Iceberg kaya malaki ang kinikita niya.
Halos apat na buwan na silang bihirang magkita ni Joax pero nagtetext ito at paminsan-minsang tumatawag. Kapag nasa bahay at tinutulungan ang ina sa pagaasikaso ng karinderya naka pangbabaeng shorts na litaw ang kalahati ng hita at nakablouse si Maya katulad ng kanyang Ditse kaya madalas biruin ng mga kapitbahay.
Aling Chayong: Naku, talaga naman hindi lang magaganda ang mga anak mo Berna, masisipag pa.
Mang Berting: Kaya malakas ang karinderya eh, kagagandang tanawin at masarap sa paningin ang mga dalaga mo Berna.
Sa araw-araw, maaga pa lang bukas na ang karinderya para sa agahan. Nagluluto din si Maya ng meryenda. Minsan pancit canton, spaghetti, lomi o carbonara. Si Sheryl naman gumawa ng mga sandwiches - egg, tuna o chicken sandwich. Si Sheryl at Berna ang taga hiwa ng mga gulay at sahog at si Maya ang tagaluto. Dahil malinis, masarap at mura kahit gaano kadami nauubos palagi ang paninda nila. Pati mga kapitbahay hindi na nagluluto bumibili na lang sa kanila.
Si Robby pagkatapos ng trabaho bandang alas sinko, nandon na kila Maya para tulungan ang magiina. Samantalang si Joaquin umuuwi sa bahay, sinisiguradong sabay silang maghahapunan ng kanyang Ama at makikipagkwentuhan tungkol sa negosyo nila.
Pero kapag nagtext si Robby na Igado ang ulam sa pananghalian alas onse pa lang nasa site na at nagsa-site visit at doon nanananghalian sa karinderya katulad ng araw na yon.
Si Sheryl ang nagtatakal ng kanin, si Maya sa ulam at si Aling Berna at Nitoy naman ang nagseserve sa customer. Pagtunog ng silbato eksaktong alas dose, nagtatawiran na ang mga construction workers para mananghalian.
Nakaupo na at nagaantay ng order ang mga trabahador busy naman sa pagaasikaso ang magiina.
Robby: Magandang tanghali Nay.
Nanay Berna: Oh nak, duon ka na sa komedor kumain, wala ka ng pupwestuhan diyan eh.
Robby: Ok lang Nay, mamaya na ako hinihintay ko pa yung ibang Engineer eh. Tsaka Nay nakita ko na si She busog na ako.
Nanay Berna: Asus, girlfriend mo na huwag mo ng bolahin.
Trabahador 1: Si Engineer oh dumadamoves.
Nagtawanan ang mga construction worker. Tumulong si Robby sa pagseserve ng pagkain ng mga tao.
Trabahador 2: Aling Berna, masarap talagang kumain dito sa inyo ang panghimagas kasi magagandang ngiti ng mga dalaga ninyo.
Trabahador 3: Hindi lang yon ang pagkain dito mura pero lasang pangmamahaling restoran talaga.
Robby: Puro kayo bolero, magsipagkain na nga kayo.
Trabahador 1: Engineer walang bola, kahit tumaba na kami at magkabaon baon sa utang hindi namin pagsasawaan ang pagkain dito.
Robby: Siguraduhin lang ninyo na nagbabayad kayo.
Maya: Hindi makakakalusot yang mga yan Diko, malakas ako sa accounting bago pa nila makuha ang sweldo nakaltas na ang utang nila.
Trabahador 2: Engineer, Diko na pala ang tawag sa yo ni Bunso, pakasalan mo na yan.
Trabahador 3: Hindi na pinatatagal yan, para makahigop naman kami ng mainit na sabaw.
Robby: Kung gusto ninyong makahigop ng libreng mainit na sabaw, ayusin at bilisan ninyo ang trabaho dahil dyan sa hotel na yan gagawin ang reception ng kasal namin.
Maya: Diko, Maid of Honor ako ha!
Robby: Syempre naman bunso may iba pa ba?
Trabahador 1: Maya pwede ba akong magapply na Bestman
Trabahador 2: Naku, mahiya ka nga sa balat mo kapag dumikit ka kay Maya siya ang gatas at ikaw ang kape.
Nagtawanan ang mga trabahador.
Trabahador 1: Bakit magkaterno naman ang gatas at kape ah.
Robby: ang katerno ng kape ay creamer loko, tigilan ninyo si Maya. Isa pa may Bestman na yan eh.
Maya: Hay naku Diko, ayan ka na naman kung kani-kanino mo na naman ako ipapartner. Lahat na ata ng Engineer dyan naipakilala mo sa akin eh.
Robby: Ineng naman, alam mo naman iisa lang ang bestman ko para sa yo. Nakakahiyaan ko lang tanggihan ang mga Engineer kasi naman nabibighani sa ganda mo.
Maya: Diko isa ka pang bolero.
Joax: Maganda ka naman talaga at bagay kang Maid of Honor ng buhay ko.
Napalingon si Maya ng marinig ang boses ni Joax.
Maya: Kaya naman pala naramdaman ko na ang hangin dumating si Bes eh.
Trabahador 1: Naku, eh wala naman pala akong kapana-panalo, inilampaso pa ako. Eh si Boss pala ang Bestman aba eh suko na ako! Magandang Tanghali Sir.
Bumati ang lahat kay Joax.
Joax: Magandang tanghali naman. Mano po Tita! Hello Ditse!
Maya: Makaditse ka, kapatid mo ba siya?
Joax: Baka sakaling makalusot eh. Hi Maya!
Nanay Berna: Kaawaan ka ng Diyos Joaquin, sabi ko na nga ba darating ka may Igado eh.
Joax: Hindi ko ho palalampasin ang Igadong luto ninyo.
Nanay Berna: Naku hindi ako ang may luto niyan si Maya.
Joax: Aba eh di lalo na, papakyawin ko na hong lahat ng matitira at ipatitikim ko sa Daddy ko.
Maya: Alam mo Bes ang OA mo.
Masayang nagkipagkwentuhan si Joax sa mga tao.
Joax: Nay, pakibigyan na nga ng softdrinks ang mga ito sagot ko.
Trabahador 2: Yun naman! Galante ni Boss! Maya kung nililigawan ka ni Boss sagutin mo na.
Maya: Pang Ms. Universe ang tipo niya... Ms. Palengke lang ako.
Nagtawanan sila.
Joax: Hindi bale ikaw naman ang Ms. Universe ng buhay ko.
Maya: Alam mo Joaquin, gutom lang yan, maupo na nga kayo ni Diko, ipaghahain ko na kayo.
Joax: Sabayan na ninyo kami para mas masarap ang kain. Sige na Bes, palambing lang.
Trabahador 3: Patay na! May nanalo na naglalambing na eh.
Lalong nagtawanan. Tumayo ang mga trabahador na nasa lamesa sa harap nila Maya.
Trabahador 2: Boss dito na kayo oh.
Tinapik ni Joax ang balikat nito. Mayamaya pa paisa-isa ng nagalisan ang mga trabahador. Magkatabing nakaupo si Robby at Sheryl katapat ni Robby si Joax. Naghahain naman si Nanay Berna at Maya.
Nanay Berna: Sige na sabayan na ninyo silang kumain, ako naman eh kakakain ko lang ng carbonara.
Naupo si Maya sa tabi Joax. Siniko siya nito.
Joax: Mukhang umaasenso ka na ah, balita ko swelduhan mo na si Uro at Baste
Maya: Sinunod ko ang payo mo at tama ka mas magaang para sa akin at mas madalas ko pang kasama si Nanay at Ditse.
Joax: at mukhang pumuputi ang kulay mo.
Maya: Oo nga eh bihirang maarawan eh.
Joax: Galing ka daw sa Hacienda nung Friday? Masayang masaya na naman ang Tatay Damian mo eh. Hindi tayo nagkikita don.
Maya: Oo nga, maagap kasi akong parati alam mo na ayokong matraffic at nakakapagod magmaneho.
Joax: Madalas naman kasi ang mga meeting ko doon sa hapon eh.
Maya: Teka nga pala, Ditse, totoo bang magpapakasal na kayo?
Sheryl: Hindi, yang Diko mo puro kalokohan pero in fairness gusto ko ang idea ng reception dyan sa hotel.
Robby: Gusto ko din ang idea na ikaw ang Maid of Honor at si Joax ang Bestman pero mga dalawang taon pa siguro. Aasikasuhin ko muna ang pagaayos sa lupa dito. Mahirap namang magpatayo ng bahay kung hindi tayo sigurado na sa inyo ito.
Maya: Dito kayo magpapatayo ng bahay?
Robby: Ilalayo ko ba naman sa inyo ang Ditse mo syempre, hindi. Alam ko mas gusto niyang kasama kayo kaya, kapag naayos ang lugar na ito. Dito kami magtatayo ng bahay.
Sheryl: Aba, may balak ka pala talagang pakasalan ako?
Robby: Babe ha, hindi magandang biro yan.
Sheryl: Joke lang pero saka na lang ako sasagot kapag tinanong mo na ako.
Maya: Kunyari ka pa Ditse eh oo din naman ang isasagot mo. Salamat Robby ha.
Sheryl: Ano na nga ba ang nangyari? Maayos na ba ang mga titulo ng mga lupa dito?
Robby: Inacquire ng isang developer ang lupa, idedevelop at gagawing semi subdivision at townhouse at ibebenta sa mga matatagal ng nakatira dito ang bahay at lupa ng hulugan, Katulad sa Haven Village.
Maya: Talaga? Ok yon, kaya lang syempre kailangan namin umalis para gawin ito, saan naman kami pupunta habang ginagawa ito?
Robby: Nakausap na ng developer ang mayari ng bakanteng lote dyan sa tabi ng ginagawang hotel. Magtatayo ng temporary shelter dyan para iaccommodate ang lahat ng nakatira dito. Huwag kang magalala dahil nasa bukana kayo, hindi aalisin ang bahay at karinderya ninyo habang ginagawa yan. Dahil huling-huling gagawin ang entrance ng subdivision at makakatulong ang karinderya ninyo sa mga workers.
Nanay Berna: Robby, hindi ka naman nagkaproblema sa pagkausap sa mga taga dito?
Robby: Nung una ho marami ang ayaw pumayag pero ng ipaliwanag ko naman maayos naman ho. Napapirma na ho namin silang lahat at nakatulong ho na nakita nilang nakapirma na kayong magiina, si Hepe at Kapitan.
Nanay Berna: Kailan sisimulang gawin yan?
Robby: Baka sa susunod na buwan ho. Depende ho sa dami ng makukuhang manggagagawa. Kung masusunod ho ang nasa kontrata. pinakamabilis ho ang anim hanggang walong buwan pinaka matagal na ho ang isa't kalahating taon.
Nanay Berna: Mabilis pala. Kailan naman sisimulan?
Robby: Uunahin ho muna yung shelter, nagtatabas na po ng mga damo doon, hinuhukay ang mga lupa para maalis ang mga puno kasama ang ugat nito. Kapag malinis na ho yon. Itatanim hong muli ang mga puno sa apat na sulok ng lote para may lilim doon. Sa pagitan ng mga puno ihehelera ang mga container van na magsisilbing pansamantalang bahay ng mga tao dito.
Nanay Berna: Roberto, hulog ka ng langit sa amin. Maraming salamat anak.
Robby: Nay, inayos ko lang ho ang mga papeles at kinausap ang mga tao. Pero ginawa ko yon dahil mahal ko ho ang anak ninyo at mahal ko kayo kaya hindi ko kayo pababayaan. Naluha si Nanay Berna, niyakap ito ni Robby. HInawakan naman ni Sheryl ang kamay nito.
Tumulo ang luha ni Maya sa tagpong yon. Nakita yon ni Joax, dumukot ng panyo sa bulsa at pinahiran ang pisngi ni Maya. Pinilit ni Maya ang ngumiti.
Nanay Berna: Mabuti mabait ang mayari ng lupa sa tabi ng hotel at pumayag na magamit yon para lipatan ng mga tao.
Robby: Hindi naman daw ho kasi nila ginagamit, ang gusto lang niya mismong developer ang magtayo ng shelter para hindi magmukhang squatter. Ang mayari ho ng hotel at ng bakanteng lupa hong yon ay iisa. Ang totoo ho, ipinauna niyang gawin ang pader sa likod ng hotel kung saan nakapwesto ang banyo at shower rooms sa area ng swimming pool para daw may magamit na banyo ang mga taong lilipat sa bakanteng lote.
Sheryl: Ang bait naman non.
Nanay Berna: Teka kilala mo ba ng personal ang mayari ng lugar na yon? Baka naman pwede naming makilala at makapagpasalamat man lang ng personal. Maipagluto man lang namin siya bilang pagtanaw ng utang na loob.
Robby: Oho, kilala din ho ninyo siya.
Nanay Berna: Ha? Sino?
Robby: Si Joaquin ho. Ang lupa hong yon, pati ang lupang tinatayuan ng hotel ay pagaaring minana niya mula kay Tita Joan ang namayapa niyang Mama. Siya din ho ang nagutos na alukin ng trabaho ang mga tao dito sa inyo para mapabilis ang paggawa ng hotel. Siya rin ho ang kumausap sa developer para iacquire ang lupang kinatitirikan ng bahay ninyo.
Nagulat sila, tumayo si Sheryl at niyakap sa leeg si Joaquin. Yumakap din si Nanay Berna.
Nanay Berna: Kasihan ng Diyos ang kabutihan ng iyong puso Joaquin. Maraming salamat.
Joax: Wala ho yon Tita, ginawa ko lang ho ang sa palagay ko ay tama. Gusto ko lang din hong magkaron ng saysay ang lupang ipinamana sa akin ni Mama. Kapag natapos ho ang subsivision ninyo at nakalipat na kayong lahat sa mga bahay ninyo. Ipapagawa ko hong park yong bakanteng lote na ipapangalan ko sa aking Mama at tatayuan ng isang commercial building na paparentahan. Nakatulong na ako, kumita pa hindi ba?
Sheryl: Wow! Nay, pwede tayong magrenta doon at gawing maliit na restaurant ang karinderya natin.
Robby: Pati tindahan ng gulay pwede, imbes na doon ang bagsakan mo sa palengke 'Neng pwede ng doon sa commercial building ni Joax sigurado namang mababa ang rentang sisingilin sa inyo ni Joaquin.
Tahimik na nakikinig lang si Maya, hindi malaman ang sasabihin.
Sheryl: Naeexcite naman ako, magiging subdivision na ang lugar natin. Teka Babe, alam mo ba kung ano ang magiging pangalan ng Subdivision?
Robby: Havensville Subdivision.
Napatingin si Maya kay Joaquin.
Maya: Daddy mo ang developer ng lugar namin?
Tumango si Joax.
Joax: Havensville Subdivision ang anak ng Haven Village. Ang Haven Village ang huling bagay na ginawa ng Daddy para kay Mama at ang Havensville ang huling bagay na gagawin ko para sa kanya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinignan ni Maya si Joax ng may paghanga. Ang dating playboy, astig at mayabang sa paningin niya nagmistulang anghel sa buhay nilang magiina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro