Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33 - Date?

Biyernes ng bandang tanghali nagtext si Joax kay Maya, ibinigay ang presyong kailangan nitong bayaran para sa delivery ng araw na yon. Inihanda naman ni Maya ang pambayad.

Maya:  Nay, mamaya ho magkikita kami ni Joaquin, magbabayad ako nung delivery niya.

Nanay Berna:  Ah ganon ba, sige basta magiingat ka lang.

Maya:   Opo Nay, bakit pala nandito si Robby kahapon ng umaga?  Nagmamadali ako hindi ko na nakausap eh.

Nanay Berna:  Nagtatanong kung marunong daw ba akong magluto ng igado.  Dahil yun daw ang gustong ulam ni Joaquin.  Nagluto daw yung katulong sa bahay hindi nagustuhan ni Joax. Kaya eto ang niluto ko ngayon para sa tanghalian dahil bibili daw si Robby.

Maya:  Talagang nagustuhan niya ang Igado.  Nakakatawa Nay hindi niya alam kung ano yon noong una eh.

Nanay Berna:  Naikwento nga ni Robby, nung martes daw nagpaluto sa katulong tapos kahapon nagpapahanap na naman.

Sheryl:  Maya, magkikita kayo ni Joaquin ngayon?

Maya:  Mamaya Ditse, magbabayad lang naman ako.

Sheryl:  Saan naman kayo magkikita?  Niyaya din akong lumabas ni Robby mamayang gabi eh, pwede ba Nay?

Nanay Berna:  Oo naman, basta wag naman abutin ng umaga ha.

Sheryl:  Uuwi kami ng 12 Nay promise.

Maya:  Ititext daw niya mamaya kung saan.

Sheryl:  Teka bakit hindi na lang siya pumunta dito para kunin ang bayad mo o kaya ikaw ang magpunta doon sa kanila?

Maya:  Ewan ko basta sabi magtetext na lang daw.  Eto na pala, sa Italianis daw, 7pm.  Doon na daw kami magdinner.

Sheryl:  Oh my God, baka date na yan!

Maya:  Alam mo Ditse exagerated ka talaga eh.  Para magkikita lang para kumain ng hapunan, date na agad?  Bakit hindi ba pwedeng gawin ng magkaibigan yon?

Sheryl:  O anong isusuot mo?

Maya:  Eh di yung pantalon ko... 

Sheryl:  Hindi pwede, umayos ka nga 'Neng.  Huwag kang magalala akong bahala sa yo.

Maya:  Ano na naman ang ipapasuot mo sa akin? Alam mo Ditse pareho kayo ni Joaquin.  May problema ba kayo sa itsura at pagkatao ko?

Sheryl:  Wala, pero pareho kami ni Joax na naniniwalang mas maganda ang pagkatao mo kaysa sa nakikita ng tao. Kaya gusto namin na mailabas yon.

Maya: Ewan ko sa inyo! 

Nanay Berna:  Bunso, tama naman ang Ditse mo at si Joaquin eh. Hindi porke taga dito lang tayo, hindi porke tindera hindi na pwedeng magayos ng maganda, o kailangan ng magsalita ng mga salitang kanto na yan eh. Isa pa dalaga ka na, hindi na bagay sa yo eh.  Kagandang babae tapos ganon magsalita.

Hindi na umimik si Maya, nagpunta sa lababo at naghugas ng mga pinagkainan ng mga Customer. Si Sheryl pumasok sa kwarto at naghanap ng damit para sa kapatid.  Mayamaya dumating si Robby.

Robby:  Hi Maya!

Maya:  Oh Diko bat andito ka?

Robby:  Bibili ng ulam, nagluto si Nanay Berna ng Igado di ba?

Maya:  Ah oo, Nay yung Igado daw ni Robby

Nanay Berna:  Tamang tama kaluluto lang eh.

Robby:  Dito na lang ho ninyo ilagay, punuin na ho ninyo yan at ng mailagay sa ref ang iba para kapag naghanap si Joaquin may maiinit pa.

Nanay Berna:  Aba eh para palang naglilihi sa Igado si Joaquin.

Robby:  Nay, sya nga pala, ipagpapaalam ko ho sana si Sheryl, kakain lang ho sa labas tapos magdidisco.

Nanay Berna:  Sige, pero Robby huwag naman sana hanggang madaling araw.

Robby:  Hanggang alas dose lang Nay.  Sama ka Maya?

Maya:   Magkikita kami ni Joaquin, may babayaran kasi ako sa kanya na delivery eh doon daw sa Italianis tapos don na din maghahapunan.

Robby:  Talaga? Loko yon ah, naikwento niya yung tungkol sa umorder ng marami pero yung lakad ninyo hindi.

Maya:  Bakit naman niya ikukwento eh, magkikita lang kami para magkabayaran na hindi naman talaga lakad yon eh.

Robby:  Sabagay...

Nanay Berna:  Oh Robby eto na, pitong order yan may dagdah yan ha.

Robby:  Eto po ang bayad.  Tutuloy na ho ako at baka gutom na si Joax.

Bandang alas sais pumarada ang sasakyan ni Joax sa tapat ng bahay nila Maya.  Nasa karinderya si Nanay Berna at nagsasara.

Joax:  Magandang gabi po.  Tita, ako na ho ang hihila niyan.

Nanay Berna:  O akala ko ba magkikita lang kayo ni Maya.

Joax:  Eh naisip ko hong sunduin na lang siya para hindi na ho siya magdala pa ng sasakyan, pwede ko din naman na syang ihatid mamaya.  Tita, sama ho kayo para makalabas naman kayo.

Nanay Berna:  Naku, hindi na at pagod na ako, magpapahinga na lang ako ng maaga at maaga naman bukas na magluluto eh.

Joax:  Sige, po dadalhan na lang namin kayo ng pasalubong. Salamat ho pala sa pagluluto ninyo ng Igado ang sarap eh lalo ko tuloy nagustuhan.

Nanay Berna:  Yaan mo minsan sa isang linggo parati akong magluluto non para nakakakain ka ng madalas.

Joax: Sinabi niyo yan Tita ha.

Nanay Berna:  Oo, at ipapatext kita kay Maya kapag may luto ako.

Joax:  Salamat ho.

Nanay Berna:  May lakad din sila Sheryl bakit hindi na lang kayo magsabay-sabay.  

Joax:  Naku, hindi ho magugustuhan ni Maya ang kakainan nila Robby, mamahaling restaurant ho kasi eh nung nasa Baguio kami sa ganong klaseng lugar kami kumain hindi lang ho masabi ni Maya pero sigurado ho akong hindi siya kumportable eh.

Nanay Berna:  Pasensya ka na sa bunso ko ha medyo kuripot yan eh.

Joax:  May katwiran naman ho si Maya, pwede namang kumain ng masarap at mabusog ng hindi masyadong mahal ang ibabayad, kaya ho ngayon ipapakita ko sa kanya na hindi lahat ng magagandang restaurant mahal ang pagkain.

Nanay Berna:  Joaquin, salamat sa magandang ipinakikita mo sa bunso ko ha.

Joax:  Mabait ho ang bunso ninyo eh. Nakatuwa ang pagkausap niya sa halaman at puno lahat nga ho ng taga Hacienda nalungkot ng umalis siya eh. Katulad ho kasi ni Maya ang Mama ko, naniniwala silang buhay ang mga puno at naririnig nila tayo.

Nanay Berna:   Sa Tatay niya yan nakuha, mahilig ang asawa ko sa mga halaman kaya si Maya lumaking mahal ang mga halaman.

Naisara na nila Joax at Nanay Berna ang karinderya.

Nanay Berna:  Tuloy ka muna, nagbibihis pa yung mga dalaga ko eh.

Sumunod naman si Joax, mas maayos nga ang itsura ng bahay.

Joax:  Ok ho, itong ginawa ninyo sa bahay, lumuwang eh, nagkasala at dining area na kayo.

Nanay Berna:  Oo nga eh, upo ka muna, pindutin mo na lang yang electric fan.

Naupo naman si Joax sa set na gawa sa kahoy. PInagmasdan ang loob ng bahay, kahit maliit at gawa sa kahoy ang buong bahay, malinis at maayos ito at may mga halaman sa loob.

Joax:  Alaga ho ba ni Maya ang mga halamang ito?

Nanay Berna:  Oo at may mga pangalan yan, yang nasa kanan si Samie at yang isa naman si Bernie. Kung nagkaron daw kasi siya ng kapatid na lalake yun ang gusto niyang pangalan.

Lumabas ng kwarto so Sheryl, nakasuot ng black na fitted dress na may V neckline at nakahigh heels. 

Sheryl: Oh ang aga mo naman, tsaka di ba magkikita lang kayo eh bat nandito ka?

Joax:  Maaga talaga akong pumunta kasi baka makaalis na siya eh naisip ko sunduin na lang siya para hindi na siya magdala ng sasakyan o sumakay pa ng tricycle.

Sheryl:  Sigurado ka bang hindi date yan?

Joax:  Sheryl naman, magkaibigan lang kami ni Maya, malinaw yun sa akin kung gustuhin ko mang mabago yon, kayo ni Tita ang unang makakaalam.

Sheryl:  Eh gentleman ka naman pala eh.

Joax:  Hindi ba halata?

Sheryl:  Hindi naman sa ganon, litaw na litaw lang kasi sa dating mo ang pagkaplayboy eh.

Joax:  For the right person She, I can change if I want to.

Ngumiti si Sheryl.

Joax:  Bagay sa yo ang suot mo, sexy ah.  At bagay sa pupuntahan ninyo. Nagpareserve pa si Robby para sa dinner ninyo ngayon eh. 

Narinig nila ang paghinto ng isang sasakyan sa labas. Tumakbo si Sheryl papasok ng kwarto natawa si Joax. Ang nasa isip, "mga babae talaga!"

Robby:  Nay Berna, good evening po.

Nanay Berna:  Tuloy ka Robby.

Joax:  Yun oh, may pabulaklak talaga.  Ang sweet ah.

Sinuntok ni Robby si Joax.

Robby:  Ikaw nga excited lang?  Ang aga mo eh.

Lumabas si Maya sa kwarto.

Maya:  Nay, bagay naman itong sneakes sa damit ko hindi ba? Ay kabayong joaquin!

Nanay Berna:  Oo naman, ganyan na ang uso ngayon kahit nakapalda nakarubber shoes.

Maya:  Nakakagulat ka naman Joaquin. Bakit nandidito ka?

Robby:  Wow, Ineng nakadress ka ata ngayon.  Bagay sa yo.

Maya:  Yung jowa mo kasi makulit eh, kung ano-anong pinapasuot sa akin.

Joax:  Sinundo na kita para hindi ka na magdala ng sasakyan.  Bagay naman sa yo, cute mo kaya.

Bahagyang namula ang pisngi ni Maya, hindi siya sanay na pinupuri siya ng ganon.

Sheryl:  Neng, yung sling bag mo.  Hi Robby!

Isinukbit ni Maya ang bag sa katawan.  Nakatunganga si Robby kay Sheryl, siniko ni Joax.

Robby:  Hello! Flowers for you She!

Maya:  Ayos ah, may bulaklak talaga. Ikaw na talaga Diko!

Natawa si Robby. Tumayo at lumapit kay Sheryl.

Robby:  Nay, tutuloy na ho kami.

Naunang lumabas si Maya, tinawag si Baste.

Lumabas na din sila Robby at Sheryl kasunod si Joax.  Tumatakbong palapit si Baste, umakmang aakbayan si Maya.

Maya:  Oy, huwag kang makadikit sa akin sisikmuran kita, hindi ka pa naliligo no!

Baste:  Ang yabang mo Astig ah porke nakabestida ka lang dyan eh. Saan ba ang lakad ninyo?

Maya: Si Ditse may date.  Ako, may paguusapan kaming negosyo nitong si Joaquin.

Baste:  Maguusap lang lalabas pa? Pwede naman dito.

Joax:  Ganon talaga ang mga negosyante Baste.  Kapag nasa labas kasi marami kang maiisip na pagkakakitaan.

Maya:  Baste, samahan mo muna si Nanay ha. Kapag kailangan mong umalis pasamahan mo kay Nitoy.  Basta huwag mong iwanang magisa kung hindi di ka na makakautang ng paninda sa akin.

Baste:  Akong bahala kay Nanay. Pasalubong ko Astig ah.

Ginulo ng Maya ang buhok ni Baste.

Maya:  Dyan ka magaling eh, pero sige papasalubungan kita.

Naghigh five, shakehands, pinaguntog ang siko at pumitik si Baste at Maya.  

Baste:  Oy, Astig, umuwi ka ng maaga ha, delikado gabi na.

Maya:  Tatay ba kita? 

Baste:  Oy hamak namang mas bata ako no, mas gwapo lang ng konti si Tatay.

Maya:  Luko-luko!

Sumakay na sa sasakyan si Robby at Sheryl. Pinagbuksan ng pinto ni Joax si Maya at inalalayang makasakay at saka lumipat sa driver's side at saka sumakay.  Bumusinang pareho si Robby at Joax, kumaway naman si Maya at Sheryl sa ina.

Naiwan si Baste na nakatayo sa harap ng bahay at nakatanaw sa mga sasakyang kaaalis lang.

Baste:  Nay Berna, pinopormahan ba ni Joax si Maya?

Nanay Berna:  Hindi, alam naman niyang hindi nagpapaligaw si Maya at magkaibigan lang sila. Tinuturuan lang ni Joax si Maya sa pagnenegosyo. Pero kung sakali wala namang masama kung magustuhan at ligawan niya si Maya.  Dalaga naman ang anak ko at mabait na tao naman si Joaquin.

Baste:  Nay naman eh akala ko  ba ako ang manok ninyo?

Nanay Berna:  Baste, totoo naman kung ako ang tatanungin ok ka sa akin, pero hindi naman ako ang magdedesisyon kung sakali eh.  Nakay Maya pa rin yon.

Natahimik si Baste ang nasa isip, "Yung nga at mukhang dehado na ako."












































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro