Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 - Shared thoughts

Pagdating nila sa bahay nila Maya. Nandon si Baste. Sinalubong nito si Maya at inakbayan. Napakunot na naman ang noo ni Joax. 

Baste:  Mahal saan ka galing?

 Maya:  Saan pa eh di nagdeliver, ikaw bakit ka nandito?

 Baste:  Sinasamahan si Nanay, walang kasama eh.

 Maya:  mano po Nay. 

 Joax:  Magandang hapon po Tita, mano po. 

 Nanay Berna: Oh, mabuti nagpunta ka Joax, akala ko dahil wala si Robby hindi ka na sasama dito eh.

 Joax:   Kung ok lang ho dito ko na hihintayin si Robby.

 Nanay Berna:  Aba eh oo naman. 

 Naupo si Baste sa tabi ni Maya at inakbayan ulit ito... 

 Baste:   Astig, mukhang madami kang nasingil ngayon ah. 

 Hindi na nakatiis si Joax, hinawakan ang kamay ni Baste. 

 Joax:   Baste... halika.

 Baste:   Teka naman napipilipit ang braso ko. 

 Joax:   Ay sorry bro! Itatanong ko lang may kilala ka bang pwedeng magcarwash ng sasakyan ko? Iniwan ko sa ATC sa harap sa parking area eh naalala ko ang dumi na non. 

 Baste:  Gusto mo ako na ang kukuha at maglilinis doon sa tapat ng bahay namin. 

 Joax:  Sigurado ka? Hindi ba nakakahiya? 

 Baste:   Oo, ano namang nakakahiya don eh babayaran mo naman ako.

 Joax:   Sige, paki na lang ha. Eto ang susi oh. 

 Nanay Berna: Baste, magingat sa pagmamaneho baka imbes na magkapera ka eh magkautang ka pa kapag nagasgasan ang auto ni Joax.

Baste:  Huwag ho kayong magalala kayang kaya ko to. 

Pagalis ni Baste, padabog na umupo si Joax sa tabi ni Maya. Nagulat si Maya. 

 Maya:  ano bang problema mo?

Joax:  Alam mo ikaw, ilang taon ka na ba? Bakit ka nagpapaakbay at nagpapahawak kay Baste kung saan-saan? 

Maya:   Walang malisya yon, kababata ko yong si Baste. 

Joax:   Sa yo wala! Pero sa kanya meron! Alam mong may gusto sa yo si Baste, kaya para sa kanya may malisya ang bawat paghawak niya. Lalake yon no! Pati yung si Carlo, pinabayaan mong hawakan at pisilin ka sa braso,kaano-ano mo ba siya? 

 Maya:  May asawa kaya yon. Malay ko naman na may malisya pala yon. 

 Nahampas ni Joax ang lamesa. 

 Joax:  Kahit pa! Dalaga ka na dapat inaalagaan mo ang sarili mo!  Besides gusto mo bang mamis-interpret ka nila at isiping may gusto ka sa kanila kaya ok lang sa yo yung mga ganong gestures?

Maya:  Syempre, hindi.

Joax:  Yun naman pala eh, makinig ka na lang kasi sa akin because I know lalaki ako eh.

Maya:  Oo na po... potah kung magalit ka naman daig mo pa si ditse kulang na lang kurutin mo ako sa singit eh!

Joax:  Maya, your words!

Maya:  O ngayon naman pati pagsasalita ko?  Ganito talaga ako magsalita eh

Joax:  Hindi kaya, you can stop using those words if you want to.  Nung nasa Hacienda ka, kahit nagtatalo kayo ni She hindi ka naman ganyan magsalita eh.  Hindi lang ba damit pati pagsasalita mo binabagay mo din sa lugar.  Isa pa hindi naman porke ganito ang lugar o mahirap ka ganyan ka magsalita.  Bakit si Nanay Berna o hindi naman nagsasalita ng ganon.

Nangingiti na lang si Nanay Berna sa pagtatalo ng dalawa.

Maya:  Bakit ba ang dami mong reklamo ngayon? Meron ka ba ha? Pinupuson Ka?

Joax:  Ano?

Maya:  Wala, hindi mo maiintindihan joke ng mga mahirap yon eh.

Joax:  Am just saying maaaring kapos ka sa kayamanan pero hindi ka kapos sa kaalaman.  You graduated college. Alam mo ang tamang mga salita. Igagalang ka ng tao kung kagalanggalang ka. So, bakit mo ibabagay ang sarili mo sa lugar kung pwede ka namang maging angat sa kanila. Nung nasa Hacienda ka, iginalang ka nila at minahal dahil nakita na nila ang nakatagong katangian mo.  Iginagalang ka ng mga tao dito, they look up to you, tinuturuan mo na lang din sila eh di lubus-lubusin mo na. Lalo na yung mga teenager na babae dito sa inyo. Be their model.

Maya:  In short, gusto mong baguhin ko ang sarili ko?

Joax:  May mali ba don kung sa ikabubuti mo naman?  Maya, you're 23, dalaga ka na, may pinagaralan, matalino, matapang at may sariling desposisyon sa buhay.  Hindi ka lang basta si Maya na tindera sa palengke o si Astig na siga ng Alabang Gilid.  Pero yun lang ang kilala ng mga tao dito. Kami ni Robby pati ang pamilya mo at lahat ng taga Hacienda alam na there's more to you than what other people see. Ayaw mo bang makilala ka nila ng higit pa sa inaakala nilang kakayahan mo?

Hindi nakaimik si Maya dahil alam niya na tama si Joax. Dahil ang totoo marami siyang pangarap  na kinalimutan ng makagraduate siya ng kolehiyo dahil inilaan na niya ang sarili para sa kanyang Ina at kapatid.

Maya:  Wala eh, ganon talaga. Eto na ako eh, tama na sa akin na umasenso si Ditse. Maging sikat na modelo para bumagay siya sa mundo ng kanyang ama at pagdating ng panahon pagsisihan nitong hindi niya ipinaglaban ang anak na katulad niya.  Tama na sa akin na mapalago ang negosyong iniwan ni Tatay kay Nanay para mabuhay kami ng maayos at marangal. Ok na ako don Joaquin.

Joax:  Papano naman ang sariling kaligayahan mo Maya?

Maya:  Kaligayahan ko na ang araw-araw na kasama ko ang pamilya ko at  ang makita silang masaya, malusog at walang pinoproblema sa buhay.  Yun lang Joaquin sapat na para mabuhay akong araw-araw na masaya.

Gina:  Nanay Berna, pwede ba kaming kumain at dito magaral ng mga kaklase ko, ang ingay sa bahay eh 

Nanay Berna:  Oo naman, sige dyan na kayo sa dulong mesa para walang nakakaistorbo sa inyo.

Gina:  Salamat ho, ang dami kasing assignment eh may quiz pa bukas.  Paorder na din ng anim na pancit tsaka egg sandwich.

Naupo ang anim na teenager na babae sa lamesa sa dulo.

Gina:  Hi Ate Maya!

Maya:  Oh Gina kamusta? 

Gina:  Mabuti naman Ate, ay oy siya si Ate Maya, siya ang tumulong sa akin para don sa dula-dulaan natin. Ate Maya, sila yung kasama ko sa group.

Bumati ang mga kaklase ni Gina kay Maya at nagpasalamat.

Maya:  Wala yon, oh eh kamusta naman ang grado ninyo don.

Gina:  Ate, 98 ang binigay na grade ng teacher namin kaya salamat.

Ngumiti si Maya.  Tumayo si Joax, para tulungan si Nanay Berna na magdala ng pagkaing inorder ng mga dalagita.

Gina:  Ate Maya, hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala.

Joy:  Ang gwapo naman ng boyfriend mo Ate Maya. 

Maya:  Ako, may boyfriend? Wala ah.

Gina:  Sus si Ate kunyari pa, eh sino siya? Malayo pa nakita na namin kayong nagkukwentuhan eh.

Napapangiti si Joax.  

Maya:  Ah siya si Joax, kakosa ko yan. Supplier ng mga gulay na binabagsak ko sa palengke.

Joax:  Hi pretty girls!

Bumungisngis ang mga dalagita.

Gina:  Sayang, akala ko BF mo, kinikilig pa naman ako sa inyo. Bagay kaya kayo lalo na kapag ganyan ang itsura mo na hindi ka bihis lalake.

Maya:  Pinsan siya ni Robby

Gina:  Kaya naman pala, pareho sila ni Kuya Robby, gwapo.  Kapag dalaga na ako sana ganyan kagugwapo ang mga manliligaw sa akin.

Joax:  Bakit Gina, bagay ba talaga kami ni Maya?

Gina:  Oo naman po!  Kaysa naman don kay Kuya Baste.  May gusto yon kay Ate eh.

Maya:  Gina, mamaya marinig ka ni Baste.

Gina:  Totoo namang may gusto yon sa yo, narinig ko sabi niya kila Bugoy pipilitin niyang umasenso at liligawan ka niya.

Bumulong si Joax kay Maya... "I told you."

Joy:  Si Kuya Joax oh pabulong bulong pa, baka nagseselos ka kay Baste.

Joax:  Hindi ah, ako pa.  Eh sabi niyo nga mas gwapo ako sa kanya.

Nagtawanan sila, hinampas ni Maya si Joax.

Maya: Mamaya maniwala sa yo yang mga bata puro ka kalokohan.

Yun ang tagpong dinatnan ni Baste ng huminto ito sa tapat ng bahay nila Maya.

Baste:  Joax, doon ko na lilinisin ito sa tapat ng bahay namin ha.

Joax:  Oo bro sige, salamat ha.

Pagalis ni Baste.

Gina:  Kotse mo yon Kuya Joax?

Tumango si Joax.

Gina:  Hindi ka lang gwapo mayaman ka pa eh samantalang si Baste tagalinis lang ng kotse.

Bumungisngis ang mga dalagita.

Maya:  Gina, huwag ganon.  Hindi naman sa itsura at yaman lang dapat tignan ang tao.  Maaring kapos sa yaman si Baste pero mabait at maasahan siyang kaibigan, mabuti ang kanyang kalooban at masipag pa.  At kung totoong sinabi niya na pipilitin niyang umasenso para magustuhan ng isang babae... may tyansang tapat din siya kung magmahal.  At ang mga katangian iyan ay higit pang magugustuhan ng babae kaysa sa kahit anong yaman sa mundo.  Kaya ikaw kung pipili ka ng lalake kapag dalaga ka na siguraduhin mong hindi lang siya gwapo at mayaman kung hindi malinis ang puso niya at ikaw lang ang mamahalin niya.

Hindi nakaimik si Joax, pakiramdam niya pinariringgan siya ni Maya.

Joax:  Tama si Maya, pero dapat kayo din para magustuhan kayo ng mga lalaki, alagaan ninyo ang inyong sarili, hindi lang basta maganda dapat may pinagaralan at ginagamit ito sa tamang paraan. Maayos magsalita, maayos kumilos at malakas ang loob na ipakita sa lahat ang kakayahan ninyo para hindi kayo maliitin ng mga tao. Dahil ang lalaking katulad ko hindi kayo titignan sa yaman ninyo kung hindi sa kung ano ang kaya ninyong gawin sa buhay.

Napatingin si Maya kay Joax, pakiramdam niya pinariringgan siya ni Joax.  Inirapan niya ito. Natawa si Joax.  Pumasok si Maya sa kusina sinundan ni Joax si Maya.

Joax:  Oh ikaw ang naunang magparinig ha.

Maya:  Hindi naman kita pinariringgan eh.  Totoo lang naman ang sinasabi ko.

Joax:  Pero totoo ding ang katulad ko pwedeng magbago kung gugustuhin para sa ikabubuti ng pagkatao. Katulad mo din.  Ako, naniniwala akong there's more to that Maya that people knew dahil nakita ko yon.  Sana in time maniwala ka  at makita mo din that there's more to me than that playboy at astig na nakilala mo.

Lumabas na si Joax at pinuntahan si Baste.  Naiwan si Maya na nagiisip, "eh bakit ko kailanganan makita yon?"























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro