Chapter 27 - Love moves
Pagdating nila sa Clubhouse, sinalubong sila ng President ng Homeowners.
Mr. Marasigan: Good evening Sir Joax! Sir Robby! Good evening sa inyong lahat.
Bumati din naman sila. Nakita nila doon sila Carol, Jean, Bernard, Herman at ang iba pang taga Hacienda.
Nang makita ni Bernard si Maya, tumayo ito at lumapit sa kanila.
Gani: Oy Bernard, Herman sinong kasama ninyo?
Bernard: Nayaya kami ni Carol. Hi Grace!
Bumeso si Bernard kay Grace, tapos kay Sheryl.
Bernard: Hi Maine! Mukhang iba ka ngayon ah.
Maya: Si Ditse kasi alam mo na!
Bumeso din ito kay Maya.
Bernard: Bagay sa yo!
Maya: Thanks!
Bernard: Nice to see you Sir Joax.
Joax: Hello! Oh Herman mabuti nakapunta kayo.
Herman: Oo nga Sir eh, Nandiyan din sila Maynard at Ryan at Samuel.
Joax: Sige, mamaya puntahan ko kayo. Dito muna kami ha.
Sinamahan na sila ni Mr. Marasigan sa lamesa nila.
Mr. Marasigan: Sir, anong gusto ninyong inumin? Brandy, Rum, Whisky o Scotch?
Joax: Robby ano?
Robby: Scotch na lang pati si Gani.
Mr. Marasigan: Ms. Sheryl kayo po?
Sheryl: May Flavoured vodka?
Mr. Marasigan: Meron
Sheryl: Yah ok na yon, pare-pareho na lang kami.
Mr. Marasigan: Ok sige ipapadala ko na lang dito.
Joax: Thank you Sir.
Mayamaya lumapit ang isang waiter. Naglagay ng isang bote ng black label, ice bucket at anim na baso at isang bitcher ng vodka gatorade. Kasunod nito ang isang waitress nilagyan sila ng mga platito at tinidor. Isang plato ng nachos with beef,cheese and dip, potato chips, calamares at chilled vegie sticks.
Tumingin ang Waiter kay Maya.
Waiter: Mam, lagyan ko na kayo ha.
Maya: Thanks!
Bumulong si Joax.
Joax: Kita mo pati Waiter hindi pumayag na hindi magpapansin sa yo.
Maya: Sira, trabaho nya yan eh, ikaw talaga!
Nang malagyan ng lahat ng baso nila ng inumin, umalis na ang Waiter. Nagcheers naman silang anim.
Joax: Anong gusto mong kainin?
Maya: Yung nachos na lang busog pa ako eh.
Nilagyan ni Joax ang pinggan nila ng Nachos at calamares.
Joax: Nilagyan ko na din mukhang masarap eh tsaka malakas mamulutan yan si Robby at Isagani. Mamaya wala ka ng kakainin.
Napabungisngis si Maya. Nakakadalawang shot pa lang sila. Lumapit si Mr. Marasigan may ipapakilala daw sa kanila ni Robby. Nagpaalam naman si Joax sa kanila.
Joax: Ladies sandali lang ha, iwan muna namin kayo kay Gani. May ime-meet lang kami ni Robby. Alam niyo na business as usual.
Maya: Ok sige.
Lumipat ng upuan si Maya sa tabi ni Sheryl, nakipagkwentuhan sila kay Gani. Nagkukwento si Gani ng mga nangyari sa kanila nung kabataan nila. After 15 minutes naupo sa tabi ni Maya si Bernard. Nakiupo na din sa lamesa nila sila Herman, Carol at Jean bitbit ang mga inumin nila. Masaya naman silang nagkukwentuhan. Napatingin si Maya sa oras sa cellphone niya. Isang oras ng hindi bumalik si Joax. Hinanap ng paningin niya kung nasaan ito. Nakita niyang nakatayo ito kausap ang isang may edad ng lalaki at nakatayo sa tabi ni Joax ang isang maputi, maganda at sexy na babae.
Bernard: Yung matandang lalaki ang mayari ng banko dyan sa gilid ng gate ng Haven at yung babae, anak niyang dalaga.
Mayamaya, may lumapit na isang may idad ng babae at dalagang chinita.
Bernard: Yan naman si Mrs. Ching, May ari ng isang three storey building na mall dito sa Baguio at yung babae ang dalagang anak niya. Tapos yung isa pang babae na naka blue, anak na dalaga ng mayari ng kabilang Hacienda at yun namang nakapula ang Ms. Baguio ngayong taon na ito.
Nakikinig silang lahat kay Bernard.
Bernard: Mukhang pinapunta yang mga yan dito para makilala talaga si Sir Joax at Sir Robby. Hindi naman mga taga dito yan eh.
Sheryl: Malamang na bisita ni Mr. Marasigan.
Malapit ng maubos nila Maya ang isang pitcher ng vodka gatorade ng magyayang sumayaw sila Carol.
Carol: Halika sayaw tayong lahat para masaya.
Maya: Oo nga, ayokong maburo dito sa kakaintay.
Natawa si Gani.
Isagani: Oy eh bakit mo kasi hinihintay.
Maya: Naisip ko lang naman since siya ang escort ko ng pumunta dito it would be rude not to wait for him... but am changing my mind. We're here to have fun no, halika na Sis!
Sheryl: CR lang ako sunod ako sa inyo.
Tumayo si Bernard, inabot ang kamay ni Maya, inalalayan din ni Isagani si Grace. Bumulong pa si Maya sa kanilang lahat.
Maya: This is a party hindi business conference.
Ang lakas ng tawanan nila. Napalingon ang grupo nila Joax at Robby at nakita nilang nagpuntahan sa dance floor ang mga ito at nagsimulang magsayaw. Nakita ni Robby na hindi nila kasama si Sheryl, nagtext siya kay Sheryl.
Robby: San ka She?
Sheryl: NagCR lang. Maya was trying to be nice, hinihintay kayong bumalik but you guys seems to be enjoying naman so might as well have fun with the gang. Sasayaw na kami ha.
Robby: She, sorry ha. You know I'd rather be with you pero alam mo naman trabaho lang...
Sheryl: Ok lang, I understand.
Robby: So, sinabi talaga ni Maya na hinihintay niya si Joax.
Sheryl: Her exact words are, ayokong maburo dito sa kakahintay. Eh sino pa ba ang hihintayin niya eh kayo lang naman ni Joax ang umalis.
Dahil magaling sumayaw si Maya, kapansin-pansin ang mga moves nito. Matapos ang dalawang kanta dumerecho sila sa mobile bar at kumuha ng inumin. Lumapit si Mr. Marasigan may kasamang mga taga Haven ipinakilala kay Maya at Sheryl.
Mr. Marasigan: Ms. Maya, nageenjoy kayo?
Maya: Sir, oo naman po.
Mr. Marasigan: I want you to meet some people from Haven. This is Daniel ang ating Mr. Baguio ng taong ito at ang Team Captain ng ating basketball team si James.
Maya: Hi, nice meeting you.
Nakipagkamay ang mga ito kila Maya at Sheryl.
Maya: This is Sheryl, sister ko, si Grace and Isagani. Sila naman si Carol, Jean, Bernard at Herman.
Nagbatian ang mga ito.
James: Can we join you?
Maya: Sure.
Nakipagkwentuhan ang dalawa kay Maya at Sheryl. Nagsayaw naman ang iba pang kasama nila.
James: I saw you can dance.
Maya: Slight...
Daniel: Slight daw, ang galing mo eh nakita ko kanina pareho kayo.
Sheryl: Thanks.
James: Sayaw tayo?
Sheryl: Sige, tinatawag na nga tayo nila Grace eh.
Nakijoin naman sila sa pagsayaw. Nang makita ni Joax at Robby na iba na naman ang kasama nila Maya nagkatinginan ang dalawa.
Joax: Sino naman yang mga yan?
Narinig ni Mr. Marasigan kaya sumagot ito.
Mr. Marasigan: Sir, si Daniel ang Mr. Baguio ng taong ito at si James and Team Captain ng basketball team natin dito sa Haven.
Tumango si Joax pero nakakunot ang noo.
Robby: Nagtext si Sheryl, nagsabi naman na sasayaw sila, naiinip na daw kasi si Maya sa paghihintay.
Joax: She was waiting for me or rather us to come back?
Robby: Syempre, sabi natin sandali lang tayo eh hanggang ngayon hindi na tayo nakabalik. Alangan naman na nakaupo lang sila don. Besides, she tried being nice and wait kahit pa hindi mo naman siya date or is she?
Joax: Officially no but technically she was since siya ang kasama kong nagpunta dito.
Robby: Well, wala tayong magagawa iniwan natin eh. At least they were just dancing hindi pa naman pinauupo sa silya natin. Ako, am done with this business talks, I intend to save my night with Sheryl after that dance, ewan ko ikaw eh mukhang tama si Maya nageenjoy ka kasama ang mga babae dito.
Joax: Sinabi niya yon?
Robby: Yun ang sabi ni Sheryl sa text eh.
Robby: Kanina si Bernard at Herman ok lang, hindi ka dehado, eh yang Mr. Baguio palagay ko tatagilid ka.
Lalong napakunot ang noo ni Joax. Tinitigan ang lalaki habang nagiisip..."Gwapo nga, mukhang maganda ang katawan pati tindig, pero mas mayaman ako dyan am sure. Teka eh di lalo na akong tagilid, ayaw nga ni Maya sa mayaman eh. Teka nga muna ano ba iniisip ko bakit gusto ko ba si Maya?"
Sinuntok ni Joax si Robby sa braso.
Joax: Siraulo ka kung ano-anong pinapasok mo sa utak ko eh. Anong tatagilid eh hindi ko naman dinediskartehan si Maya.
Robby: Ah hindi ba? Eh sigurado ka ba naman na ayaw mong diskartehan eh sa pagkatulala mo nga kanina umapaw na yung tubig eh. Yung pagtakbo mo nung sumigaw siya para kang si Flash sa bilis. Nung niyakap ka, ganda ng ngiti mo eh. Baka lang kako may hindi ka sinasabi sa akin eh.
Joax: Wala no, hindi ba pwedeng magandahan ako sa kanya? Eh maganda naman talaga siya lalo na kapag bihis babae.
Robby: Sabagay, so ok lang talaga na may kasama siyang ibang lalake ngayon?
Joax: Oo naman, let her enjoy the attention minsan lang mangyari sa kanya yan eh.
Robby: Sinabi mo yan eh... ewan ko kung mabawi mo pa si Maya mamaya. Dyan ka na, babawiin ko lang yung date ko.
Nagpaalam si Robby sa mga kasama nila.
Robby: Excuse me ladies, I have a date to come back to.
Samantala, matapos ang mga modern song.
Daniel: Marunong kang magballroom dancing?
Maya: Konti, kung marunong magdala ang kasayaw ko . I think kaya naman.
Daniel: Good then, the next song is save the last dance for me.
Maya: Papano mo nalaman?
Daniel: Kahit saan ako umattend na party kapag nakikita ako tinutugtog yon kasi yon ang isinayaw ko sa pageant.
Natawa si Maya. Mayamaya tinugtog nga nagtawanan sila. Umalis na sa dance floor si Sheryl at James. Lumapit si Robby sa tabi ni Sheryl.
Robby: Hi, I'm back.
Sheryl: Hey, Robby si James, Team Captain ng Haven Basketball Team.
Robby: Hi bro!
Nagkamay naman ang dalawa at nanood sa mga nasa dance floor.
Robby: marunong bang magballroom dancing si Maya.
Sheryl: am not sure, but I think we will see it right now.
Kahit si Sheryl nagulat na hindi lang basta marunong kung hindi magaling magballroom dancing si Maya. Nang matapos ang kanta nagpalakpakan ang lahat, may sumisipol pa. Lumapit na sila kila Sheryl.
Robby: Galing mo Maya!
Sheryl: Good job Sis!
Lumapit sa kanila ang buong Team ng basketball pinakilala naman ni James ang mga ito kila Maya. Nagmodern dance ulit, nakipagsayaw ang mga player kila Maya,Sheryl, Grace, Carol at Jean. Naiwan sa mobile bar sila Robby, Isagani, Bernard at Herman.
Bernard: Ano tatayo lang ba tayo dito?
Robby: Halika doon sa table ni Joax maraming babae.
Isinayaw nga ng mga ito ang mga kasama ni Joax na babae sa table. Naiwan si Joax. Tumayo at naupo sa lamesa nila ni Maya. Naglagay ng alak sa baso niya at pinanood ang mga itong sumayaw. Pinagmamasdan ng mabuti si Maya. Habang nakatitig siya dito ang nasa isip... "she is a girl in every way especially her heart."
Naputol ang trend of thought niya ng marinig niyang tinatawag siya ni Robby. Napatingin siya dito. Tinatawag siya nitong sumayaw. Umiling si Joax. Tinungga ang laman ng baso at naglagay ulit. Iniinom niya ang pangalawang shot ng biglang lumapit si Sheryl at Grace at hinila siya.
Joax: Teka uubusin ko lang ito.
Sheryl: Bilis na kasi.
Hinila siya ng dalawa sa dance floor. Magaling ding sumayaw si Joax. Nasa tapat niya si Maya at pumapalakpak ito habang sumasayaw. Nakabilog na silang lahat at masayang nagsasayawan. Hindi maintindihan ni Joax pero naiinis siya kasi pabulong bulong pa yung Daniel kay Maya habang sumasayaw. Si Maya naman bumubungisngis pa. Mayamaya hinila naman ni Bernard sa gitna ng bilog nila at magkahawak kamay na sumayaw. Napapasimangot na si Joax at napansin yon ni Robby, sumimple ng lapit ito kay Joax at tinulak ito sa gitna.
Joax: Sorry Bernard may nanulak eh.
Ngumiti at tumango naman si Bernard. Eksaktong tinugtog ang trumpets. Nakatayo sa tabi ni Maya sa gitna si Joax. Sumigaw si Robby.
Joax: Go Joax!
Sumayaw naman si Joax, sinabayan ni Maya ang steps nito.
https://youtu.be/UWozpKYDUNA
Eksaktong napaharap kay Maya ng gumiling ito. Tawa ng tawa si Maya. Nang matapos ang kanta nagpalakpakan sila, pabalik na sana sila sa lamesa ng tumugtog ang kantang "Love on Top" bumalik ang mga babae sa dance floor hinila ni Grace si Maya pabalik. Bumalik na sila Joax sa lamesang inupuan nila Maya. Nilagyan ni Isagani ng alak ang mga baso nila.
Robby: Parang hindi sila napapagod ano.
Joax: Pagkatapos niya uhaw yang mga yan
Tinawag ni Joax ang waiter at umorder ng isa pang pitcher ng vodka gatorade at pinalagyan ng crushed ice.
Nanood sila habang sumasayaw ang mga babae nagkakantahan pa ang mga ito at sinasabayan ang tugtog. Pagdating sa part na chorus "Baby it's you. You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby it's you." Nagtuturo ang mga babae. Pakiramdam ni Joax siya ang itinuturo ni Maya, nakatingin at nakangiti ito sa kanya. Kaya napapangiti din siya dito.
Pinakinggan niya ang lyrics ng kanta habang nanonood kay Maya, kaya pagdating ulit sa chorus sigurado siyang siya ang itinuturo nito. Nangantyaw si Robby at Isagani.
Isagani: Joax its you daw!
Robby: Yun oh!
Joax: Mga loko kayo, wala lang maituro yan.
Pero ang totoo inuulit-ulit niya sa isip ang lyrics ng chorus na "Baby it's you. You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby it's you."
Nang matapos ang kanta, bumalik na sila Maya sa tabi ni Joax. Pawis na pawis ito. Dinukot ni Joax ang panyo sa bulsa at iniabot kay Maya.
Maya: Thanks!
Dumating ang drinks nila. Nilagyan ni Joax ang baso ni Maya at iniabot dito.
Joax: Oh inom ka muna.
Maya: Oo nga eh napagod ako grabe.
Joax: Eh papano lahat na lang isinayaw mo.
Maya: Alangan naman magmukmok ako dito para hintayin ka. At mukhang nageenjoy ka naman doon kanina.
Hindi nakaimik si Joax.
Maya: Don't get me wrong, naiintindihan ko naman it's who you are and it's work so Ok lang. I was waiting for you to come back para magpapalam man lang sumayaw eh ang tagal mo kaya nung magyaya sila Ditse sumama na ako.
Joax: Ok lang yon, basta ba nagenjoy ka eh.
Pero may lungkot na naramdaman si Joax, ng sabihin ni Maya na "it's who you are". Kahit kelan balewala sa kanya ang iisipin ng tao kapag marami siyang kasamang babae pero nung oras na yon parang hindi niya gusto na yon ang tingin sa kanya ni Maya.
Maya: Oo ang saya nga eh.
Ipinatong ni Maya ang kamay sa may tuhod ni Joaquin.
Maya: Thanks sa bakasyon ha, thanks for bringing us here.
Ngumiti si Joax, idinikit ang silya sa upuan ni Maya at ipinatong ang kamay sa kamay ni Maya na nasa tuhod niya.
Maya: You're welcome, anytime dito sa Hacienda Joana.
Ngumiti si Maya. Dahil may tama na ng alak sa katawan, hindi na nahihiya. Hindi inalis ang kamay ng hawakan ito ni Joax. Nagkwentuhan sila habang umiinom. Kapag nakikita ni Joax na may papalapit kay Maya. Inilalagay ang braso sa ibabaw ng sandalan ni Maya sabay may kung anong ibubulong. Kaya ang lalaking palapit kay Maya umaalis na lang. Pero ng magCR si Joax at Robby, pagbalik nila nasa dancefloor na naman ang grupo nila Maya.
Robby: Mukhang nalulusutan tayo bro ah.
Joax: Oo nga eh, ang hirap bawiin ah.
Isagani: Hindi ko naman mapigil si Grace, fast song naman kasi eh.
Joax: Teka lang gagawan natin ng paraan yan.
Lumapit si Joax kay Mr. Marasigan. Mayamaya pa natapos ang kanta, huminto ang tugtog naging slow song.
Daniel: Maya, sayaw pa tayo?
Pero tumanggi si Maya ganon din si Sheryl at Grace. Nagsalita ang DJ habang pabalik sila Maya sa upuan. "This is a special song requested by Mr. Joax Capili for that one special lady out there."
Nagulat si Maya ng masalubong si Joax. Ngumiti ito...
Joax: May I have this dance?
Luminga si Maya sa paligid nakita niya pabalik si Grace kasama si Isagani at si Robby kasama si Sheryl. Sinalubong ni Bernard si Carol at Herman si Jean at papunta ang mga ito sa dancefloor. Kaya ng hawakan ni Joax ang kamay niya at alalayan siya papunta sa dance floor hindi na siya umimik.
Hinawakan ni Joax ang bewang ni Maya at itinaas ang kamay ni Maya na hawak niya sa tapat ng dibdib. Inilagay ni Maya ang kamay sa balikat ni Joax. Marahan nilang sinabayan ang tugtog. Hindi alam ni Maya kung saan siya titingin. Tinignan na lang niya si Robby at Sheryl.
Joax: Oh bakit ka sa kanila nakatingin, hindi naman mawawala yang mga yan.
Maya: Alam ko naman yon.
Tumingin na lang si Maya sa kamay niya na nakapatong sa balikat ni Joax.
Joax: Naiilang ka bang kasayaw ako? Hindi ka makatingin sa akin eh.
Maya: Hindi naman kasi ako sumasayaw ng ganito kung hindi Tatay ko ang kasayaw ko.
Joax: Kasayaw mo nga kanina si Daniel ng ballroom eh parang ganito din yon mas mabilis nga lang ng bahagya. Bakit sa kanya hindi ka naiilang? It's just a dance Maya.
Maya: Oo nga.
Joax: Then relax and look at me. Parang ayaw mo akong kasayaw niyan eh.
Tumingin naman sa kanya si Maya. Pinagmasdan ni Joax ang mukha nito. Ilang minuto din silang nakatitig sa isa't isa pero inalis ni Maya ang tingin. Pakiramdam kasi niya pinanonood sila ng mga tao sa paligid. Ibinaba nito ang tingin sa dibdib ni Joax.
Joax: Oh bakit?
Maya: Nahihiya ako, nakatingin silang lahat sa atin eh.
Joax: Let them look, naiinggit lang yang mga yan eh.
Nagiisip si Maya, ayaw naman niyang sabihin ni Joax na wala siyang kaalam-alam. Naalala niya ang isang bahagi ng librong binasa niya. Nakita ni Joax na pumikit si Maya, hinapit niya ang bewang nito at kusang dumausdos ang braso sa balikat niya. At idinikit ni Joax ang pisngi niya sa gilid ng ulo ni Maya, saka pumikit. Sa unang pagkakataon, pakiramdam ni Joax nakalutang siya sa hangin, masaya at magaan ang pakiramdam niya. Natapos ang kantang "The way you look tonight" at "she's everything to me ni Brad Paisley" na sumasayaw sila ng ganon. Nang marinig nila ang palakpakan sabay silang nagmulat at pumalakpak. Inangat ni Joax ang palad papunta sa likod ni Maya para maalalayan ito pabalik sa lamesa. Napapitlag si Maya at bumungisngis.
Joax: Bakit?
Maya: Pwedeng sa bewang na lang yung kamay mo kasi may kiliti ako sa likod eh.
Natawa si Joax, hinapit sa bewang si Maya at bumulong...
Joax: Lagot ka alam ko na kung saan ang kiliti mo.
Hinampas niya si Joax sa braso, masaya silang bumalik sa upuan nila. Nakita yon ni Robby at Sheryl.
Robby: Am I just imagining it o talagang nakalabas ang dimples ni Joax at namumula ang tenga.
Sheryl: It's not your imagination. Kahit si Maya parang namumula ang pisngi at iba ang ngiti eh. Tama kaya ang iniisip ko?
Robby: Your guess is as good as mine. Teka muna She, baka naman maunahan pa tayo ng dalawang yan?!
Nagtawanan sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro