Chapter 25 - Pagbabago
Pagdating nila sa Mansyon, nakaabang na si Yaya Violy na may hawak na apat na towel at bathrobe.
Yaya Violy: Doon kayo dumaan sa likod. Sa shower room na lang kayo sa may pool magsipagligo.
Maya: May swimming pool dito?
Joax: Meron, ay hindi pa ninyo nakita yung likod?
Sheryl: May likod pa ito?
Robby: Meron, nandon si Nanay at Tita Joan. Bihira kasing magkaron ng tao dito kaya hindi binubuksan para hindi nadudumihan.
Yaya Violy: Sige na, bukas na yon. Sa garden sila dumaan. Sa dulo, ang isang parte ng akala mo ay pader, itinulak ni Robby, ng pumasok si Maya at Shery isang swimming pool na korteng number 8 at may jacuzzi sa dulo ang tumambad sa kanila.
Joax: Yang left side, accordion wall yan, nabubuksan, noon binubuksan yan at dyan nagpaparty si Tito. Ayun ang mga shower/bathrooms sa dulo.
Naglakad si Roby at Joax sa kaliwang gilid ng pool. Pagdating sa gitna ng wall may nakasabit na kurtina. Hinawi ni Robby at Joax. Isa itong glass door concrete cabinet sa gitna ng pader, marble ang loob ng cabinet. Sa loob nito may dalawang urn. Sa ilalim isang brass na lapida.
Robby: Nay, Tita, si Sheryl at Maya po.
Maya: Hello po, nice meeting you.
Sheryl: Good evening po.
Robby: Ang bilin ni Tatay at Tito kapag sila naman ang kinailangang umalis. Dito nila gustong humimlay sa mismong Urn ng kanilang mga asawa. Para forever silang magkasama.
Joax: The gold urn is Mama and the silver urn is Tita.
Nakatingin lang si Maya sa mga urn, ng biglang tumulo ang luha sa pisngi ni Maya. Mabilis niyang pinahid yon sa pagaakalang walang nakapansin.
Maya: I think that's sweet. Mauuna na akong maligo ha, giniginaw na ako eh.
Nang makalayo si Maya bumulong si Sheryl.
Sheryl: Pasensiya na kayo, medyo sensitive siya sa topic na death eh.
Joax: It's okay, we understand. Saan pala nakalagak ang labi ng Tatay ninyo?
Sheryl: Sa isang crematorium din sa Manila. Pero kahit kaylan hindi pa dinalaw ni Maya. Sabi niya pupuntahan niya lang ang Tatay kapag makukuha na niya ito para mamahinga sa bahay dito sa Baguio. Kaya kapag all soul's day, kami lang ni Nanay ang nagpupunta si Maya nasa bahay lang nagsisindi ng kandila, nagdarasal at inaalala ang Tatay.
Robby: Maya must have loved him too much.
Sheryl: Syempre Tatay niya yon eh.
Joax: Eh ikaw?
Sheryl: Mahal ko naman ang biological father ko dahil utang ko sa kanya ang buhay ko pero iba ang pagmamahal ko kay Tatay kasi minahal niya akong parang tunay na anak at siya ang nagturo sa akin para mahalin ang totoong father ko. Sabi ni Tatay, minahal ng Papa ko ang Nanay ng sobra pa sa dapat kaya lang may mga bagay sa buhay gustuhin mo man hindi pwedeng mangyari.
Robby: Bakit naman hindi sila pwede ng Nanay mo?
Sheryl: Sabi ng Tatay, napakayaman daw ng Papa ko eh dahil mahirap ang Nanay syempre hindi pumayag ang parents ng Papa ko na makasal sa kanya, besides he is the only heir kaya kailangan niyang tangapin yon. He married someone for business reasons.
Joax: So, alam ng Tatay ninyo ang tungkol sa Papa mo?
Sheryl: Oo kasi naging magkaibigan sila. Sabay nilang nakilala ang Nanay, pero si Papa ang unang minahal ni Nanay. Nung ikasal si Papa, si Tatay dapat ang Bestman pero tinalikuran ni Tatay ang pagkakaibigan nila dahil nagalit ito sa ginawa ni Papa kay Nanay at dahil mas nasasaktan siya sa tuwing umiiyak ang Nanay dahil kay Papa.
Robby: So kahit alam ng Tatay mo kung nasaan ang Papa mo hindi niya ito ipinakilala sa inyo?
Sheryl: Si Tatay gusto niyang makilala ko ang Papa ko lalo na nung nahihirapan na kami sa buhay dahil sabi nga niya hindi ko daw dapat dinaranas ang buhay na ganon. Si Nanay ang ayaw, sabi niya huwag na nating guluhin pa ang buhay ng Papa mo pero kung gusto ko daw talaga papayagan niya ako pero hindi na ako pwedeng bumalik sa kanya.
Joax: Bakit hindi mo pinuntahan ang Papa mo?
Sheryl: Dahil ayaw kong mahiwalay kay Maya. Simula ng magkaisip kami at sabihin sa amin ang totoo kahit mahirap para sa kanya na malaman na hindi ang Tatay niya ang unang minahal ni Nanay, minahal niya ako ng higit pa sa dapat.
Nagulat sila ng biglang sumigaw si Maya. Unang tumayo at tumakbo si Joax papunta sa pinto ng shower room, kaya pagbukas ni Maya ng pinto si Joax ang nayakap nito. Lumabas ang dalawang lumilipad na ipis mula sa banyo.
Natatawang lumapit si Sheryl.
Maya: Ditse! Patayin mo yung lumilipad na ipis!
Nahampas naman ni Robby ng tuwalya ang mga ito.
Robby: Ineng, wala na.
Mahigpit pa rin ang yakap ni Maya kay Joax, nakapikit pa ito. Natatawa na si Joax pero pinipigil.
Maya: Robby, sigurado ka ha.
Robby: Oo Neng, ayan na sa lapag oh, eto tinapakan ko na.
Nagmulat ng mata si Maya...
Maya: Grabe Ditse ang takot ko lumipad papunta sa mukha ko eh.
Tinignan ni Maya ang niyakap niya na akala niyang si Sheryl. Nagulat ng makitang si Joax ang niyakap niya.
Maya: Ay kabayong joaquin! Bakit ikaw ang nandyan?!
Joax: Malay ko sa yo, ang alam ko lang narinig ka naming sumigaw ako ang unang nakarating dito tapos pagbukas mo ng pinto niyakap mo ako.
Maya: Oy, hindi ko sadya yon, akala ko si Ditse ka eh.
Joax: Wala naman akong sinabing sinadya mo eh.
Maya: Just making it clear.
Joax: Ang tapang tapang mong makipagaway, takot ka sa ipis?
Maya: Excuse me, sa lumilipad na ipis lang, ang daming gumagapang na ganyan sa Alabang Gilid eh.
Robby: May phobia ka sa lumilipad na ipis?
Sheryl: Oo, since she was 12, naliparan na kasi siya ng ipis pumasok sa bibig niya.
Maya: Ditse ano ba?! Kadiri! Ikwento mo pa ba?!
Nagpapadyak si Maya. Nagtawanan sila Robby, Sheryl at Joax.
Maya: Dyan na nga kayo, magbibihis na ako!
Nakasimangot na pumunta si Maya sa pinto papasok ng bahay, nasalubong siya ni Yaya Violy.
Yaya Violy: Oh bakit nakasimangot ka?
Maya: Yaya, sila Joaquin pinagtatawanan ako dahil takot ako sa lumilipad na ipis.
Yaya Violy: JOAQUIN!!!
Joax: oh bakit ako lang si She at Robby din tumatawa ah.
Yaya Violy: Ang lakas mong tumawa rinig na rinig ko. Tumatawa ka dyan eh ikaw nga sa butiki takot ka!
Joax: Yaya naman eh!
Humagalpak si Maya sa pagtawa.
Maya: Waaaa, takot sa butiki. Kalalaki mong tao takot ka sa butiki!
Dinilaan ni Maya si Joax. Imbes magalit natatawa siya pero nagkukunwaring naiinis.
Tumatawang pumasok ng bahay si Maya.
Joax: Ang hilig mangdila nung kapatid mo, kung ibang babae lang yon kanina ko pa sinabing... "don't put your tongue out unless your using it on me."
Natawa si Robby, sinuntok si Joax.
Sheryl: hoy! kapatid ko yon. Loko ka Joax ah.
Joax: Kaya nga sabi ko kung ibang babae siya.
Robby: Ako natatawa, namamali-mali si Maya kapag natataranta no? Dalawang beses ka na niyang tinawag na kabayong joaquin eh.
Nagtawanan sila at nagpaalam na si Sheryl na maliligo bago pa siya masigawan ni Maya.
Makalipas ang isang oras, nagpapatuyo ng buhok si Maya ng lumabas mula sa banyo si Sheryl.
Maya: Ditse naman kasi bakit nauna pa sa yo si Joaquin kanina, nayakap ko tuloy.
Sheryl: Aba eh, nauna pang tumakbo sa akin yon ng marinig kang sumigaw eh. Anong magagawa ko?
Maya: Nakakahiya na, nung una humarap ako sa kanya ng walang bra tapos ngayon naman niyakap ko pa. Ditse naman eh.
Sheryl: Okay lang yon, magkaibigan naman kayo. Walang malisya yon.
Maya: Ditse, lalake pa rin yon.
Sheryl: Sus nagaalala ka kay Joaquin eh bakit si Baste kaibigan mo din, kung makakapit ka walang pakundangan, sumasakay ka pa nga sa likod niya. Kahit noon ngang high school tayo kapag mahirap sumakay sa jeep pumapayag kang kalungin niya eh.
Maya: Iba naman yon, kilala ko si Baste, kababata ko nga yon. Noon pa wala na kaming malisya sa isa't isa.
Sheryl: Ikaw wala pero siya meron.
Maya: Basta!
Sheryl: Baka naman kasi, ikaw ang may malisya sa inyo ni Joax.
Maya: hindi ah!
Samantala sa kwarto naman ni Joax, nakahiga ito sa couch. Nakatingin sa kisame pero nakangiti, ekasaktong palabas ng banyo si Robby.
Robby: Ano at nangingiti ka dyan?
Joax: Wala naalala ko lang ang itsura ni Maya sa putikan, pati yung kanina nung may ipis at nakakatawa kasi kapag natataranta siya eh.
Robby: Talagang itsura lang ni Maya sa putikan ang naalala mo ah eh nandon tayong lahat. Bro, baka iba na yan ah. Nakita namin yung binubuhusan mo siya ng tubig, natanong tuloy ni Gani kung dinedeskartehan mo daw.
Joax: Si Maya? Are you guys crazy? Eh mas lalake pa sa akin yon eh takot nga lang sa ipis.
Kumatok si Yaya Violy...
Yaya Violy: Joaquin, magluluto ako ng hapunan anong gusto mong ulam?
Pinagbuksan ito ni Robby.
Joax: Ya, gusto ko Igado.
Robby: Nung isang araw lang tayo nagulam non ah?
Joax: Magsigang ka na lang din ng sugpo Ya, tapos Igado. Oh ayan na ha may sinigang na sugpo ka na huwag ka ng magreklamo. Kung ayaw mo ng Igado huwag kang kumain. Gusto ko yon, masarap eh.
Yaya Violy: Sige magpiprinto na din ako ng dalagang bukid. Mukhang nagustuhan mo nga ang Igado ko eh. Teka nga pala, uuwi na kayo bukas ng gabi hindi ba?
Robby: Oho, Ya.
Yaya Violy: Ipinatatanong ng Tata Damian kung anong ibaba ninyo ng Maynila para maihanda nila.
Joax: Strawberry flavoured lambanog. Para sa bahay at tsaka para kila Sheryl. Ipakuha din ninyo yung strawberry na ipinaayos ko sa taniman. Ahm, tapos dalawang malaking strawberry jam, dried mangoes at mango tart para may pangpasalubong. Tsaka isang kaing na manggang hinog at isang kaing na hilaw. Para mapauwian din sila Sheryl.
Robby: Ang dami ah.
Joax: para mabigyan ni Maya sila Baste at Nitoy di ba yun ang nagbantay sa Nanay nila.
Robby: ah oo nga naman.
Nagkatinginan sila Yaya Violy at Robby. Mabait si Joax, pero hindi ito basta basta namimigay. Maliit pa ito ang katwiran na pinaghihirapan ng Daddy niya ang kung ano man ang meron sila kaya hindi dapat basta-basta ipinamimigay lang. Kahit sa mga kaibigan nito, kapag nanlilibre hindi dahil gusto lang niya pero alam kase niyang kapag humingi siya ng pabor sa mga ito hindi siya matatanggihan dahil lagi niyang nililibre.
Yaya Violy: Yung mangga bukas ng umaga pagpunta ni Mang Damian at Maya sa manggahan ipapaalala ko para si Maya mismo ang pumili ng iuuwi nila.
Joax: Bakit pupunta si Maya sa Manggahan?
Yaya Violy: Hindi ko alam, naikwento lang ni Damian na nagsabi si Maya kanina na daanan siya bukas ng umaga kapag pupunta na ito doon.
Joax: Ah, baka magpapaalam sa mga kaibigan niyang puno.
Natawa si Yaya Violy at Robby.
Robby: Loko ka Joax, marinig ka ni Maya.
Joax: Bakit, hindi ako nagpapatawa, I am just stating a fact. Hindi mo ba alam na kinakausap niya ang mga halaman at puno? Mas malala pa siya kay Mama. Kung nakita at narinig mo siya nung nagpunta kami sa farm. Kung kausapin niya ang mga puno ng strawberry parang mga anak na pinakikiusapan at pinagsasabihan.
Robby: Talaga? Ang weird naman non.
Joax: Eh di tingin mo kay Mama weird din? I think they have the unique ability in talking ang understanding the plants. Ang cool kaya.
Robby: Sabi mo eh.
Yaya Violy: Ay muntik ko ng makalimutan, dumaan si Isagani kung pupunta daw kayo sa Club house tawagan mo siya para makasama sila ni Grace.
Joax: bahala na Yaya, parang tinatamad ako eh.
Robby: Aba himala! Tumatanggi ka sa isang party kung saan napakaraming babae? Ano bang nangyayari sa yo?
Joax: Hindi ba pwedeng tinatamad lang at gustong magpahinga? Ikaw lahat na lang nilalagyan mo ng ibang kulay eh.
Robby: Kilalang kilala kasi kita kahit minsan hindi ka tumangging pumunta sa isang party kahit malayo pa tapos ngayon ayan lang malapit lang ayaw mong puntahan. May nangyayari ba?
Joax: Wala nga, parang tinatamad lang. Tawagan ko na lang si Isagani yah kapag nagbago ang mood ko.
Yaya Violy: O sige maiwan ko na kayo at magluluto pa ako.
Tumahimik na lang si Robby pero pakiramdam niya talaga may ibang nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro