Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 - Asaran Blues

Bandang alas kwatro nasa Manggahan na sila Robby at Sheryl ng dumating sila Joax at Maya. Parang piyesta sa manggahan. May mga banderitas, may mga tent na may mga nakadisplay na pagkain, mga putaheng may mangga.  May ulam, pastry at mga dessert.

Meron din mga palaro na nakikita sa mga perya.  Nang dumating sila kasalukuyang nagpapalaro ang Presidente ng Home Owners Association ng The Haven Village.  Napakaraming tao, nandon ang mga pamilya na mga nakatira sa Village at mga bisita ng mga ito.  At nandooon ang lahat ng mga taga Hacienda.

Mang Damian:  Oh ayan na pala sila Senyorito at Maya eh.

Tumatakbong lumapit sa kumpulan nila Robby at Sheryl sila Joax at Maya.

Maya: Kamusta nanalo na ba tayo?

Janine: Oo Ate Maya si Kuya Ramil nanalo sa palosebo.

Sheryl:  Si Mang Simeon nanalo sa pabilisan ng paginom ng beer.

Joax:  Ano ng nilalaro ngayon?

Robby:  Sack race single, kasali si Samuel yung taga Pigery.

Ichineer nila sila Samuel at nanalo naman ito.  Tuwang-tuwa sila.

Homeowners association head:  Gusto po nating iacknowledge ang pagdating ng isang espesyal na tao sa ating pagdiriwang.   Ang kaisa-isang anak ng Proprietor/Owner ng The Haven Village, ang minamahal nating lahat, Mr. Richard Joaquin Capili.

Nagpalakpalakan ang lahat, humiyaw ang mga taga hacienda.  Tumayo, kumaway at ngumiti naman si Joax. Nagtayuan ang mga tao.

Homeowners association head:  Sige po umupo lang ho kayo at tatawagin na lang natin siya dito para makita ninyo siyang lahat.  Sir, baka naman pwedeng maimbitahan namin kayo dito sa stage.

Maya:  Oh tinatawag ka sa stage, sige na pagbigyan mo na sila.

Joax:  Ano ba yon, tignan mo nga itsura ko. Parang hindi naman appropriate para umakyat doon.

Robby:  Ok lang yan. Sige na, gusto ka nilang makita.

Sheryl:  Astig naman ang get up mo eh.

Inayos ni Maya ang kwelyo ng leather jacket ni Joaquin.  Saka tinignan ito sa mukha.

Maya:  Sige na, maayos naman ang itsura mo at gwapo ka pa rin.  So go! Mapapasaya mo sila kung magpapakita ka doon.

Ngumiti si Joax.

Joax:  Sabi mo yan ha. Isinuot ni Joax ang shades at naglakad papunta sa stage.  

Nilapitan siya ng ilang security guard para makadaan sa  mga taong naroroon.

Nagpalakpakan ang lahat ng makitang paakyat na siya ng stage.

Homeowners association head:  Mga taga Haven Village.  Narito na ho siya, isang masigabong palakpakan para kay  Mr.  Richard Joaquin Capili.

Inabutan si Joax ng isang microphone.

Homeowners association head: Good afternoon Mr. Capili

Joax:  Magandang Hapon po.  Joax na lang Sir.

 Homeowners association head:   Sir Joax, bumati po muna kayo sa kanilang lahat.

Hinubad ni Joax ang shades humarap sa mga tao...

Joax:  Magandang hapon po sa inyong lahat.

Nagtilian ang mga babae, may sumigaw pa ng... "Sir Joax ang gwapo mo!"

Natawa si Joax ng narinig yon, namula ang mukha.

Homeowners association head:  Anong masasabi mo Sir, gwapo mo daw.

Joax:  Salamat po, nagmana lang ho kay Daddy.

Homeowners association head:  Sir, marami ho sa taga rito ngayon lang kayo nakita at nakilala so pwede ho kaya namin kayong interviewhin?

Joax: Ok lang ho.

Homeowners association head:  Sir, ilang taon na po kayo?

Joax:  26 years old po.

Homeowners association head: Eto, alam ko gustong malaman ng mga kababaihan.  May asawa na po ba kayo?

Joax:  Wala pa pong nagkakamali eh.

Nagtawanan ang audience.

Homeowners association head:  May girlfriend na po ba kayo?

Sumigaw si Robby... "marami!"

Nagtawanan ulit.

Joax:  Ahm, marami pong mga kaibigang babae na nakakadate pero kung tinatanong ninyo ay kung may laman na ang puso ko... wala pa ho, si Mama pa lang.

Homeowners association head:   Ayun mga ka-village eh binatang-binata pa naman pala si Sir Joax. 

Joax:  Single and ready to mingle!

Tumili ang mga kababaihan. Tawa naman ng tawa si Joax.

Homeowners association head:  Cool naman pala at palabiro si Sir. Sir, isang maikling mensahe lang po para sa ating mga ka-village.

Joax:  It's been 10 years since I last came here at nakakatuwang makita kayo ngayon.  Hindi ko ho akalain na ganito na ho pala kayo kadami.  At masaya po akong malaman na may mga ganito kayong okasyon.  Sigurado akong nanonood sa atin ang naging dahilan ng pagkakabuo ng lugar na ito. Alam ko hong masaya si Mama Joan at ang Daddy na nakikita kayong masasaya at maayos ang buhay.   Sana ho alagaan ninyong mabuti ang inyong mga tahanan at pamilya at ipagpatuloy ninyo ang magandang samahan na meron kayo dito sa Haven Village.   Kung may mga suggestions po kayo para lalo nating mapaganda itong lugar natin, pumunta lang ho kayo sa opisina ng home owners at makikipagtulungan po  ako sa kanila para lalong maging maayos ang pamumuhay natin dito sa  Haven Village.  Alam ko hong marami pang mga nakahandang palaro kaya hindi ko na ho hahabaan ito.  Mabuhay po kayong lahat ng masaya, may pananampalataya at masagana. Maraming salamat po.

Nagpalakpakan ang lahat at bumaba na si Joax at bumalik sa upuan kung saan nandon sila Maya.

Maya:  That was a nice message.

Joax:  Thanks!

Masaya silang nanood ng mga palaro.  Mayamaya lumapit ang association head sa kanila. 

Homeowners association head:  Sir Joaquin, Sir Robby, baka po pwede namin kayong  maimbitahan mamayang gabi may party po sa Clubhouse.

Joax:  Sir, as much as I want to may mga bisita ho kasi kami eh.  This is Ms. Maya and Ms. Sheryl.

Homeowners association head:  Kasama po sila sa iniimbitahan namin. Informal party lang naman ito Sir, parang get together lang.  Imbitado po ang mga taga hacienda.

Joax:  Ahm, sige if nothing comes up.  Pupunta kame.

Homeowners association head:  Ok Sir,  Thanks!

Mang Damian:  Joaquin, Robby, eto na yung laro na dapat kasali kayo.  

Robby:  Ho? ano hong laro yan?

Hinila sila nila Mang Damian sa isang  nakabakod na putikan.

Mang Simeon:  Agawang biik Senyorito.  Kayo po ni Robby at Isagani ang representative ng Hacienda.

Joax:  Kayo talaga, pinapahirapan ba talaga ninyo kami ni Robby.

Yaya Violy:  Sige na Joaquin, Robby katuwaan lang naman eh.

Homeowners association head:  Ngayon naman ang habulang biik, isa ito sa pinakamasayang laro na ginagawa natin taon-taon. Tinatawagan ko ang mga contestant mula s Haven Village Team:  Rusty Garcia, Erol Bernabe at Jefferson Cruz.  

Lumapit sa gilid ng bakod sa kaliwa ang mga ito at naghubad ng kanilang mga sapatos at t-shirt. Nagsigawan at palakpakan ang mga taga Haven Village. 

Homeowners association head:   Tinatawagan ko naman ang contestant ng Hacienda Joana Team: Isagani Castillo, mukhang masaya ito si Sir Robby Santiago at si Sir Joax Capili.

Walang nagawa si Robby at Joax, tumayo sa tabi ni Isagani sa harapan nila Maya. Hinubad nila ang mga sapatos... hinubad ni Isagani at Robby ang sports shirt nila at hinubad ni Joax ang Jacket at t-shirt niya.  Kinuha ni Yaya Violy ang mga ito.  Naghiyawan at palakpakan ang mga taga hacienda.

Homeowners association head:  Ang mga mata ninyo naman mga kababaihan busog na busog na naman sa mga abs. Nagbungisngisan ang mga babae pati na si Sheryl at Maya.  Naghigh-five sila Isagani, Robby at Joax.

Homeowners association head:  Ang rules ng game... walang tulakan at sakitan.  Kailangan ninyong mahuli  ang baboy kapag isa sa kateam ang nakahuli, kailangang maitali ang mga paa nito.  Kung sino man ang makagawa niyan ang panalo.

Itinupi nila Joax, Robby at isagani ang laylayan ng mga maong pants nila. Sinigurado ding walang laman ang bulsa. Iniabot ni Joax ang cellphone niya kay Maya.

Maya:  Good luck!

Joax:  Don't worry kayang-kaya namin ito.  

Nagbubulungan pa sila nila Robby at Isagani, mukhang gumagawa ng game plan.

Homeowners association head:  Ok pumasok na kayo sa putikan. Tata Damian, ang biik po ba natin madulas na? 

Pinakita na binuhusan ng langis ang katawan at ulo ng biik, habang hawak ang mga paa ng dalawang tauhan ng hacienda.

Homeowners association head:   Ready, get set, go!

Pinakawalan ang biik sa putikan at nagsimula ang habulan at hulihan. Lumuhod si Roby ng mapunta ang biik sa harap niya, nahawakan niya pero nakatakbo. Nang makita naman ni Isagani sa isang gilid ng bakod, nagdive sa putikan nahawakan niya pero nakatakbo pa rin. Si Joax, nakailang ulit ng iniluhod ang binti, nahawakan ang biik pero dumudulas at nadudulas din ito.  Sa bawat pagkadulas nila tumatawa ng malakas sila Maya at Sheryl. Nagkagulo na silang lahat, nandyang madulas, mapaupo ang mga ito o magdive sa putikan. Patuloy lang sa pagtawa ang mga nanonood.  Nagkasama-sama si Joax, Isagani at Robby.  Nagbulungan ang mga ito.   Nang magbagsakan ang mga kalaban nila sa putikan,  hinabol ni Robby ang biik papunta sa corner kung saan malapit si Joax. Nacorner ni Joax ang biik, hinawakan ang dalawang paa sa likod pero nagpupumiglas ito. Tumakbo palapit si Isagani at inipit ng tuhod padiin sa bakod ang ulo ng biik. Nahawakan niya ang dalawang paa sa unahan. Nagpupumiglas pa rin ang biik. Inipit din ni Joax ang katawan nito padiin sa bakod. Hindi na nakakilos ang biik. Lumapit si Robby, dinukot ang pisi mula sa likuran ng pantalon niya at itinali ng magkakasama ang mga paa sa likod tapos dalawang paa sa harap at pinagsamang itinali ang mga ito.  Hinawakan ni Isagani sa paa at itinaas ang biik.

Nagtalunan, naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Lumapit ang mga kalaban nila at nakipagkamay.   Tuwang tuwa si Maya, Sheryl at Yaya Violy.  Pati na ang girlfriend ni Isagani na si Grace na nakaupo sa tabi nila. Bitbit nila ang biik ng lumapit sila sa mga ito.

Sheryl: Ang galing ninyo, galing nyo talagang madulas!

Nagtawanan ang tatlong dalaga.

Grace:  Si Gani lalo na ang galing magdive hindi naman mahuli.

Maya:  Promise ang galing ninyo talaga. Para kayong nagma-mud slide.

Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo. 

Sheryl:  Kadiri kayo puro putik, ewwwww.

Joax:  Di bale nanalo naman kami!

Robby:  Oo nga ang galing kaya namin magstrategized

Isagani:  Oo nga!

Grace:  Kahit na, puro putik pa rin kayo, ayan oh pati mukha mo meron.

Maya:  Oo nga, tsaka parang kaamoy na ninyo yang biik.

Humagalpak sa pagtawa ang tatlo.  Nagkatinginan sila Joax, Isagani at Robby. Niyakap ni Isagani si Grace, hinawakan ni Robby si Sheryl sa magkabilang leeg at pisngi. Hinawakan naman ni Joax si Maya sa balikat at hinagod papunta sa kamay.

Grace: Isagani ano ba!  

Napuno ng putik ang t-shirt at pantalon ni Grace.

Sheryl:  Roberto! Humanda ka sa akin!

Maya: Joaquin! Bwiset ka pati ako nilagyan mo ng putik!

Robby:  Ano ha? Tawa pa!

Isagani:  Pinagtatawanan ninyo kami eh.

Joax:  Now, I want to see you laugh!

Nagtawanan ang tatlong lalaki. Inis na inis naman ang tatlong dalaga.  Nagtinginan at sabay sabay na sinugod ang tatlo. Tumakbo sa loob ng putikan  ang tatlo. Humabol sila Grace, Sheryl at Maya.

Dumampot si Maya ng putik at sinugod  si Joax. Binato sa dibdib ni Joax ang putik at ipinahid sa mukha nito.  Kinuha ni Joax ang putik na nasa dibdib at ipinahid sa leeg ni Maya.

Maya:  ano ba!

Sinuntok siya  ni Maya sa braso.

Patakbong lumapit si Sheryl kay Robby na nasa loob ng putikan, nadulas ito. Natawa si Robby, yumuko si Sheryl nagkunwaring umiiyak paglapit ni Robby, dumampot ng putik at itinapal sa likuran ni Robby.

Nayakap ni Isagani si Grace ng pahiran siya nito ng putik sa pisngi. Nagpupumiglas si Grace at ng maout balance, hinapit ni Isagani para hindi bumagsak pero napaupo naman siya.  Nagtawanan ang dalawa.

Tumayo naman si Sheryl para tumakbo palayo kay Robby pero nayakap siya nito mula sa likod at dumalas ang paa ni Sheryl, napadive silang dalawa sa putikan. Humagalpak silang pareho sa pagtawa.

Pinapahiran ni Maya si Joax sa mukha at buhok panay ang ilag nito hanggang sa maout balance sa putikan at madulas. Napahawak kay Maya at nahila niya si Maya. Napaupo si Joax at napaupo sa kandungan niya si Maya. Nagtawanan na lang sila.  Nang magkatinginan silang lahat at nakitang nakahandusay silang lahat sa putikan lalong nagtawanan.

Masayang nanonood lang sila Yaya Violy, Mang Damian at Mang Simeon.

Mang Simeon: sino kaya sa tatlong pares na yan ang unang ikakasal?

Mang Damian:  ang bilis mo naman, sino kaya ang susunod kila Grace na magiging magkasintahan ang dapat na tanong natin.

Yaya Violy:  Kayo talagang dalawa, ang sa akin lang sana nga nakita na nila ang para sa kanila.

Nagsimulang umambon...

Yaya Violy:  Oy, tama na yan. Uulan na.

Binitbit ni Yaya ang bag ni Maya at Sheryl.

Robby: Mang Damian, isakay na ninyo si Yaya at Mang Simeon kayo na ang maguwi ng sasakyan. Maglalakad na lang ho kami.

Bumuhos ang ulan... 

Maya: Ayan, mabuti na lang bumuhos ang ulan.

Isagani:  halika na maligo na tayo sa ulan.

Itinayo ni Isagani si Grace at dahan-dahan silang lumabas sa bakod ng putikan.  Gumagapang naman si Robby at Sherry papunta sa bakod at nangunyapit dito para makalabas. Tumayo si Maya, ibinaon ang mga paa sa putikan at tsaka hinilang patayo si Joax at humakbang sila sa pinakamalapit na bakod.  Nagtatawanan pa rin sila.

Nagsimulang linisin ang katawan habang naliligo sa ulan.

Sheryl:  Ewwww ang buhok ko... Robby kasi eh!

Robby:  Sorry, eh kasi tinatawanan mo ako eh. Ayun oh, halika doon sa alulod oh banlawan natin.  

Robby:  Nana Ibyang,  makikibanlaw ho kami dito sa alulod ninyo ha?

Sumungaw sa bintana si Nana Ibyang.

Nana Ibyang:  Oo naman, ang galing ninyong tatlo ah.

Joax:  Salamat ho.

Nana Ibyang:  Aba eh bakit pati naman kayong mga dalaga eh puro putik nanghuli din ba kayo ng biik?

Maya:  Hindi ho yun hong mga kapatid ng biik ang hinuhuli sana namin.

Isagani:  Oy, hindi kami mataba ha.

Sheryl:  Hindi nga, kapatid ninyo lang sa amoy yung biik.

Grace: Tama!

Robby:  Aba at talagang ayaw ninyong tumigil sa pangaasar ha.  Teka nga!

Napatakbo si Sheryl at  Grace hinabol ni Robby at Isagani.

Naghilamos ng mukha si Maya, may naiwang putik sa leeg nito  Hinaplos ni Joax.

Ngumiti si Maya.

Nana Ibyang:  Senyorito eto ang tabo oh para makapaglinis kayong maigi. 

Inabot ni Joax ang tabo at kumuha ng tubig sa drum na nakasahod sa alulod.  Itinapat ang tabo sa ulo ni Maya.

Joax:  Kuskusin mo na lang ang katawan mo ako na magbubuhos ng tubig.

Ganon nga ang ginawa ni Maya.  

Robby:  Oy bilisan ninyong dalawa , pupunta tayo sa batis.

Nilingon niya sila Joax at Maya. Nang makitang pinaliliguan ni Joax si Maya tinawag niya si Sheryl at itinuro ang mga ito. Napatingin din si Grace at Isagani.

Isagani:  Robby, dinedeskartehan ba ni Joax si Maya?

Robby:  Hindi.

Grace:  Pero bagay sila no?

Sheryl:  Yun  din ang tingin ko.

Robby:  Well, you'll never know malay ninyo si Maya ang makapagpatino kay Joax.

Ngumiti silang pare-pareho at ng makitang palapit na sila Joax at Maya. Naglakad na sila sa ilalim ng bumubuhos na ulan papunta sa batis.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro