Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 - Weirdness

Kinabukasan ginigising ni Sheryl si Maya ayaw nitong bumangon.

Sheryl:  Ineng, mamamasyal tayo sa Burnham, Minesview at Chinese Garden bangon na.

Maya:  Ditse, inaantok pa ako.  Kayo na lang.

Sheryl:  Ano?  Akala ko ba sabi mo magrerelax at mamamasyal tayo dito.

Maya:  Kaya, magrerelax muna ako ngayon, kayo na lang mamasyal.

Samantala sa kwarto nila Joax.  Maagang nakabihis si Joax, nagulat si Robby ng magising.

Robby:  Bro, bakit hindi mo ako ginising may maagang trabaho ba tayo?

Joax:  Ako meron, ikaw wala.  Kaya mamasyal na lang kayo.

Robby: Sigurado ka hindi mo ako kailangan ngayon?

Joax:  Robby, sa tanda kong ito?  Kaya ko na to, paano ko matututunan kung lagi kang nandyan. Kakausapin lang naman namin ni Mang Simeon yung kliyente.

Robby:  Sige, sabi mo eh.

Joax:  Gamitin ninyo yung sasakyan. Isasabay na lang ako ni Mang Simeon. Sige aalis na ako.

Magkasunod na bumaba si Sheryl at Robby pareho ng bihis para mamasyal.

Sheryl:  Good morning

Robby:  Good morning din, oh nasan si Maya?

Sheryl: Naku, ayaw bumangon, matutulog pa daw siya tayo na lang daw ang mamasyal. Nasan na si Joax?

Robby:  maagang umalis may kausap na kliyente, huwag na daw akong sumama kaya na daw niya yon. Ipasyal ko na lang daw kayo.

Sheryl:  Ganon ba? Eh di tayong dalawa lang.

Robby:  Oo eh, ok lang ba?  Pero kung mas gusto mong kasama eh di hintayin na nating bumangon siya.

Shery:  Ok lang, mukhang walang balak bumangon yon, nagtalukbong pa ng ulo eh.

Kaya pagkatapos nilang magagahan, lulan ng F150 umalis na ang dalawa para mamasyal. Bandang alas diyes bumangon si Maya, nakaligo at nakashorts at blouse na bumaba ng salas.  

Yaya Violy:  Oh, kumain ka na dyan. Kanina pa umalis sila Robby at Sheryl.

Maya:  hindi ho kasama ang alaga ninyo?

Yaya Violy:  Hindi may maagang meeting daw pero babalik din.  Pinakuha yung motor niya, pinapagasulinahan at pinalinis kaya malamang na may lakad yon pagbalik.

Napaisip si Maya, "mukhang seryoso na pinabayaan niyang magkasarilinan sila Robby at Ditse ah."

Pagkakain hinugasan niya ang pinggan at  nakipagkwentuhan kay Yaya Violy sa garden.  Makalipas ang isang oras, dumating si Mang Simeon at Joax.

Joax:  Yaya,  Yaya!  San ka? 

Yaya:  Nandito kami sa garden.

Joax:  Grabe parang hindi na Baguio ito, mainit. 

Hinubad ni Joax ang coat at tie.  Binuksan ang tatlong butones ng polo niya at inililis ang sleeves nito hanggang siko.

Maya:  Hi! akala ko wala kang meeting at sasama kang mamasyal kila Robby?

Joax:  Hello! Tumawag yung kliyente kung pwede daw ngayon na lang yung meeting eh kaya hindi na ako nakasama kila Robby. Ikaw bat nandito ka?

Maya:  Napasarap ang tulog ko, nung ginigising ako ni Ditse antok pa ako eh kaya hindi na ako sumama.

Mang Simeon:  Senyorito, uuwi na ako at tutulungan ko pang maghanda ng lulutuin sa bahay para mamayang hapon.

Joax:  Sige po, salamat po.  Pahingi naman ng iced water Yaya please dalawa.  

Maya:  Hala, inumin na lang ipapakuha pa talaga kay Yaya?  Senyoritong-senyorito ang dating ah.

Joax:  Tinatamad na akong tumayo, init na init talaga ako eh.

Yaya Violy:  Hayaan mo na Maya ngayon lang naman naglambing  ang alaga ko eh.

Hindi na umimik si Maya.

Joax:  Anong plano mo today?

Maya:  Bumalik sa Manggahan don sa may batis kung walang ibang magagawa.

Yaya Violy:  Oh, ito na ang tubig mo.

Joax:  Thanks Yaya!  Gusto mo na namang magmoment sa batis no?

Natawa si Maya.

Joax:  I'm craving for Frap, may bagong bukas na Starbucks, pupunta ako.  Sama ka?

Maya:  Ok lang din.

Joax:  Tapos punta na din  tayo sa strawberry farm.

Maya:  Sige... ngayon na ba?

Joax:  Magbibihis lang ako.

Maya: Sige,  magbibihis lang din ako.

Joax:  Yaya, huwag mo na kaming isahog sa lunch, sa labas na kami kakain.

Yaya Violy:  Eh di hindi na ako magluluto ng tanghalian.  Yun  na lang dadalhin para sa Manggahan Festival .

Joax:  opo Yaya. 

Pagbaba ni Maya nasa salas na si Joax, nakasuot ng maong, blue and yellow na sports shirt at ang leather jacket niya.   Si Maya suot ang ripped jeans  at  balck and white na 3/4 sleeves v-neck blouse at ang blue na hoodie.

Joax:  Yaya, alis na kami doon na lang kami sa Manggahan Festival dederetso mamaya. Let's go?

Maya: Tara let's

Nakangiting hinatid ito ni Yaya Violy sa harap ng mansion. Nagulat si Maya ng makita na sumakay si Joax sa Harley Davidson na bigbike nito.

Maya: Dyan tayo sasakay?

Joax:  Kung ok lang sa yo.  Wala akong ibang sasakyan kung hindi ito pero kung ayaw hihiramin ko ang pick-up ng Hacienda.

Nilingon ni Maya si Yaya Violy.

Joax:  Akala ko ba wala kang kinatatakutan?

Maya:  hindi naman ako natatakot sumakay eh.

Dinugtungan niya sa isip ang sinabi... "yung pagkapit ko sa yo ako natatakot eh."

Inabutan siya ni Joax ng helmet.  Kinuha niya ito. Nagsuot din ito ng sariling helmet.  Matapos i-start  ni Joax ang motor sumakay siya sa likod ni Joax. Ihinawak ang kamay sa balikat nito at naupo. Nang maiayos ang upo bumitaw kay Joax.

Maya:  Yaya, alis na ho kami.

Yaya Violy: Joaquin magiingat sa pagmamaneho.

Joax:  don't worry Yaya ako pa?!

Bumiyahe na nga sila papunta sa strawberry farm. Halata ni Joax na naiilang si Maya na kumapit sa kanya.  Kumakapit lang kasi ito kapag kinakailangan pero kung hindi inilalagay ang mga kamay sa hita.  Nang makita ni Joax na wala silang kasalubong at sinusundan na sasakyan. Binilisan ang takbo, napayakap si Maya sa bewang niya at pinanatili nyang ganon kabilis ang takbo dahil maluwag naman sa kalsada kaya si Maya hindi na naalis ang pagkakayakap sa Bewang ni Joax.   Narating nila ang strawberry farm in 30 minutes.

Pumarada si Joax sa harap ng isang two storey building.   Bumaba silang dalawa, sinalubong sila ng isang matandang lalake.

Mang Poldo:  Magandang umaga ho, Senyorito.

Joax:  Magandang Umaga din ho Tata Poldo.  Kaibigan ko ho si Maya.

Maya:  Magandang umaga po.

Mang Poldo:  magandang umaga din po Mam.

Joax:  Si Tata Poldo ang namamahala dito.  Kamusta naman dito Mang Poldo?  Magaganda ba ang ani natin?

Mang Poldo: Opo Sir, magaganda ho, matatamis at mas marami ang malalaki.

Joax: Mabuti naman kung ganon.  Eh ang factory ho?

Mang Poldo:  Maayos din ho.

Joax: Naihanda ho ba ninyo ang mga reports na kailangan ko?

Mang Poldo:  Tinatapos ho ni Julia.

Pumasok sila sa  2 storey building at itinour ni Mang Poldo.  Nang matapos ang tour at ipinakita kung papanong paggawa, pinatikim sa kanila ang kaluluto lang na strawberry jam. Nagustuhan naman ni Maya.  Sinamahan sila ni Mang Poldo sa mismong farm.  May ilang mga tao ang namimitas doon. Binigyan sila ni Mang Poldo ng isang maliit na basket at tinuruan silang mamitas.

Pumitas si Joax ng isa at tinikman ito.

Joax: Matamis nga i-try mo.

Pumitas si Maya at tinikman ito. Matamis nga.

Joax:  Tata Poldo, papano ninyo ipinapack to para ipadala sa customer natin?

Mang Poldo: Depende ho sa gusto ng cutomer, pero ang pinakamaliit ho na basket yang ganyan katulad ng hawak ninyo, isang kilo ho ang kayang ilaman niyan.  Tapos inilalagay ho sa isang box tigsa-sampung kilo. Meron din hong tigdadalawang kilo at ang kaing-kaing.

Joax:  Maya, kakausapin ko lang ang mga tao ha.  Sama ka or mamimitas ka na?

Maya:  Sige na, do what you have to do.  Dito lang ako, marami naman akong makakausap dito eh.

Natawa si Joax alam niyang ang tinutukoy ni Maya ay ang mga puno ng strawberries. Naiwan nga si Maya na namimitas  sa farm at katulad ng nakaugalian niya kinakausap niya ang mga puno habang namimitas.

Maya:  oh, hinog na ang mga bunga ninyo kaya pinipitas na, huwag kayong magtatampo ha.  Ang galing-galing naman ninyo kasi matatamis na malalaki pa ang mga bunga ninyo.

Nang makakita ng isang punong mas maraming malilit na bunga.

Maya: Oh anong nangyari sa yo, siguro hindi ka kumakain ng marami kaya ganyan ang mga bunga mo.  Sa susunod marami ka dapat kinakain para maging malusog ka at lumaki ang mga bunga mo.  Sige ka magkakasakit na niyan.

Nang makakita naman ng isang puno na may mga damo sa tabi.

Maya:  Naku, kawawa naman kayo, teka nga babawasan ko ang mga damong ito.  Hayaan ninyo sasabihin ko kay Mang Poldo na inaagawan kayo ng pagkain ng mga damong ito.

Ang hindi alam ni Maya, kanina pa nakabalik si Joax at naririnig ang pagkausap niya sa mga halaman.

Maya:  Oh anong ibinubulong ninyo? Ah, kayo naman pagpasensyahan na ninyo si Mang Poldo matanda na yon eh wala ng hilig kumanta.  Oh sige kakantahan ko kayo pero atin atin lang 'to ha. Ikaw lang ang aking mahal, ang pagibig moy aking kailangan, pagibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamadaman.

Nang matapos ang kanta.

Maya:  Oh ayan ha ginawa ko ang hiling ninyo kaya dapat makinig kayo sa akin. Dapat mas maraming matatamis na bunga pa ang ibibigay ninyo.

Hinahaplos pa ni Maya ang mga dahon ng mga ito.

Maya: Oh anong nangyari, bakit may natuyo kang dahon. Sige aalisin ko na lang.

Natatawa na lang si Joax sa pakikinig dito sa di kalayuan. Ang nasa isip, "kung ako ang kinakausap niya aba eh susunod ako sa sinasabi niya ang lambing ng boses eh."

Maya:  Oh napuno ko na itong basket ko, salamat sa pagbibigay ninyo ng bunga sa akin ha. Sigurado akong masasarapan ang mga makakakain nito.  Papano magpapaalam na ako, magpapakabait kayo ha?!

 At nagflying kiss ito at umikot na parang lahat ng mga puno ay makakuna ng kanyang halik. Nang huminto siya eksaktong nakaharap sya kay Joax.  Sinalo niya ang flying kiss nito.

Joax: Swerte ko naman umabot ako sa flying kiss.

Maya:  Ano ka ba Joaquin, bat ka humarang dyan, tignan mo nakasimangot tuloy yang nasa likod mo.

Nakisakay naman si Joax.

Joax:  Ay sorry po.  

Umusog si Joax at nagflying kiss si Maya sa mga punong nasa likod kanina Joax.

Maya:  Pasensya na kayo, tong amo ninyo may lahit kabute, bigla-biglang sumusulpot.  Tapos na ba ang meeting mo?  Ang bilis naman.

Joax:  Oo, may reports naman kasi sila kaya mabilis lang. Ikaw tapos ka na bang makipagkwentuhan sa kanila?

Maya:  Oo nagpapaalam na ng ako nung dumating ka eh.

Joax:  Ah kaya pala may flying kiss pa.

Bumungisngis si Maya.  Naglakad na silang pabalik sa pabrika at nagpaalam na kay Mang Poldo.

Joax:  Ay Tata Poldo.  yun hong nasa may dulong hilera, marami ng mga damo paki tanggalan na nga ho at inaagawan ng pagkain ang mga puno natin baka magtampo ang mga yon.

Mang Poldo:  Ay, opo Sir, magpapabunot ako ng mga damo ngayong hapon.

Dumikit si Maya kay Joax at bumulong... "ikaw ha nakikinig ka sa usapan namin ng mga kaibigan ko."

Tumawa ng malakas si Joax. 

Joax:  Ang cute mo kayang pakinggan at panoorin.

Namula ang mukha ni Maya, hinampas si Joax sa braso 

Joax:  Huwag kang magalala hindi naman nila ako nakita na nandon nung pinangangaralan mo sila eh.

Natawa na lang din si Maya, natutuwa siyang sinasakyan ni Joax ang kaweirduhan niya.
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro