Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 - Tiwala

Itinayo ni Joax si Maya at niyakap.  Nagulat si Maya.

Maya:  Joaquin?  Anong ginagawa mo dito?

Joax:  Anong ginagawa ko dito?  Eh di hinahanap ka.  Ikaw ang anong ginagawa mo?  Halika na doon tayo sa taas, madulas dito.

Nauna siyang umakyat pero hindi binibitiwan ang kamay ni Maya.

Naupo si Maya sa ugat ng puno na inupuan niya ng patayin niya yung ahas.  Tumabi sa kanya si Joax.

Maya:  Hinahanap mo ako?  Bakit nawawala ba ako?

Joax:  Bakit hindi ba?  Gabi na bakit nandito ka pa?  Akala namin kila Yaya ka sumabay pabalik ng mansyon nung hanapin ka ni Sheryl.  Tapos madilim na wala ka pa pala. Inikot ni Sheryl ang mansyon hindi ka nakita eh di syempre magaalala yon.   Bakit nga ba nandito ka pa? Delikado dito kung ganitong gabi. Maraming mga hayop ang naglalabasan.

Maya:  Hindi naman ako nawawala, pero naiwan nga ako. Natuwa kasi ako sa mga puno. Naglakad ako papasok sa dulo ng Manggahan tapos pagbalik ko wala ng tao sa bukana. Pumunta ako dito, wala na din sila Yaya.  Nagandahan ako sa batis na sinisinagan ng liwanag ng bilog na buwan kaya naupo ako dito, nagmuni-muni lang.

Joax:  So, ibig mong sabihin sigurado kang kaya mong bumalik sa mansyon ng ganitong madilim ng hindi naliligaw?

Maya:  Siguro, ewan ko pero kung sakaling maligaw ako hindi naman siguro ako mapapalayo.  Babalik at babalik ako dito.

Joax:  hindi ka natatakot maglakad magisa?

Maya:  Hindi, hindi naman ako pababayaan ng Tatay ko eh.

Joax:  Ganyan ka ba talaga? Wala kang kinatatakutan?

Maya: Meron naman... yung magkahiwalay kami ng pamilya ko at tsaka magmahal.  Pasensya na kayo kung pinagalala ko kayo. Kawawa naman si Ditse.  Naku baka makurot ako sa singit non.

Joax:  Bakit naman?

Maya:  Noong bata pa kami kapag nagagalit si Ditse sa akin kinukurot ako, masakit yon mangurot eh.  Kapag inutusan ako ni Nanay, ang tagal ko bago bumalik kasi lahat ng madaan kong halaman tinitignan ko. Sabi nga ni Ditse kinakausap ko daw ang mga ito kaya ang tagal tagal ko pagbalik ko ng bahay, hindi si Nanay ang nagagalit pero si Ditse kukurutin na ako ng pinong pino.

Joax:  Mahilig ka talaga sa halaman at puno?

Maya: Oo, at totoong kinakausap ko sila. Buhay naman kasi silang talaga, yung mga halaman nga namin sa bahay dito kapag hindi namumunga pinagagalitan ko.

Joax:  Nakikinig ba naman sa yo, namumunga naman?

Maya:  Minsan oo, yung iba... yung iba naman matitigas ang ulo. Lalong ayaw mamunga kailangan pa takutin ko na bubunutin ko sila bago mamunga eh.

Natawa si Joax.  Bumungisngis si Maya.

Maya:  Ang weird ko no, hindi lang ako mukhang lalake manamit at kumilos, kinakausap ko pa ang mga halaman.  Buti nga hindi ako napagkakamalang nasisiraan eh.

Joax:  Weird no... Unique pwede pa.  Ngayon lang ako nakakilala ng taong kumakausap sa halaman at hindi natatakot sa ganitong lugar kahit na madilim.  Akala ko malala na si Mama na pinapangalanan ang mga puno at sinasabing puso ang mga bunga nito. Eh mas malala ka pa pala sa Mama ko.

Maya:  Am sure kaya binibigyan ng pangalan ng Mama mo ang mga puno dahil naniniwala din siyang buhay at may pakiramdam ang mga ito.

Joax:  Siguro nga. Teka so ibig mong sabihin hindi ka natakot sa baboy ramo?  Eh kung sinugod ka non?

Maya:  Medyo nabigla at natakot din pero mas na natakot ako sa putok ng baril mo.  Bakit meron ka niyan?

Joax: Hunting gun lang ito, talagang ginagamit para sa mga gumagalang wild na mga hayop.

Maya:  Hindi ka ba naawa sa baboy ramo na binaril mo?

Joax:  Hindi, mas natakot ako na baka saktan ka niya.  Isa pa pinangako ko kay Tata Damian na sisiguraduhin kong patay ang kahit na anong pwedeng manakit sa yo.

Napatingin si Maya kay Joax.

Joax:  Kita mo pati si Tata Damian nagaalala sa yo.  Tapos ikaw naman pala eh nagmomoment lang dito.

Maya:  Sorry nga eh. 

Tumunog ang cellphone ni Joax, si Robby tumatawag. Sinagot ni Joax at sinabing huwag na silang magalala at nakita na niya si Maya at ligtas na ito. Napansin ni Joax na niyakap ni Maya ang sarili ng umihip ang hangin. Naalala ni Joax na nabasa nga pala  ito ng madulas sa batis kaya malamang na giniginaw na.  Pagkatapos kausapin si Robby. Hinubad niya ang jacket at ibinalabal kay Maya.

Maya:  Thanks!

Sandali silang natahimik.

Joax:  Bukas pala, wala akong meeting.  Mamasyal tayo nila Robby at Sheryl.

Maya:  Sige ok lang.   

Joax: Papano kaya makakadiskarte si Robby eh lagi tayong kasama no?

Maya:  Oo nga eh, lagi kasi akong nakadikit kay Ditse eh.  Alam ko na di ba sabi ni Robby tignan ko yung strawberry?  Eh di punta tayo sa strawberry farm para makapamasyal sila. Sabihin mo kay Robby, ipasyal si Ditse sa, burnham, minesview, sa chinese garden at kung saan-saan pa.  

Joax:  Eh pano yon, hindi ka makakapamasyal doon.

Maya:  Ok lang pwede naman akong bumalik don sa mga lugar na yon.  Tsaka bagay lang yung mga yon sa mga lovers at nagliligawan.  Don kaya nagdedate ang Nanay at Tatay ko noon tsaka yung Tatay ni Ditse.

Joax:  Kaya ayaw mong pumunta doon kasi gusto mo ang kasama mong pumunta ang magiging boyfriend mo?

Maya:  Parang ganon na nga, yun ay kung magkakaboyfriend ako.

Joax:  Bakit naman  hindi, sa ganda mong yan? Eh dito pa lang sa hacienda ang dami mo ng manliligaw eh.

Maya:  hala sya! Wala naman eh.

Joax:  Anong tawag mo kay Bernard at Herman?

Maya: Nanliligaw na yong lagay na yon?  Pinadalhan lang ako ng sugpo ni Bern tapos hinatid ni Herman, nanliligaw na ba yon?

Joax:  Anong tawag mo don?

Maya: Eh di nagmamagandang loob lang.  Baka mabait lang silang pareho.

Joax:  You are really clueless na may gusto sa yo si Bernard at Herman eh no?  Kapag binigyan ka ng oras ng lalake, inaalala ka at gumagawa ng mga espesyal na bagay para sa yo, yun na yon!

Maya: Oh eh bakit ikaw, Pinuntahan mo ako dito, hinanap mo ako, iniligtas mo ako. You spend your time doing all those things for me, ibig sabihin ba non nililigawan mo ako?

Joax:  Oo nga no? 

Maya:  Eh hindi naman di ba?  Nagmamagandang loob ka rin lang.

Joax:  Tama, tsaka dahil sa amin ni Robby kayo ibinilin ng Nanay mo at kargo kita habang nandidito ka sa loob ng Hacienda.

Maya:  See, yun naman pala eh. Malay mo naman ganon lang din si Bernard at Herman. Now you get my  point?

Joax:  Oo na, eh si Baste, huwag mong sabihing hindi pa rin nanliligaw yon.

Maya:  Hindi din, mabiro lang yon si Baste at tsaka kababata ko nga kase kaya ganon  yon.  Isa pa si Baste, isang matalik na kaibigan ang turing ko don.

Joax:  Pero siya hindi ganon ang tingin sa yo.

Maya:  Magkaganon man, hindi pa rin kami pwede ni Baste.

Joax:  Bakit naman?

Maya:  Kasi nga takot akong magmahal.  Isa pa maniniwala lang akong nanliligaw ang lalake kung deretso niyang sasabihin na nililigawan niya ako.  Parang si Robby, kanina sinabi niya kay Ditse, "Ito ang puno ko at ikaw lang Sheryl ang pwedeng umani ng pagmamahal mula sa puso ng mga ito."   Ang romantic di ba?  Para sa akin ang taong may pagtingin sa yo hindi matatakot na sabihin ang nilalaman ng puso niya.

Joax:  Alam ko na kung saan kita dadalhin bukas.

Maya:  Saan naman?

Joax:  Basta!  Oh ano tapos ka na bang magmuni-muni pwede na ba tayong umuwi sa mansyon?  Kasi baka magkasakit ka dahil dyan sa basang damit mo.

Maya:  Tsaka baka naghihintay si Ditse talagang makukurot na ako non.

Tumayo si Joax.  

Maya:  Oh baka matapilok dyan sa bato.

Tinignan ni Joax ang batong itinuro ni Maya.  Nakita niya ang katawan ng ahas na pinatay ni Maya.

Joax:  Dahumpalay... ahas ito ah. Dito ka nakaupo kanina at pinatay mo ang ahas na ito?

Maya:  Oo

Joax:  Tinatanong mo kung hindi ako naawa sa baboy ramong binaril ko eh ikaw pala pumatay ng ahas. Durog na durog ang ulo nito ah.

Maya:  Alangan namang pabayaan kong tuklawin ako niyan.

Naglakad sila papunta sa motor ni Joax.

Joax:  Hala, nakalimutan ko naubusan nga pala ako ng gas teka tatawagan ko si Robby magpasundo na lang tayo.

Maya:  Huwag na, sobrang abala na. Pwede bang ikaw na lang ang abalahin ko?  Kung kabisado mo ang pabalik maglakad na lang tayo.  Akayin mo na lang yang motor mo.

Joax:  Ok lang, pwede ko naman itong iwan dito, hindi naman ito mananakaw dito sa loob ng Hacienda.  Teka ilalagay ko lang sa ilalim ng puno.

Pagkatapos iparada sa ilalim ng puno at inalis ang susi, magkasabay ng naglakad pabalik sa mansyon si Joax at Maya.  Binubuksan ni Joax ang flashlight at inaalalayan si Maya kapag masyadong madilim ang daan. Nagulat silang pareho ng biglang may lumipad na ilang paniki sa may ulunan nila.  Sabay nilang natawag at nayakap ang isa't isa at napaupong pareho.

Maya: Joaquin!

Joax: Maine!

Napapikit si Maine at hawak ni Joax ang ulo ni Maya. Ilang sandali silang nanatili sa posisyon na yon. Naramdaman nilang pareho ang kabog ng dibdib nila.

Joax:  Ok ka lang?

Maya:  Oo, ikaw?

Joax:  Ok lang, mga paniki lang pala eh.

Maya:  Saan galing yon?  May mga kweba dito?

Joax:  Meron sa labas ng hacienda don sa mga bundok sa likod.  Madilim na kasi kaya naglipana yang mga yan eh.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hindi nila napansin na nakaakbay sa balikat niya si Joax at nakakapit siya sa bewang ni Joax. Pababa na sila sa parang malamatarik na burol ng huminto si Joax.  Tanaw na nila ang mansyon pero kailangan nilang bumaba.  Inalis ni Joax ang pagkakaakbay sa balikat ni Maya. Binuksan ni Joax ang flashlight at itinuon sa daraanan nila.

Joax:  Teka lang, dyan ka muna. Matarik ito eh baka madulas tayo, ako muna babalikan kita.

Dahan-dahang bumaba at inalis ang baril sa pagkakasukbit sa balikat niya at inilapag sa lupa at tsaka umakyat pabalik. Tumayo siya sa harap ni Maya nauuna ang isang binti.  At tsaka iniabot ang kamay kay Maya.

Joax:  Oh dahan dahan ha. Kumapit ka sa akin.

Pero dahil basa ang paa dumudulas sa sandals eksaktong humakbang siya palapit kay Joax dumulas ang paa niya sa sandals. Nasalo siya ni Joax pero napaluhod si Maya at tumama ang binti niya sa binti ni Joax at na-out balance ito. Bumagsak si Joax patagilid niyakap si Maya at dahil alam ni Joax na gugulong silang pababa, mabilis ang isip na iniyakap niya ang dalawang braso sa ulo ni Maya at tsaka yumuko sa balikat nito. Napapikit na lang si Maya at yumakap ng mahigpit sa katawan ni Joax hanggang sa huminto sila sa paggulong. 

Paghinto nila ilang sandali silang hindi kumilos, nasa ibabaw ni Joax si Maya.  Tinignan ni Joax si Maya.

Joax:  Maine, ok ka lang?  Nasa ibaba na tayo, nasaktan ka ba?

Inangat ni Maya ang ulo at tumingala kay Joax. 

Maya: Ok lang ako. 

Tumihaya siya sa tabi ni Joax at tahimik na nagpasalamat sa Diyos na walang nangyari sa kanila. Humihingal naman si Joax nakatingin sa mga bituin sa langit. Sabay bumulong...

Joax:  Kapag minamalas talaga sobra sobra!

at natawa silang pareho ni Maya. Tawa sila ng tawa sa mga nangyari sa kanila. Hanggang sa sabay silang napatagilid paharap sa isa't isa. Napatitig si Joax sa mga mata ni Maya gayon din si Maya.

Hinawi ni Joax ang buhok na nakaharang sa mukha ni Maya isinabit sa tenga nito at hinaplos ang pisngi ng makitang may dumi ito.  Malambing ang mga bote na nagsalita.

Joax:  Maine, magdahan dahan ka kasi, hindi parating nasa tabi mo ako para saluhin o buhatin ka. Papano kung may mangyaring masama sa yo?

Dahan-dahang inilapit ni Joax ang mukha kay Maya bago dumampi ang labi niya sa labi ni Maya, napapikit at mulat si Maya. Parang nagising si Joax at narealize ang gagawin niya idinerecho niya ang mukha sa may tenga ni Maya at bumulong.

Joax: Mukha tayong tanga dito ang laki ng mansyon dito tayo nakahiga.

Natawa silang dalawa. Tumayo si Joax at inalalayan si Maya patayo.  Pinulot ang baril at flashlight at tinungo na nila ang mansyon.  Habang naglalakad sila, napapaisip silang pareho... ang nasa isip ni Maya, "was I just imagining things or he was really about to kiss me again?"  si Joax naman ang nasa isip, "what was I thinking? Bakit gusto ko siyang halikan kanina?"




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro