Chapter 19 - Pa-cool
Pagdating nila Yaya Violy, Maya at Sheryl sa may batis. Kunyari si Joax na hindi pansin ang itsura ni Maya. Si Robby nataranta tumayo at lumapit kay Sheryl.
Robby: Kamusta ang sakit ng ulo mo?
Sheryl: Ok na, salamat sa gamot. Kanina pa kayo dito?
Robby: Hindi kakabalik lang namin, nagpahinga lang at manananghalian na nga daw.
Herman: Magandang tanghali ho Senyorito.
Joax: Oh Herman, anong atin?
Herman: Wala naman ho Sir, hinatid lang namin sila Maya dito.
Joax: Baka gusto ninyong kumain? Saluhan ninyo kami.
Herman: Hindi na ho Sir, salamat ho. Tutuloy na ho kami.
Maya: Salamat sa paghatid ha.
Herman: Wala yon Maya, basta ikaw.
Ngumiti si Maya.
Herman: Maya, kung nandito pa kayo bukas ng hapon baka gusto ninyong manood. Manggahan Festival bukas dito sa Hacienda. May mga palaro, imbitado ang mga taga dito sa Village. Masaya yon.
Mang Damian: Oo nga bukas ng alas tres ng hapon yon. Pauwi na ba kayo bukas Senyorito?
Joax: Sa gabi ho sana.
Mang Damian: Tapusin na ninyo ang festival, sumali kayo ni Robby sa mga palaro pati sa Basketball. Hindi ba Herman?
Herman: Oo nga senyorito pihadong matutuwa ang team kung makakalaro silang kasama kayo. Magkalaban ho ang mga taga Hacienda at taga-village.
Joax: Sige pasasabihan namin kayo kapag pwede.
Herman: Salamat po. Tuloy na ho kami. Bye Maya, bye Sheryl. Sir Robby, una na kami.
Robby: Sige salamat.
Umalis na ang mga ito. Magkatulong na inayos nila Maya, Sheryl at Yaya Violy ang pagkain sa lamesa.
Sheryl: Ang ganda naman dito, malilim na mahangin pa.
Maya: Oo nga at may batis pa. Robby mamaya baba tayo sa batis ha.
Robby: Oo Ineng, basta ikaw, lakas mo sa akin eh.
Maya: Robby nangaasar ka na naman.
Robby: Papanong hindi lumabas lang kayong dalawa oh, parang mga langgam na nagsunuran sa inyo ang mga tauhan dito.
Mang Damian: Pasensya na kayo, hindi sanay makakita ng mga mapuputing binti at hita ang mga yon eh.
Maya: Ditse, tatawagan ko lang si Nanay ha.
Tumango si Sheryl. Bahagyang lumayo si Maya nakatalikod sa kanila. Pinagmasdan ito ni Joax.
Robby: Yan tayo eh, kaninang nakaharap kunyari ka pang hindi mo napansin tapos ngayon hinahabol mo ng tingin.
Joax: Huwag ka ngang maingay, mamaya marinig ka eh.
Maya: Ditse, halika sandali.
Lumapit si Sheryl kay Maya, ibinigay ni Maya ang cellphone sa kapatid. Mayamaya si Robby naman ang tinawag ni Sheryl.
Napatingin si Joax sa kanila.
Mang Damian: Oh bakit kausap ni Robby ang Nanay ni Sheryl?
Joax: Nakilala na ho namin ni Robby ang Nanay nila. Kay Robby ho ibinilin ang magkapatid.
Mang Damian: Mukha bang gusto ng Nanay nila si Robby.
Joax: Oho, Nanay nga ho kung tawagin ni Robby.
Mang Damian: Aba, mukhang magkakaprinsesa na ang Hacienda ah. Eh kailan naman kami magkakareyna?
Joax: Tata Damian, malayo hong mangyari yon. Kilala naman ninyo ako, ayoko ng mga relasyon na yan. Hindi naman kasi magtatagal at mapupunta sa wala. Masaya na ho akong paiba-iba ang putahe para matikman kong lahat.
Yaya Violy: Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nakikita at natitikman ang paborito mong ulam.
Napatingin si Joax sa kanyang Yaya.
Yaya Violy: Oh bakit, may paborito ka na bang kainin na ulam ngayon?
Napaisip si Joax, "wala nga."
Mang Damian: Tama ang Yaya Violy, kapag nahanap mo ang paborito mong ulam hahanap-hanapin mo yon at kahit araw-araw mong kainin hindi mo pagsasawaan. Ganon din sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang babaing mamahalin mo kahit minu-minuto mo siyang titigan at kasama. Hindi ka magsasawa.
Bumalik si Robby, Sheryl at Maya.
Joax: Oh bro, kamusta sa Maynila?
Robby: Ok lang, ginagawa yung bahay nila Maya. Hindi pa daw tapos, sinabi lang na kung pwede sa makalawa na tayo umuwi dahil walang tutulugan sila Maya. Sa makalawa pa daw ng umaga maikakabit ang bubong.
Maya: Pasensya na kayo kung nakakaistorbo na kami, kung kailangan na ninyong bumalik ng Maynila, ok lang din pwede naman kami makitulog ng isang gabi kila Ninong Hepe eh.
Mang Damian: Tamang tama Joaquin, pwede na nating puntahan at asikasuhin yung isang kliyenteng sinasabi ko.
Mang Simeon: Oo nga sayang yon.
Robby: Ano bro? Sabi naman ni Tito Rick asikasuhin natin lahat ng pwede nating asikasuhin dito eh.
Joax: Oh eh di sige, nandito na lang din tayo eh.
Sheryl: Yehey!
Maya: maka-yehey ka dyan pano yung trabaho mo?
Sheryl: Nakausap ko na next week pa daw maguumpisa yung project kaya pwede akong hindi magpunta sa office.
Yaya Violy: Naku nakakatuwa naman, bihira kaming magkabisita dito eh. Magugustuhan ninyo yung Manggahan Festival, masaya yon. Oh, magsipaghugas na kayo ng kamay at handa na itong pagkain.
Mang Damian: Oh eto na ang mga inihaw.
Mang Simeon: Ay Maya, may ipinadala pala si Isagani, Ibinilin daw ni Bernard na ipagluto ka dahil yun ang paborito mo.
Inilabas ni Mang Simeon ang isang tupperware na puno ng buttered shrimps.
Maya: Oy, paborito ko nga. Natatandaan pala niya, noon ho kasing magkaklase kami kapag nagbabaon ng ganyan si Bernard na luto ng Mama niya binibigyan niya ako. Kalaunan kapag ganyan ang baon niya nagpapalit na kami ng ulam dahil ako din naman ang umuubos ng ulam niya.
Mang Simeon: Sabi nga ni Isagani ang kwento ni Bernard eh malapit kayo sa isa't isa, kung hindi ka nga daw tumigil sa pagaaral at hindi na kayo nagkita malamang na niligawan ka niya.
Namula si Maya.
Maya: Si Bernard talaga kung ano-anong ikinukwento.
Sheryl: Ineng, hindi ko alam noon pa pala may admirer ka na ha.
Robby: Naku, Ineng, lalo na pagbalik mo sa Maynila at ganyan ang itsura mo baka magkagulo ang mga taga palengke.
Sheryl: Ang sabihin mo, baka tuluyan ng ligawan ni Baste yan. Eh kung nuong mukhang lalake kung umasta at magbihis itong si Ineng eh patay na patay na yon kay Maya lalo pa ngayon.
Mang Damian: Aba eh marami naman palang magiging tagahanga itong si Maya. Mahirap yan, pano na yan Maya may nagugustuhan ka ba sa mga iyon.
Maya: Tata Damian, wala pa ho sa isip ko yang mga ganyan. Ang gusto ko lang palaguin ang negosyo at umayos ang buhay namin sa paraang kaya ko.
Mang Damian: Aba kung pagasenso din lang sa ganda mong yan maraming mayayaman ang pwedeng magkagusto sa yo.
Maya: Tata, ayoko ho sa mayaman, hindi ko ho kayang sabayan ang buhay nila at malamang hindi din nila maiintindihan ang simpleng pamumuhay ko.
Joax: Yaya, ano bang ulam natin? Ang haba ng kwentuhan ninyo lalo akong nagutom eh.
Sabay-sabay na sumagot si Maya, Sheryl at Yaya Violy ng... "Igado". Nagtawanan silang lahat.
Joax: Yaya naman eh!
Yaya Violy: Ipinagluto kita ng Igado para naman malaman mo kung ano yon. Aba eh ilang taon ka na ba at hindi mo alam kung ano ang igado.
Lalo silang nagtawanan. Ang lakas ng tawa ni Maya. Umupo si Joax sa tabi ni Maya, siniko niya ito.
Joax: Huy! Makatawa ka naman, kagabi ka pa nangaasar ah.
Maya: papano naman eh Igado lang hindi mo pa alam.
Nagkainan na sila. Nilagyan ni yaya ng Igado ang pinggan ni Joax.
Joax: Masarap ba ito?
Maya: Tikman mo kasi.
Kumutsara naman si Joax. Nagustuhan naman niya.
Maya: Igado is a popular Ilocano dish made from pork tenderloin and pig's innards such as liver, kidney, heart. Iginigisa lang yan, tapos nilalagyan ng toyo, paminta at konting suka. Tapos may karrots at bell pepper.
Joax: Masarap nga. Yaya, masarap pala ito eh.
Maya: Oh ngayon alam mo na kung ano yung Igado.
Joax: Opo.
Maya: Tata Damian, Mang Simeon kuha lang ho kayo ng hipon madami naman hindi ko mauubos yan. Yaya, Robby oh. Oh, ito Joax tikman mo masarap din.
Joax: Ayoko niyan, hindi masarap yan.
Yaya Violy: Oh Joaquin, mahilig ka din naman sa seafood hindi ba?
Joax: Yaya, ok na ako sa Igado at sa mga inihaw.
Robby: Ayaw mo oh, ayaw mo dahil bigay ni Bernard kay Maya yan kaya ayaw mong kumain.
Joax: Ayoko nga nyan, mamaya may gayuma pa yan.
Maya: ang harsh mo kay Bernard.
Robby: Asus, sabihin mo Joaquin, nagseselos ka lang kasi alam ni Bernard ang paborito ni Maya ikaw hindi mo alam.
Binato ng buto ng manok ni Joax si Robby.
Joax: Kumain ka na nga lang! Ang dami mong satsat.
Nagtawanan sila.
Ramil: Ay kung ako ang tatanungin, mas gusto ko si Kuya Joax. Mas gwapo kaya si Kuya Joax kay Bernard.
Janine: Ako din.
Yaya Violy: Asus, nakisali naman itong dalawang ito, wala namang magaling sa inyo kung hindi yang Kuya Joax ninyo.
Joax: Bakit Yaya, hindi ba totoong mas gwapo ako kay Bernard?
Nagkakatinginan sila Sheryl at Robby, lihim na parehong ngumingiti. Tahimik lang na kumakain si Maya at nakikinig.
Yaya Violy: Ah syempre mas gwapo talaga ang alaga ko!
Joax: Oh Yaya, wala ng bawian yan.
Mang Damian: At di hamak namang mas mayaman si Joaquin kaysa kay Bernard.
Robby: Tata Damian, ang sabi ho ni Joaquin, hindi siya mayaman ang Daddy lang niya.
Mang Simeon: Oh eh hindi naman pala mayaman Maya eh, pwede nang magustuhan. Hindi ba Maya?
Maya: Tata Simeon, tama kayo mas masarap ho itong inihaw kaysa sa sugpo at igado na yan.
Nagtawanan sila.
Sheryl: Sis ang safe ng sagot mo!
Bumungisngis ang magkapatid. Masaya silang nananghalian. Madaming nakain si Joax. Tumayo ito.
Joax: Yaya ang dami kong nakain ah.
Yaya Violy: Nagustuhan mo ang Igado?
Joax: oo Yaya ang sarap eh!
Mang Damian: Teka nga pala, kamusta ang paguwi ninyo kagabi. Nalasing ako, hindi ko na kayo naasikaso.
Robby: Ok lang Tata Damian, magaling pa rin namang magmaneho si Joax kahit lasing eh.
Yaya Violy: Pero Robby dito lang sa loob ng Hacienda yon ha. Huwag na huwag mong pagmamanehohin ng ganon kalasing yang pinsan mo.
Robby: Don't worry Yaya, akong bahala dyan kay Joax.
Mang Simeon: Mabuti nakapanhik pa kayo ng kwarto.
Sheryl: Muntik na ho kaming matulog na apat sa hagdan eh. Natakot lang kaming mapagalitan ni Yaya.
Maya: Si Robby nauntog sa pinto.
Robby: Ikaw naman gumagapang na sa hagdan.
Maya: Ikaw din kaya.
Sheryl: Eh sino yung nadulas tapos ang nasabi...
Robby at Sheryl: Ay Kabayong Joaquin!
Nagtawanan sila. Tawa lang din ng tawa ang mga nakikinig sa pagkakantyawan nila. Bandang ala una y medya.
Mang Damian: Oh dyan na muna kayo at babalik na kami para magani.
Joax: Sasama ako Mang Damian.
Robby: Oo nga ho.
Mang Simeon: Eh sino kasama nila Maya dito.
Yaya Violy: Mabuti pa, sumama na kayong apat doon kami na nila Ramil at Janine ang bahala dito. Bumalik na lang kayo dito kapag napagod na.
Maya: Ay sige, makiani na din tayo Ditse!
Tumayo si Maya at sumabay kay Mang Damian, humawak sa braso ng matanda. Sumunod na si Robby at Sheryl.
Yaya Violy: Malambing si Maya ano?
Joax: Maaga hong namatay ang Tatay niya, malambing ho siya sa mga pwede niyang ituring na ama.
Yaya Violy: Ilang taon siya ng mawala ang kanyang ama?
Joax: Siyam na taong gulang.
Yaya Violy: Kawawa naman kung ganon. Malamang kapag nagkanobyo yan mas magiging malambing yan.
Joax: Baka nga ho.
Yaya Violy: Ayaw mo bang alamin?
Joax: Yaya... narinig ninyo ang sabi niya, wala sa isip niya ang mga lalake at ayaw niya sa mayaman.
Yaya Violy: Sabi mo nga hindi ikaw ang mayaman ang Daddy mo lang, at wala sa isip niya ang lalake dahil hindi pa siya nagkaron ng pagkakataong suyuin ng lalake.
Joax: Hay naku Yaya, dyan ka na nga... hindi bagay sa yo ang outfit ni Kupido!
Maaring yon ang sinasabi ni Joaquin pero naguguluhan ang loob niya dahil natutuwa siyang pagmasdan si Maya kapag nakangiti ito... biglang nagsalita si Mang Simeon mula sa likod ni Joax.
Mang Simeon: Katulad ng sinabi ni Damian, kapag nahanap mo ang paborito mong ulam hahanap-hanapin mo yon at kahit araw-araw mong kainin hindi mo pagsasawaan. Ganon din sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang babaing mamahalin mo kahit minu-minuto mo siyang titigan at kasama. Hindi ka magsasawa. Katulad ng ginagawa mo ngayon.
Joax: Ho?
Mang Simeon: Aba eh, simula pa kaninang dumating si Maya hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang nakitang pinagmamasdan siya. Mukhang nahanap mo na ang paborito mong ulam Joaquin...
Joax: ah yung Igado ho?
Mang Simeon: Hindi... si Maya!
Napatigil si Joax sa sinabi ni Mang Simeon at napaisip... "tama nga kaya ang sinasabi nila?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro