Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - Pagmamaktol

Bandang alas dyes ng magising si Maya, napasarap ang tulog, somewhere in her sleep naamoy niya ang pabango ni Joax at hanggang paggising niya yun pa rin ang naamoy niya.   Gusto niya ang amoy nito, isiniksik ang mukha sa unan na yakap doon niya naamoy ang pabango ni Joax.

Napamulat ng marealize niya... bakit naman niya maamoy ang pabango nito sa unan na gamit niya. Kinusot ang mata, luminga sa paligid. Nakita niya si Sheryl na nakaupo sa tabi niya sa kama, nakasandal sa head board.

Maya:  Oh Ditse bakit?

Sheryl:  Nagtatanong ka pa, masakit ang ulo ko sa dami ng ininom natin kagabi. Papano naman kayo  ni Joax ayaw ninyong magpatalo sa isa't isa.  Pati tuloy kami nadamany eh!

Maya:  Eh bakit ako ok naman, masarap nga ang tulog ko eh.  Pero ang weird Ditse parang nananaginip ako na naamoy ko si Joaquin.  Siguro dahil galit na galit ako sa kanya hanggang sa pagtulog ko nadala ko yon.

Naupo si Maya, inayos at sinuklay ng mga daliri ang buhok. Tumili si Sheryl.

Sheryl: Ay! Oh my God Maya bakit nakabalot sa kasawan mo ang polo shirt ni Joax?

Maya:  Potah! kaya naman pala naamoy ko eh.  Bakit nandito to?

Sheryl:  Malay ko?  Ang naalala ko lang yung  hanggang sa nagtatawanan tayo sa hagdan eh.

Maya:  Oo nauntog si Robby, tawa tayo ng tawa, napaupo ka na sa kakatawa sabi mo naiihi ka na.

Sheryl:  Tapos tinawag mo si Joax na kabayong joaquin, tapos gumagapang na si Robby sabi hindi na daw niya kaya.

Maya: Oo ako din, hindi ko na kaya napayuko na ako sa hagdan.  Pagkatapos non wala na akong naalala. 

Sheryl:  Ako, naaalala ko pa na hinatid ko si Robby sa kwarto at si Joax, ang naghatid sa yo.

Maya:  Ano? Eh baka dito naghubad ng damit yon kaya nandito ang damit niya. Talaga naman bastos! Teka nga!  Nasan ba yang lalaking yan?  Humanda siya sa akin! Uumbagin ko talaga siya!

Sheryl:  Ineng, sandali.

Pero hindi nakinig si Maya, dere-deretsong lumabas ng kwarto at tinungo ang daan papunta sa kwarto ni Joax... humabol si Sheryl...

Sheryl:  Ineng, teka lang. Hindi ka pa...

Nakasalubong ni Maya si Robby.  Sininghalan niya ito...

Maya:  Roberto, nasan yang magaling na pinsan mo ha?

Robby:  hindi ko alam kagigising ko lang.  Bakit ba?  Oh bakit nasayo ang suot na polo shirt ni Joax kagabi?

Maya:  Exactly! bakit nga kaya?

Sinugod ni Maya si Joax. Nakita ni Robby si Sheryl.

Sheryl:  Pigilan mo si Maya, hindi pa siya nakakabihis.

Hinagod ng tingin ni Robby mula ulo hanggang paa si Maya.

Robby: hala, ang sexy ni Maya, babaing babae  ah.

Binatukan ni Sheryl si Robby.

Robby:  Sorry, nagulat ako eh.

Sumunod silang dalawa.  Pagdating sa pinto ni Joaquin. Hinawi pa ni Maya sa isang side ang buhok litaw ang balikat at leeg nito. Hinila ang damit pababa lalong bumakat ang fitted na blouse sa hubog ng katawan at dahil walang bra,  nakaumbok at bahagyang halata ang nipples nito.

Kinalabog ni maya ng dalawang braso ang pinto ng kwarto ni Joaquin.

Maya:  Hoy lalake! Lumabas ka nga dyan!

Nagising si Joax sa kalabog at lakas ng boses ni Maya.  Bumangon ito nakaboxers lang at walang t-shirt.  Naiinis na binuksan ang pinto.

Joax:  ANO BA???!!! 

Napatunganga ng makita ang itsura na nakapamewang pa na si Maya sa harap niya.  Sinipat mula ulo hanggang paa. Ang nasa isip ni Joax,   "Shit ang sexy niya!!!"

Nagbago ang tono ng boses, ang kaninang pasigaw humina.

Joax:  bakit?

Maya:  Bakit nasa kuwarto namin itong polong suot mo kagabi ha?  Pumasok ka sa kwarto namin? Anong ginawa mo  at nakabalot sa katawan ko ang damit mo?!

Joax:  hindi ko alam, wala akong maalala kung hindi yung nagtatawanan tayo sa hagdan yon lang.

Maya:  Ano may buhay ba itong polo mo? Hinubad niya ang sarili niya at nagpunta sa kwarto namin?

Hinampas ni Maya si Joax sa dibdib.

Joax:  Maya hindi ko nga alam, anong gusto mong sabihin ko sa yo hinubad ko yan don at ibinalot ko sa yo eh ako nga hindi ko alam kung papano ako nakarating sa kwarto ko.

Napaakyat na sila Yaya Violy sa hagdan ng magpapadyak si Maya sa harap ni Joax.  Kitang kita ni  Joax ang pagalog ng lahat ng dapat umalog sa parte ng katawan ni Maya habang nagpapadyak  at nagmamaktol ito.   Nagsasalita si Joax sa isip, "Ang cute mo magmaktol, pero parang awa mo na tumigil ka na". Napalunok si Joax.

Maya:  Eh kasi naman! 

Nagpapadyak ulit ito at hinampas ng hinampas sa dibdib si Joaquin habang hawak ang polo shirt, napatingin si Joax sa hagdan... Nandon na din sila Tata Damian, Mang Simeon, Isagani at Ramil sa likod ni Yaya Violy.

Hinawakan ni Joax ang magkabilang braso ni  Maya para tumigil ito.

Joax:  Maya, please. Huwag ka ng gumalaw. Hindi ako lalo makaconcerntrate sa pagsagot sa tanong mo eh. Relax ok, pagusapan natin ito mamaya pero pwede...

Sheryl:  Maya!

Maya: Ditse ano ba?!

Sheryl:  Hindi ka pa nakakabihis.

Napatingin si Maya sa katawan.

Maya:  SHIT!!

Joax:  Exactly!!!

Robby:  Ahm, Mang Simeon, magaayos lang ho kami, sa salas na ho tayo magusap.  Yaya Violy, pakidalhan ho muna sila ng mamemeryenda doon. Susunod na ho kami.  

Napapabungisngis si Yaya, nakita niya ang itsura ni Maya. Malamang wala ito sa sarili na basta sinugod ang alaga niya kaya hindi nito alam na nakasuot pangbabae siya. 

Namutla si Maya, hiyang-hiya.  Itinakip ni Maya ang braso sa dibdib. Pinulot ni Joax ang polo shirt niya na nabitiwan ni Maya.   Pag angat ng mata hinagod niya ng tingin ang buong katawan ni Maya.

Maya: Hoy! Huwag mo na akong tignan!

Itinakip ni Joax ang polo niya sa  harap ni Maya.  Hinawakan naman yon ni Maya at itinakip sa katawan. Napahawak si Joax sa batok.

Joax:  Hindi ko talaga alam kung papano ipapaliwanag yang tungkol sa polo ko pero isa lang ang sigurado ako, walang nangyari sa atin at wala tayong ginawa dahil nagising akong suot ang pantalon at sapatos ko dito sa kama ko kaninang alas otso.

Maya:  ok fine.

Tumalikod na si Maya, sinalubong ni Sheryl at Robby.

Joax:  MAINE...

nilingon siya ni Maya.

Joax:  Sorry for everything.

Tumalikod na si Maya, walang reaksyon ang mukha pero si Sheryl at Robby, nakangiti.

Maya:  Tigilan ninyong dalawa ang pagngiti ninyo. Dadagukan ko kayo!

Pumasok ng kwarto si Joax, isinara ang pinto napasandal dito. Habol ang hininga pilit pinapakalma ang sarili Ang nasa isip, "hindi ko kayang sabihin kay Maya na magkatabi kaming natulog, yung halikan ko nga umiyak at nagalit na, baka hindi na niya ako mapatawad kapag nalaman niyang tinabihan ko siya sa pagtulog, kahit pa sabihing  lasing ako."

Nakaligo na sila Maya bago mananghali. lumabas ng banyo ng nakatapis at hinahanap ang pantalon niya.

Maya:  Ditse, nasan yung pantalon ko?

Sheryl:  Itinago ko na sa maleta ko, ayan ang susuotin mo. 

Maya:  Ditse naman ang usapan natin kapag nasa kwarto lang eh.

Sheryl:  Maya, nakita ka na nilang lahat sa itsura mo kanina.  Kaya hindi ka na dapat mahiya pa especially I think Joax liked what he saw.

Maya:  ang laswa ng isip mo Ditse!

Sheryl:  yang isip mo ang madumi.  Ang ibig ko lang sabihin nakita ka na nila na nakasuot ng damit na pang babae hindi mo na kailangan mahiya pa dahil babae ka namang talaga.

Maya:  Ditse, please huwag na lang.  Nahihiya na nga ako doon sa nangyari kanina eh.

Sheryl:  Susuotin mo ba yan o sasabihin ko kay Joaquin na inamoy-amoy mo yang damit niya sa pagtulog mo?

Maya:  Ang daya mo naman eh!  Hindi ko naman sinadya yon eh.

Walang nagawa si Maya kung hindi isuot ang itim na shorty shorts at dilaw na sleeveless polo shirt na inilabas ng kapatid.

Maya:  Ditse, makikita naman ang kilikili ko dito eh.  Baka mamaya may buhok pa nakakahiya.

Sheryl:  Halika dito humiga ka.

Dinikitan ni Sheryl ng wax pad ang dalawang kilikili ni Maya. 

After, ilang minutes.

Sheryl:  Mabilis na sakit lang ito ha, takpan mo ang bibig mo niyang unan para kahit mapasigaw ka hindi nila marinig.

Sumigaw nga si Maya at naluha.

Maya:  Ditse ang sakit naman eh.

Sheryl:  Tiis ganda lang Sis, tignan mo ngayon.

Maya:  Aba oo nga, malinis na.

Sheryl:  O tapos maglagay ka nito whitening lotion.  May protection yan sa araw kaya hindi ka mangingitim.

Maya:  Pati sa kilikili?

Sheryl:  Oo para lalong pumuti.

Naglagay naman si Maya sa buong katawan. 

Sheryl:  Tapos yang mukha mo kapag galing ka sa labas lilinisin mo ng facial cleanser.  Tapos lagi kang magpulbos kung ayaw mo ng foundation at maglipstick ka eto meron ako dito light lang hindi halata na nakalipstick.

Maya:  Oh ayan pwede na ba?

Sheryl:  Ganyan, tapos yang buhok mo huwag mong itali, magclip ka na lang o kaya  kapag lalabas ka eto magshades ka, tapos yan ang gawin mong hair bond, ganito.

Maya: Oo nga no, double purpose yung shades.

Sheryl:  Magsandals ka na lang mas bagay yan sa suot mo.

Bumaba sila sa kusina bandang 11:30.

Yaya Violy:  Aba, mukhang bihis na kayong dalawa ah. May lakad kayo?

Sheryl:  Mamamasyal lang ho sana dito sa Hacienda Yaya. 

Yaya Violy:  Maya, mas bagay sa yo ang suot mo at ayos ng buhok mo.

Maya:  Salamat ho.  Anong ulam Yaya?

Yaya Violy:  Igado! 

Nagtawanan sila.

Yaya Violy:  Naawa naman ako kagabi sa alaga ko eh Igado lang hindi pa alam.  Mabuti bumaba na kayo, tulungan ninyo akong ilagay yang mga plastic plates na may paper plate  dahil nagaani ng Mangga ngayon, doon tayo sa may batis kakain ng tanghalian.  Nandon na sila Damian, nagiihaw na ng bangus, manok at pusit.  Nagpalagay na din ng tent at beach chairs doon sila Joaquin.

Sheryl:  Uy, masaya yon.

Hindi umiimik si Maya.

Sheryl:  Oh nahihiya ka na naman. Ineng, maganda ka. wala kang dapat ikahiya sa itsura mo.

Yaya Violy:  Oo nga, mapapanganga ang mga yon sa itsura mo at hindi ka na bubuskahin.

Magkakasabay na naglakad sa Hacienda sila Yaya Violy, Sheryl at Maya bitbit nila ang mga pagkain.  May mga nasalubong silang tauhan ng Hacienda.

Herman:  Magandang tanghali Yaya, saan ang punta ninyo?

Yaya Violy:  Sa may batis doon gustong mananghalian ni Senyorito dahil tumutulong sila sa pagani ng mangga.

Zandro:  Ihahatid na ho namin kayo at mukhang mabigat ang bitbit ninyo. Maya, ako na ang magbubuhat niyang basket mo.

Maya:  Ok lang, magaan lang naman eh.

Zandro:  Sige na mapapagalitan kami ni Senyorito kapag nakitang hindi namin kayo tinulungan.

Ibinigay ni Maya ang basket na dala nila kay Zandro. Kinuha naman ni Herman ang kaldero ng kanin at ulam kay Yaya Violy.

Bumati sa kanila ang lahat ng makasalubong.  May mga pahabol pang. "Ms.Maya lalo kang gumaganda" o kaya " Maya, bagay sa yo ang suot mo."

Nakasabay nila si Ramil at Utoy na bumili ng tube ice.

Ramil:  Ang ganda ni Ate Maya oh.

Ginulo ni Maya ang buhok nito.  Nauna ng tumatakbo sila Ramil.  Nang malapit na ito sa kinaroroonan nila Joax nagsisigaw si Ramil at Utoy.

Ramil at Utoy:  Padating na sila Lola, kasama si Ate Maya at Ate Sheryl.

Robby:  Ano bang isinisigaw ng dalawang ito.

Humihingal na nagsalita ang dalawa pagdating sa harap nila.

Ramil at Utoy:  Padating na sila Lola, kasama si Ate Maya at Ate Sheryl. 

Ramil:  Ang gaganda nilang dalawa, lalo na si Ate Maya.

Joax:  Ano?

Utoy:  Oo Kuya, pinagkakaguluhang ihatid ng tropa nila Herman.

Tumanaw sila Robby at Joax at lahat ng mga naroon sa pinanggalingan nila Ramil

Robby:  Diyos na mahabagin pigilan ninyo ako! Ang puti ni Crush oh.

Joax:  May diyosang bumaba galing sa langit!

Mang Simeon: Hoy, kayong dalawa isara ninyo ang bibig ninyo baka pasukin ng langaw na galing sa taeng kalabaw yan.

Nagtawanan ang mga tao don. 















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro