Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 - Waisted

Nagising si Maya bandang alas  syete ng gabi.  Nagbibihis na si Sheryl.

Sheryl:  Mabuti nagising ka na, dinner na tayo tapos may lakad tayo di ba?

Maya:  Maiiwan na lang ako dito Ditse! Basta kasama mo si Robby kayo na lang ang lumakad.

Sheryl:  Anong gagawin mo dito magmumukmok?  

Maya:  Ayokong makita yong lalaking yon!

Sheryl:  Pwede ba yon eh bahay nila ito.  Sumama ka na, sabi ni Robby masaya daw don may Banda. Eh di manood ka na lang ng Banda.

Maya:  Ditse sige na please, maiiwan na lang ako, mamamasyal na lang ako mamaya. 

Wala ng nagawa si Sheryl.  Bumaba na ito sa salas nandon na sila Robby at Joax.

Robby:  Oh nasan si Maya?

Sheryl:  Masama ang pakiramdam, maiiwan na lang daw.

Nakaalis na sila Joax, Robby at Sheryl ng bumaba si Maya nagpunta sa kusina.

Yaya Violy:  Kumain ka na, ibinilin ka ni Sheryl.

Maya: Salamat ho.

Yaya Violy:  Balita ko magkagalit kayo ng alaga ko.

Maya:  Ok na ho yon Yaya, huwag na nating pagusapan.

Yaya Violy:  Maya, mabait naman ang alaga kung yon minsan lang sinusumpong.

Matapos kumain, naglakad-lakad si Maya sa labas nadaanan siya ni Ramil at Janine.

Ramil:  Ate, sama ka sa amin.  Pupunta kami sa tumana, birthday ni Kuya Isagani. 

Maya:  Isagani yung kababata nila Robby? 

Ramil:  Oo ate, kasama namin sila Lola may kasiyahan sa  may Manggahan eh.  Masaya yon.

Sumama naman si Maya dahil ayaw maiwang magisa sa mansyon. May lamesa  ng pagkain, may bornfire sa isang putol na drum.    Nakaupo ang mga ito sa mga banig sa damuhan nagkakainan at nagiinuman.

Isagani:  O ayan na sila Yaya Violy.

Yaya Violy:  Magandang gabi sa inyo.

Isagani:  Magandang gabi Yaya.

Yaya Violy:  Maligayang kaarawan Gani! Eto so Maya kaibigan ni Joaquin.

Isagani:  Hi Maya, upo ka. 

Maya:  Happy Birthday!

Isagani:  Thank you, kain na.  Pasensya ka na yan lang ang handa ko. Nakantyawan lang ako ng mga ito.  Mabuti ng nagluto si Yaya ng pancit eh at yang kalamay gawa naman ni Carol. At ito naman kumpare kong si Nestor imbes maglako ng paninda dito na dinala ang paninda niyang squid balls, fishballs at kung ano-ano pa.

Maya:  uy masarap yan, favorite ko yan.

Ipinakilala ni Isagani si Maya sa mga nandoon. Masaya namang nakakwentuhan ni Maya ang mga ito.  Nanginain sila ng squidballs, fishballs, hotdog, kikiam at kalamares.

Mayamaya naglabas ng lambanog ang  Tatay ni Isagani. Dumating din si Mang Simeon.

Mang Simeon:  Maya tikman mo ang lambanog dito sa amin, kakaiba, binababaran ng strawberry.

Inabutan naman ng basong may lambanog si Maya.  Pinagbigyan naman ito ni Maya.

Maya:  Tata Simeon, masarap nga ho. Lagyan na ninyo itong baso akin na ito ha.

Mang Simeon:  Aba eh umiinom pala si Maya eh.  Carol, Jean, Sarah may kainuman na kayo. Maya doon ka na makiupo sa kanila.

Nagkwentuhan ang mga ito habang umiinom.  Mayamaya dumating ang isang kaopisina ni Isagani si Bernard dala ang isang CD player at kasama ang dalawang babaeng kaopisina ni Isagani.  Pinaupo ang mga ito sa tabi ni Maya at ipinakilala. Madali namang nakapalagayang loob ni Maya si Bernard dahil taga-Maynila ito. Napalipat lang ng branch ng Bankong pinagtatrabahuhan kaya nasa Baguio.

Nagpatugtog si Bernard ng mga danceable songs. Sumayaw sila Ramil at Janine habang pinanonood nila Maya. Dahil mga nakainom na mayamaya pati sila Carol, Jean at Sarah sumasayaw na kasama na pati si Isagani.

Samantala sa Bar, nageenjoy din sila Robby at Sheryl sa panonood ng banda.  At si Joax nageenjoy din dahil may ipinakilalang babae si Tito Boni sa kanya. Nakatanggap ng text si Robby mula kay Tata Damian ang sabi dumaan sila paguwi sa manggahan dahil nandon silang lahat at kaarawan ni Isagani.

Robby:  Wala pala sa mansyon sila Yaya nasa birthday ni Isagani sa manggahan isinama daw nila si Maya.

Sheryl:  Mabuti naman para may magawa si Maya.

Robby:  Oo masaya yon.  Doon na lang daw natin sila daanan paguwi natin.

Joax:   Bro, sino nagtext?

Robby:  Si Tata Damian nagsabi lang na dumaan tayo doon sa manggahan, dahil nandon silang lahat birthday ni Isagani eh.  Malamang nagiinuman na ng lambanog yung mga yon. Umiinom ba si Maya?

Sheryl:  Oo, umiinom naman.

Robby:  mageenjoy yon, masaya kapag may kasiyahan sa hacienda.  Nandon lahat pati matatanda nagsasayawan.

Sheryl:  oy ok yon ha.  Must be fun.

Robby:  Gusto mo mauna na tayo kay Joax punta tayo don tutal patapos naman na yung first set ng banda.

Sheryl:  Sige.

Robby:  Bro, ipasusundo na lang kita, pupunta kami sa manggahan. Tatapusin lang namin ang first set ng band.

Joax:  Hindi, sasabay na ako sa inyo

Robby: Sigurado ka? Papano yung pinakilala sa yo ni Tito Boni.

Joax:  hindi ko type.

Robby:  Aba, himala si Joaquin tumanggi sa babae?! Milagro!

Joax:  I will meet you outside, bayaran ko lang bill natin at magpapaalam na ako kay Tito.

Nang matapos ang first set, tumayo na si Robby at Sheryl, si Joax nagpunta sa Cashier at nagpaalam na kay Tito Boni.   Makalipas ang trenta minutos nasa gate na sila ng Hacienda. Si Mang Kanor ang nagbukas ng gate para sa kanila.

Mang Kanor:  Maaga kayong nakabalik Sir ah.

Robby:  Hahabol kami sa kasiyahan sa manggahan eh.

Mang Kanor:  Naku, masaya na nga ho doon.  Mukhang marami ng nainom. Lumabas na si Sila Isagani kanina kasama si Mam Maya para bumili ng tube ice eh.

Robby:  Kasama si Maya?  Oho, mukhang nakapalagayang loob nila Isagani at ng mga kaopisina niya eh.

Robby:  Sige ho, salamat.  Ilock na ho ninyo yan para makasunod kayo doon.

Mang Kanor:  Naku Sir, bawal naman ho akong uminom kaya dito na lang ako maiinggit pa ako don. Dinalhan naman nila ako ng pagkain eh.

Robby: Sige ho, tutuloy na kami.

Sheryl:  Is he talking about my sister?  Si Maya?  May friends na dito?

Robby:  Seems so... oh Joaquin bakit nakakunot ang noo mo?

Joax:  Wala.

Robby:  Wala?  Oh nagseselos ka na may ibang kaibigan dito si Maya.

Joax:  Are you crazy Robby?  Ano naman ang pakialam ko kung may ibang kaibigan siya?

Robby:  Wala nga. Pero naiinis at nagseselos ka?

Joax:  No way Jose!

Robby:  Sabi mo eh.

Malayo pa sila naririnig na nila ang tawanan, hiyawan at tugtog mula sa Manggahan.  Malayo pa din pero derecho na ang tingin ni Joax sa lugar kung saan nanggagaling ang tunog na yon. Gusto niyang makita kung nasaan at ano ang ginagawa ni Maya.

Nakita niya itong nakatayo may hawak na baso katabi ang isang lalaking hindi niya kilala at si Isagani nakatayo sa harap nito na nakaakbay sa isang babaeng maaaring girlfriend nito. . Lumapit si Janine kay Maya hinihila ito para sumayaw.

Isagani:  Oh nandito na si Senyorito.

Lumingon si Maya, pero kay Sheryl at Robby nakatingin.

Maya:  Sis! Bro! Glad you're here.  

Kumapit si Maya sa bewang ni Sheryl at Robby.  Nakipagkamay si Joax kay Isagani.

Joax:  Kamusta? Balita ko sa banko ka na daw nagtatrabaho.

Isagani:  Oo tol, eto si Bernard, Grace at Becky mga officemates ko. O eto baso mo. I met Maya, she's great.  Small world nga kabatch niya si Maya sa Manila nung nagaaral pa.

Tinanguan naman ni Joax si Bernard at ang mga kasama nito. 

Isagani:  Kanina pa nga kami nagkakasayahan dito.  Dito ka na sa lamesa namin nila Tata Simeon maupo. Nakiupo naman si Joax.

Maya:  Sis, you have to taste this strawberry  flavoured lambanog. It's to die for.

Hinapit ni Robby si Maya sa bewang sabay bumulong... lasing ka na ata neng?

Maya:  Hindi bro, just having fun. Unlike other people I'm sure you know that I can have fun.

Robby:  Oo naman.

Nagtawanan sila.  Binigyan ng baso si Robby at Sheryl. Tumagay naman ang mga ito.

Sheryl:  Oo nga masarap.

Mayamaya, tinugtog ang trumpets pagdating sa chorus

Janine:  Ate Maya, ayan na!

Maya:  Oy, Bern samahan mo ako dito, ikaw nagpasimula nito.

Lumapit naman si Bernard, sumayaw sila kasama si Janine at Ramil, pati na sila Carol.

Ramil:  Si Kuya Robby magaling din sumayaw.

Hinila naman nila si Robby at Sheryl.  Nanonood lang si Joax. Bumulong si Mang Simeon...

Mang Simeon:  Magaling palang sumayaw si Maya bakit hindi mo isayaw senyorito. Naaalala ko pa kayo ni Robby ang pinakamagaling sumayaw dito noon.

Joax:  Noon  yon Tata, hindi na ngayon.  Isa pa huwag na ho at baka masapak na naman ako eh.

Mang Simeon:  Galit pa rin ba sa yo?

Joax:  Oho, ayaw ho akong imikan, hindi naghapunan at hindi nga rin ho sumama sa paglabas namin ngayong gabi.

Biglang sumigaw si Mang Simeon.  

Mang Simeon:  Isagani, teka muna bakit ba dalawa ang lamesa natin eh papano tayo maglalaro niyan?  Dapat lahat ng umiinom nasa isang lamesa lang.

Isagani:  O sige Tata, ayusin ninyo para masaya.

Mang Simeon:  Robby at Sherly dito kayo sa tapat namin ni Joax dapat salitan ha babae tapos lalake.

Maya:  Hala, anong laro daw yon?

Mang Damian:  Maya, dito kayo ni Bernard sa tabi ni Joax.

Walang nagawa si Maya kung hindi maupo sa tabi ni Joax pero hindi naman humaharap dito at nakikipagkwentuhan lang kay Bernard.

Mang Simeon:  O sige ako ang tanggero. Patalinuhan ito ha, pwede kayong magtanong ng kahit na ano sa katabi ninyo mathematics, history, showbiz kahit ano.  Magkalaban ang lalake at babae.  Isagani kalaban mo si Grace,  Senyorito kalaban mo si Maya, Bernard kalaban mo si Carol, Bert kalaban mo si Jean, Robby kalaban mo si Sheryl,  kailangan sa limang segundo masagot ang tanong. Kung ano ang topic ng kalaban mo yun din ang topic ng tanong mo. Sige simulan mo Isagani

Isagani:  magbigay ng tatlong states ng US

Grace: Alabama, Ohio, California... Ano ang capital ng Canada?

Isagani: Ontario

Maya:  That's wrong, it's Ottawa, nagpalakpakan ang mga babae... Isagani inom!

Tinagayan ni Mang Damian si Isagani ng isang baso at ininom naman ito.

Mang Damian:  O may isang puntos na ang mga babae.  Dahil nanalo sila si Maya ang unang magtatanong.

Maya:  Give 3 ingedients ng Igado

Joax:  Ano yon?  hala!

Bumilang ang mga babae, 1 2 3 4 5... nagtawanan sila.

Carol: ang galing mo Maya! inom ka na Sir

Walang nagawa si Joax uminom ng isang baso.

Joax: so kailangan tungkol din sa pagluluto o pagkain ang tanong ko hindi ba?

Mang Damian: Oo

Joax: ano ang tawag sa  malaking salaan yung ginagamit sa pasta

Napangiti si Maya.

Maya:  Easy... Colander  

sabay dinilaan si Joax nagtawanan ang lahat napakamot ng batok si Joax

Mang Damian: Oh dalawa na ang puntos ng babae 

Carol:  Spell worcestershire

Bernard: Worcertersher

Sheryl:  Mali, dapat yung dulo shire.  

Nagpalakpakan ulit ang  mga babae, uminom si Bernard

Bernard:  spell ambiguous

Carol: Ambigous

Joax: wrong dapat AMBIGUOUS

Isagani:  Yun naka score din... Ramil ayusin mo yang pagscore ha.

Ramil:  oo kuya 3 na ang girls at 1 ang boys

Uminom si Carol. 

Bert:  85 x 6

Jean: ahm 508?

Robby:  mali its 510

uminom si Jean 

Jean:  420 divided by 6

Bert: 70

Robby: Tama

Ramil: Oh  3 - 2 na

Joax:  Robby galingan mo

Robby:  What do you call the study of stomach and intestines?

Sheryl: Gastro... ano nga yon?

nagbilang ang mga lalaki 1 2 3 4 5  nagpalakpakan.

Robby:  Gastroenterology

Sheryl:  Yun nga! ang hirap naman.

Ramil: All 3

Sheryl:  Science din dapat di ba?  Ano ang temperature ng boiling water in farenheit?

Robby: that's 100 degree celcius ano nga sa farenheit? two hundred...

Bumilang si Maya. 1 2 3

Robby:  212

Joax:  Oh umabot sa time!

Sheryl:  Ang daya mo!

Naka ilang ikot pa ng tanungan at sagutan... hanggang sa umayaw na ang iba, si Maya, Sheryl, Robby at Joax na lang ang natira.

Robby:  Pinahihirapan pa ninyo kami kung kayo na lang kayang dalawa ang magcontest.

Ganon nga ang ginawa nila, hanggang sa umawat na si Yaya Violy.  Lasing na lasing na kami silang apat.

Yaya Violy:  Hay naku, papano na tayo uuwi sa mansyon niyan?

Joax:  Yaya, ok lang kami kaya kong magdrive pabalik ng mansyon.

Yaya Violy: sigurado ka Joaquin?

Joax:  Oo Yaya.

Yaya Violy:  O sige mauna na kayo at iuuwi ko muna sa bahay itong Tata Damian mo.

Robby:  Ingat kayo Yaya.

Sumakay na si Robby at Sheryl sa likod ng sasakyan.  Kaya sa unahan na sumakay si Maya. Inaasar niya si Joax.

Maya: Ah hindi alam kung ano yung Igado.

Joax:  Eh pangalan pa lang non mukhang hindi na masarap pano ko naman malalaman kung ano yon.

Sheryl:  Oo nga  bat hindi mo alam yon? Masarap kaya yon.

Robby:  oo pre masarap yon.

Nakarating naman ng maayos sa mansyon ang apat.  Sabay-sabay silang naglakad papasok ng pinto, nauntog si Robby.

Robby:  Aray!

Nagtawanan sila.

Maya: ano ba tignan mo naman kasi yung dinadaanan mo

Joax:  Akala mo naman maayos pa siya maglakad eh umeekis na nga yang binti mo

Paghakbang nila sa unang baytang, dumulas ang paa ni Maya.

Maya: Ay kabayong joaquin!

Joax: Hoy! dahan dahan, hindi ako kabayo.

Bumungisngis si Sheryl.  Napaupo sa baitang ng hagdan.

Maya:  Ditse ano ba, tawa ka ng tawa.

Sheryl:  Wait lang naiihi na ako sa kakatawa sa atin eh.

Nagtawanan silang lahat.  Naupo sila sandali.

Joax:  Robby tignan mo baka naihi na si She.

Lalo silang nagtawanan.

Maya:  Tama na nga, papano ba tayo makakarating nito sa kwarto.  Hindi ko na ata kaya umakyat.

Robby:  Gumapang na lang kaya tayo, hindi ko na din ata kaya.

Humiga si Robby sa hagdan, yumuko naman si Maya.

Joax:  Uy, pagagalitan tayo ni Yaya, Tayo kayong dalawa.

Sheryl:  Robby, huwag kang matulog dyan. Tayo, umakbay ka na nga lang sa akin.

Robby:  Maya, gagapang na lang ako.

Tawa pa rin sila ng tawa. Pinilit ni Maya tumayo at kumapit sa railings ng hagdan.  Nakaakyat naman.  Ganon din si Robby.

 Pero nung wala ng hahawakan sumuray na si Maya, matutumba na pero nahapit naman ni Joax sa bewang.

Joax:  Maya, konti na lang eto na ang kwarto ninyo.

Sheryl: Robby, ihahatid na kita sa kwarto mo.

Nakarating si Sheryl at Robby sa kwarto ni Robby. Naihiga niya ito sa kama pero kasama siyang bumagsak nito. Pagbagsak natulog na pareho.  Samantalang si Maya, naihatid na ni Joax sa  kwarto. Naiupo sa kama tumayo at napapunta sa kabinet  binuksan at isinara.  Tumama ito sa kama, kinapa ni Joax ang kama at saka nahiga. Sinipa lang ang sapatos at inalis ang polo shirt ay natulog na.  Si Maya naman, akala ata si Sheryl ang kasama niya.

Maya:  Ditse, eto na magbibihis lang ako.

Hinubad ang dress shirt at maong, naiwan ang spaghetti strap na blouse. humila ng shorts mula sa bag na nakapatong sa silya at isinuot at tsaka humiga sa kama, sa tabi ni Joax.  Inalis ang pagkakatali ng buhok at sumiksik sa katabi.

Bandang alas otso y medya ng umaga.  Nagising si Joax, naiinitan.  Tumayo, isinara ang pinto, kinuha ang remote ng aircon na nakapatong sa kama inilakas at nahiga ulit. Makalipas ang kinse minutos palalim na ulit ang tulog ng may maramdamang yumakap sa katawan niya. Napamulat si Joax.  Iginala ang paningin, bumubulong...

Joax:  Shit! This is not my room.

Dahan-dahang tinignan ang katabi.

Joax;  F...ing shit!

Tatayo na sana, pero naisip nya kapag nabigla niya si Maya baka kung anong isipin nito na nangyari sa kanya.  Tumagilid siya, pinagmasdan ito.

Joax: She's wearing a shorts, blouse at nakaladlad ng buhok.

Dahan-dahang hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha nito.

Joax: ang lambot naman ng buhok niya. Bagay pala sa kanya ang nakaladlad ang buhok at nagsusuot pala siya ng damit na ganito.  Hindi ako pwedeng magkamali siya yung nakita ko sa garden.

Ilang sandaling pinagmasdan ni Joax ang kabuoan ni Maya. gumalaw si Maya at tumalikod. TUmayo si Joax, inayos si Maya sa pagkakahiga at kinumutan. Isinara niya ang kurtina para hindi ito masinagan ng araw.

Tumayo siya sandali at pinagmasdan ito ang nasa isap, "nagbibihis ka naman pala ng ganyan at maganda pala siya bakit itinatago niya?"

Naalala ni Joax si Yaya, ano mang oras baka umakyat yon para gisingin sila. Napatakbo siya sa kwarto ni Robby.  Nakita niyang magkatabing natutulog ang dalawa. Ginising niya si Robby.

Joax:  Robby gising... baka magising si Maya na wala si Sheryl at makita siya dito patay ka.

Napabangon si Robby, ginising si Sheryl.

Robby:  She, She, gising... as much as I want you to be in  here, baka mapatay ako ni Maya.

Sheryl:  Oh my God!

Tumayo at tumakbo ito papunta sa kwarto nila ni Maya.  Dahan-dahang humiga sa tabi ni Maya pero dilat na dilat at pilit iniisip kung anong nangyari ng nagdaang gabi.

Napahiga si Joax sa kama ni Robby.

Joax:  Sobrang lasing tayong pare-pareho kagabi akala ko talaga nakalipat ako sa kwarto ko may natatandaan pa akong pintong binuksan at isinara ko, pero ng magising ako nasa kama ako nila Maya.

Robby:  Doon ka din nakatulog?  

Joax:  Oo, I took my shirt off  at ng magising ako nakayap si Maya sa akin at ang braso ko nasa ilalim ng katawan niya.  Mabuti na lang nagising ako sa init.

Robby: Mabuti nga kung hindi baka nabugbog ka non.

Joax:  Robby alam mo bang nagbibihis naman ng pangbabae si Maya? 

Robby:  Hindi.

Joax:  Ang suot niya kanina shorty shorts at spaghetti strapped blouse at nakaladlad ang malambot niyang buhok.  Ang ganda niya...

Robby:  Talaga?

Joax:  ngayon sigurado na ako na siya yung nakita ko sa garden, hindi si Sheryl.  Siguro talahang itinatago lang niya na nagbibihis siya ng ganon kaya ng alam niyang may nakakita sa kanya, ipinasuot niya kay sheryl yung damit.

Robby: Pero bakit naman niya itatago?

Joax:  Siguro kas nga yung astig na image siya nakilala hindi na niya mabago yon.

Robby: Baka nga

Joax:  Pero Robby ang ganda niya talaga at ang kinis ng binti at hita.

Robby:  Hoy, kung magpapantasya ka ng babae huwag ka dito sa kwarto ko!

Joax: sige, babalik ako sa pagtulog baka sakaling makita ko ulit yung itsura niya kanina.

Robby:  Hala siya!




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro