Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - Babae sa hardin

Kinabukasan maagang nagising si Maya dahil nagalaram ng alas sais ang cellphone niya.

Sheryl:  Neng, bat nagaalarm ang phone mo?

Maya:  Sorry, hindi ko pala natanggal eh. Sige na matulog ka ulit. 

Naginat si Sheryl at nagmulat ng mata. 

Sheryl:  Patingin muna ng suot mo.

Inangat nito ang kumot at napangiti ng makitang suot nito ang itim na shorts at puting fitted na sports shirt.

Maya:  Marunong akong tumupad sa usapan. 

Sheryl:  Tumayo ka nga patingin bilis!

Naupo ito sa kama at pinagmasdan ang kapatid.

Sheryl:  Neng, bagay talaga sa yo!  Maglakad ka nga.

Naglakad ito ng regular na lakad nito.

Sheryl:  Neng naman parang lalake na naman ang lakad mo eh. Ideretso mo ang katawan mo. Stomach in chest out. Tapos medyo dahandahan ang lakad at may kembot.

Maya:  Anak ng kamote naman Ditse ang hirap naman non eh!

Sheryl:  Palalabasin kita ng ganyan ang suot mo! Bilis na kasi.

Ginawa naman ni Maya, bumungisngis si Sheryl.

Maya:  Ditse, ayoko na! Pinagtatawanan mo ako eh.

Sheryl:  Sorry, hindi na sige, sabayan mo na lang ako.

Sabay silang naglakad, pangapat na balik nila maayos na ang lakad ni Maya. Panglima magisa na lang itong lumakad at lakad babae na. Pumalakpak si Sheryl.

Sheryl:  Neng, girl na girl ang dating.  Iladlad mo ang buhok mo at susuklayin ko.

Tinanggal naman ni Maya ang tali ng buhok at naupo sa harap ng nakaluhod na si Sheryl.  Hinagod ni Sheryl ng brush ang buhok ng kapatid.

Sheryl:  Neng ang ganda ng buhok mo, kaya pala alagang alaga mo ito. 

Maya:  Ditse yan lang ang asset ko eh.

Sheryl:  Akala mo lang yon, hindi ka lang kasi nagaayos kaya ganon.  Teka kukunin ko ang cellphone ko kukuhanan kita ng picture. bilis magpose ka ha. 

Maya: Ditse, pwede bang maghilamos muna?

Natawa si Sheryl. Tumango ito, naghilamos si Maya, nagpunas ng mukha at nagpahid ng pulbo.

Sheryl:  Nagpupulbos ka pala.

Maya:  Ditse, hindi mo lang nakikita kasi pag nagkikita tayo yung pauwi ka na.

Sheryl:   Halika, lagyan kita ng lipstick para maganda sa picture.

Maya:  Ditse, huwag makapal ha tsaka lipstick lang.

Sheryl:  Oo.

Pagkalagay nito tumingin si Maya sa salaming malaki na nasa tokador.

Maya:  Ditse. ako ba ito?

Sheryl:  Di ba sabi ko sayo maganda ka at bagay sa yo yang ganyan.  Oh tayo ka dyan sa may kurtina, kukuhanan kita.

Sumunod naman siya sa kapatid.

Sheryl:  O upo ka naman dyan sa magandang silya tapos magcross legs ka.

Pagkakuha, tinignan ni Sheryl.

Sheryl:  Neng, ang sexy mo!

Lumapit si Maya at tinignan, bumungisngis.

Maya: Ditse, parang hindi ako yan ah.

Sheryl:  Sira ka talaga, halika magselfie tayo.

Tinignan nila ang litrato.

Sheryl:  Tignan mo Neng, magkamukha naman tayo eh.

Maya:  Syempre magkapatid tayo eh.  Teka kanina pa ako naglalakad, hindi na masakit ang paa ko.  Ang galing nga gamot ni Yaya.

Sheryl:  Oo nga no.  Anyway, nagising na din lang ako, maliligo na ako.

Maya:  Ditse, pwede kayo akong maglakad-lakad sa labas.  Tulog pa kaya sila?

Sheryl:  Oo ok lang yan. Malamang tulog pa yon.

Pumasok sa banyo ng kwarto si Sheryl samantalang si Maya, isinuot ang hoodie niya at lumabas ng kwarto.  Dahan-dahang bumaba ng hagdan.  Naamoy niya ang niluluto mula sa kusina, doon siya pumunta.  Nakita niya si Yaya Violy na nagluluto ng agahan.

Maya:  Ang bango naman niyan, Yaya.

Yaya Violy:  Maya? Aba eh kagandang bata mo naman pala eh.

Maya:  Si Yaya talaga bolera.  Salamat ho pala sa gamot ninyo wala na ho ang maga ng paa ko.

Yaya Violy:  Sabi ko sa yo eh. Oh maaga pa bakit bumangon ka na?  Gutom ka na ba?

Maya:  Hindi po, maaga lang talaga akong magising.  Yaya pwede ba akong mamasyal sa labas?

Yaya Violy: Oo naman.

Maya:  Ay Yaya, secret lang natin itong itsura ko ha.  Hindi talaga ako ganito magdamit yung kapatid ko lang kasi makulit eh. Kaya kapag natutulog o kaya nasa loob ng bahay ganito ang damit ko para mapagbigyan ko lang siya.

Yaya Violy:  Bagay naman sa yo eh, tinuturuan ka lang ng kapatid mo.  Pero sige secret lang natin na maganda at sexy ka.

Natawa si maya, niyakap si Yaya Violy at lumabas sa harapan ng bahay.  Nakita niya doon si Mang Damian.

Maya:  magandang umaga ho, Tata Damian.

Tata Damian: Magandang umaga naman.

Napasecond look si Tata Damian.  Naglakad papunta sa garden si Maya, inaamoy ang mga bulaklak don. Kinukuhanan ng mga litrato sa cellphone niya.  Samantala gising na si Joax, binuhat ang weights niya at lumabas sa veranda ng kwarto niya. Nagexercise.   Si Maya patuloy sa paglakad hanggang sa gitna ng garden na katapat ng kwarto ni Joax.  Naupo si Joax at nagbuhat ng dumbbell niya. Napatingin sa ibaba. Nakita niya si Maya, napaisip... "ang aga namang magising ni Sheryl." 

Ipinagpatuloy ang pageexercise niya.  Sumalampak si Maya sa damuhan idineretso ang mga binti at hita sa pagkakaupo.  Nakita yon ni Joax. Napatitig sa binti at hita. Napaisip... "hindi si Sheryl ito, morena ito maputi si Sheryl eh, sino ba ito?"  Biglang sumigaw...

Joax:  YAYA! YAYA!

Narinig ni Maya, nataranta... hindi malaman kung saan pupunta.  Nakita niya ang bukas na pinto papunta sa likod ng kusina.  Tumakbo siya doon.  Nakita siya ni Yaya, hinila siya papasok sa kwarto ng mga katulong. Saka lumabas ulit ng kusina.

Yaya Violy:  Joaquin, ano ba at ang aga-aga eh sumisigaw ka. Magigising yung mga kaibigan mo.

Bumaba ng hagdan si Joax, nakashorts lang at topless. Nakasilip si Maya sa maliit na siwang ng pinto ng kwarto. Kitang kita niya si Joax.

Joax:  Yaya, sino yung tao sa garden.  May bisita ka ba?

Yaya Violy: Bisita? Wala. Baka naman yung mga kaibigan mo gising na.

Joax:  Yaya, may nakita akong babae sa garden. Nakashorts na itim at maikli tapos naka puting fitted na shirt at nakaladlad ang buhok.

Yaya Violy: oh eh bakit hindi ba nagsusuot ng ganon si Maya at Sheryl?

Joax:  Si Sheryl malamang nagsusuot pero si Maya hindi. Pero maputi si Sheryl, yung nakita ko morena eh.

Yaya Violy:  susmaryosep naman Joaquin baka namamalikmata ka lang. May araw na kaya akala mo morena. Ano nga yon, color blind ba ang tawag don?

Joax:  Yaya naman eh!

Yaya Violy:  Aba eh wala naman akong bisita. Kung hindi sila yon, Sino?! Gusto mo bang isipin ko na nagmumulto ang Mama mo? Eh ang Mama mo Morena.

Joax:  Yaya!

Yaya Violy:  halika nga at tignan natin. 

Lumabas sila sa garden. Nang makita ni Maya na nakalabas na sila nagmamadali itong tumakbo paakyat ng kuwarto.

Sheryl:  oh anong nangyari.

Dali-daling hinubad ni Maya ang suot. Iniabot kay Sheryl.

Maya:  Ditse, please ito ang isuot mo.

Sheyrl: Bakit? 

Maya:  Please sige na mamaya na ako magpapaliwanag.

Wala ng nagawa si Sheryl, isinuot ang damit. Nagbihis si Maya isinuot ang maong na pantalon at isang dilaw na sports shirt.  Mayamaya kumatok si Joax sa pinto.

Joax:  Sheryl, Maya its breakfast time.

Sumagot si Sheryl.

Sheryl:  Ok, gising na kami Joax. Sunod na lang kami.

Itinali ni Maya ang buhok. Sabay na silang bumaba ng hagdan.  

Sheryl:  good morning po.

Maya: Magandang umaga Yaya.

Yaya Violy:  Magandang umaga din.  Oh ayan Joaquin naka-itim na shorts at puting pang itaas si Sheryl.

Joax:  She kanina ka pa ba gising?  Bumaba ka na ba at nagpunta sa garden?

Sumimple ng tingin si Sheryl kay Maya.

Sheryl:  Oo, pasensya ka na maaga akong nagising eh tulog pa si Maya kaya bumaba muna ako at nagikot sa labas.  Sorry ha.

Joax:  Hindi ok lang yon.  Just making sure na ikaw nga ang nakita ko, akala ko kasi ibang tao kasi parang morena yung nakita ko kanina eh.

Sheryl:  It's probably because of the sun.

Joax:  siguro nga.

Robby:  Siguro ano?

Joax:  Siguro namamalikmata lang ako. May nakita kasi akong babae kanina akala ko kung sino si Sheryl pala.

Robby:  Ah ok, kain na tayo para makapagprepare na papuntang Benguet.

Matapos kumain, nagkanya-kanya na silang akyat. Naunang umakyat sila Joax at Robby. Bumingisngis si Yaya at Sheryl ng makitang nakapasok na ang mga ito sa kwarto.

Sheryl:  Nakita ka ni Joax, Neng?

Maya:  Oo, kaya nga nataranta ako.

Yaya Violy:  Kung nakita mo kanina si Maya, matatawa ka hindi alam kung saan magtatago eh.

Maya:  mabuti nga nakita ako ni Yaya pinapasok ako doon sa kwarto nila. Kaya pagbaba ni Joax hindi na ako nakita.

Yaya Violy:  Bakit ba kasi ayaw mong makita ka nila, eh ang ganda-ganda moat sexy pa pati si Tata Damian mo nagulat eh.  Akala daw niya tomboy ka eh hindi naman pala.

Sheryl:  Kasi nga ho hindi siya ganon manamit.  Napipilitan lang yan dahil sa akin, tinuturuan ko ho kasi dahil ayokong multuhin ako ng Tatay ko. Isa akong modelo tapos sarili kong kapatid hindi ko maturuang magdamit ng maayos.

Maya: Yon nga ho, kapag nakita nila ako baka sabihin nagpapaganda ako.

Nagtawanan sila pero si Maya ang nasa isip... "mamaya isipin pa ni Joaquin para sa kanya kaya ako nagbibihis ng ganon. Ano sya sinuswerte?!"









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro