Chapter 13 - Pagkakataon
Limang oras na silang bumibyahe, marami ng napagusapan sila Joax at Maya ng magising si Robby.
Robby: Malapit na ba tayo bro?
Joax: Mga one and a half hour bro nasa Baguio na tayo. Mag stop over tayo istretch ko lang ang katawan ko.
Robby: Sige, tsaka kumain na din tayo 8pm na eh. Gusto mo bro ako na magdrive nakatulog naman na ako eh.
Joax: Hindi na kaya ko na. I just need to pee and smoke ok na ulit ako.
Huminto sila sa isang gasoline station. Ginising ni Robby si She. Bumaba na si Joax at nagpunta ng banyo.
Robby: She, stop over na, baka gusto ni Maya magbanyo samahan mo muna.
Sheryl: Oo nga hindi ka bumaba kanina. Bumaba si Maya at Robby. Pinagbuksan ni Robby ng pinto si Maya.
Maya: Thanks Robby. Nakababa at nakatayo naman ito. Nang maglakad ngumingiwi.
Sheryl: Ok ka lang neng?
Maya: Ditse ano ka ba, malayo sa bituka 'to. Ok lang.
Pagbalik ni Joax nakita nyang nagstretching si Robby at wala si Maya at Sheryl.
Joax: Oh mabuti nakababa si Maya?
Robby: Oo nakakalakad naman sumasakit nga lang.
Joax: Mamaya bibigay ko kay Sheryl yung Bengay, baka makatulong na malagyan yon. Kamusta? Masarap bang matulog na nasa dibdib mo si Crush mo?
Robby: Oo bro, ang saya ko lang. Inaalala ko lang si Maya eh. Baka magalit kasi.
Joax: Huwag kang magalala the fact na pumayag siyang sumama sa atin. I think she trust you enough para payagan kang pormahan ang kapatid niya. Just continue to be yourself Robby. Tutal mukhang nakakapogi points ka just by being you.
Naghigh five ang dalawa. Tumakbo si Robby palapit kila Maya ng makita niyang lumabas ito ng banyo.
Robby: Hawak ka na lang sa akin para hindi mo na iapak ng husto yang paa mo. Naipitan ba ng ugat?
Maya: Hindi, nabagsakan ng martilyo kaya namaga. Parang tanga lang di ba?
Robby: Masyado ka kasing masipag eh, pabayaan mo naman sa iba yang trabaho.
Maya: Eto na nga di ba, ilang araw na ngang magpapahinga.
Robby: Sinabi mo yan, kapag kumilos ka sisingilin kita ng sampung piso.
Natawa si Maya. Nakangiti din si Sheryl, natutuwa siyang kasundo na kahit papano ni Robby ang kapatid niya. Kinain nila sa sasakyan ang spaghetti habang nagkukwentuhan.
Robby: Maya, ok lang ba bukas na lang natin puntahan ang Ninong mo? Tutal gabi naman na.
Maya: Oo sige ok lang, magrereklamo pa ba ako eh nakikisabay nga lang ako.
Robby: Joax saan ba tayo sa Benguet o sa Baguio na?
Joax: Sa Baguio na, hindi ko din kabisado yung daan papunta sa strawberry farm sa Benguet eh.
Maya: Pwede namang puntahan lang natin si Ninong para malaman niyang nadito ako para kumuha ng gulay tapos bago tayo bumaba ng Maynila tsaka natin kunin.
Robby: That's better. Kumukuha ka din ba ng strawberry?
Maya: Hindi, mahal kasi kapag hindi nabili baka masira sayang lang. Wala naman kasing paglalagyan sa bahay. Pero yung mga resto na suki ko nagtatanong. Kung oorder sila pwede ko naman silang ikuha wala pa nga lang akong supplier.
Robby: Eh di tignan mo bukas yung sa farm nila Joax. Pag nagustuhan mo I'm sure pwede ka naman niyang bigyan ng magandang presyo.
Joax: Oo okay yon, malaki kikitain mo don mahal na yon pagdating sa Maynila. Pwede din naman magstock sa bahay kahit papano.
Maya: sige tignan natin.
Matapos kumain bumyahe na ulit sila. Napansin ni Joax na nakapikit si Maya.
Joax: Sabi mo hindi mo ako tutulugan.
Maya: Gising ako, sumasakit lang yung kamay at paa ko masyado atang malamig kumikirot eh.
Hininaan ni Joax ang aircon.
Maya: Baka naman mainitan kayo.
Joax: Hindi malamig na eh. Teka para mabawasan yung sakit.
Itinabi ni Joax ang sasakyan at huminto.
Joax: Alisin mo sa sling yang kamay mo. Robby, kunin mo dyan sa knapsack ko yung Bengay.
Kinuha naman ni Robby at inabot kay Joax.
Joax: Akina yang kamay mo.
Humarap si Maya at inilapit ang kamay sa nakaharap na si Joax. Nagkatinginan si Sheryl at Robby parehong ngumiti. Inalis ni Joax ang crepe bandage sa kamay ni Maya. Kinuha ang isang alcogel sa compartment sa harap ni Maya. Naglinis ng kamay si Joax. Naglagay ng bengay sa kamay at ihinaplos sa wrist at braso ni Maya. Binalot ulit ng bandage.
Joax: Oh lagyan mo din yung paa mo.
Maya: Huwag na mamaya na lang pagdating don.
Joax: O sige, She, lagay mo na itong Bengay sa bag ni Maya.
Sumunod si Maya. Ibinalik na ni Maya ang kamay sa arm sling.
Joax: Feeling better?
Maya: Yup. Thanks!
Magaalas diyes na ng gabi ng makarating sila sa lugar nila Joax. Binuksan ni Joax ang bintana niya.
Guard: Good evening Sir, saan ho sila?
Joax: Sa Hacienda Joana ho.
Guard: Sir, alam ho ba ng katiwala doon ang pagdating ninyo? Pahingi ho ng ID.
Joax: Hindi, I'm on a surprise visit.
Inabot ni Joax ang ID niya, binasa ng guardya.
Guard: Richard Joaquin Capili? Kaano-ano ho ninyo ang owner?
Joax: Daddy ko.
Robby: Manong, good evening ho. Si Sir Joaquin yan Manong.
Guard: Naku, Sir Joaquin sorry ho. Hindi ko kayo nakilala.
Joax: Ok lang Manong.
Tahimik lang si Maya pero ang nasa isip, "Richard Joaquin pala ang pangalan niya. Dapat RJ ang nickname niya."
Sheryl: Hacienda? Grabe ang yaman mo pala Joax.
Joax: Hindi ako, Daddy ko ang mayaman. But, someday I wish I can create something like this.
Sheryl: Hearing you say that, am impressed.
Joax: Don't be She, baka maculture shock ka kapag nakilala mo talaga ako. It's just that I know kung alin ang talagang akin and right now I am not even half of what my father is. I have my Mom's fortune pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papano ko palalaguin yon.
Sheryl: Anong course ka ba graduate?
Joax: Business Ad Major and Masteral in Mngt.
Sheryl: Wow! Impressive naman pala ang academics mo eh. Eh di pwede kang magturo?
Joax: Pwede din.
Sheryl: Nagwo-work ka sa States?
Joax: Oo, Management Staff sa isang Realty Corp pero I resigned bago ako umuwi dito.
Sheryl: Bakit?
Joax: I want to try ang stay with my father for good.
Maya: Parang subdivision itong lugar ninyo ah.
Robby: It is a private subdivision ang mga nakatira dito puro tauhan ng Daddy ni Joax sa mga taniman at lupain nila dito. Idinevelop ito at ibinenta ng hulugan sa mga tauhan para magkaron sila ng sarili nilang property. Ang hulog dito salary deduction. Yung iba naman mga tauhan sa Maynila. Malaki ang naitulong nito sa mga tao kaya mahal si Tito Rick ng mga tauhan niya.
Maya: That's a noble thing to do. Namuhunan ang Daddy mo pero matagal pa bago niya nakuha ang puhunan niya at kita.
Robby: Katwiran ni Tito Rick, kung ang tao may maayos at ligtas na tinitirhan, magtatrabaho ng maayos at mabubuhay ng masaya. Ito ang alay ni Tito Rick para kay Tita Joan, ito kasi ang project na ginawa niya nung panahong nangungulila siya. Kaya ang pangalan ng lugar na ito The Haven Village at ang dulo nito ay ang Hacienda Joana.
Huminto ulit sila sa gate ng Hacienda. Binuksan ni Joax ang bintana niya. Nagulat ang lalaki ng makita si Joax.
Mang Damian: Susmaryosep! Senyorito, bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo? Sir Robby, kamusta?
Joax: Hi, Manong! Kamusta ho?
Mang Damian: Ok lang Sir, teka ho at bubuksan ko ang gate.
Nang makalampas sila sa gate. Dumungaw si Joax at sinigawan si Mang Damian.
Joax: Tata, sunod kayo sa bahay ha. Alam na ninyo dating gawi, may dala ako para sa inyo.
Mang Damian: Opo Senyorito, ilo-lock ko lang ito at susunod na ako.
Robby: Ikaw talaga bro, lalasingin mo na naman si Tata Damian.
Joax: Pagbigyan mo na ako eh kapag ikaw ang dumadating dito walang nangyayari. Bigyan naman natin ng happy hour ang mga tauhan dito.
Robby: Kaya tuwang-tuwa ang mga tao dito kapag dumarating ka eh.
Pumarada si Joaquin sa tabi ng isang mansyon. Lumabas mula sa pinto nito ang isang matandang babae, isang binatilyo at isang batang babae. Tumatakbong sumalubong kay Robby ang sampung taong gulang na bata.
Janine: Kuya Robby!
Binuhat ito ni Robby.
Robby: ang bigat mo na bebeh!
Joax; Yan na ba si Janine?
Robby: Oo, Janine kilala mo ba siya?
Janine: Opo, si Kuya Joax, lagi siyang kinukwento ni Lolo Rick eh.
Ibinaba ni Robby si Janine, lumapit ito para magmano pero yumuko si Joax.
Joax: Hindi naman ako si Lolo Rick kaya gusto ko Kiss.
Humalik naman ito sa pisngi ni Joax. Binuksan ni Joax ang likuran ng sasakyan. Lumapit ang matandang babae at ang teenager na lalaki.
Yaya Violy: Magandang gabi ho Senyorito, maligayang pagdating.
Joax: Yaya, ang pormal niyo naman, payakap nga!
Yumakap naman ito, naluha.
Joax: Yaya! Ano ba, ayoko ng drama!
Ramil: Magandang gabi Kuya Joax, Kuya Robby!
Joax: Aba ikaw na ba si Ramil. Binata ka na ha.
Niyakap ito ni Joax at ginulo ang buhok.
Robby: Yaya Violy, mga kaibigan ho namin si Sheryl at Maya.
Ramil: Ay akala ko girlfriend ninyo eh.
Robby: Hindi pa.
Ramil: yun oh!
Maya: Magandang gabi ho Manang Violy.
Sheryl: Good evening po.
Yaya Violy: Yaya na lang, lahat ng tao dito yan ang tawag sa akin.
Mang Damian: Sir, ginugulat ninyo naman kami eh. Nung kausap ko si Senyor ang sabi hindi makakapunta dito.
Robby: Sila ho hindi pero kami pwede kaya here we are. Pagaaralan ho kasi ni Joax ang negosyo.
Mang Damian: mabuti naman kung ganon.
Yaya Violy: Mabuti naman Joaguin dito ka na sa Pilipinas maninirahan. Tumatanda na ang Daddy mo hindi lang nagsasalita yon pero namimiss ka non.
Joax: Yaya talaga. Si Mama kamusta?
Yaya Violy: Maayos naman Joaquin.
Joax: Tata, paki baba na ho yang mga groceries na pinamili namin. Eto ho ang pasalubong ko sa inyo. Stateside at blue seal yan Tata ha.
Mang Damian: Naku, salamat Senyorito!
Joax: Tata, Joax na lang ho.
Joax: Oh eto naman para sayo Ramil. Tigilan mo na ang panghihiram mo sa cellphone ng Tatay mo ha para hindi napapagalitan ng Daddy.
Ramil: Wow! Samsung na Android! Thank you Kuya.
Joax: Huwag puro text at games ha, yung pagaaral mo ang asikasuhin mo.
Ramil: oo kuya promise!
Joax: At ito naman ang para sayo.
Inilabas ni Joax ang isang Barbie doll at isang bear na stuffed toy.
Janine: Wow, ang ganda! Kuya Ramil, beh dalawa yung sa akin.
Nagtawanan sila. Niyakap nito si Joax.
Joax: Oh si Kuya Robby dapat may yakap din sa kanya galing yung isa eh.
Janine: Thank you po.
Yumakap din ito kay Robby.
Yaya Violy: Oh pumasok na tayo sa loob.
Naglakad na silang papasok. Naglakad si Maya pero nahuli ito. Bumalik si Joax at bigla itong binuhat.
Maya: Potah! Hoy ibaba mo nga ako sira ka ba?!
Tinakpan niya ang bibig. Nagtawanan sila Robby at Sheryl.
Ibinaba siya ni Joax sa sofa. Sinuntok niya si Joax sa braso.
Joax: Aray! Ano ba ikaw na ang tinulungan nanununtok ka pa.
Maya: Eh tarantado ka pala eh. Sa susunod na buhatin mo ako sapak sa mukha na talaga ang aabutin mo!
Tawa ng tawa si Robby at Sheryl.
Maya: Tumigil kayong dalawa sa kakatawa ha dadagukan ko kayong pareho!
Robby: Kasi naman bro, magpapaalam ka. Huwag mong ginugulat si Maya.
Joax: Papano ako ang nahihirapan sa paglalakad niya eh.
Yaya Violy: ano bang nangyari sa paa niya?
Sheryl: Namamaga ho, nabagsakan ng martilyo.
Yaya Violy: Ramil kumuha ka ng mga dahon ng Talampunay. Sige maupo muna kayo diyan at ipapaayos ko lang ang mga kwarto ninyo.
Lumabas mula sa kusina ang dalawang babae.
Yaya Violy: Ito si Minda ang kusinera at labandera, at ito naman si Cora ang tagalinis natin. Siya si Senyorito Joaquin ang anak ni Senyor. Kilala naman ninyo si Robby. Kasama nila ang mga kaibigan nila si Maya at Sheryl.
Minda at Cora: Magandang gabi ho.
Yaya Violy: Minda, palitan mo ng kobrekama at punda ng unan ang kwarto nila Robby at Senyorito Joaquin. Cora, ikaw naman yung sa guestroom. Walisan na din ninyo at baka maalikabok, buksan niyo na din ang aircon.
Minda at Cora: Opo Manang.
Iniabot ni Yaya ang susi sa mga ito.
Yaya Violy: Anong gusto ninyong inumin?
Joax: Yaya, pwedeng beer o kaya wine pampaantok?
Mang Damian: Alin ba dito ang gamit ninyo Robby?
Robby: Ta, yung malaking knapsack at maleta kay Joax, yung black na travelling bag at maliit na knapsack kila Maya. Yang, kulay blue na maleta ang sa akin.
Joax: Ta, paabot na nga ho nyang maleta.
Binuksan ni Joax ang maleta. Kinuha ang isang nakaplastic na shawl at isang Victoria secret na lotion. Dinukot ang wallet sa bulsa at kinuha ang isang nakatuping envelope.
Joax: Yaya, ito naman ang pasalubong mo.
Yaya Violy: Naku, salamat Joaquin. Ano to?
Binuksan ang envelope, nagulat ng makitang dollars ang laman non.
Yaya Violy: Joaquin, sobra-sobra na ito.
Tumayo si Joax at niyakap ang Yaya niya.
Joax: Yaya, kung hindi sa matyagang pagtuturo mo noong bata pa ako at pangangaral sa mga sulat mo hindi ako makakatapos kaya yan galing sa unang sweldo ko. Itinabi ko talaga yan para sa yo.
Naiyak si Yaya Violy. Pinagmamasdan lang nila Maya si Joax. Ang totoo nagulat si Maya, parang ibang tao si Joax sa harap ng mga taong yon. Nagpunas ng luha si Yaya Violy.
Yaya Violy: Ikaw na bata ka, ayaw mo ng drama eh pinaiiyak mo naman ako. Sige na maupo ka na at kukunin ko ang iinumin ninyo.
Nagpunta na ito ng kusina. Bumaba naman si Mang Damian at sumunod sa kusina.
Sheryl: Ang ganda naman nitong bahay ninyo Joax.
Joax: Thanks! Architect ang Daddy, siya ang nagdesign nito. Tapos namana niya ang mga taniman at lupain mula sa parents niya. Parang ito ata ang huling idenesign ni Dad.
Bumalik si Yaya Violy na may bitbit na planggana at si Mang Damian naman bitbit ang apat na wine glass at isang bote ng red wine at chilled strawberries.
Yaya Violy: Maya, hubarin mo ang sapatos mo at ibabad mo ang paa mo na namamaga dito sa planggana.
Maya: Naku, Yaya huwag na ho.
Yaya Violy: Hindi mawawala ang maga niyan kung hindi mo gagawin ito. Sige na.
Alam ni Joaquin na nahihiya ito. Tumayo siya at niyaya si Robby.
Joax: Diyan muna kayo ha, dadalawin lang naming ang Mommy.
Nang makaalis ang dalawa, inalis ni Maya ang sapatos at medyas at saka ibinabad ang paa.
Yaya Violy: Alisin mo na din yang isa pa, eto ang tsinelas o eto ang suotin niyo.
Binigyan sila nito ng rug slippers na bitbit naman ni Ramil.
Maya: Salamat po.
Yaya Violy: Huwag ka ng mahiya, dahil isinama kayo dito nila Joaquin, isa kayong malapit na kaibigan. Wala pang kaibigan na dinala ang mga yan dito kung hindi kayo.
Nagulat si Maya at Sheryl sa narinig.
Sheryl: Yaya, binobola naman ho yata ninyo kami eh.
Yaya Violy: Hind ko kayo binobola. Alam kong maloko sa babae yang si Joaquin. Nung nasa amerika pa yan pinadadalhan ako ng mga lirato niya iba't ibang babae ang kasama. Kapag umuuwi nagsusumbong ang daddy niya gabi gabi daw iba-ibang babae ang kasama, pero kahit minsan hindi pa naguwi ng babae yang dalawang yan dito. Espesyal ang lugar na ito dahil dito nakahimlay ang kanilang mga Ina. Kaya sa palagay ko espesyal kayong dalawa sa kanila.
Maya: Ay si Sheryl lang ho, nadamay lang ako. Nakikisabay lang ho ako sa kanila para umangkat ng gulay eh.
Yaya Violy: Sino ba sa mga binata namin ang nanliligaw sayo Sheryl?
Sheryl: Parang si Robby ho, pero hindi pa naman ho nagtatapat. Siya lang ho ang nakipagkilala sa akin. Niyaya ho akong mamasyal ni Robby dito. Kapatid ko ho si Maya. Isinabay na siya ni Robby kasi hindi makakapagmaneho para kumuha ng gulay. Yon ho kasi ang negosyo namin. May bagsakan ho kami ng gulay sa palengke.
Yaya Violy: Ang siste pala eh parang nagpapalapad ng papel ang binata namin sayo Maya para magustuhan mo siya para sa kapatid mo.
Maya: Mukhang ganon na nga ho. Pero mukha naman hong gusto nito ni Ditse eh!
Natahimik silang tatlo ng marinig nila Joax at Robby. Inabutan ng wine ni Mang Damian ang mga ito. Umiinom na sila ng lumapit si Ramil hawak ang isang tasa na may dinikdik na dahon, tuwalyang maliit at mahabang retaso ng tela.
Ramil: Lola, eto na po.
Naupo si Yaya Violy sa carpeted na sahig, inalis ang paa ni Maya sa pagkakababad, pinunasan at pinahiran ng dinikdik na dahon saka binalot ng retaso.
Yaya Violy: Huwag mong ilalakad yan. Bukas ng umaga wala na ang maga niyan.
Maya: Salamat po.
Robby: Maya, tikman mo yang strawberry. Tata, galing ba ito sa taniman?
Mang Damian: Oo, kanina lang kami umani kaya fresh pa yan, mahilig lang si Yaya Violy ninyo na magpalamig niyan.
Kumain naman si Maya, matamis nga ang strawberry. Halos isang oras din silang nagkwentuhan ng bumaba na sila Minda at Cora at sabihing tapos ng ayusin ang tutulugan nila.
Yaya Violy: Doon na natin sa itaas ituloy ang kwentuhan natin mas maganda doon.
Sabay-sabay silang tumayo. Ihahakbang na lang ni Maya ang paa ng...
Yaya Violy: sabi ko hindi mo pwedeng ilakad yan eh. Joaquin, buhatin mo na ulit si Maya paakyat.
Maya: Naku, hindi na ho.
Yaya Violy: Oh anong gagawin mo lilipad ka? Joaquin sige na.
Bumubungisngis si Sheryl at Robby.
Joax: oh sumusunod lang ako sa utos ha baka suntukin mo na naman ako.
Hindi na umimik si Maya. Binuhat ito ni Joax pero hindi kumakapit si Maya. Pagdating sa pangatlong baiting tumama ang sapatos ni Joax sa hagdan. Muntik masubsob, nagulat si Maya, napayakap sa leeg ni Joax.
Maya: Ano ba! Baka naman lalong madagdagan ang maga sa katawan ko.
Joax: Sorry, hindi ko kasi makita yung hagdan nasa harapan kita eh. Kumapit ka kasi para makita ko yung nilalakaran ko.
Walang nagawa si Maya kung hindi tuluyang yumakap sa leeg ni Joax. Nangangantyaw si Sheryl at Robby.
Robby: Bro, kaya pa ba?
Joax: Oo naman, magaang lang naman itong hipag mo eh.
Sheryl: Ineng, ok ka lang ba dyan?
Maya: Bwiset kayong dalawa kapag gumaling ang paa ko lagot kayo sa akin.
Nagtawanan lang si Robby at Sheryl... bumulong si Yaya Violy sa kanila.
Yaya Violy: Tingin ko lang ba o talagang bagay naman sila hindi ba?
Robby: Yaya, yun din ang tingin namin eh. Pero Malabo ho ata yon hindi ho ganyan ang type ni Joaquin eh.
Sheryl: Tsaka, wala ho sa isip ni Maya ang tungkol sa mga ganyan eh.
Yaya Violy: Bigyan ninyo lang ng panahon kapag laging magkasama yan doon din babagsak yan.
Nagtawanan sila. Tinignan lang sila ni Maya ng masama at inambahan ng suntok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro