Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 - The truth

Sinundo sila ni Joax at Robby alas tres ng hapon.  Huminto ang F150 na minamaneho ni Joax sa harap ng bahay nila Maya. Kasalukuyang nasa harap at inaayos ni Nanay Berna ang estante ng mga ulam.  Bumaba si Robby at dumeretso naman ang sasakyan para magpaliko sa dulo.

Robby:  Magandang Hapon po Nay Berna!

Nanay Berna:  Magandang hapon din, sandali at nagbibihis pa ata.  Sheryl, Maya nandito na sila Robby.

Maya:  Nay, tawagin na ninyo sila Baste at Nitoy.

Lumabas ng bahay si Nanay Berna at sinigawan si Baste at Nitoy.  Eksaktong pumarada sa gilid ng bahay ang sasakyan ni Joax at bumaba ito.

Baste:  Robby ayos ah ibang sasakyan na naman yang dala ninyo ang gara ah!

Robby:  Kukuha na din ng gulay si Maya kaya eto ang dala namin para maayos ang pagkakargahan ng gulay.

Lumabas si Sheryl naka fitted na maong, dilaw na off shoulder blouse, may bitbit na dilaw na shawl at ang shoulder bag niya at itim na travelling bag.

Sheryl:  Hi! Sandali lang ha, si Ineng kasi may injury sa paa eh.

Baste:  akong bahala, sandali ha.

Pumasok si Baste sa kwarto paglabas nito nakapasan si Maya sa likod.   Nakamaong na pants, black na t-shirt at may sukbit na checkered na black and red na long sleeves sa balikat at nakarubber shoes.  Kinuha ni Robby ang knapsack ni Maya na hawak ni Baste.

Baste:  Ang ang likot mo kase, wala kang ginawa kung hindi makialam sa pagtatrabaho.  Ayan, may injury ka na sa kamay ngayon pati sa paa.  Pwede ba habang wala ka dito pagalingin mo yan, magpahinga at magrelax ka. Huwag mong isipin si nanay at akong bahala sa kanya.

Robby:  Anong nangyari?

Sheryl:  Alam mo naman yan, hindi mapakali, nagsimula silang magtanggal ng bubong at dingding kanina ayan nakialam nahulugan ng martilyo ang paa. Masakit daw, pero nakakalakad naman yan, exagerated lang yan si Baste.

Nagulat si Joax ng makitang nakasakay sa likod ni Baste si Maya.

Robby:  Mabuti pa sa unahan ka na para maluwag at maidederetso mo kahit papano ang paa mo.

Maya:  Nakakahiya naman sa likod na lang ako.

Joax:  Diyan ka na sa harap tama si Robby masikip don maahihirapan  ka. 

Binuksan ni Robby ang pinto sa unahan at doon ibinaba ni Baste si Maya.  Isinara ni Baste ang pinto.

Baste:  Pare ko'y bahala ka na dito sa Mahal ko ha. Ingatan mo yan.

Joax:  Akong bahala.

Maya:  Baste, samahan ninyo ni Nitoy si Nanay ha.  Huwag mong iiwanan kahit isang segundo lang. Uumbagin kita kapag may nangyari dyan.

Baste: Mahal alam mo ang sweet mo!

Maya: Baste seryoso ako!  Alam mong ayokong iniiwan si Nanay magisa.

Inambahan ito ng suntok ni Maya.  Hinawakan ni Baste ang  kamay niya.

Baste:  Seryoso din ako... akong bahala sa Nanay.

Ibinigay ni Robby ang knapsack ni Maya, ikinalong niya ito.  Pinagbuksan ni Robby ng pinto si Sheryl at sumakay silang dalawa sa likod.  Nasa may bandang likuran ni Maya ang traveling bag ni Sheryl na katabi nito sa likod ni Joax si Robby.

Joax:  Ilagay na lang natin sa likod yang bag mo para hindi mo kalong kalong.

Kinuha ni maya ang cellphone at headset sa bag bago iniabot kay Joax.

Robby:  Ok na?  Nanay Berna tutuloy na ho kami.

Nanay Berna: Joaquin magiingat sa pagmamaneho. Tawagan ninyo ako kapag nakarating nakayo sa Ninong mo Maya ha.

Maya:  Oho Nay. Ingat din kayo dyan.

Joax:  Maya, magseatbelt ka.

Dumukwang si Joax sa harap niya para abutin ang seat belt.  Nagulat si Maya halos mapadikit na kasi si Joax sa dibdib niya, naamoy na nga niya ang pabango nito. Hindi kumikilos si Maya ayaw mapadikit kay Joax. Nakatingin si Sheryl at Robby natatawa. Ikinabit ni Joax ang seatbelt at tumingin kay Maya.

Joax:  Ok na?  O masikip?

Maya: hindi okay lang. Salamat.

Habang bumibyahe nagkukwentuhan sila Joax, Robby at Sheryl tungkol sa pagmomodelo ni Sheryl at mga klase ng mamahaling mga damit.  Si Maya tahimik lang na nakikinig.  Nahalata yon ni Joax, nagisip siya ng topic na palagay niyang makakarelate si Maya.

Joax:  Teka nga pala, gaano kadami bang gulay ang kukuhanin natin. Kasya na kaya sa likod yon?

Maya:  Mas malaki ata ang likod nito sa ford pick-up ko so malamang na kasya.

Joax:  Malalim lang ito ng bahagya pero oo halos kasing laki lang.  Gaano katagal naman ang itinatagal ng mga gulay na ganon kadami?

Maya:  Depende sa kung gaano karami ang bibili.  Pero dalawang beses isang linggo ako kung umakyat ng Baguio. Kaya hindi kami nauubusan ng gulay.

Robby:  Ibig mong sabihin nauubos yong mga gulay mo sa pagbili lang ng mga tao sa palengke?

Sheryl:  hindi, may mga suki si Ineng na restaurant sa ATC at Molito Mall na umoorder sa kanya.

Robby:  May mga kilala ka palang mayari ng mga restaurant eh.

Maya:  hindi ko sila talagang kilala, yung mga purchasers ang mga nakilala ko. Pero dahil madalas nga nila akong makita sa restaurants nila nakilala ko na din. Pero never pa akong kumain sa mga restaurants na yon, ang mamahal eh.

Sheryl:  Ang totoo walang kilala si Maya sa mga purchaser na yon, mga dating pumupunta ng palengke ang mga purchaser. Naging suki ni Ineng eh, magaling ang convincing power at malakas ang loob niya, inalok nya ng free delivery kapag sa kanya umorder at itawag lang sa kanya ang order idedeliver niya. Eh wala pa naman kaming sasakyan noon.

Joax:  Ha?  papano niya idenideliver?

Sheryl:  May kapitbahay kami na naglalabas ng trycicle kaya kapag may idedeliver si Maya yon ang kasama niyang nagdedeliver. Hanggang sa yong Ninong ni Maya na kinukuhanan niya ng gulay kinausap siya na kung pwede siya na ang maghandle ng mga customer nito sa Maynila.   Ibibigay na lang ang pick up sa kanya dahil hindi na kayang magmaneho ng pabalikbalik. Kaya nadagdagan ang customer ni Maya. Kasi imbes na sa Baguio pa kumontak kay Maya na dumederetso ang mga customer ng Ninong niya.

Joax:  Ang bait naman ng Ninong mo.

Ngumiti si Maya. Noon lang nakita ni Joax ng malapitan ang ngiti nito napaisip siya, "maganda naman pala siya kapag ngumingiti."

Robby: Teka, bakit may Ninong si Maya sa Baguio?

Sheryl:  Taga-Baguio kasi kami talaga.

Maya:  Doon kami ipinanganak ni Ditse at bininyagan. Si Ninong Lemuel ang kaisa-isang Ninong ko sa Binyag.

Robby:  Papano kayong napapadpad sa Alabang?

Sheryl:  Gusto ko kasi magaral dito sa Maynila. Eleven years old ako ng grumaduate ng grade 6.  Sinabi ko sa Tatay ko na gusto kong magaral ng high school sa Maynila. 

Maya:  Kinausap ng Tatay si Ninong Lemuel. Sabi nito kung gusto niya kukuha si Ninong ng bagsakan ng gulay sa Alabang Market dahil yon na lang ang palengke na wala siyang bagsakan. Pumayag naman ang Tatay.  Kaya ayon ng maayos yon, ng magdeliver ng gulay para sa bagsakan kasama na kaming lahat na lumuwas ng Alabang. At dahil ang Alabang Gilid ang pinakamalapit na residential area don kami nangupahan.

Robby:  Ninong mo din si Hepe at yung Brgy. Captain di ba?

Maya:  Si Hepe, Ninong sa pagkakaibigan. Minsan ng iniligtas ng Tatay ang buhay ni Hepe.  Kaya naging magkumpare sila at para patunay ng pagkakaibigan nila inako niya ako bilang inaanak.  Si Kapitan naman Ninong ko sa Kumpil.

Joax:  Eh bakit puro Ninong mo eh si She?

Maya:  Nasa Baguio ang mga Ninong niya, mas matanda sa akin si Ditse mukha lang akong mas matanda sa kanya.

Sheryl:  Sira, binebaby mo kase ako.  Mas matanda ako sa kanya ng 3 years kaya lang siya na ang nagtaguyod sa amin ni Nanay ng mamatay ang Tatay kaya parang mas matanda siya sa akin. She gave up her life para makapagtapos ako.

Maya:  Huwag kayong maniwala dyan. Nakatapos naman ako Ditse di ba? Graduate ako ng two years secretarial course.

Sheryl: Pero kung hindi dahil gusto kong makatapos hindi ka titigil para tulungan at papagaralin ako. Siya ang nagtatrabaho para may pambayad ako sa school at pang baon. I graduated BSBA kaso walang tyaga sa trabaho tsaka gusto ko talagang magmodel. Di ba sayang?

Maya:  Ditse! Walang sayang sa pinagaralan mo dahil credentials mo din naman yon sa pagmomodelo.

Sheryl:  She's the best sister one can ever have. To top it all half sisters lang kami.

Joax:  Iba ang father mo?

Sheryl:  oo

Maya:  Anak si Ditse ng unang lalaking minahal ng Nanay kaya kahit magkaiba kami ng Tatay buo ang pagtingin ko sa kanya bilang kapatid.  Mayaman ang Tatay niyan kaya swerte kami na hindi niya kami iniiwan kahit pwede naman niyang hanapin ang Tatay niya para magkaron ng mas magandang buhay.

Sheryl:  Mas maswerte ako dahil minahal ninyo ako at inalagaan.

Robby:  Kung hindi ninyo ikinuwento, hindi halatang magkaiba ang Tatay ninyo. Magkamukha naman kayo medyo maputi ka lang She. Tsaka sobrang close kayo eh.

Maya:  Mas mukhang babae nga lang si Ditse.

Nagtawanan sila.

Maya:  Kayo, magpinsan ba talaga kayo?

Sabay na sumagot si Joax at Robby.

Joax:  Oo.

Robby:  Hindi.

Sheryl: Ano ba talaga?  Ang gulo ninyo ha.

Joax:  Oo, sa puso at isip magpinsan kami. Itinuring namin ang isa't isa na parang magkapatid pero hindi kami magkadugo.

Robby: Magkababata at matalik na magkaibigan ang Daddy ni Joax at ang Tatay ko. Binata pa sila si Tatay na ang Driver, assistant at Bodyguard ng Daddy ni Joax.  Kaya mahirap din akong katulad ninyo. Swerte lang ako na mababait sila kaya pinagaral, binihisan at itinuring kaming kapamilya nila Joax.  Yung kotseng ginagamit ko, kay Joax yon.

Joax:  Sa yo na yon, ibinigay ko na yon sa yo di ba. Kahit ibenta mo pa yon ok lang dahil iyo na yon.

Sheryl:  Ang bait mo naman Joax.

Joax:  Si Robby ang kasama ko simula ng mamatay ang Mama ko kaya wala akong hindi ibibigay kay Robby.  Sa dami ng nagawa nilang magama para sa amin ng Daddy ko dapat lang na maging parte sila ng pamilya.  Isa pa mapera naman yan si Robby, marami ng savings yan.  Hindi nababawasan ang sweldo niya eh double digit na nga kaya pwedeng pwede ng magasawa.  Ay nababawasan pala kapag inaabangan ka niya sa mcdo kumakain siya doon at ibinibili gabi gabi ng burger ang Tatay niya.

Nagtawanan sila. Tahimik na nagiisip si Maya..."Mabait naman palang pareho ang dalawang ito. Si Robby halatang mabait pero itong si Joax, he never strike me as one mukha pang babaero sa sobrang kagwapuhan."














Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro