Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four:Letter

Caden's POV

Kumakain kami dito sa restaurant namin dahil nga sa hindi dumating yung inutusan nila kanina sa school at kanina ko pa napapansin na tulala si Kuya Rence.Problema neto.

"Uy!Rence!natahimik ka?di ba dapat nakikipagbugbugan ka na dito kay Zarren?"natatawang sabi ni Kyle.Pero tiningnan lang siya ni Kuya at saka kumain ulit.Tiningnan nila ako pero nagkibit balikat lang ako.

"Kuya,may...problema ba?"tanong ko.

"Magusap tayu."sabi niya at saka tumayo at lumabas dito sa resto.

"Mukang may problema ang Kuya mo,Caden."sabi ni Warren.

"Wait lang."sabi ko at saka tumayo at lumabas.Nakita ko siyang nakaupo sa bench sa park sa tawid pa.Kaya tumawid ako at saka tinabihan siya.

"Anu bang paguusapan natin?"tanong ko.Nang tingnan ko siya may luhang pumatak sa mga mata niya kaya nataranta ako.

"Kuya!ano bang problema!"sigaw ko.

"N-nakita ko siya..."kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Kaya binatukan ko siya.

"Ano bang pinagsasasabi mong kabayo ka!?sabihin mo ng maayos pa--"

"Nakita ko si Daddy!kanina sa school!"pagpuputol niya sa sinabi ko.Napatigil ako sa sinabi niya.

"Kanina....akala ko kalaban dahil antagal niya tayung sinusulyapan.Pero...nang tanggalin niya ang hood niya,nakita ko ang muka ni Dad.Di ko alam!ang gulo!alam kong patay na sila pero!ARGHHHHHHH!?!?!"sigaw niya at saka sinabunutan ang buhok niya kaya niyakap ko siya.

"Nakita ko rin siya nung isang araw.Akala ko imahinasyon ko lang yun dahil namimiss ko na sila.Pero hindi,pati ikaw nakita siya."umiiyak kong sabi.Akala ko wala na sila.Pero bakit nakikita namin si Dad?Ang gulo!kitang kita ng dalawa naming mata kung pano mamatay si Dad!

"Kuya,kelangan nating bumalik sa mundo natin."sabi ko.Tumingin siya sakin.

"Bakit?antagal na nating tinigil ang pagiging assasin natin dahil kina Dad!ayaw ko nang magulo ang buhay natin.Ang buhay mo!maayos na!"sigaw niya.

"Kelangan.....kelangan na nila tayu.Kuya,ayaw mo bang tuparin kina Eomma ang pangako natin na tayu ang mamumuno sa Mafia at Assasin?nangako tayo!Kuya!"sigaw ko at saka siya inalog dahil parang tulog pa rin siya.Ayaw kong pabayaan ang mga naumpisahan ng magulang namin.Kami ang Heiress at Heir ng Mafia at Assasin.

"Kahit kelan,hindi ako sumisira ng pangako."sabi niya kaya napangiti ako.

"So.....babalik tayo?"tanong ko.Tumango siya at saka ngumiti.

"Tara na...baka mamaya naiinip na sila sa kakahintay satin."natatawa niyang sabi.

Babalik na kami sa tunay na kami.....ang kinatatakutan ng mundo.

Magbabalik na ang Demon Assasin titigil kana muna sa pagpapanggap mo bilang pinuno,Lyra.Magkikita tayu muli bunso.

Warre's POV

Antagal naman ata nung dalawang monggi!pisti!

"Tagal naman nila!"reklamo ko.

"Usong maghintay!"pambabara sakin ni Raven.Etong walking harina na toh.Lublub ko siya sa mantika eh nang lumutong!bwiset.

"Oh.Andyan na pala siya eh."sabi ni Francine.Seryoso silang dalawa ngayun?nyare?Nang makarating sila dito sa min ay nagkatinginan pa silang dalawa at parang naguusap.Takte!

"Kelangan nating bumalik sa mundo natin."seryosong sabi ni Caden kaya nagulat kaming tatlo.Yung lima naman ay naguguluhan.

"Uhm,saang mundo?ang tinutukoy niyo?"tanong ni Astrid.

"Samin na yun,walang dapat makaalam."sabi ni Warren kaya napatahimik nalang sila.

"Kelangan na naming umalis."sabi ni Caden kaya tumayo na kami at saka lumabas.Mukang dun na namin paguusapan.Nagtataka din kasi kami dahil matagal na kaming di bumabalik dun.

Tristan's POV

Babalik na sila.....babalik na ang Demon Assasins.So kelangan ko laging protektahan ang mahal ko.Mukang madami nanaman ang poproblemahin namin.

"Tristan,babalik na sila.Pano toh?paano kung malaman nila na mafia's tayu?paano ku--"

"Raven,relax.Tanggapin natin ang gagawin nila satin pag nalaman nila yun.Sa isang linggo natin silang nakasama ay alam kong wala pa silang tiwala satin.Dahil kung meron sasabihin nila satin kung ano sila."sabi ko.

"Tara sa H.Q"sabi ko.Dun na kami maguusap dahil maraming tao dito sa resto.Paglabas namin ay sumakay na kami agad sa sasakyan namin.

"Kuya,mukang may napansin ako sa resto na pinagkainan natin kanina nung kasama pa natin sila Caden."sabi ni Astrid.

"Ano?"tanong ko.

"May lalaking nakamasid satin tapos ng makaalis sila Caden ay nawala din siya tapos.....kuya!?!?!?!nag 1 2 3 tayu sa resto!di tayo nakapagbayad!?"sigaw niya kaya napatingin ako sa pinto ng resto at nakita namin ang manager at isang waiter kaya pinaandar ko ng mabilis ang kotse palabas buti nalang talaga at pekeng plate no. ang nilagay ko sa kotse ko.Hahahaha

Pagdating sa Headquaters namin ay madilim.Kaya ng makapasok kami ay binuksan namin ang ilaw.Napalingon kaming lahat sa sala ng may magsalita.

"So...kelan niyo sasabihing kayo ang Legend of Dark?"

0___________________0

What the!?!Caden!?

"C-caden?"nauutal na sabi ni Francine.

Nakaupo sila at nakatingin samin si Caden may hawak na shurriken yung kamuka nung kay Sakura sa Naruto at saka iniikot ikot sa daliri niya.

"A-ano....may balak talaga kaming sabihin sa inyo yun.Kayo rin naman eh,di niyo rin sinasabi na kayo ang...."

".....Demon Assasins"sabi ko.

"Nililihim namin yun para sa kabutihan namin."sabi ni Warren.

"Uhm,pwede ba kaming umupo?amin kasi ang headquarters na toh?"cold na sabi ni Raven.

"Bakit?sino ba nagsabing tumayo kayo dyan?"nakangising sabi ni Caden.Medyo napatawa kami nila Astrid.

"Tsk."sabi ni Raven at umupo sa tapat ng inuupuan nila Caden.Sumunod kami kaya kaharap namin sila.

Ang laki ng pinagbago niya...namimiss ko na yung Caden na cute,makulit at palangiti noon.Bwiset kasing Dark knights yan eh!?sila ang pumatay sa mga magulang ni Caden at Rence.

"So....ano na?"sabi ni Caden.Lider na lider talaga siya!di tulad noon na lagi siyang nabubully.

"Okay...ehem,ako si Phyton ng Legend of Dark.Ako ang lider nila."sabi ko.

"A-ako naman si Black Phyton.Ako ang tagakuha nila ng impormasyon."nakayuong sabi ni Francine.

"Ako naman si Breeze,ako naman ay magaling sa mga baril at daggers."nakasimagot na sabi ni Astrid.

"Ako si Jaguar.Ang cold at ang pinakakinatatakutan sa grupo namin."cold na sabi ni Raven.Takte halata naman sa boses mo na cold ka.Tsk.

"Ako naman si Cobra.Magaling akong humawak ng baril at ng pana.Kahit nasa malayo kaya kong matamaan."sabi ni Kairo.

"Oh ayan na...sinabi na nila!okay na?"tanong ni Zarren.Makulut talaga tong isang toh.

"Bakit?gusto mo nang umuwi?ghe umuwi ka na."sabi ni Caden.Tumayo naman si Zarren at akmang aalis na ng magsalita ulit si Caden.

"Magimpake ka paguwi mo at lumayas na.Umuwi ka sa pinanggalingan mo."

"Caden naman eh!"pagmamaktol ni Zarren.Natawa naman sina Astrid.Bigla naman kaming naalarma ng may kumalabog sa labas ng H.Q.Nakita ko sina Caden na may hawak ng baril.

Tumayo ako at dahan dahang pumunta sa pinto.Binuksan ko yung pinto at nakita kong walang tao.

"Wala namang tao eh."bulong ni Zarren.Nakasunod na pala sila.

*meow**meow*

Nagulat kami ng biglang sumulpot sa harap namin ang isang puting pusa kaya napabuntong hininga kami.Hinawi ako ng Caden pagilid at saka kinuha ang pusa.Mahilig nga pala sa pusa toh.

"Shishi?what are you doing here?"kunot noong tanong ni Caden.Huh?

"Paano nakapunta magisa si Shishi dito?"kunot noong tanong naman ni Warren.

Sinara na nila ang pinto at bumalik kami sa sala.May nakita akong nahulog mula sa pusa kaya kinuha ko.

Sulat?

"Caden,may nagdala dyan sa pusa.May sulat pa ngang kasama eh."sabi ko at inabot ang papel.Kinuha niya toh at saka umupo bago basahin.

"Kuya!"

"Bakit?"

"Galing tong sulat sa........












Mafia at Assasin"

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro