Asnamon Voyanazar
Kumaripas siya nang takbo pagkatapos niyang mamataan ang kanyang Nanay na akay-akay nito ang Lola niya.
Kailangan niyang magmadali dahil iyon lang ang pagkakataon niya para makuha ang pakay niya.
Dumiretso siya sa kwarto ng kanyang Lola Ising at agad na tumuwad, upang makuha sa ilalim ng papag ,ang baol na pinakaingat-ingatan ng kanyang Lola.
Noon pa man ay pinagbawalan na siya nitong buksan, o kahit man lang sagihin, ang baol nito, na kahit sa ngayon na tinamaan na ito ng pagkakamakalimutin, ay tila sagrado pa rin dito ang baol at ito na lang laging bukambibig nito.
"Huwag na huwag niyong bubuksan ang baol ko!" Iyan ang palagi nitong sinasabi, kapag lumalapit siya sa Lola niya.
"Ano ba ang laman ng baol, Lola?" Naitanong niya minsan dito.
"Malalaman mo rin sa takdang panahon."
Napangiti siya nang maramdaman ng kanyang kamay, ang baol mula sa silong at unti-unti niya itong hinila palabas.
Napabahing pa nga siya at agad na kinamot ang toktok ng kanyang ilong. Dahil sa panay alikabok ito, tanda na matagal na itong hindi nabubuksan.
Hindi niya alam kung anong pwersa ang humihila sa kanya, para buksan ito o di kaya'y alamin ang laman ng baol. Napamulagat siya sa kanyang natuklasan, sabay kamot sa kanyang ulo.
Walang laman ang baol! "Shit!" Napamura siya ng lihim at asta na itong isasara ng isang bagay ang umagaw sa kanyang pansin.
Tila may sariling isip ang kanyang mga kamay, at hinawi ang nasa pinakagitna ng baol, na tila nakapalamuti lamang ngunit hindi pala.
Unti-unting lumantad sa kanyang paningin, ang isang libro. Hindi niya matiyak kung libro nga ba talaga ito, pero kasing laki ito ng libro.
Kinuha niya ito kasabay nang pagliwanag ng baol. Hindi niya matiyak kung saan nanggagaling ang liwanag, ngunit nakarinig siya ng mga palapit na hakbang. Dahilan kung bakit agad niyang sinara ang baol, at binalik ito sa dating kinalalagyan nito.
Nangangatog ang kanyang tuhod sa ginawa niyang pagtayo. Yakap-yakap ang librong kinuha mula sa baol, ay kumaripas na siya nang takbo, palabas ng kwarto.
Habol niya ang hininga at agad na nilock ang pinto ng kanyang kwarto. Tinitigan ang librong kipkip niya. "Ano ba ang mayroon sayo?" lihim niyang kausap sa libro at bigla itong umilaw, dahilan kung bakit niya ito nabitiwan.
Nakaramdam siya ng takot na hinaloan ng pagkamangha. Paanong umiilaw ito ng walang dahilan? Napalunok siya nang sunod-sunod, nang pagtingin niya sa kaninang simpleng libro, ay nagkaroon ito ng kulay. Hindi lamang basta kulay, dahil maging ang anyo nito ay nag-iba.
Hindi niya matanto, ngunit sa kanyang nanginginig na kamay, ay muli niya itong kinuha, kasabay nang pag-upo niya sa kanyang kama.
Ang kaninang libro sa kanyang paningin ay naghugis puno. Oo, isang puno na hindi niya matiyak kung ano.
Natatakot man siya, ay hindi iyon kayang pigilan ng kanyang kuryusidad, kaya binuksan na niya ito.
Kandahirap-hirap na siya, ay hindi pa rin niya mabuksan ang kaninang libro, hanggang sa naisipan niyang hilain ang aparador at kunin mula roon ang gunting.
Itinusok niya ito sa may gitnang bahagi ng libro, para sana bumukas ito, pero wala pa ring nangyare. Hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa pinto.
Nataranta siya at agad na ibinalik ang gunting na hawak niya kanina, at pinatungan ng kanyang unan ang librong naging hugis puno.
Nagmadali siya sa pagbukas at namangha sa bumunggad sa kanya. Pigil na pigil din niya ang paghinga, at ni hindi nga niya makuhang itikom ang kanyang bibig na sa ngayon ay nagpormang o, sa nakikita niya.
Pumasok ang kanyang Lola Ising, sa kwarto niya at nilock ang pinto, sabay upo sa kanyang kama. Patuloy lang ang pagsunod ng kanyang tinggin dito, habang hindi pa rin niya kayang sumigaw sa nakikita niya.
Ayaw niyang maniwala sa kanyang nakikita. Pumikit-pikit pa nga siya! Pero paanong naroon nga ito sa kama niya? Paanong ang larawan sa may sala nila, ay nasa kama niya at nakaupo? habang nakangiti pa sa kanya.
"Lola?" Nanginig ang boses na bulong niya, sabay hawak sa dibdib niya. Para siyang natatae na nasusuka, sa ngiting ibinato nito sa kanya.
"Misharie." Narinig niyang ika nito, dahilan ng muling paglingon niya sa lola niya.
Napailing-iling siya. Kung nanaginip ako lord, gisingin niyo na ako! Piping hiling niya sa kanyang isipan, habang matamang nakatitig sa lola niyang bumalik sa kabataan.
Mahaba ang buhok nitong lumampas sa baywang nito, nakakaingit nga! dahil maliban sa unat na unat ay nangingintab pa ito.
Ang mga mata nitong kasing kulay ng dagat ang pangalawang umagaw ng kanyang pansin, at ang malupit pa! na mas lalong nagbigay pang-akit sa mata ng lola niya, ay ang mga pilik mata nitong sumasamba sa mata nito. Matangos ang ilong ng kanyang lola, na sa palagay niya'y naman niya rito. Samantalang ang labi ng kanyang lola, ang mas pumaibabaw sa diamond shape na mukha nito, dahil tila kakulay ito ng apoy na nagsasabing nasaan ang aking libro.
Napaluhod siya bigla at agad na yumukod nang maalala ang kalapastangan na nagawa niya. "Lola, patawarin niyo ako." naiiyak na wika niya? at naramdaman na lamang niya, ang mga kamay nitong humaplos sa kanyang likuran.
Sumenyas itong tumayo siya at ganon nga ang ginawa niya. muli itong umupo mula sa pagtayo kanina at nginitan siya.
"Ito na nga siguro ang panahon upang malaman mo kung saan ka nagmula, Misharie." Ika nitong kakikitaan ng saya sa mga mata nito.
Gusto niyang magtanong, kung nanaginip nga ba siya o hindi? At paanong naging dalaga muli ang lola niya?
Sa kulubot nitong balat, napakaimposibleng bumalik ito sa gandang nakikita niya ngayon.
"Asnamon Voyanazar!" Anitong nakangiti pa rin sa kanya, at sa kanyang pagtataka ay biglang gumalaw ang unan niya, lumutang ang hugis punong libro at bumukas ang libro, sa harapan nila ng lola niya.
"Tandaan mo Misharie, na bubukas lamang ang librong ito, kapag binanggit mo ang salitang binitiwan ko kaninana." Ika nitong lumingon sa kanya.
Hindi pa rin siya makapagsalita. Para bang na blanko siya na hindi niya maintindihan.
"At kapag nais mo na itong isara, sabihin mo lang ang katagang Asnamon Arber." Tapik sa kanya ng lola niya, dahilan ng pagtaas ng mga balbon niya sa katawan.
Hindi niya alam ang kanyang sasabihin, ngunit kusang bumuka ang kanyang bibig.
"Anong ibig sabihin, ng mga sinabi mo Lola?" Pigil ang sariling mapiyok, na tanong niya.
"Ang librong nakikita mo ngayon, ay napapalibutan nang mahika. Mahika na kapag tinawag mo ang pangalan nito ay handang sumunod sayo." Ngumiti ito sa kanya at inakbayan siya.
"Asnamon ang pangalan ng libro at ang Voyanazar ay nagsasabing bumukas ka, samantalang ang Arber, ay sumara ka sa enchanta. " Paliwanag nito sa kanya.
Sumasakit ang kanyang ulo, sa mga pinagsasabi ng lola niya sa kanya. "Ano ba ang mayroon sa libro at napakadaming magic spell lola?" Muli ay tanong niyang nakabusangot.
"Misharie, hindi ka na bumabata! At sa edad mong bente singko, ay kailangan mo nang mahanap ang taong magpapakilala sayo sa tunay na pagmamahal."
Kumunot ang noo niya. "Pagmamahal?" Nasabi niya at tila matatawa sa pinagsasabi ng lola niya. Wala pa siyang balak mag-asawa. Inaantay pa niya ang taong para sa kanya.
"Hindi lahat ng taong haharap sayo, ay pagmamahal ang laging inaalay. kung nais mong mabago ang takbo ng buhay mo at mahanap ang taong tunay na nakalaan sayo, nariyan si Asnamon, ang magpapakilala sayo sa diwatang tutulong sayo." Ika nitong tumayo na sa pagkakaupo.
"Tandaan mo Apo, ang isang dalagang katulad mo ay hindi dapat niluluko at nagpapaluko." Muli ay sabi nito, at lumabas ng kanyang silid.
Napabuntung hininga siya at tinitigan ang librong hanggang ngayon ay nakabitin sa ere.
Kinuha niya ito at nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa.
Pagod ka na ba? Pagod ka na ba sa paulit-ulit na nangyayare sa buhay mo?
Iyong tipong paggising mo sa umaga, babangon ka at papasok sa trabaho, kikita ng pera at pagkatapos ay muling uuwi para makapagpahinga.
Hindi ka pa ba nagsasawa o gusto mo ng mag-asawa, pero wala ka namang kasintahan?
Kasintahan na sa pangarap mo na lang nakakasama o di kaya'y mas madalas sa panaginip pa.
Gumising ka na sa paniniwala mong, iikot ang gulong at sayo naman tatapat, ang swerte ng pagmamahal.
Tama na nakakapagod na! Panahon na para gumising ka, panahon na para makilala mo ako. Ang brilyanteng babago sa buhay mo.
Nais mo ba akong makilala, nais mo bang mabago ang ikot ng mundo mo? hipan mo ang librong ito at ako'y sasama sa iyo.
Napamulagat siya sa nababasa! Hindi niya alam kung uto-uto na siya, pero ginawa niya. Hinipan niya ang libro at nagliwanag ito, at muli sa ikalawang pagkakataon namangha siya.
Isang brilyante nga ang tumambad sa kanya, hugis itlog ito, pero mas malaki sa itlog, kulay tsokalate rin ito at may simbolo sa gitna, isang simbolong ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya.
Sa pinakababa ng simbolo ay isang maliit na bilog, na tila sa isang singsing pagkatapos, ay tila may nakapatong ditong kurting dahon. Oo, dahon na may dalawang sanga sa bawat gilid nito.
Huming siya nang malalim at pinakatitigan ito. Ano ang gagawin niya? Kakausapin niya ba ito? Wala sa sariling tila namalimos na inilahad niya ang kanyang palad at sa kanyang pagkagulat, ay lumipat ito roon. Isinara niya ang kanyang palad at nawala ang brilyante.
"Shit! Nasaan na iyon?" Bulong niya sa sarili at napatayo. Binuksan niya ang palad at nagpakita ito. Napangiti siya at namangha, hangang sa tila siya batang nag-aaral ng close, open, open, close.
Muli niyang binuksan ang palad niya at kinausap ang brilyante. "Anong pangalan mo?" Kausap niya rito at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ay bigla itong nawala, at napasigaw siya bigla, nang lumitaw sa harapan niya ang dalagang ni kailanman ay hindi niya nakikilala.
Sumenyas ito gamit ang hintuturo at ipinatong sa labi nito. Napalunok siya ng sunod-sunod, nang lumapit ito palapit sa kanya. Agad siyang napaatras at naalala niya ang sabi ng lola niya.
Pikit mata niyang winika ang salitang Asnamon Arber at nawala nga ang dalagang kanina lang ay nasa harapan niya.
Napabuga siya ng hanggin. Sabay tingin sa librong nakapatong sa higaan niya.
Huminga siya nang malalim, ng biglang may kumatok sa pinto, dahilan ng muling pagsigaw niya.
"Shit!" Naibulong niya at napahawak sa kanyang dibdib!
Tinungo ang pinto, at nakita roon ang kanyang Ina na nakapamaywang sa kanya. "Tanghaling tapat nagsisisigaw ka! Ano bang gingawa mo ha! Misharie?" Pagalit na sigaw nito sa kanya na ikinasilip pa nito sa loob ng kwarto niya.
"Wala Ma, nanunuod kasi ako ng horror movie, kaya napapasigaw ako." Palusot niya habang sa likuran niya, ay naka cross finger siya. Sana talaga tumalab ang plusot niya.
Napailing ang Mama niya at iniwan siyang nairita sa kanya.
Muli napabuga siya ng hangin at lumabas ng kayang kwarto. kailangan niyang makita ang Lola niya. Bumaba siya sa may tatlong palapag na hagdanan nila, at agad na tinungo ang kwarto ng lola niya.
Kumatok muna siya sa pinto, bago niya ito binuksan. Lumapit siya sa lola niyang nakakumot, kahit mainit ang panahon.
Nakahiga ito at tila payapang natutulog. Kulubot naman ang balat nito at kulay puti rin ang mahabang buhok ng lola niya.
"Anong kailangan mo Misharie?" Maya-maya ay ika nito. dahilan ng pagkagulat niya at napatalon na lang sa biglaang pag-imik ng lola niya.
"La, bakit naman kayo nanggugulat!" Asik niya sa lola niyang nahirapang umupo, mula sa pagkakahiga.
Ngumiti ito sa kanya. "Kamusta ang pakikipag-usap mo kay Danaya?" Agad na tanong nitong hindi niya maintindihan.
"Danaya?" Nalukang ulit niya, sa binanggit na pangalan ng lola niya.
"Ang dalagang nababalotan ng dahon sa boung katawan, hindi mo pa ba siya nakikita?" takang tanong ng lola niya, na nagpalabas sa eyeballs niya.
"Danaya, ang pangalan niya?" Muli ay usal niya.
"Misharie, matanda na ako para ipalaiwanag pa lahat sayo. Pero siya ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa! Ang brilyanteng nakatatak sa kaliwang braso mo.
Kumunot ang noo niya at agad na tinignan ang braso niya. Takte! Paanong nangyare na ang simbolong nakita niya kanina sa brilyante, ay nasa braso na niya?
Nagtataka ang tinging ibinaling niya sa lola niya.
"Anong ibig sabihin nito lola?" Muli ay ungot niya rito, pero hindi na siya nito kinibo.
"Lola?"Pangungulit niya rito, pero nanatili itong walang imik.
Lumabas siya ng kwarto ng lola niya, at bumalik sa kanyang silid.
Naglock siya ng pinto at inusal ang magic word. "Asnamon Voyanazar." Bumukas ang libro kasabay ng muling pagpapakita ni Danaya. Ang babaeng dahon lang ang damit.
"Paano mo babagugin ang buhay ko?" Iyan ang unang salitang tinanong niya rito, na ikinatas ng kilay nito.
"Ang brilyante ng lupa, ay kayang makapagpagaling ng kahit anong sakit. Kahit sakit pa sa puso mo. Sakit na patuloy na umaagos sa pagkatao mo. Tutulungan kitang magkaroon ng kumpyensa sa sarili mo, Tutulungan kitang mahalin mo ang sarili mo at hindi takot ang nariyan sa puso mo."Mahabang paliwang nito sa kanya.
Napataas ang kilay niya. Dahilan nang paghiga niya sa kanyang kama. "Paano mo naman nasabing hindi ko mahal ang sarili ko?" Naaliw na tanong niya rito.
"Sapagkat nangangarap ka, nangagarap ka sa lalaking kahit kailan, ay hindi mo naman mahahanap sa mundong ito."
Muling napataas ang kilay niya at hinarap na ito. "Wait lang ha? Paano mo naman nalaman yan?" Asar na tanong niya rito. Kahit may powers ito, hindi na siya natatakot dito.
"Hindi ka mag-aabalang hipan si Asnamon, para mapalabas ako, kung hindi ang sagot mo." Nakangiting baling nito sa kanya.
Napanguso siya. "Hanggang kailan mananatili ang simbolo sa braso ko?" Masungit na asik niya, sa babaeng ngayon ay kinukutingting, ang gamit niya sa tokador niya.
"Hanggang sa matuto ka." Irap nito sa kanya.
"Matuto saan?" Natulalang tanong niya dito.
"Mahalin ang sarili mo."
"Stop! Mahal ko ang sarili ko, at kailanman hindi ko siya kinamuhian!Okay?" Galit na baling niya rito, na dahilan kung bakit siya binato ng pulbo.
"Mahal mo ang sarili mo, sigurado ka? Ni hindi mo nga kayang pagbigyan ang sarili mong masaktan? sa tingin mo pagmamahal ba ang tawag diyan?" Namaywang na humarap ito sa kanya.
"Excuse me! one million sayo, Danaya! kaya nga ayaw kung masaktan, kasi mahal ko ang sarili ko di ba? at ano ba ang sinasabi mong ayaw kong masaktan?" Nairitang sigaw niya sa babae.
"Takot kang magmahal, dahil natatakot kang masaktan! Hindi ka naman pangit, pero tingin mo sa sarili mo pangit ka! Kulang ka sa kumpyansa sa sarili mo, at dahil diyan ikinakahiya mo ang sarili mo! dahilan kung bakit hindi mo mahal ang sarili mo." Mahabang speech nito sa kanya.
Pumalakpak siya. "Bravo! hindi ko akalaing ang galing sa isang lumang libro, ay papayuan ako ng mga bagay na tama sa pananaw niya."
Umirap ito sa kanya. "Nasubukan ko na ring magmahal." Maya ay ika nito na ikinatingin niya rito.
Umupo ito sa silyang nasa gilid ng tokador niya at maya-maya ay naglaho ito.
Napakunot noo siya. Kung kailan interesado na siyang makinig, saka naman ito mawawala.
Lumiwanag ang silyang kanina ay kinauupuan nito at lumutang ang brilyante ng lupa.
Napapikit-pikit siya pero hindi siya dinadaya ng paningin niya.
Ang brilyante ng lupa, ay nakalutang lang sa ere. Ngunit ang repleksiyon nito sa salamin, ay ang mukha ni Danaya.
"Buksan mo ang puso mo sa mga susunod na makikita mo." Babala nito sa kanya na ikinatango niya.
Tatlong araw na ang nakakalipas at ito, tama si Danaya. Hindi nga siya marunong magmahal, dahil takot siyang masaktan. Wala na rin ang simbolo ng brilyante ng lupa sa braso niya.
Marahil ay natuto na siya. Natuto na niyang mahalin ang sarili niya. Nakaya niya nang labanan ang takot na sumisibol sa dibdib niya.
Naalala niyang ipinakita sa kanya ng Brilyante ng lupa, ang kahalagaan nang salitang sakit.
Ang sakit na dapat ay tinatanggap, hindi kintatatakotan. Ang sakit na dapat mong mahalin dahil kapag ginawa mo iyon, ay masasabi mong mas sasaya ka sa buhay.
Sa ngayon ay binigyan niya ng pag-asa ang buhay pag-ibig niya. Maaring nakakaramdam pa siya nang takot na baka mabigo siya. Ngunit mananatili sa isipan niya ang payo ng Brilyante ng lupa sa kanya.
Hindi mo masasabing nagmamahal ka, kung hindi ka nasasaktan.
Napangiti siya at inilabas ang libro na itinago niya sa kanyang aparador.
"Asnamon Voyanazar." Nakangiting ika niya at lumipat ang pahina.
Masaya niyang binasa ang nakasulat doon.
Ramdam ko ang galak na namumukadkad sa iyong dibdib. Siguro nga'y natuto mo nang pahalagaan, ang isang payo na kailanman ay hindi mo itatapon at mananatili na sa iyong puso.
Ngunit nakakasigurado ka bang, kaya mong labanan ang sakit nang kabiguan? kung una pa lang, wala namang nagmamahal na lalaki sa iyo?
Tama ba ako? Kung tama ako hipan mo ako, at kung mali naman ako. halikan mo ang iyong hintuturo at ituro mo ito sa akin.
Napabuntung hininga siya at hinipan ang libro. Pumakabilang pahina ito at muli niyang binasa ang nakasulat dito.
Nakahanda ka na ngang masaktan, Ang tanong paano mo tatangapin ang kabiguan?
Kung nais mong malaman ang sagot, hipan mo ako at dadamayan ka ng Brilyante ng tubig.
Wala naman siyang choice, kaya hinipan niya ang libro, at sa pagkamangha niya ay naglaho ang libro at napalitan ng brilyante.
Ang brilyante ay hugis bilog, hindi siya perpekto sa pagkakabilog, dahil ang sa magkabilang gilid nito, ay mas maluwang kaysa sa taas at baba nito.
Nababalutan ito ng kulay berde at sa gitna nito, ang animo'y maliit na bilog na singsing, na may kasamang hugis alon ng dagat. Oo! dalawang hugis alon sa kaliwa ng bilog, at isang hugis alon sa kanan ng bilog.
Inilahad niya ang kanyang palad at agad na pumatong ang brilyante sa palad niya.
"Ano ang maitutulong mo sa akin?" Tanong niya, dahilan nang pag-ikot nito at napalitan ng hugis tao ang brilyante.
Pigil na pigil niya ang hininga sa pagkamangha. Isang dalagang nababalutan ng tubig ang katawan nito.
Ngumiti ito sa kanya, dahilan nang pagsilay rin nang mabilisang ngiti niya.
"Ako ay narito, upang iparamdam sayo ang kapighatian na aking nararamdaman. Iniwan ko ang lahat, para sa engkantadong ito, ngunit mas minahal niya ang sarili kong kapatid kaysa sa akin. Ano pa bang mas masakit, na pwede mong ibato sa akin? Kung pati ang anak ko'y pinatay rin ng sarili kong kapatid?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng Brilyante ng tubig.
"Ako nga pala si Alena, ang tagapangalag ng Brilyante ng tubig."
Tumango-tango siya. Pakiramdam niya ay hindi ito kasing pasaway ng naunang tagapangahalaga ng Brilyante. Masyado itong simple at madamdamin sa buhay.
"Alena, napakaganda ng iyong pangalan." Wika niyang may ngiti sa kanyang labi.
"Isang bagyo ang darating sa iyong buhay at nawa'y malampasan mo ito." Ika nitong biglang naglaho na parang sa bula.
Katok sa pintuan ang narinig niya. Agad siyang tumayo mula sa pintuan at pinagbuksan ang taong naroon.
"Ma?" Kunot noong aniya pagkakita sa inang luhaan ang mga mata.
"Nangyare sayo Ma?" Ulit niya at yumakap na rin dito.
"Kahit anong mangyare anak, huwag na huwag mo akong iiwan." Pasigok na anito at isang anino ang nakita niya mula sa hagdan.
Napakunot noo siya at pinakatitigan ang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt.
"Sino siya, Ma?" Kunot na kunot pa rin ang noong tanong niya sa mama niya.
Bumitiw ito ng yakap at tumingin din sa tinitignan niya. Kumalma ito at hinila siya palapit sa lalaki
"Siya ang iyong Ama, Misharie." Tila kulog na umalingawngaw sa kanyang pandinig.
"Ama?" Mahinang bigkas niya at tila nanlabo ang kanyang mga mata.
"Akala ko ba'y namatay na siya, Ma?" Naibigkas niya sa pagkalito.
"Inilayo ka sa akin ng iyong ina." Mahinang wika nito, pero umabot sa pandinig niya.
"Hindi totoo yan." Tutol naman ng kanyang ina.
"Wait!" Malakas na sigaw niya sa dalawa.
Ngayon naman, ay tila siya naipit sa dalawang bulkan, sa pagkakatitig sa kanya ng mama at papa raw niya.
"Ano ang dahilan niyo at nandito kayo ngayon, Ama?" May diing tanong niya, habang nakataas ang kilay sa Tatay niya raw.
"Dahil ito na ang panahong para sa nalalapit mong pakikipag-isang dibdib."
Kung kanina ay nakarinig siya ng kulog, ngayon naman ay tila siya tinamaan ng kidlat sa narinig.
Itinuro niya ang kanyang sarili. "Nababaliw kayo, para ipagkasundo ako sa hindi ko pa nakikita." Walang gatol na sagot niya, sa taong nagpakilalang tatay niya.
"Ano ba Armando, tigilan mo na ang kabaliwan mo!" Sigaw ng nanay niya sa nagpakilalang ama niya.
Huminga siya nang malalim. "Ayusin ko lang ang sarili ko. Paalam niya sa dalawa at agad siyang tumakbo sa kwarto niya.
Pagkabukas niya sa kanyang silid, ay muntikan na siyang mapatili ng makita si Alena na nakahiga sa kanyang kama.
Agad niyang isinara ang pinto at hinarap si Alena.
"Ito ba ang sinasabi mong pagsubok?" Sumbat niya sa dalaga na napatingin sa kanya.
Lumiwanag ito at nag-anyong brilyante. Lumutang ang brilyante at humarap sa salamin.
Katulad nang nangyare sa brilyante ng lupa. Nakikita niya sa repleksiyon ng salamin si Alena.
"Lagi mong tandaan na pagmamahal, ang pinakamabisang sandata sa lahat." Saad ng Brilyante ng tubig at ipinakita nito ang larawan ni Alena mula sa salamin.
Si Alena'ng tunay na nagmahal, ngunit ang minahal nitong ginoo, ay nahulog ang loob sa mismong kapatid nito, na tinawag nitong Amihan.
Nagbungga ang pagmamahalan ni Ybarro at Alena, ngunit pinaslang ang bunga at si Danaya ang may sala, ang nakakabatang kapatid nito. Napalunok siya ng sunod-sunod sa mga eksinang nakikita at napapanuod niya, hanggang sa maramdaman na lamang niya ang sakit na kumirot sa kanyang kanang braso.
Nawala na ang Btilyante ng tubig sa harapan niya, ngunit ang simbolo nito, ay nakatatak na sa kanyang braso.
Huminga siya nang malalim. Ang pagmamahal, ang pinakamabisang sandata sa lahat. Itatanim niya sa kanyang puso, ang iniwang payo sa kanya ng Brilyante ng Tubig.
Isang lingo na ang nakakalipas at narito pa rin siya sa Encantadia. Ang lugar kung saan nagmula ang tatay niya. Limang araw na rin ang nakakaraan nang makilala niya si Pao-pao, ang taong nakatakda sa kanya.
Ano pa man, ang dahilan ng kanyang Ina. kung bakit siya nito nilayo sa tatay niya, ay naiintindihan niya.
Ang importante sa kanya, ay makapiling din ang tunay niyang Ama. Ngunit binalaan niya itong kung hindi mahuhulog ang loob niya sa nakatakda sa kanya, ay hindi siya magpapakasal dito na ikinatango lamang nito.
Ang kanyang inaasahang pagsuway niya sa kanyang Ama, ay hindi nangyare. Sapagkat nahulog ang loob niya sa unang lalaking pinahintulutan niyang makapasok sa kanyang puso.
Natatandaan pa rin naman kasi niya, ang payo ng Brilyante ng lupa. Hindi ka nagmamahal, kung hindi ka nasasaktan.
Bukas na ang kasal nila ni Pao-pao at hindi siya mapakali sa nararamdaman niya, tila siya masusuka na hindi niya alam, siguro nga ay exited lamang siya.
Naglakad-lakad siya sa masukal na kagubatan, kung saan siya dinala ng kanyang mga paa.
Hanggang sa makarinig siya ng bulongan.
"Totoo bang ikakasal si Pao-pao sa kalahating tao, kalahating diwata?"
"Oo raw, dahil sila ang itinakda."
"Paano na si, Lira? Ang anak nila?"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, may anak si Pao-pao? Nagpatuloy ang pakikidinig niya, hanggang sa umalis na ang mga ito.
Huminga siya ng malalim! May anak si Pao-pao? Iyan ang mga kataganang nasa isipan niya. Nang biglang lumiwanag sa may bandang batis na siyang tinakbo niya upang makita ang naroon.
Mula sa tubig ay nagpakita si Alena sa kanya. "Ang pagsubok na kailangan mong harapin ay magaganap bukas." Nakangiting ika nito at muling lumubog sa tubig.
Napaupo siya sa damuhan, habang nakatitig sa batis. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig doon, hanggang sa may kumalabit sa kanya.
Agad siyang napaatras sa pagkakaupo at bumunggad sa kanyang paningin ang napakagamdang batang babae. Sa hinuha niya ay nasa limang taon pa lamang ito.
"Ikaw ba ang mapapangasawa ng aking ama?" Diretsang tanong nito, na ikinalaki ng kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang braso ng bata at hinarap ito sa kanya. "Anong pangalan ng Papa mo?" Walang gatol na tanong niya.
"Si Papa Pao-pao." Inosenteng sagot nito sa kanya, na mas lalong nagpakirot sa kanyang puso.
"Sana maging masaya ka kay Papa Pao-pao, at huwag mo siyang ipagdamot sa akin." hiling pa nito na mas lalong kumurot sa puso niya.
Alam niya ang pakiramdam ng walang Ama na kinalikhan, at ayaw niyang matulad ang bata sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa kawalan.
"Sahara po." Ika nito at hinila na nito ang braso na hawak niya.
"Alis na ako, baka hanap na ako ni Mama." Anito na ikinatango niya.
Huminga siya nang malalim, bakit pakiramdam niya niluko siya ni Pao-pao, at bakit sa dami ng nakatakda sa kanya isa pang binatang ama?
Tumayo siya mul sa pagkakaupo. Kailangan niya nang umuwi sa palasyo bago pa gumabi.
Kinabukasan...
Mabilis ang bawat kilos niya. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip niya. Masakit din ang dibdib niya, sa mga nalaman niya tungkol lay Pao-pao.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa kanaya ang binata, hindi niya alam kung kaya niya bang sumipot sa kasal nila ngayon o hindi.
Bagay na hanggang ngayon, ay iniisip pa rin niya. Makikipag-isang dibdib pa ba siya sa taong mahal na niya, o isasantabi niya ang pagmamahal para sa pamilyang mayroon ito?
Napapikit siya ng mariin at saka siya nagmulat mg mga mata. Nagulat pa siya ng makita sa may pinto si Alena, hawak ang Brilyante ng tubig.
Gusto niyang magtanong dito ngunit hindi niya magawa.
"Nakikita at nababasa ko ang laman ng iyong puso. Kung may takot at panghihinayang ka mang nararamdaman, ay kailangan mong malaman ito." Sabi nitong biglang naglaho at naiwan ang brilyante ng tubig sa ere.
Inilahad niya ang kanyang kamay, dahilan nang pagsama sa kanya ng brilyante.
Nakaramdam siya ng sakit, na tila tumama sa kanyang noo at maya-maya lamang ay nanghina na siya.
Pumikit siya at pinakiramdaman ang bulong ng Brilyante sa kanya, at tuluyan nang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.
Isang lingo na ang nakakaraan ng hindi matuloy ang kasal nila ni Pao-pao.
Nasa mundo na uli siya ng tao at kasama ang kanyang Lola Ising.
Ipinagtapat niya rito ang nalaman niya, kaya hindi siya sumipot sa kasal nila ni Pao-pao.
Oo, Masakit sa part niyang iniwan niya ang binata, ngunit mas mabuting iyon ang gawin niya, kaysa siya mismo ang makasira ng pamilya. kahit mahal pa niya ito.
Ang payo sa kanya ng Brilyante ng Tubig. Hindi naman laging sagot, ang pagtakbo, minsan kailangan mong harapin ang totoo, nang makita mo ang sagot na hinahanap mo.
Hindi niya alam kung tama ang ginawa niya, ngunit dinalaw siya sa kanyang panaginip ng Brilyanye ng Apoy.
Galit na galit ito sa kanya. Dahil mali raw ang ginawa niya. Hindi raw siya karapatdapat.
Hindi niya maintindihan, ang nais iparating nito, ngunit kinabukasan, pagkatapos niyang hindi sinipot ang kasal, ay nagpakita sa kanya ang Brilyante ng Hanggin.
Ang sabi nito sa kanya ay, hindi lamang ang pagtanggap ng sakit o di kaya'y , ang hindi pagtakbo, ang gamot sa sakit na naiwan sa puso mo, at bigla itong naglaho.
"Apo, bakit hindi mo muling buksan ang aklat?" Ika ng lola niya na ikinalingon niya bigla dito.
Seryoso ba ito. "Lola naman, naguguluhan ako sa kanila, Bakit may mga brilyante ang aklat na iyon?" Tanong niya na hindi mawari ang totoong hangarin ng mga brilyante.
"Ang aklat na kinuha mo mula sa akin, ay ang tahanan ng mga brilyante, Apo. Ang mga brilyanteng kaya kang payoh'an para hindi ka mahulog sa maling tao."
"Pero bakit ganon lola, nililito nila ako?"
"Hindi ka nila nililito, binibigyan ka lang nang-aral, dahil bago mo pa sila kinausap o nagbigay ng payo sa iyo, ay alam na nila, ang mangyayare sa buhay mo."
"Bakit ngayon mo lang ito pinahintulutang ibigay sa akin, lola?"
"Dahil alam kung nakatakda ka ring kunin ng tatay mo."
"Lola, bakit mo alam?" Nagtatakang tanong niya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit umabot na ang edad ko sa dalawang daan?"
Nagulat siya. "Ang alam niya ay nasa eightee's lang ito."
Tumawa ito sa kanya. "Ako ang may hawak ng Brilyante ng Diwa." Maya-maya ay untag nito sa pananahimik niya.
Napalunok siya ng sunod-sunod.
"Brilynte ng Diwa?" Ika niyang naguluhan.
Iniangat ng lola niya, ang Brilyanteng hugis diamond, kulay puti at nagliliwanag sa kanya.
"Kapag nabuo mo ang brilyante sa katawan mo, ay magiging masaya na ako. Kaya Apo, buksan mo ang libro at tapusin mo itong basahin."Ika muli nito, at nagtalukbong na ng kumot.
Napabuntung hininga siya at pumasok sa kanyang silid.
Kahit kailan talaga ang lola niya napakamisteryosa. Hanggang ngayon, ay nasasaktan pa rin naman siya sa nangyare sa kanya sa Emcantadia.
Nagmahal siya pagkatapos, ay nabigo. Nagsakripisyo alang-alang sa anak ni Pao-pao.
Ang sakit sakit sa kanya, pero ano pa nga bang mas sasakit kung pahihintulutan niya ang sarili niyang maging sakim. Hindi siya ganon!
"Asnamon Voyanazar." Maikling wika niya at nagbukas ang libro.
Lumitaw mula roon ang Brilyante ng Apoy. Napakaganda ng hugis nito na tila sa itlog. Kulay pula at may simbolong nakapaloob sa gitna nito.
Isang maliit na bilog sa ibaba at tila usok na pumaitas, ngunit may isang maliit na sanga sa kanang bahagi ng simbolo.
Umilaw ito at nawala. Lumantad ang babaeng tila nasusunog sa harapan niya na ikinaatras niya. Nakakatakot, ngunit nakangiti ito sa kanya.
"Sino ka?" Lakas na loob na tanong niya.
Lumapit ito sa kanya ngunit umatras siya. hanggang sa pader na lamang ang nasa likuran niya.
"Ako si Pirena, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy."
"Anong nais mong ipayo sa akin?" Nabulol na ika niya rito.
"Tanggalin mo ang takot na nasa puso mo. Mamuhay kang may dignidad at ipagsigawan mong nagmahal ka lang. " Anitong biglang nawala sa harapan niya.
Nakahinga siya ng maluwang. Ngunit napatili siya ng biglang lumitaw ang brilyante ng Apoy sa harapan niya, at lumipad tungo sa kanang braso niya.
Nawala na ang simbolo ng tubig doon, ngunit pumalit ang simbolo ng apoy.
Tanggalin niya lang daw ang takot sa kanyang dibdib. Napangiti siya.
Lumabas siya ng kanyang silid at nabungaran niya ang kanyang ina na umiiyak at yumakap sa kanya.
"Ma?" Nagtatakang tanong niya.
"Pumanaw na ang Lola mo."
Kung natuklaw siya ng ahas ay hindi niya alam. Paanong mangyare iyon? Ang bilis naman, kanina ay kausap pa niya ito bakit ganon?
"Anak, natatakot ako." maya ay sambit ng Mama niya.
"Ma, Huwag po kayong matakot." Pagpapatahan niya sa Ina niyang, mahigpit ang yakap sa kanya.
"Natatakot akong ikaw ang susunod na taga bantay ng mga brilyante." nasabi nitong hindi niya mapaniwalaan.
"Alam niyo ang tungkol sa brilyante?" Naibulaslas niya sa Mama niya.
Tumango ito sa kanya at niyakap siya.
Tatlong araw ang nakalipas, Kung mukha na siyang zombie ay hindi na niya alam. Wala pa siyang maayos na tulog. Bakit ganon? Magmula ata ng makuha niya ang libro, ay nagkamalas-malas na siya.
"Anak, okay ka lang?" tinig na nagpalingon sa kanya sa Mama niyang, kakikitaan drin ng pagod sa mga mata.
Tumango siya at niyakap ang Ina."Kaya natin ito, Ma." Mahinang usal niya at kumalas ng yakap dito.
Dumiretso siya sa kanyang kwarto at umupo sa kanyang kama.
Hindi na rin siya nagulat sa paglitaw ni Pirena sa harapan niya.
Ngumiti ito sa kanya, kasabay ng pag-ilaw ng brilyante sa mga palad nito.
"Tandaan mo, Mishare. Ang galit na nararamdaman ay nilalabas at hindi dapat ito tinatago kailanam. Alam kong dama mo ang poot, paninisi ngunit ito ang nakatakda." Ika ni Pirena at naglaho bigla.
Naiwan ang Brilyante ng Apoy at nakita niya ang repleksyon nito sa salamin.
Nakasulat doon ang salitang. Ilabas mo ang anumang galit na nararamdaman mo, ngunit huwag mong kalimutan na may mga taong nagmamahal sayo.
Humiga siya sa kanyang kama at lihim na umiyak. Hindi nga niya masabi kung nakatulog ba siya o hindi, dahil pagmulat niya ng kanyang mga mata ay gabi na.
Bumangon siya sa pagkakahiga nang masulyapan niya, ang librong nagliliwanag.
"Asnamon Voyanazar." Aniya upang bumukas ito.
Katulad ng dati ay bumukas nga ito at binasa niya ang nakasulat doon.
Ang lahat ng bagay, ay may kasagutan at sa tinggin ko naman ay nakayanan mo itong lagpasan, lagi mong alalahanin ang bawat payo'ng sinabi sa iyo. Iyo itong pahalagahan sapagkat ito na ang huling payo'ng matatanggap mo.
Kung nais mong magpatuloy, ay hipan mo na lamang ako.
Huminga siya nang malalim. "Asnamon Arber." Ika niya at sumara ito. Nalaglag ito sa sahig saka niya tinadyakan.
Tama na ang kalukuhang, dahilan kung bakit nawala ang lola niya. Kung bakit siya nagmahal at pinahintulutan niya pang masaktan ang sarili niya.
Tama na ang kalukuhan ng librong puno na iyan. Ngunit napatakip siya sa kanyang mukha nang masilaw siya sa ilaw na nangagagaling sa libro.
Nakita niya roon ang tatlong Brilyante. Hindi niya alam kung bakit sabay na nagpakita ang tatlo sa kanya, ngunit sa pagkamangha niya, ay bigla itong nagkaroon ng mukha.
Ang mukhang, kulang ng isang pisnge. Ang mukha ng lola niya.
Napatayo siya at lumapit sa brilyante, hindi niya matanto ngunit narinig niya sa isipan niya ang tinig ng kanyang lola.
Buoin mo ang brilyante Misharie. Kailangan mo itong mabuo at gawin ang kanilang mga payo.
Nawala ang ilaw at sa ikalawang pagkakataon ay baumagsak sa sahig ang libro.
Pinulot niya ang libro at muling nagsalita. "Asnamon Voyanazar." ika niya at bumukas ito.
Hinipan niya ang libro at nagpakita ang isa pang brilyante. Ang bubuo sa mukha ng lola niya.
Ang brilyante ay kulay asul, hugis diamond din ito at may simbolong naiiba sa tatlong brilyante.
Ang maliit na bilog nito ay nasa itaas samantalang ang laso nito ay nakabagsag, tila ba ito maliit na titik r sa na nakasulat sa cursive at pinatongan sa itoktok ng maliit na titik o.
"Ako ang brilyante ng hangin." pagpapakilala nito.
Hindi ito katulad ng sa iba na nagpakita ang tagapangalaga nito. bagkos ang brilyante ang nagsasalita.
"Ang dalisay na puso ang nagtatagumpay." Anito at tumama ang brilyante sa dibdib niya.
Napapikit siya. Ramdam niya ang lamig na dumaloy sa kabuoan niya. Ramdam niya ang paglutang ng kanyang katawan, ang gaan ng kanyang pakiramdam. Nakita niya sa balintataw niya ang lahat ng pangyayare na dumaan sa buhay niya nitong nakaraan.
Banggang sa nakita niya si Pao-pao, yakap ang anak nito, hindi niya alam kung nakikita siya nito, ngunit biglang may humawak sa balikat niya, at nakita niya ang tatay niya.
Napakap siya rito at ibinalita niya ditong patay na ang lola niya. Nagulat siya ng itulak siya nito at itinutok ang hawak nitong espada sa kanya.
Naguluhan siya. Ngunit hindi siya nakaramdam ng takot. "Ama?" Nasambit niya, ngunit bumaon na ang espada nito sa dibdib niya.
Ramdam niya ang sakit lalo na nang hugutin nito ang espada at nginisihan siya.
"Patawarin mo ako Anak." Ika nitong muling ngumiti sa kanya.
Napapikit siya. Hindi niya maintindihan, ngunit parang sumangayon ang puso niya sa ginawa ng tatay niya sa kanya.
Ngunit parang sa telefantasya, nagmulat siya ng kanyang mga mata at nakita niya ang katutuhanan sa paligid niya.
Nakalutang siya sa kanyang silid, habang may dalawang butil ng luha sa kanyang pisnge.
"Nalampasan mo ang pagsubok, Misharie." Narinig niyang tinig sa likuran niya, dahilan ng paglingon niya.
Napakagandang dalaga nito, at kung hindi siya nagkakamali ay ito si Amihan. Ang pinili ni Ybarro'ng mahalin.
"Amihan?" Nabanggit niya na ikinatango nito.
"Avisala, Misharie." Ika nitong naglaho bigla.
Nagulat siya sapagkat nanatili pa rin siyang nakalutang, hanggang sa lumutang na rin ang libro at nabuo ang apat na brilyante.
Nakita niya ang mukha ng lola niya roon at sa hindi niya maipaliwang na dahilan ay naging lima ang brilyante.
Ang Brilyante ng Diwa. Ang hawak ng lola niya.
Inilahad niya ang kanyang palad at awtomatikong lumapit, ang limang brilyante sa palad niya.
"Isasaisip ko ang lahat ng payong inyong pinayo. Avisala Eshma mga brilyante." Aniyang hindi makapaniwla sa binitiwan niya.
Ngunit nopngiti siya ng makitang ang limang brilyante ay naging iisa.
Itiniklop niya ang kanyang palad kasabay ng pagsabi ng "Asnamon Arber." Katulad ng sa ibon ay umapak, din sa wakas ang paa niya sa sahig at kasabay ng pagtiklop ng libro, ay nakita niya ang mga payong inilahad sa kanya.
Hindi mo masasabing nagmamahal ka, kung hindi ka nasasaktan.
Lagi mong tandaan na pagmamahal, ang pinakamabisang sandata sa lahat.
Hindi naman laging sagot, ang pagtakbo, minsan kailangan mong harapin ang totoo, nang makita mo ang sagot na hinahanap mo.
hindi lamang ang pagtanggap ng sakit o di kaya'y , ang hindi pagtakbo ang gamot sa sakit na naiwan sa puso mo
Tanggalin mo ang takot na nasa puso mo. Mamuhay kang may dignidad at ipagsigawan mong nagmahal ka lang.
Ang galit na nararamdaman ay nilalabas at hindi dapat ito tinatago kailanam.
Ilabas mo ang anumang galit na nararamdaman mo, ngunit huwag mong kalimutan na may mga taong nagmamahal sayo.
Ang dalisay na puso ang nagtatagumpay.
Pagkatapos niyang mabasa ang mga ito, ay tumiklop ang libro at sa kanyang pagkamangha ay nakita niya ang lola niyang nakaupo sa kama niya.
Ang lola niyang mas dalaga pa sa kanya.
"Ito na ang huling pag-uusap natin apo, at bago mo harapin ang lahat ng pagsubok sa iyong buhay, lagi mong tatandaan ang mga natutunan mo sa librong ito."
"Opo, lola." ika niyang lumuhod sa paanan ng lola niya.
"E ccorei diu, apo."
Tumango siya at ngumiti.
"E corrie diu,lola."
Ipinatong ng lola niya, ang kamay nito sa ulo niya. "Ikaw na ang bagong tagapangalaga ng mga Brilyante Apo."
Napabalikwas siya ng bangon ng may kumatok sa pintuan niya.
"Shit! nanaginip ba siya?"
"Ma?" usal niya ng ibuga ng pinto ang Mama niya.
"Anak ang lola mo." Bunggad nito sa kanya, na ikinakunot noo niya.
"Anak!" Muling ika nito at niyakap siya.
Hindi niya maintindihan! kung ganon ay panaginip ang lahat?
"Wala na ang lola mo, anak." pumalahaw nang iyak,ang mama niya.
Iniharap niya ang kanyang ina, mula sa pagkakayakap sa kanya, at agad siyang napatakbo sa silid ng lola niya, na ikinasunod ng kanyang ina.
Wala doon ang lola niya, kaya agad siyang tumuwad, upang kunin sana ang baol ngunit pinigil siya ng mama niya.
"Wala na ang baol, Misharie."
Napa-awang ang kanyang bibig.
"Ngunit iniwan niya sa iyo ito." Ika ng Mama niyang inabot sa kanya ang libro, na nakita niya sa panaginip niya.
Kinuha niya ang libro at binuksan ito.
"Hindi ko yan mabuksan, anak ngunit sabi ng Lola mo. Alam mo raw kung paano." Ika nitong tumalikod sa kanya.
Hindi siya makapagsalita. Tanda niya ang mga napanaginipan niya, at nalala niyang nagpaalam nga ang lola niya sa kanya.
"Magbihis ka Misharie, kailangan nating pumunta sa morgue mamaya." ika pa ng mama niya bago siya nito iniwan.
Napabuntung hiniga siya at napakurap-kurap. Kung ganon ay siya na nga ang bagong tagapangalaga ng mga brilyante.
Pagkasara ng mama niya ng pinto, ay binanggit niya ang magic word.
"Asnamon Voyanazar."
-End-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro