👓risingservant👓
☆How did you start your writing career?
- Hindi ako sanay magsulat at hindi rin ito ang hobby ko noon. Nagsimula lang akong magsulat nang maligaw ako sa wattpad.
☆Who inspires you on writing?
- Wala naman. Nagsusulat lang naman ako kapag trip ko saka pampalipas din minsan ng oras kapag walang ginagawa.
☆What is the hardest part on starting to write a story?
- Para sa akin, title. Mas unique ang titulo, mas malakas makahatak ng mambabasa.
☆With all your stories, which one is your favourite? Why?
- Paborito ko naman iyon lahat dahil pinaghirapan ko ang lahat ng akdang aking sinulat.
☆When you already starts to write, did you ever expect that you'll reach millions of reads?
- April 2013, may account na ko. Hindi ko naman in-expect na aabot ng million na reads ng aking akda. Lima lang ang reader ko noon, nagpo-post lang ako ng story kahit na wala masyadong nagbabasa.
☆Have you experience being bash because of your work? If yes, how did you deal those negative comments?
- Oo naman, alam ko namang mali rin akong mali sa technicalities noon at tinatamad akong mag-edit kaya hinahayaan ko na lang. Wala naman akong pinipilit na magbasa ng aking akda. Kung nakakabuti naman ang negative comment, e 'di pag-aralan ang mali. Pero kung out of nowhere naman na, ignore na lang.
☆What is the hardest part of being a writer?
- Katamaran.
☆Can you give us tips on how to start writing a stories?
- Isulat niyo lang ang gusto niyong isulat. Makapangyarihan ang salita para makaimpluwensya ng isang tao kaya maging wais din sa istoryang nais isulat. Gamitin ang puso upang mailabas ang emosyon sa iyong kwento. Utak naman para sa mayabong na imahinasyon sa kung paano patatakbuhin ag iyong kwento.
☆What do you think should be written on the short description to excite readers?
- Sa paglalagay ng pambungad, isipin mo muna kung sino ang target readers mo. Pagkalaon, isip ka nang paraan kung paano pupukawin ang mga mambabasa. 'Yung tipong mapapaisip sila kung bakit ganoon ang nilalaman ng pambungad mo.
☆What did you do when you suffer from writer's block?
- Natutulog.
☆What is the ideal book cover should looked like to you?
- 'Yung simple lang pero malakas ang dating. 'Yung tipong book cover pa lang may kalakip na kaagad na kwento.
☆Define good story.
- Smooth flow mula simula, gitna at wakas. Maayos ang pagkakahubog sa tauhan, madadala ka mismo sa pinangyarihan ng kwento, may emosyon at madarama ng mambabasa na sila mismo ang tauhan, may lesson na matutunan. Pagdating sa twist, may spice. Proper way of writing.
☆What inspires you on writing 'Alphabet of Death'?
- Farewell story ko sa mga kaklase ko bago kami magkahiwa-hiwalay.
☆What is the secret in writing good Horror stories?
- Dapat alam mo kung bakit ka nagsusulat ng horror stories at kaya mo iyong panindigan hanggang sa dulo ng iyong kwento.
☆What did you realize when you already gain avid readers of your book?
- Masaya pala na may mga taong nakakaappreciate ng mga sinusulat mo.
☆If given a chance that you'll be having a collaboration with other wattpad writers, who is it? Why?
- Wala pa akong naiisip ngayon. Any suggestion? LOL.
☆What's the secret in creating a horrific plots?
- Imagination lang LOL.
☆Have you tried writing other genres except horror and mystery/thriller?
- Yep.
☆First thing that writers should do when writing a horror stories?
- Pray. Malakas dapat ang faith mo.
☆Who is your favourite author? And what makes him/her differ from the other writers?
- Hindi ako mahilig magbasa, e. May ilan akong nabasa noong ebook day. Kung required talaga siguro si HaveYouSeenThisGirl. Alam niya kung paano pupukawin ang damdamin ng mambabasa.
☆Just for fun, how can you make 'My Ex and Whys' turn into horror story?
- Hindi ko pa iyan napapanood e.
☆Motto as a writer.
- Sulat lang nang sulat.
☆If given the chance that your story will be in a big screen, who do you think can best play the killer?
- Hindi ko rin alam, e. Si Louise delos Reyes siguro o si Maja Salvador.
☆What is your message to all aspirant writers who are dreaming to publish their work in the future?
- Huwag kayong susuko. Sulat lang nang sulat! Huwag lalaki ang ulo. Maging mapagpakumbaba.
# fasttalk
☆Rice/bread
- Rice
☆pencil/ballpen
- Pencil
☆saturday/sunday
- Sunday
☆Cat/dogs
- Cat
☆Sinigang/adobo
- Sinigang
☆Final destination/saw
- Final Destination
☆Facebook/twitter
- Facebook
☆Moon/sun
- Moon
☆food/sleep
- Sleep
☆abs-cbn/gma
- GMA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro