NANG vs NG
• NANG
1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO
Halimbawa:
Paano tumakbo si Maria?
Tumakbo si Maria nang nakapikit.
Tumakbo si Maria nang nakapaa.
2. Kapag UMUULIT ang KILOS
Halimbawa:
Takbo nang takbo si Maria kahapon.
Kanta nang kanta si Maria habang naliligo.
3. Ibang salita sa NOONG (When)
Halimbawa:
Wala na raw pagkain nang dumating ako sa handaan.
4. Ibang salita sa PARA at UPANG
Halimbawa: Hugasan mong mabuti nang mawala ang sebo sa mga plato.
Url:
http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-language/gamit-ng-ng-at-nang-569287737c64e
• NG
- Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang panlipat.
HAL:
Gumagawa siya NG proyekto. (noun)
- Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa.
HAL:
Tinulungan ng pulis ang matandang babaeng nanghihingi ng tulong.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro