Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

NAGISING siya dahil sa isang kanta. Nakita niya ang ina na may bitbit na cake habang hindi nawawala ang ngiti nina Law at Win-win sa kaniya habang kumakanta ng birthday song.

She sat up nang makita pumasok din sa loob ng kwarto niya si Kayden. Mas lalong lumawak ang ngiti ng dalawa niyang kaibigan. Panigurado aasarin siya ng mga ito.

"Happy birthday, my baby Ashley!" sigaw ni Law na kinatakip niya ng tainga. Dinaganan siya nina Law at Win-win at binigyan siya ng maraming halik sa pisngi.

Nakita naman niya ang ina na hindi rin nawawala ang masayang expression sa mukha nito.

"Happy eighteen birthday, anak." Umayos silang tatlo ng upo nang itapat sa kaniya ng ina ang cake na may kandila.

"Make a wish," bulong ni Win-win sa gilid niya. Dumako ang paningin niya kay Kayden. Seryosong nakatitig lang ito sa kaniya. Halatang naiinip na ito.

She wondered tuloy kung sino pumilit dito. Napailing na lang siya then closed her eyes. She prayed na sana hindi siya mabisto sa gagawin niyang pagpasok sa all-boys school pagkatapos ay inihipan na niya ang kandila.

"Yehey! You're eighteen na! You can finally draw your first attempt na," masiglang saad ni Law ngunit agad rin sila natahimik.

Nakataas ang kilay ni Win-win dito habang siya naman ay gusto na niya lumubog sa kakahiyan. Hindi maganda ang tingin ng kaniyang ina sa kanilang tatlo habang si Kayden naman ay umiwas ng tingin.

"He. He. Happy birthday ulit, Ashley," tanging saad na lang ni Law sa katahimikan.

KAHAPON ay narecieved na niya ang result ng entrance exam niya at hindi niya mapigilan na tumalon-talon sa tuwa na makita nakapasa siya.

Sinabi niya iyon sa ina pero shempre alam nitong sa girls town siya mag-aaral.

At next week ay pwede na siyang pumunta sa Evinea kahit na sa susunod na linggo pa ang klase. Para na rin makapagasikaso siya sa loob ng dorm at maikot niya ang campus.

Mabuti na lang talaga at kasama niya si Samuel. Kaya kahit pa-paano ay hindi siya kinakabahan.

"Ashley, how about this?" Pinakita ni Law ang isang damit ng pang lalaki sa kaniya.

Kailangan niya bumili ng mga ilang damit pang lalaki. Need niya rin bumili ng uniform but Samuel insisted ito na bahala sa uniporme niya.

"Let's take it." Nilagay ni Law ang damit sa cart na tulak-tulak ni Win-win.

Hindi niya pa rin nasusubukan magsulat sa balat niya. Hindi niya maiwasan na matakot sa magiging reaksyon ng tao nakalaan para sa kaniya.

Paano kung hindi ito sumagot sa kaniya? Katulad ng hindi pagsagot sa soulmate ni Win-win. Natatakot siya.

Nang matapos nila sukatin ang damit ay binayaran na nila ito sa counter. Napabuntong hininga tuloy siya ng malalim nang makita ang laman na lang ng wallet niya.

Kailangan na niya magtipid. Panigurado marami pang kailangan bayaran lalo na sa tuition fee niya. Nakapag-fill out na siya ng form kahapon. Baka bukas ay subukan niya mag-downpayment muna.

Mag ta-try din siya makakuha ng scholarship siya sa pag pipinta niya. Actually, wala pa talaga siyang plano basta ngayon ay gusto niya muna mahanap ang soulmate niya.

"Do you really need wig? Paano kung mahuli ka?"

Papasok sila sa loob ng hair parlor para magpagupit ng buhok. Yes, ang matagal niyang inalagan na buhok ay papagupitan na niya.

"Good bye, hair," naiiyak niyang saad nang hawakan na ng hairstylist ang buhok niya.

"Don't worry, dear. Hindi naman mauuwi sa wala ang buhok mo."

Yes, hindi mauuwi sa wala ang pagpapagupit niya dahil i-do-donate niya ang buhok sa cancer patients. She smiled thinking about that.

"Sige, paki-gupitan na po," she said.

GUMAMIT muna siya ng wig para hindi malaman ng ina niya nagpagupit siya ng maiksing buhok. Ang sinabi niya lang ay pina-ayos niya ang buhok, kaya nag-iba ang style nito.

Panigurado iiyak nanay niya kapag nalaman nagpagupit siya. Isa pa naman ang ina na may gustong mahaba ang buhok ng kanilang unica hija.

Kinagabihan. Unti-unti na siya nagempake ng gamit niya. Kinakabahan man ay hindi niya mapigilan na kiligin na mahanap ang soulmate niya.

Pabagsak siyang humiga sa kama nang mapagod siya mag-asikaso. Kinuha niya ang maliit na salamin sa side table ng kama. Pinatitigan niya ang sarili.

Ang iksi ng buhok niya. It was a pixie cut na may bangs. "This is for you, whoever you are," bulong niya sa sarili sa salamin.

Binaba niya ang salamin at kinuha naman ang nakitang ballpen sa side table rin. Umupo siya ng maayos at pinatitigan ang hawak na ballpen at ang kaniyang balat.

She wanted to write something but she doesn't know what. Ang bilis ng tibok ng puso niya habang nag-iisip ng isusulat.

Once masulat na niya ito sa balat. Mag si-stay ito ng isang araw sa kaniyang balat at sa soulmate niya. Hindi ito nabubura dahil kusa itong matatanggal kapag lumipas na ang twenty-four hours.

Binuksan na niya ang takip ng ballpen. Palapit na rin ang tip ng ballpen sa kaniyang balat nang panghinaan siya ng loob.

She sighed. "Not today."

     SHE was lazily eating her breakfast nang dumako ang kaniyang paningin sa isang guhit sa kaniyang kamay. No'ng una ay hindi niya pa ito pinansin pero nang ibalik niya ang tingin dito ay nanlaki ang kaniyang mata.

"Gago!" she cursed. Nabitawan niya ang hawak na kubyertos. Her heart was beating so fast.

"Ashley, your language!" sita ng ina niya nang marinig siya nito.

    Tamang-tama ay pumasok ito sa loob ng dining room. Binalingan niya ang ina. Napansin niya pa nakatingin sa kaniya si Kayden.

     Kasabay niya kasi mag almusal si Kayden.

     "Ma!" pasigaw na tawag niya rito pagkatapos ay pinakita ang kamay niya. Nang makita ito ng ina niya ay nag bago ang facial expression nito.

    "'Starting today, 'wag mo ng subukan mag sulat sa balat mo."

    "P-po?"

    "You heard me," anito pagkatapos ay tinalikuran siya nito. Nakabusangot na binalik niya ang tingin sa kinakain.

     "Sa kaniya ba galing 'yan?"

     "Ha?"

     "'Yang guhit sa kamay mo?" Pilit siyang ngumiti rito pagkatapos ay umiling dito. Hindi niya namalayan nasulatan niya pala ang balat niya kagabi no'ng sinubukan niya mag sulat.

    "Aksidente 'kong nasulatan kagabi when I was procrastinating kung susulatan ko ba siya o hindi pa."

    Tumango ito. "Paniguradong alam na niya nag e-exist ka." Sarkastik siyang natawa sa sinabi nito.

     "Yeah, but knowing wala siyang ginawa? I don't know what to feel."

    "Maybe he hasn't seen it."

    "Kayden, 'wag mo ako pinapatawa. Panigurado nakita na niya 'yan. Ang laki-laki ng guhit ko, oh?!" Pinakita niya pa rito ang kamay.

     "Maybe he doesn't want to write it back yet." Nag kibit balikat ito pagkatapos ay bumalik sa pag kain. Oo, na!

     MAHIGPIT na niyakap siya ng ina. Nasa likod na rin ng sasakyan lahat ng gamit niya.

"Visit us on weekends." Humalik pa ang ina niya sa pisngi. "Alagaan mo ang sarili."

"Ma, kanina mo pa po sinasabi 'yan at paulit-ulit ko rin sasabihin na opo."

"Alam mo naman nag iisa ka lang. Ma-miss kita sobra. Don't forget to call me."

"Yes, ma," natatawa niyang wika pero deep inside ay kinakabahan na siya. Kahit na sabihin, hindi pa ito ang first day.

Napadako ang paningin niya sa sasakyan sa harapan nila. Gamit nila ang sasakyan ni Win-win pagkatapos mamaya ay lilipat siya sa sasakyan ni Samuel pagdating sa tapat ng campus.

She was just wearing baggy pants, white tee shirt at blue checkered polo. 'Yong damit na hindi mahahalata ng ina niya na sa ibang campus siya papasok.

"Sure, ka ba anak na hindi mo na papasamahin si Kayden?"

"Hindi na po talaga, ma. I'm sure busy siya." Nilingon niya si Kayden nasa likuran ng kaniyang ina. Tahimik lang itong nakatayo habang nakatitig sa kanilang dalawang mag ina.

They both decided na humanap ng paraan para hindi matuloy ang kanilang nakatadhanang kasal. Hindi naman nila mahal ang isa't isa, kaya walang dahilan para mag pakasal sila.

"Bye na, ma. Mahal po kita. Ingatan ang sarili." Sa huling pag kakataon ay yumakap siya sa ina.

Tumango na lang siya kay Kayden. Papasok na sana siya sa sasakyan nang hilahin siya ng ina at tinulak kay Kayden.

Nabunggo tuloy siya sa dibdib nito kung saan hinawakan nito ang baywang niya. Masama niya itong tinitigan bago siya humiwalay dito.

"Bye," pilit niyang paalam dito. Nakatitig lang ito sa kaniya. Akala niya pa ay wala itong sasabihin when he leaned forward then kissed her forehead.

"Take care, Ashley."

Pumasok siya ng sasakyan na tulala. Tangina. Gusto niya sana ito suntukin kung wala lang ang ina niya sa harapan nila.

"Ahh!" inis na sigaw niya. Tanging tawa lang ang narinig niya kay Win-win. Hindi nila kasama si Law dahil nauna na ito kasama si Samuel sa campus.

She quoted, "they need alone time dahil matagal sila mag hihiwalay."

     SINALUBONG sila ni Law nang pumarada ang sasakyan ni Win-win sa gilid ng school. Niyakap sila ng mahigpit nito na para bang sobrang tagal silang hindi nag kita.

     Habang si Samuel naman ay binuksan na ang likuran ng sasakyan ni Win-win para kunin ang mga bagahe niya at ilipat sa sasakyan nito.

    "Ang gwapo natin, Ash." Pinatitigan siya ni Law mula ulo hanggang paa.

     Umakbay si Win-win sa kaniya. "Ako ang nag ingat kay Ash papunta rito. Give me some credits, too?"

    Parehas silang natawa ni Law. Yayakap sana ulit siya sa mga ito nang makita ang ilang school mates niyang nakatingin na naman sa kaniya.

Anong problema ba ng mga ito?

"Anyways, Law. I have chika," panimula ni Win-win. Umikot naman ang mata niya. "Our baby had her first kissed," mahina nitong dugtong.

But sinabi nito kay Law at panigurado na malakas ang isasagot nito. "First kiss?!"

"No! Hindi! Sa noo lang 'yon. So, my first kiss is still safe."

"Kayden bid her good bye by kissing her forehead."

"What?! Akala ko ba hindi ka no'n gusto?"

"That's what I thought din," pang sang-ayun ni Win-win kay Law. Napa buntong hininga na lang siya pagkatapos ay pinagmasdan ang mga estudyante na papasok sa loob ng campus.

Hindi pa gano'n karami dahil hindi pa naman ngayon ang first day at halos lahat nakikita niya ay naka civilian lang na damit.

"Ash, are you ready?" tanong ni Samuel nang matapos ito sa pag lipat ng gamit niya. Yumakap pa ito kay Law then kissed her cheek.

"Thanks, but I'm not ready, bro."

"Bro~" Law and Win-win chorus to each other. "Shut up, guys!" natatawa niyang suway sa mga ito.

"But seriously, bye na. We have to go na." Parehas niya ulit niyakap ang mga ito at hinalikan sa pisngi.

"Call us, baby!" sigaw pa ni Win-win nang makasakay siya sa passenger seat ng sasakyan ni Samuel.

"I love you, both! Thank you." She mouthed then waved her hands.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro