Chapter 1
PINATITIGAN niya ang isang painting sa art museum na pinuntahan nila magkakaibigan. Hindi mawala ang tingin niya rito.
Isa itong painting tungkol sa soulmate. Dalawang tao. Sa isang crowded place. Tanging dalawang tao lang ang malinaw kung saan makikita ang dalawang tao na may parehas na drawing sa kanan bisig.
Isang sunflower ang nakapinta. Nabasa niya sa description ng painting ay nagsisimbolo ang sunflower sa pagiging tapat nito sa kabiyak at ang pagmamahal nito na walang kondisyon.
Malinaw na malinaw ito sa painting sa kaniyang harapan. Magkaharap ang dalawang tao pero hindi nakatingin sa isa't isa. Hindi pa magkakilala ang mga ito. It looks like nagkasalubong ang isa't isa na hindi nila namamalayan but the love for their each other is radiating like a sun.
She wanted to feel that love. She wanted to experience it. Hindi niya tuloy mapigilan kiligin kapag naiisip niya na dalawang linggo na lang ay mag di-disiotso na siya.
Sa mundong ibabaw. May dalawang uri ng tao. Ang isa ay isang normal na tao habang ang isa naman ay tao rin pero may dugo ng anghel ang mga ito. Katulad niya, isa siyang Angelus na may dugo ng anghel.
"You must be excited." Nilingon niya ang kaibigan na si Law. Nakatingin ito sa painting sa kanilang harapan.
Isa rin itong Angelus. Last year ay nag disiotso ito at nahanap na rin nito agad ang nakatadhana sa kaniya. It was her guy best friend.
"I am. Gusto ko rin maramdaman 'yong naramdaman mo no'ng natagpuan mo si kuya Sam."
Niyakap siya ni Law sa gilid niya. "It will happen, soon," nakangiti nitong saad sa kaniya. Nahawa siya rito kaya binigyan niya ito ng isang malaking ngiti.
"So, hindi niyo ako isasama sa yakapan niyo?"
Parehas silang lumingon ni Law sa kaliwa niyang gawi nang marinig nila si Win-win magsalita. Isa rin itong Angelus. Last month ay nag disiotso ito ngunit hindi pa rin nito natatagpuan ang taong nakalaan para sa dalaga.
Nakataas ang kilay nito sa kanilang dalawa. Natatawa naman na hinila nila ito sa isang group hug.
MARAHAN siyang pumasok sa tahanan na tinutuluyan nilang mag-ina para hindi siya mahuli na gabi na naman siya umuwi ngunit hindi niya inaasahan ang ina nasa dining table kasama si Mrs. Dorbus, pati ang anak nito, at ang apo nitong binata nakatingin sa kaniya na para siyang isang magnanakaw nahuli sa akto.
"G-good evening po?"
Tumayo ang ina niya at hinila siya nito sa isang upuan sa tabi ni Kayden na apo ni Mrs. Dorbus. May masama itong tingin sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin at binalingan si Mrs. Dorbus na may malaking ngiti sa kaniya.
Naiilang na tiningnan niya ang ina nakaupo sa tabi ni Mrs. Dorbus. Hindi niya maintindihan kung bakit nandito silang lahat sa hapagkainan at kung bakit may maraming pagkain na masasarap ang nakahain ngayon sa kanilang harapan.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit nakasuot ng magarang damit ang mga ito kasama ang kaniyang ina at mas kinagulat niya pa ay may makeup ang kaniyang ina na hindi nito ginagawa nang mamatay ang kaniyang ama.
Kinakabahan man kung ano ba ang nangyayari sa paligid pero kahit gano'n ay binigyan niya pa rin ng magandang ngiti ang kanilang amo slash nagkupkop sa kanilang mag-ina nang maghirap ito na buhayin siya simula mamatay ang kaniyang ama.
They were not Angelus like them but they were nice people maliban sa apo ni Mrs. Dorbus na si Kayden. Masakit ito sa ulo at masyado itong mayabang.
"Since all of us are here, shall we start?" saad ni Mrs. Dorbus sa kanilang lahat.
Nagsimula sila kumain ng hapunan. Akala niya no'ng una ay magiging tahimik lang ang kaniyang magiging gabi ngunit masyado lang pala siya umasa agad.
"Ashley, kumusta ka?" tanong ni Mrs. Dorbus sa kaniya. Madalas siyang tanungin nito kung kumusta na siya pero hindi sa harapan ng buong kamaganak nito lalo na sa harapan ni Kayden.
She heard Kayden tsked but hindi na lang niya ito pinansin.
"Maayos naman po ako Mrs. Dorbus. Pasensiya na po kung ginabi ako ng uwi. Na-traffic po kasi sa daan."
"Saan kayo pumunta, dear?" tanong sa kaniya ng ina ni Kayden. Hindi na talaga niya maintindihan ang nangyayari habang ang ina naman niya ay tahimik lang sa isang tabi.
"Sa isang art museum po."
"Oh, you love arts?"
"Yes, po. I am thinking po na ayon ang kunin sa college."
"Speaking of college, Carla? Honey? What's school nga you were talking about?" tanong ni Mrs. Dorbus sa kaniyang ina.
Binalingan niya rin ang ina dahil wala naman sinasabi sa kaniya ito tungkol sa school na gusto nitong pasukan niya.
"Evinea Girls' town po, Madam."
Evinea?
Girls' town?
She heard about that school. Hindi nga lang niya matandaan kung saan ito narinig.
"Kung sa school na lang kaya ni Kayden pag-aralin si Ashley for her senior years?" suggestion ng ina ni Kayden.
Kumunot ang noo niya. Teka! Pinaguusapan ng mga ito kung saan siya mag-aaral at bakit kailangan niya pa sa school ni Kayden? Hindi nga niya ito makasalamuha ng maayos.
"Mom, bakit sa school ko pa? Diyan niyo na lang siya sa Evinea pag-aralin, lola," sabat ni Kayden at baling sa lola nito.
Umikot ang mata niya sa sinabi nito. Akala naman nito ay gusto niya makasama ito.
"Ma? Akala ko po napagusapan na natin kala Law at Win-win na school po ako mag-aaral ng senior years ko?"
Pinatahimik siya ng ina. "We'll talk about this later, Ashley."
"Okay, but may isang tanong po ako."
"What is it, honey?" tanong ni Mrs. Dorbus sa kaniya. Hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Kanina niya pa rin napapansin ang pagtingin nito sa kaniya at kay Kayden na para bang tuwang-tuwa ito makita na magkatabi sila ng binata.
"I just want to know lang po, what is happening right now? If ayos lang po itanong."
Bumaling si Mrs. Dorbus sa kaniyang ina. "Your daughter is smart. She knows there's something going on."
"What is it, lola?" hindi na rin mapigilan na tanong ni Kayden. Alam niya rin katulad niya ay curious na ito sa nangyayari sa kanila ngayong gabi.
Tumayo si Mrs. Dorbus sa inuupuan nito pagkatapos ay lumapit ito sa kaniyang likuran. Nagulat siya nang yakapin siya nito nang mahigpit. Pinatitigan niya si Kayden para itanong kung ano ba ang nangyayari.
Nagkibit balikat ito sa kaniya. "Welcome to the family, hija," anito. More like announcement nito sa kanila.
What? "P-po?" What the hell is that mean?
"Napagkasunduan namin na mapangasawa mo si Kayden," isang bomba na balita sa kaniya ng ina.
Napatayo siya sa gulat. "Po?!" Isa-isa niya ito tiningnan kahit si Kayden ay pinatitigan niya. Halata ang pagkagulat nito sa narinig.
Sino ba ang hindi magugulat kung bigla na lang maririnig ng isang tao na ikakasal na siya sa taong hindi naman niya mahal? Oo, kilala niya si Kayden at mas lalong nakakainit ng ulo 'yon dahil sobrang yabang ng binata.
"I don't approve to this arrangement," ani sa malalim na boses ni Kayden.
"A-ako rin po." Nanginginig ang kaniyang kamay. Gusto na niya maiyak. Parang kanina lang, excited pa siya dahil dalawang linggo na lang mag di-disiotso na siya at may chance na niya makita ang taong nakatadhana para sa kaniya.
Tapos biglang sasabihin sa kaniya na ikakasal siya sa ibang tao? At isa pa, hindi ito Angelus. Sigurado siya na hindi ito ang nakatadhana para sa kaniya.
"The decision is already made whether the both of you are against it or not," seryosong saad ni Mrs. Dorbus.
Pabagsak siyang napaupo sa kaniyang kinauupuan. This is not happening. Hindi siya papayag. What if, matagal na siyang hinihintay ng soulmate niya?
Ano ang sasabihin nito kapag nalaman nito ang kasunduan? Natigil siya sa pag-iisip nang pabalang na tumayo sa kinauupuan si Kayden at pabagsak na binaba ang towel napkin sa lamesa bago ito walang paalam na lumisan sa hapagkainan.
Narinig niya na sumigaw ang ina nito para pigilan ang binata ngunit pinigilan ito ni Mrs. Dorbus.
Apat na lang sila natira sa hapag. Ang ama ni Kayden ay nasa ibang bansa kaya hindi nila ito kasama.
Ang balita pa ay may ibang pamilya na ito, isa sa dahilan kung bakit hindi ito umuuwi sa Pinas. For some reason, bigla siya naawa kay Kayden. Alam niyang pressured ito dahil nakasalalay sa binata ang kinabukasan ng company ng pamilya nila kung saan si Mrs. Dorbus ang nagpapatakbo.
Wala ng asawa si Mrs. Dorbus at ang anak pa nitong lalaki ay hindi nauwi sa Pilipinas. Kaya, nakapatong talaga sa balikat ni Kayden ang lahat.
But she couldn't say yes to their arrangement. Gusto niya mahanap ang taong mamahalin siya at mamahalin niya nang buong puso at alam iyon ng kaniyang ina.
NANG matapos ang gabihan ay agad siya nagtungo sa silid niya. Sinundan naman siya ng ina at pabagsak na sinara ang pinto.
"'Wag mo ako tinatalikuran, Ashley!"
Galit na lumingon siya sa ina. "Ma, I can't marry him. Alam mong may taong nakatadhana para sa 'kin pero bakit mo ako ipapakasal sa ibang tao?!"
Hindi na niya mapigilan umiyak. Pabagsak siyang umupo sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak.
"I'm sorry, anak but this is only for your own good."
"Paano mong nasasabi na this is for my own good? Ma? He's not my soulmate. Magiging miserable ang buhay k—"
Napahawak siya sa kanan pisngi niya na sinampal ng kaniyang ina. Mas lalo siya napaiyak. Bakit hindi nito maintindihan ang gusto niyang sabihin?
Parehas na Angelus ang magulang niya. They found each other and she knew they loved each other.
Alam niya iyon dahil nang mamatay ang ama niya ay walang gabi na hindi umiyak ang kaniyang ina pero bakit ngayon? Bakit ito pumapayag sa kasunduan?
"They treat us like a family. Tinulungan nila tayo ng walang-wala tayo. This is the only way we could do to repay their kindness."
"Hindi pa ba sapat sa kanila 'yong araw-araw na pagkayod mo dito sa mansyon nila?!"
"How dare you say that?!" Sasampalin sana ulit siya ng ina nang tumigil ito sa ere.
"That's enough!" sigaw ni Mrs. Dorbus nang makapasok ito sa silid niya. Nakakatakot ang tingin nito na kinaiwas niya.
Tumayo ang ina niya at tinitigan siya. "You will marry Kayden and you will study in Evinea and that's final," saad nito bago ito lumabas ng silid.
Lumambot ang paningin ni Mrs. Dorbus nang lapitan siya nito. Hinawakan siya nito sa kamay at marahan na hinaplos nito ang pisngi niya.
Umiwas siya ng tingin dito. Pinunasan niya ang luha at inalis ang kamay nito nakahawak sa kaniya. "A-ayos lang po," pilit niyang wika bago pumasok sa loob ng kubeta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro