ASARAN (One Shot)
ASARAN written by: CrayonBerry.
Dedicated to the cover maker.
Enjoy reading!
----
Mariel's POV
''Tss. Mikki naman! Sige na oh please! Samahan mo na ko. Sandali lang naman 'to e, promise!'' - pamimilit ko sa bestfriend kong si Mikki.
''No Mariel. Sorry, I have a lot of things to do. Maybe next time, Okay?'' sagot naman niya habang patuloy pa rin sa pagsusulat ng kung ano.
''Tss. Ano pa nga bang magagawa ko? Sige, baboo nalang.'' nakasimangot kong saad tsaka lumabas ng classroom namin. Kami nalang kasi ang naiwan sa classroom dahil kanina pa nagsimula ang recess namin.
Tsk, ka-imbyerna talaga yung babaeng yun! Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko yun! Eh kahit kelan naman hindi ako n'on sinasamahan sa mga lugar na pinupuntahan ko. Ewan ko nga rin ba kung bakit ibang iba kami sa mga magkakaibigan na nakikita ko eh. Psh.
Naglakad nalang ako mag-isa papunta ng canteen namin which is malapit lang naman. Pang-labing limang hakbang ko na sana /Oo, binibilang ko eh/ nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko.
"Magandang umaga, binibini!"
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko. Tinig lalake, at boses palang, alam ko na kung sino. And sht, kung minamalas nga naman ako, ngayon niya pa ko na-tsempyuhan!
At dahil nga na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, nagkaroon naman siya ng pagkakataong maakbayan ako. Asdfghjkl.
"Namumula ka yata?" natatawa niyang tanong dahilan para mas lalo akong mamula. Kinagat na yata ng isang daang langgam ang pisngi ko kaya ganito.
"A-ano ka ba, JC! T-tanggalin mo nga yang kamay mo! Ang bigat!" pagrereklamo ko habang sinusubukang alisin ang kamay niya sa balikat ko.
Pero tinawanan niya lang ako ng loko! @#$%^&*!
Naku, Kung hindi lang kita--aish. Nevermind!
''Bata ka talaga! Di mo parin kaya? Eh isang kamay palang yan ah? Hahaha!'' pang-aasar niya. Tsk, Nagsisimula nanaman siya!
"Aba't!--aish, ang yabang mo!" sigaw ko sakanya pero--wrong move. Natuon samin ang atensyon ng mga tao na nasa hallway.
-____________-
"Can you see what I see? Naka-akbay si JC kay Mariel!"
"OMG! Clayiel!"
"Takte, kinikilig ang bulate ko sa tyan! Uwaa!"
Napatingin ako sa mga babaeng nagkakagulo sa isang tabi. Nakatingin sila samin habang tumatalon at parang kinikiliti. Weird.
Pero, ano daw? Clayiel? For real? Anong pasabog naman 'yon? Tss.
John Clay's POV
Napangisi ako nang marinig ko ang mga tao na patuloy pa rin sa pag-asar samin. Hindi ko alam pero imbis na mairita ko, natutuwa pa yata ako.
''Bakit ganun? Matagal na tayong magkakilala pero pansin ko parang ako lang yung tumatangkad. Umiinom ka pa rin ba ng Cherifer? Haha!'' ako.
''Yabang mo! Normal lang naman na tumangkad ka dahil lalake ka. Tsk!'' aniya.
Pffft. Haha, pikon.
"Hmm," hinawakan ko ang baba ko na para bang nag-iisip. Tumingin akong muli sakanya. "Kaya pala minsan hindi kita nakikita. Ang liit mo kasi." pang aasar ko pa.
''Oy teka lang Clay! Bumitaw ka na nga! Ayan na yung canteen oh!''
MARIEL'S POV
-_________________________-
Ang lapit ko na sa Canteen eh! Biglang lumiko itong si Clay! Teka-- Nasa garden kami ha?
''Teka teka nga Clay! Saan ka ba pupunta?" tanong ko. Pero ang loko, napatigil kaya napasubsob ako sa likod niya. Hmm, ang bango--joke lang. ^_______^v.
''Parang mali yata yung sinabi mo? Ka means ako lang ang tinutukoy mo. Sa pagkakaalam ko, kasama kita kaya--''
''Oo na! Dami mong satsat. Tss. Utak utak kasi Clay! Nadawit ako sa pagkaka akbay mo sakin at magkasama tayo ngayon! Tinatanong lang kita kasi Ikaw ang Nagdedesisyon kung saan tayo pupunta! What I mean is Tayo!'' inirapan ko siya.
''Tayo? Tayo na ? YES! Sabi ko na nga ba may gusto ko sakin eh!'' tumalon talon pa siya habang sinusuntok ang hangin--which makes him looks like stupid. Err.
"Wag kang assumero uy! Hindi tayo! Manligaw ka muna 'no! Hindi porket gusto kita't gusto mo ko hindi mo na ko liligawan--"
O_______________O SAY WHAT? Anong sinabi ko?!
Namula ako lalo nang tumingin siya sakin kasabay ng pagtakip ko ng kamay ko sa bibig kong dada ng dada.
JOHN CLAY'S POV
Hindi ko mapigilang mapatawa nang makita ko ang itsura ni Mariel. Pulang pula na kasi yung mukha niya.
Tsk tsk.
"A-ah, alis na ko. Clay--" hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya nang yakapin ko siya ng mahigpit.
"Gusto mo rin naman pala ako eh." nakangisi kong sabi.
"A-ah, hindi ah!--"
"Sus, nasabi mo na. Period. No erase. Locked. Tapon susi sa puso ko." sabi ko habang natatawa. Ang corny ko. Tss. -/////-.
Nanatiling tahimik ang paligid namin. Nao-awkward-an na yata siya kaya humiwalay na ako at hinawakan ang kamay niya.
"Mariel Ocampo, sinasabi ko na nga ba't gusto mo rin ako eh." nakangisi ko pa ring sabi habang tinititigan siya dahilan para mamula na siya lalo.
Nanahimik siya. Mukhang wala na yata siyang masabi kaya natameme na siya.
"Wag kang mag-alala, gusto rin naman kita eh."
Napatingin siya sakin ng nanlalaki ang mata. Parang hindi makapaniwala sa sinabi kong 'yon.
"A-anong sinabi mo?" nauutal niyang tanong habang nakatingin pa rin sakin.
"Sabi ko, gusto kita. Kaso, bingi ka. Kaya babawiin ko na lang--"
"Kung gan'on, gusto rin kita, John Clay. Wag mo ng subukan pang bawiin dahil bibigwasan kita." nakangiti niyang sabi.
--------------------
Haha! Sabaw 'no? </3 epic peyl ang una kong storya sa Watty. Lol. Thank you for reading! <3.
-CrayonBerry.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro