Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

05

Chapter 05
Suji

Napakagat ako sa labi ko sa tuwa nang makitang 12 na ang followinng nya ngayon. Ako lang nag nag-iisang hindi Castres na finafollow nya ngayon. He even accepted my follow request! Tinignan ko kaagad ang mga ig posts nya. Medyo natawa ako nang makitang puro mga walang captions ang mga ito.

Pati ba naman dito, out of words sya.

Ang pinakaunang post nya ay ang picture ng Castres family. Nandito ang mga pinsan nya, mga magulang nilang lahat, pati na rin ang Lolo at Lola nila. Ang pangalawang pinost nya naman ay silang mga magpipinsan lang. Naka topless silang lahat at medyo pawisan, nakahawak ng bola si Karl dito. Ang recent naman ay picture ng bola at sapatos nya.

Kaagad kong pinindot ang message para i-chat sya. Marunong naman akong mag thank you.

sujiyourgirl: thank you sa pag accept

sujiyourgirl: nahalata mo palang ikaw tinutukoy ko kanina hahahahahahaha galing ko ba

Napatili ako nang makitang typing kaagad si Karl. Natahimik lang ako nang kumatok si Mama sa pintuan ko kasi ang ingay ko raw, umaabot daw sa kwarto nya ang ingay ko. Napakagat na lamang ako sa labi ko.

karleion: yeah since you looked at my direction earlier

Mahina akong natawa nang parang narinig ko bigla ang boses nya habang binabasa ang chat nya.

sujiyourgirl: thank you ulit
sujiyourgirl: goodnight kitakits bukas!

Napanguso ako nang hindi nya na ako nireplyan. Natulog na lamang ako pagkatapos kasi medyo inaantok na rin ako. Kinaumagahan, excited akong nag prepare para pumasok na sa paaralan nang biglang umulan nang malakas. Napanguso ako nang marealize na suspended ang klase raw ngayon, chat ng adviser namin.

"You should be happy," sabi ni Mama habang kumakain kami ng breakfast ngayon. "Diba ganyan ka? You hate going to school."

Grabe naman itong si Mama. "Nagbago na ako, Ma. Ginaganahan na ako ngayon," nakangiting sabi ko sa kanya. Natigilan bigla si Mama sa akin dahil sa gulat kaya napakunot ang noo ko. "Bakit po, Ma? May dumi ba sa mukha ko?" hinawakan ko pa ang mukha ko.

"No," napakurap-kurap sya at umiling. "It was the first time I saw you smile genuinely again."

Natigilan ako sa sinabi ni Mama at natahimik na lamang. My parent's break up affected me. Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo sa kanilang dalawa. Hindi ko kasi kayang tanggapin na ayaw na nila sa isa't isa. Pwede bang ganoon? Iiwan mo na kasi ayaw mo na? Diba kapag mahal mo, ipaglalaban mo pa rin?

Hindi ko lang naman maintindihan ang isang bagay na iyon. Ayaw ko rin namang intindihin kasi natatakot ako. Natatakot ako na kapag maintindihan ko ang bagay na iyon ay baka magawa kong patawarin sila.

"Akyat muna ako, Ma. Magrireview nalang po ako kasi next week na ang monthly exam namin," sabi ko pagkatapos kong kumain.

"Suji," tawag ni Mama sa akin kaya napatigil ako. I looked at her, hinihintay kung ano ang sasabihin nya sa akin. "I'm sorry for letting your Father leave."

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat nang sabihin iyon ni Mama sa akin. Biglang kumirot ang puso ko kaya napalunok ako nang ilang beses para kumalma. Nakakainis naman. Ngumiti lang ako kay Mama bago ako umakyat na patungo sa kwarto ko.

Napahagulhol lamang ako sa kama ko. I buried my face on my pillow so no one could hear me from outside. Nakakainis naman. Ayoko nitong umiiyak ako, e. Hindi naman ito nakakasolve sa problema ko.

"Kaya mo ito, Suji."

Paalala ko sa sarili ko bago nag focus na sa reviewer ko. Kahit maulan, sa may balcony ako ng kwarto ko nag review. Tinry ko iyong pamodoro technique, 25 minutes na review tapos 5 minutes na break. After I reviewed for the first 25 minutes, hindi ko ginalaw ang phone ko. I just stared at the clouds, admiring it.

Simula pagkabata pa lamang ako, gusto ko nang tinatanaw ito. Napaka transparent kasi ng clouds, ang daling sabihin kung ano ang magiging weather kapag tinitigan mo lang ito. Kapag uulan, nagiging maitim ang mga kalangitan. Kapag mainit, nagiging maliwanag naman. It's so transparent, madaling basahin.

Opposite ni Karl.

Nang maalala ko sya, bigla akong napangiti. Natigilan din naman pagkatapos dahil doon at napailing. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito, e. Hindi naman ako tanga o bobo, in denial lang. Hindi ko lang maamin ang totoong nararamdaman ko, hindi naman kasi talaga ako ganito sa lahat ng mga nagustuhan ko.

Dati, nagfifirst move kaagad ako. Napaka walang hiya kong tao pero pagdating kay Karl ... nanghihina ako. Siguro dahil opposite sya sa type ko talaga sa lalaki? Ang mga gusto ko kasi ay iyong mga lalaking expressive kaya laking gulat ko nang ma realized kong gusto ko na pala si Karl.

There's just something in him ... that I can't explain why I started to love it.

"Galingan natin! Kaya natin ito! Tayo pa ba?" pagchicheer up ni Syrine sa aming tatlo nila Reign at Zari.

Ilang linggo na ang nakalipas at first day na ngayon ng monthly exam namin. Two days ang monthly exam namin palagi. Ang first day ay hapon ang schedule habang ang second day naman ay umaga ang schedule. Maaga akong umalis sa bahay kasi sabay raw kaming apat mag lunch ngayon.

"Kaya natin to, hindi naman to periodical, e." pagod na sabi ni Reign habang kumakain ng inorder nyang pizza.

Napakibit balikat lamang si Zari. "Huwag kang pakampante."

"Oo nga, Reign!" panulsol ko, gusto lang syang asarin.

"Tangina mo," inis na sabi nya sa akin kaya natawa kami pareho ni Syrine sa kanya. "Ikaw rin! Tangina ka rin." inis na sabi nya rin kay Syrine kaya natawa lang kami lalo.

Nauna na kaming umalis ni Zari kasi may hinihintay pa sila Reign at Syrine roon. It's a good thing kasi matagal tagal na rin na kaming hindi nakakausap nang matagal. Na-miss ko na rin naman syang inisin.

"Kamusta kayo ni Gin?" tanong ko sa kanya.

Mahina akong natawa nang makitang may dumaang inis sa mga mata nya. "He's so loud and annoying! He kept on bugging me. He always barged into my safe space."

"Gusto mo?" nakangising sabi ko kasi medyo nahahalata ko rin naman sya, e. Kung hindi nya ito gusto, sana ginawa nya na lahat para lang tumigil na ito. But she didn't ... same lang pala kami, e. In denial, mag pinsan nga talaga kami.

"No, of course not! Are you kidding me?! Why would I like him?!" as expected, ito magiging sagot nya kaya natawa ako sa kanya. Naiinis nya akong tinignan. "Ano na naman, Suji?"

"Defensive mo," pang-aasar ko kaya mas lalo lang syang nainis.

Pagkarating namin sa paaralan, 10 minutes early kami kaya may konting oras pa para mag review. Napangiwi ako nang marealized na katabi ko si Bourbon ngayon. Napabuntong hininga rin sya nang marealized nya ring katabi kami.

"Wala akong mapapalang accurate na answers galing sayo," disappointed na pagkakasabi ko.

Madrama syang napahawak sa dibdib nya, nakaawang ang mga labi. "Sabi ng taong puro mali na formulas ang ginagamit."

"Hoy, sira ka! Naguluhan lang ako sa question," rason ko, totoo naman kasi!

"Sabi mo, e." Siraulo tong si Bourbon, nakakainis iyong sagot. Ang epal sa buhay ko.

"Sana di ka na pansinin ni Zari kapag nalaman nyang matagal mo na syang gusto."

Nanlaki ang mga mata nya, halatang natakot kaya napangisi ako. "Below the belt ka, pre."

Nang matanggap na ng lahat ang testpapers ay natahimik ang buong classroom. Medyo mahirap ang questions kaya lahat kami lumabas na pagod sa classroom nang matapos na ang exam namin. Umuwi na ako diretso kasi maaga kong pinapunta ang driver ko ngayon, alam ko kasing uuwi akong pagod.

"Huwag mo na po ako sunduin bukas, Manong. May pupuntahan kasi ako bukas, sila Syrine na ang hahatid sa akin pauwi bukas," sabi ko habang nasa byahe kami.

"Alam na po ba iyan ni Ma'am Laurenia?" paninigurado nya.

Napangiti ako, kailangan kasi na may approval ni Mama. "Opo, huwag kayong mag-alala," totoong sabi ko. Ayoko namang mapagalitan sila dahil lang nagsinungaling ako. Ayokong matanggal sila sa trabaho.

Nauna na akong mag dinner pagdating sa bahay kasi may pinuntahan daw si Mama. Nag review lang ako saglit pagka akyat ko sa kwarto bago natulog na. Hindi na ako nag ML pa kasi pagod na talaga ako at may exam pa ako bukas. Kahit naman monthly exam lang, malaki pa rin ang hila nito sa grades kaya kailangang seryusohin.

"Good job, everyone. All of you did well. Have a great day," tanging sabi ng adviser namin bago lumabas na sa room habang karga ang mga testpapers. Sa wakas, tapos na rin ang monthly exam!

"Salamat naman at tapos na!" maiyak-iyak na sabi ni Bourbon, halatang drained na. "Sirius! Hoy, tol! Ano? Basketball tayo?"

Napasandal ako sa upuan ko, pagod na rin. Na drained ako roon, ah? Nilingon ko si Zari na halatang pagod na rin. "Saan ka pagkatapos nito? Ayaw mo talaga sumama sa amin nila Syrine?" tanong ko sa kanya.

Umiling sya. "I'll have lunch with Gin," inirapan nya ako nang tinignan ko sya nang kakaiba. "Huwag kang issue."

Napailing na lamang ako. Sinundo lang sya ni Gin sa room kaya nagpaalam naman sya. Tinignan ko si Bourbon habang nakangisi nang makaalis na sila Zari, nakita nya kasi iyon.

"Ano? Masakit ba?" pang-aasar ko.

"Sirius, tol! Paki play iyong kanta ni Zack Tabudlo!" sabi ni Bourbon.

Natawa na lamang kami ni Sirius sa kanya. Ang torpe kasi, e. Ayan tuloy, naunahan! Dumating na sila Syrine kaya umalis na kaagad kami. Napangiwi ako nang ma realized na third wheel na naman ako.

"Nasaan ba si Eros?" tanong ko nang makasakay na kami sa kotse ni Tobias. Kaming tatlo lang ang nandito, manonood daw kami ng sine.

Sinulyapan ako ni Tobias sa rear view mirror nya. "Akala ko ba di mo trip?"

"Hindi nga," sabi ko. "Ayoko lang ma third wheel."

Natawa lang sila sa sinabi ko. Nang makarating kami sa Mall, parang gusto ko nang umuwi kaagad! Nakakainis, amputa! Kumain kaming tatlo rito sa Greenwich, ang sweet ba naman ng dalawa! Mukha akong kawawa rito!

"Angas, naka skirt ka," nakangiwing sabi ko kay Syrine. Si Tobias ang nakapila ngayon, bumili ng ticket para makapanood kami ng sine.

Mahinang natawa si Syrine. "Susulitin ko na ito, no. Gamer pa naman boyfriend ko," napakagat sya sa labi nya habang nakangisi. "Fast hand."

"Gago, kadiri ka."

Natawa lamang sya sa sinabi ko. Bumili lang kami ng popcorn at soda kasi inutusan kami ni Tobias. Iyong binili ni Syrine ay dalawang malalaking popcorn, puro cheese ang flavors. Bumili sya ng apat na soda kaya napakunot ang noo ko. Tatlo lang naman kami, e. Sabi rin naman ni Eros sa chat na hindi sya makasama ngayon dahil may pupuntahan daw sya kasama si Tita Erin.

"Oh, nandito na pala kayo," sabi ni Tobias, nakabili na pala sya ng ticket. "Ikaw muna maghawak nyan, Suj." sabi nya sabay bigay ng dalawang tickets sa akin.

"Bakit dalawa?" tanong ko kaagad nang tanggapin iyon.

Syrine giggled. "Lingon ka sa likod mo."

Napalingon naman ako sa likuran ko, sinunod si Syrine. Nang makita kung sino ang bagong dating na nasa likuran ko ay agad napaawang ang labi ko sa gulat. Naramdaman ko na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko, naririnig ko pa ang malakas na pag tambol nito.

Nakasuot sya ng color navy blue dress shirt at isang dark na dress pants. Nakasuot rin sya ng belt na may tatak pang LV rito. He brushed his hair using his own fingers. Nang naglakad sya papalapit sa akin, kaagad kong naamoy ang perfume nyang Vanilla scented. He looked so manly! Napakagat tuloy ako sa labi ko.

"Hey ..." there was a ghost of a smile on his lips.

Napaawang ang labi ko, sumasakit na ang puso ko dahil sa malakas na pagtibok nito. Ano ba ang ginawa sa akin ng lalaking ito? Para akong nawawala sa sarili ko kapag sya ang kaharap ko.

Napalunok ako. "Karl ..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro