Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

Chapter 02
Suji

Napatitig lang ako sa message ni Karl sa ML kasi hindi ko alam kung ano ang response na bagay roon. Ayaw ko rin namang hindi mag response kasi baka akala nya ay snob akong tao. Ang bait ko pa naman!

Sujitheprettiest:

uy hi mvp

Natawa na lamang ako sa response ko sa message ni Karl. Hindi ko pa naman kasi sya kilala kaya hindi ko alam kung paano ako makipag communicate nang maayos rito.

Ilang minuto kong hinintay if may reply ba sya pero wala naman kaya nag out na kaagad ako para makatulog na kasi maaga pa ako bukas. Kinaumagahan, maaga akong umalis sa bahay. Dumiretso na ako sa classroom pagkarating ko sa skwelahan.

Nagulat pa nga si Bourbon kasi ang aga ko raw masyadong pumasok ngayon, hindi raw sya sanay. Hindi naman sa palagi akong late, hindi lang talaga ako pumapasok nang mga 6:40 pa lang. Maaga akong pumasok kasi ngayon ang title defense namin sa research namin na subject.

"Pucha naman, Bourbon. Wala nang mas pangit pa rito sa suggestion mo kasi ito na pinakapangit," sabi ko sa moko kasi naiinis ako sa mga suggestions nya.

Hindi kami nakapag meeting kagabi tungkol dito kasi nakalimutan ko silang sabihan kahapon. Kaya ayon, procrastinate ang trip namin ngayon. Hindi namin masyadong siniseryoso, ewan ko ba rito sa amin, parang walang mga plano na maka survive this school year.

"Nakakainis naman!" stressed na sabi ko habang nakahilot sa sentido ko. "Akala ko ba sa second semester pa ang practical research kasi grade 11 pa naman tayo ngayon?" iyon kasi ang sinabi sa amin ng teacher namin last time.

"Iyon nga raw, e. Nagulat nga ang lahat kung bakit biglang sinabi na may title defense na kaagad. Explanation naman ni Miss ay para raw tuloy tuloy na ang pag conduct natin ng research sa second sem," explanation ni Sirius, kagrupo rin namin ni Bourbon.

Apat lang kami sa grupo tapos kaming tatlo lang ang may pake sa research. Iyong isang kagrupo kasi naming ay MIA, tinanggal ko nga name nya last time. Hindi naman sya aware since madalas naman syang absent.

Kapag present naman sa class, hindi naman kami nirireach out. Kaya nahihirapan kaming tatlo ngayon. Buti nalang at maayos ang suggestion ni Sirius kaya nakahinga rin kami nang maluwag.

"Sino magpepresent?" tanong ni Sirius sa amin ni Bourbon.

Agad kaming nagturuan ni Bourbon sa isa't isa. Tinaasan ko kaagad sya ng kilay, "Bakit ako? Sira! Ikaw na!"

"Ikaw na mag present. Si Sirius nag suggest o tapos ako nag prepare ngayon sa ppt natin. Tsaka leader ka namin, ikaw mag present."

Hinampas ko braso ni Bourbon. "Sira! Bakit ako ang leader? Ayoko! Si Sirius nalang!"

Mahinang natawa si Sirius. "Kaya mo na yan, Suj."

Pinagkaisahan ako ng dalawang to kaya wala akong magawa. Ang totoo ay hindi pa talaga kami pinakilala sa teacher namin sa research kasi first sem palang naman. Pala desisyon lang talaga si Miss, adviser namin.

Sya na ang nag assign sa amin ng group. Sya na rin naman ang nag explain sa amin kung paano gumawa ng magandang title at idea para sa research.

"Group 3, present yours now."

Kinabahan akong tumayo. "Need pa ba ng yell?" pabirong bulong sa akin ni Bourbon kaya sinipa ko nalang sya.

Nilingon ko si Zari. Tinignan nya lang ako at tinanguan na para bang pinapalakas nya ang loob ko. Huminga lang ako nang malalim bago ko pinresent na ang ppt namin.

It was a study about asking the students here at our school kung saan sila mas natuto pagdating sa analysing sa math problems. Kung sa module ba or online class. Qualitative pa naman ito kaya ganito muna topic namin.

May mga tinanong pa si Miss regarding sa title na nasagot ko naman nang maayos kaya na approved yung research title namin. Tuwang tuwa naman ang dalawa kong kagrupo.

"You did well," sincere na sabi ni Zari sa akin nang lunch na.

Ngumiti naman ako. "Syempre, ako pa ba?" biro ko na agad nya namang inirapan.

Sumabay lang ako sa pag kain kasama sila Eros at Tobias. Wala si Syrine kasi absent ang gaga, may sakit kasi. Nag ML lang kaming tatlo hanggang sa mag bell na.

"Hoy," hinampas ko si Eros habang naglalakad kami. Medyo malapit lang naman building sa ABM at STEM kaya sabay kami ngayon.

"Oh? Problema mo na naman?" sagot nito sa akin.

Kaming dalawa lang ang magkasabay ngayon kasi umuna na kanina si Tobias, may dadaanan lang daw sa GAS na building. Ang dami tuloy nakatingin sa amin, iniissue na naman kaming dalawa ni Eros.

"Pakilala mo naman ako kay Karl," diretsahang sabi ko kay Eros kaya napatigil sya sa paglalakad. "Oh bakit?"

Napakunot ang noo ko nang bigla nya akong tinignan sa mga mata ko. He looked so ... serious. Kinakabahan tuloy ako sa kanya kaya hinampas ko na naman ulit ang balikat nya.

"Anyare sayo?" naiilang na ako kasi ang diin ng mga titig nya.

Napayuko sya. "Gusto mo?"

"Ha? Sino?" pinagsasabi ba nito?

Nag-angat sya nang tingin, mukha pa syang nainis sa akin. "Si Karl," halatang may pait ang pagkakasabi nya sa pangalan na iyon.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko sya naintindihan pero natawa na rin nang bigla ko na rin naman syang naintindihan na. "Sira! Gusto ko lang kaibiganin kasi ang galing mag ML! Bobo kasi kayo ni Tobias, e."

Napahinga nang maluwag si Eros. I tilted my head, naguguluhan na naman. "Ayaw ka noon maging friend. Pangit mo, e!" sabay tawa nya.

Napaawang ang labi ko. "Kapal mo!"

Natawa lamang sya sa akin kaya sinamaan ko nalang sya nang tingin. Akala nya talaga na ang pogi nya e sya nga ang nagpapatunay na totoo iyong theory ni Charles Darwin na galing sa unggoy iyong mga tao.

Sya nga ang failed sa evolution na iyon, e. Tignan mo pa naman pagmumukha. Nag stay na bilang Neanderthal, hindi successful ang pag evolve.

"Grocery tayo bukas sa umaga. Maaga kitang gigisingin," sabi ni Mama habang kumakain kami ng dinner.

Wala si Papa kasi may meeting pa raw sya ngayon sa office nila. Napalingon ako kay Mama. "Mga anong oras po, Ma?"

"Mga 8 kasi may lakad pa ako sa tanghali, e."

Napakunot ang noo ko. "Saan ka, Ma?" napangisi kaagad ako. "Date kayo ni Papa, no?"

"Magtigil ka, Suji Arabella," mariing sabi ni Mama kaya napangiwi na lamang ako.

Para sa iba, masaya ang pamilya namin kasi sa lahat ng family events lalo na sa reunion ay sweet sila palagi pero ang totoo ay pawasak nang pawasak na ang pamilya namin. Well, masaya naman talaga ... pero dati lamang iyon. It's been a year already since my parents broke up. Nahahalata ko nang para wala nang pagmamahal na natitira sa kanilang dalawa kaya tinanong ko sila noon. Thankfully, they told me the truth already na ayaw na nila sa isa't isa.

Minsan iniisip ko na baka gusto pa nilang dalawa kaya ayaw nilang mag divorce pero lately ko lang narealized na ayaw na talaga nilang dalawa. No, si Papa lang pala ang may ayaw na.

Tinignan ko si Mama. I could see the longing in her eyes ... na parang may parte pa rin sa puso nya na naghahangad na sana bumalik na sila ni Papa sa dati. Kapag dumadaan ako sa kwarto nya, naririnig ko pa rin ang mga mahina nyang hikbi lalo na at hindi na masyadong umuuwi si Papa rito sa bahay.

Nakakapagtaka nga kung bakit nahihirapan pa si Mama na bumitaw kung hindi nya naman na pala mahal si Papa. O baka akala ko lang na hindi nya na mahal si Papa pero ang totoo ay mahal nya pa rin ito?

After eating dinner with Mama, natulog na rin ako kaagad. Kinaumagahan ay nag breakfast lang kami ni Mama sa coffee shop bago kami dumiretso na sa grocery store para bumili.

"Kunin mo iyan, Suji. Ilagay mo na iyan sa cart para mabili na rin natin," sabi ni Mama habang nakatingin sa listahan.

Tinignan ko ang chocolate bar. "E, wala ito sa listahan, Ma."

"Okay lang, gusto mo naman, e. Isali na natin," sabi nya naman kaya napangiti nalang ako bago sinunod ang utos nya.

Ever since my parents got distanced with each other, si Mama na ang gumagawa kadalasan nang mga ginagawa ng mga kasambahay namin. Siguro dahil ito lang ang tanging paraan para mapakalma iyong sarili nya.

"You're the best mom, Ma! Love you!" sabi ko nang nasali nga sa nabayaran ang favourite ko na chocolate bar. Napailing nalang si Mama sa akin habang may tipid na ngiti sa mga labi.

Actually, I said that not only for what happened right now. Sincere iyon kasi sobrang swerte ko na sya ang Mama ko. Hindi sya sumuko kasi alam nyang hindi ko kayang mabuhay na wala sya.

Nang makauwi na kami, ang mga kasabahay na naming nag arrange ng mga pinamili namin kasi umalis si Mama habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto para mag review muna saglit bago maglaro ng ML kasama sila Eros.

"Putangina mo, Eros! Ang bobo mo talaga maglaro!" sigaw ko sa vc nang matalo kami dahil sa katangahan ni Eros.

[Siraulo ka ba? Ikaw nga, walang ambag rito sa grupo natin! Pabigat ampucha!] ganti nya naman.

[Hoy kumalma nga kayo. Ang sama ng ugali nyo ngayon tapos magsisimba kayo bukas. Tigil nyo yan.] singit ni Syrine sa vc.

"Okay lang, magsosorry naman kami bukas," sabi ko naman na agad tinawanan nila.

Nang bumalik si Mama sa bahay, nag dinner lang kami at nagpahinga na. I could tell that Mama had a date earlier kasi napaka sexy ng suot nya at amoy perfume rin sya ng lalaki.

Hindi na rin naman na ako nasasaktan na kasi matagal ko naman nang alam na simula noong naging distant na sila Mama at Papa sa isa't isa ay nakikipagkita na sila sa ibang mga tao. Papa has been always away since busy sya sa iba.

At first, nadurog ako. I don't want them to end their relationship. Pinalaki nila ako na sinanay na puro pagmamahal ang nakikita sa pamamahay na ito. Then suddenly, I woke up not witnessing it anymore. But, I don't want to be selfish and beg them to start all over again.

Ayaw ko nang magmakaawa pa sa kanila. They already disappointed me once. Ayoko nang masaktan pa ulit. Kaya ko namang tiisin lahat ng ito.

"You look decent."

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Hindi na ako nagulat nang nandito pala si Papa. It has always been like this. Umuuwi lang sya every Sunday para magsimba kaming tatlo at aalis na naman ... iiwan na naman kami.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Salamat, Pa."

I don't hate Papa. Actually, I don't hate the both of them. Dalaga na rin naman ako noong sinabi nila sa akin ang totoo na hindi na nila kaya ang isa't isa. But ... I don't want to deny the fact that I couldn't love them anymore like how I used to before.

Binago nila ako. Binago nila kung paano ko tignan ang pagmamahal noon. Akala ko dati na ang totoong pagmamahal ay hindi nawawala o naglalaho. Bakit nawala iyong sa kanila? Ibig bang sabihin nito ay nikailanman ay hindi talaga naging totoo ang pag-iibigan nilang dalawa sa isa't isa?

"We're here. Act nice, Laurenia," kaagad na sabi ni Papa ni Mama nang makarating kami sa simbahan.

Mama just nodded with no emotions. Nandito kami sa simbahan kung saan madalas nagsisimba ang pamilyang Alferez. I saw Zari kaya dumiretso ako kaagad sa kanya para tumabi.

Naiinggit lamang ako nang makita ang mga magulang nya na sobrang sweet parin sa isa't isa. Sila Mama at Papa kasi ay nagpapanggap na lamang ngayon na masaya pa sila ... na masaya pa kami.

"Ang sweet parin nila Tita at Tito," ngumiti si Syrine sa akin. "Ang cute tignan."

If only you knew...

Ngumiti na lamang ako sa kanya. Nagsimula na rin naman ang misa kaya tumahimik na kami at nag focus na lamang doon. Maya maya ay bigla kong naramdaman na naiihi ako kaya nag excuse muna ako para dumiretso sa restroom.

I just did my own thing before ako lumabas na sa cubicle. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas na.

Naglakad lamang ako pabalik sa simbahan nang biglang may nakabangga ako. It was sudden. It felt so bizzare. Parang bumagal iyong oras at huminto ang puso ko nang masaksihan ko ang mukha nang nakabangga ko.

He looked so ... perfect. Ang medyo mahaba nyang buhok sa bandang harapan na inipit nya sa magkabilang tenga. Ang makapal nyang mga kilay na nagpaganda lalo sa mga mata nyang kulay bughaw. Ang ilong nyang mahaba at ang kanyang mapulang mga labi. It was all perfect.

He looked so perfectly imperfect. Biniyayaan sya sa mukha pero parang minalas naman sya sa emosyon. His eyes looked like a dead soul, ni isang emosyon ay hindi ko makita sa mga ito.

"Sorry," malamig nyang sabi sa akin kaya parang kinalibutan ako. Tinulungan nya lang akong tumayo nang maayos bago tumungo na sa loob ng restroom.

Ako naman ay naiwang nakatitig lang sa labas ng restroom ng mga lalaki. Napahawak ako sa dibdib ko, nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro