01
Chapter 01
Suji
"Suji...you are just not someone who I can imagine being with in the future."
"Sino ba kasing nagsabi na mag-imagine sya?!" naiinis na sabi ko habang naliligo ngayon.
Kakahiwalay lang naman ni Luis kagabi kaya puro na lamang iyak ang ginagawa ko ngayon. Ikaw ba naman kasi! Nahulog ka na masyado sa tao tapos bigla nyang sasabihin sayo na hindi ka nya na-i-imagine?!
"Baka ayaw nya lang talaga sayo," sabi naman ni Syrine ngayon.
Napairap ako. Nandito kasi ang pinsan kong si Syrine sa bathroom rito sa kwarto ko. Nandito ako sa may shower banda, naliligo. Sya naman ay sa may salamin, naghahanda kasi aalis kami ngayon.
"Tumahimik ka, Sy. Kapag talaga ikaw iiwan nyang Tobias mo, pagtatawanan kita. Sinasabi ko sayo,"
Si Tobias ay iyong jowa nya since junior high school. Medyo matagal na rin ang relasyon nila kaya nasasanay na rin ako sa pagmumukha noon. Hindi nga lang ito alam ni Zari kasi ayaw nya namang malaman ito.
Sa relasyon ko lang daw sya interesado. Hindi sa mga ka-relasyon nila Syrine at Reign. Alam nya raw kasi na ang dali ko raw mauto. Basta raw gwapo ay todo grab na kaagad ako. Duh! Sino ba namang may ayaw sa gwapo, diba?
Napahalakhak pa sya. "Scary ka naman."
Napairap nalang ako kahit hindi nya makita ito. Apat naman kaming palaging magkasama kapag gagala pero kami muna ngayon ni Syrine. Noong nalaman kasi nila Reign at Zari na sasama jowa ni Syrine, kaagad silang umayaw.
Hindi naman ako maka-ayaw kasi sa ending, sa akin ito magtatampo. Titiisin ko nalang ang hapdi at inggit sa puso ko. Ililibre naman daw nila ako, e.
"Snail ka ba? Bagal mo, ah? Dalian mo nga. Papunta na sila Tobias rito," pagmamadali sa akin ni Syrine pagkalabas ko ng banyo.
Napakunot ang noo ko. "Sila? Akala ko ba si Tobias lang?"
"Isasama nya raw pinsan nya. Kawawa ka naman kasi, e. Para raw may kausap ka naman."
Nagbihis nalang ako nang madalian kasi kinukulit na ako ni Syrine. I just wore a blue floral dress partnered with a white boots. Pagkatapos kong ma-blow dry ang buhok ko, nilagyan ko lamang ito ng mga cute clips.
"Hi, babe!" kinikilig na bungad kaagad ni Syrine nang makita si Tobias. Lumabas naman si Tobias sa sasakyan at niyakap kaagad sya. "Sorry, natagal kami. Si Suji kasi," she even glared at me.
"Nyenye," sabi ko nalang kaya natawa na lamang sila sa akin.
Pumasok na rin naman kaagad kami sa sasakyan. Si Syrine ang sa shotgun kasi jowa naman nya iyong magmamaneho. Ako naman ay tumungo na sa likod. Nang makapasok ako, napalingon kaagad ako sa nakaupo na rito.
Nagkatitigan lamang kami.
He's wearing black pants and a white shirt partnered with a black jacket. He has the same features as Tobias. He looked good but weird at the same time kasi puro sya black. Hindi naman kami sa sementeryo pupunta.
"Upo ka rito," sabi nya sabay tapik sa tabi nya.
Ngumiti lang ako at tumango. Tahimik lamang kami pareho sa byahe. Ang ingay lamang dito sa kotse ay ang kaharutan nila Syrine at Tobias. Mukhang napansin nila ang katahimik namin kasi nagsimula nang mang-asar ngayon si Tobias.
"Eros, kausapin mo naman. Kailan ka pa naging pipi, bro?" nakangisi pa si Tobias.
"Simula noong pinanganak ka," barumbadong sagot nito kay Tobias.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya natawa ako. Napalingon naman kaagad sa akin ang lalaki at nagningning ang mga mata nya. "Eros Castres," kaagad na sabi nya, nilalahad ang kamay.
"Suji Alferez," pagpapakilala ko rin sa sarili ko.
Nilingon nya si Tobias. "Buti pa ito, marunong matawa sa mga jokes ko. Kayo, bobo nyo."
Napailing na lamang sila Tobias at Syrine sa sinabi ni Eros. Ako naman ay walang ibang ginawa kundi ang makipag-usap kay Eros. Kahit pa noong nasa Mall na ay puro pa rin pag-uusap ang ginagawa namin.
We noticed that we have the same hobbies. Mahilig kaming maglaro ng mobile games at syempre makinig sa music kaya mas naganahan kami lalo na makipagkaibigan sa isa't isa.
Since then...our friendship became deeper. Umabot ng buwan ito at sumasabay na rin sya sa lunch namin nila Zari. Napagkakamalan pa nga kami minsan na jowa raw kami at nandidiri na lamang kami.
"Talaga ba?" natatawa na ang moko ngayon sa tabi ko kasi ngayon ko lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Luis. Lunch ngayon kaya nandito kami sa may likod ng campus, sabay na kumakain kasi busy makipagsabay sa iba ang mga pinsan ko.
Hinampas ko kaagad sya sa braso. "Tanga! Anong nakakatawa?" irap ko. "Saklap kaya noon."
"Oo nga," sabi nya naman.
"Oh, bakit ka natawa kung masaklap rin naman pala iyon para sayo?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Natutuwa lang ako kasi nasaktan ka," sabay halakhak nya.
Sinipa ko kaagad ang paa nya. "Tanginamo talaga,"
Natawa na lamang sya nang malakas. Pagkatapos naming kumain, naglaro na kaagad kami ng ML. Buti nalang at kaming dalawa lang ang nandito kasi ang ingay namin pareho habang naglalaro.
"Bobo! Huwag dyan! Sa top ka!" sigaw ko kay Eros. "Masisira na iyong sa taas, o!"
"Pucha, teka lang! Hinahabol ako ni Gusion. Nasaan ka ba? Ano ba ambag mo sa grupo?" sabi nya at napamura kaagad kasi muntik na syang mapatay.
"Nasa mid ako, tanga! Ano ambag ko sa grupo? Tanga, ako nga pinakamarami kills dito, e!" ngumisi pa ako para asarin sya.
Napaingos sya sa akin. "Sus, agaw lang yan, e."
Napairap ako. "Bobo ka talaga, Eros."
Natalo kami kaya puro ako mura nang mura kay Eros. Sya naman ay naiinis na rin sa akin. Naglaro na lamang kami para mabawi iyong talo. Buti nalang at nanalo naman kami kaya good mood ako pagkapasok ko sa classroom.
"Kasama mo na naman jowa mo?" bungad ni Zari sa akin pagkapasok ko sa room.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Sumulpot ba naman bigla sa harapan ko. "Hindi, kasama ko jowa mo."
Napairap na lamang sya sa akin kaya natawa ako. Ewan ko rito kay Zari. Puro nalang sya pagdududa sa amin ni Eros. Ilang beses ko naman na itong sinagot na magkaibigan lang kami. Ayaw pa rin maniwala. Ewan ko rito sa gagang ito.
Nang tapos na ang klase, umuwi na ako kaagad. Bumungad kaagad sa akin ang striktang tingin ni Mama. "Kanino ka sumabay sa lunch?"
"Kay Eros po," sagot ko kaagad.
"Suji, diba sabi ko huwag ka munang mag jowa?" pinandilitan nya ako gamit ang mga matalas nyang mga mata. "Masyado ka pang bata!"
"Ma, magkaibigan lang kami. Puro nga kami laro kanina ng ML, e."
"Siguraduhin mo lang, Suji, ah."
Napailing na lamang ako at dumiretso na sa taas. Pagkatapos kong gawin ang mga assignments ko, chinika ko kaagad ito kay Eros sa videocall. Tawa nang tawa ang gago.
"Pakisabi kay Mama mo na di mo abot standards ko. Pandak ka, e."
Nainis ako sa sinabi nya lalo na sa tawa nya. "Mama mo."
"May anak na pogi," binehlatan pa ako ng gago.
Napairap na lamang ako sa kanya. "Mag ML nalang tayo," sabi ko.
"Sige, join daw sila Tobias at Syrine."
"Ha?!" napangiwi ako. "Pakisabi kay Sy na bawal sya kasi bobo sya maglaro ng ML."
Napahalakhak naman si Eros dahil sa sinabi ko. "Hindi sasali si Tobias kung wala si Syrine."
"Echos nila," sabi ko naman.
Nag videocall lamang kaming apat at tahimik lamang kami ni Syrine. Puro sila Eros at Tobias lamang ang nag-uusap.
[Si Aeous nalang iyong isa.] sabi naman ni Eros.
Na-iisip kasi sila kung sino raw iyong pwede na pang lima namin kaso nahihirapan sila kasi busy raw iyong mga gusto nila makalaro.
[Busy rin si Aeous, humaharot. Si Karl nalang, hindi raw busy, o.] sabi naman ni Tobias.
[Sige, isasali ba sya rito sa video call?] tanong naman ni Eros.
[Huwag na raw, maglalaro lang daw sya. Huwag na raw isali sa videocall.] sabi naman ni Tobias.
Hindi ko kilala kung sino itong si Karl pero hindi naman ako umepal. Naglalaro na lamang kaming lima. Sa top si Eros at sa mid naman sila Tobias at Syrine samantalang kami naman ni Karl ay sa bottom.
Habang naglalaro, kami lamang apat ang naka on mic. Si Karl ay naka off, ayaw nya raw talaga. Napamura lamang ako nang mura kasi malapit na kaming matalo. Nasa kalaban na ang lord kaya ang ginawa ko ay habang papunta ang mga kalaban sa main namin, dumiretso naman ako sa main ng kalaban at inatake iyon.
So ang ending, nanalo kami. Naisahan ko sila kaya natawa na lamang ako. Pinuri pa ako nila kasi talino ko raw.
[Naks, buti pa rito matalino ka, Suj.] pang-aasar ni Eros.
[Hindi katulad sayo. Bobo na nga sa acads, bobo pa sa ML.] sabi ko naman.
Nang matapos na, ayaw na raw nila kasi may gagawin pa sila. I-a-out ko na sana ang ML nang biglang may nag add sa akin dito. Nagulat ako nang marealized na si Karl ito, iyong kalaro namin kanina.
Magaling naman sya maglaro ng ML, hindi nga sya napatay roon, e. Ni-accept ko naman kaagad at nagulat ako nang pagka-accept ko pa lang ay nag-message na kaagad sya.
SilentKnight:
Hey, nice game.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro