26
Chapter 26
Zari
He's happy.
He looks so satisfied and contented while I am looking at his face right now. Hindi naming sinubukang kausapin ang isa't isa. I just glimpse at him every minute.
I feel my heart aching and feeling happy at the same time. Weird. Akala ko imposimbleng masaktan at maging masaya nang magkasabay pero hindi pala.
Masaya ako kasi masaya na sya...pero nasasaktan din ako kasi sana sa akin sya sumaya. Hindi kay Syrine...hindi sa pinsan ko.
"Hey, are you okay?"
Napalingon ako kay Johan. I'm sitting beside him. Nasa iisang table lang kami kung nasaan din si Gin kaya medyo hindi ako mapakali. Buti nalang talaga at hindi kami masyadong malapit sa isa't isa ngayon.
I smiled at Johan. "I am," sagot ko sa tanong nya.
He poured a tequila on one glass before reaching it to me. Napatitig tuloy ako sa baso na inabot nya sa akin. Nabalik lang ang tingin ko sa kanya nang mahina syang natawa.
Napakunot ang noo ko. "Bakit?"
"It's for you."
Nagulat ako sa ginawa nya. I thanked him before taking the glass. Habang iniinom ko ito, napansin kong may nakatingin sa akin. Napalingon ako sa bandang iyon at nagulat ako nang makitang si Gin ito.
Hindi pala sya sa akin nakatingin. Sa baso ko sya nakatutok. While he's not looking at me, I chose this opportunity to stare at him. Napansin kong mas nag mature na sya. He became sexier and more handsome than the last time I saw him.
He's wearing a polo shirt. Hindi nakabutones ang tatlong butones kaya kita ko ngayon ang dibdib nya. He's holding a glass with a whiskey on it. He looks so hot.
He had a wonderful glow up. Is it because of Syrine's love for him? Sabi kasi nila gaganda o gagwapo ka lalo kapag nasa tamang tao ka na. My heart ached because of that idea.
Maling tao pala ako.
"Kanina pa kita hinahanap. Napaka ano mo talaga!"
Napangiwi ako kay Reign dahil sa agarang bungad nya pagkatabi ko sa kanya. I already bid my good bye on Johan. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan nya na pinansin ako kanina.
Napanguso ako kay Reign. "Sorry naman."
"Saan ka ba galing?" tanong ni Reign sa akin. "Malayo ba yung restroom?" nilibot nya ang paningin nya at nang makita ang restroom ay kaagad nya akong inirapan. "Ang lapit lang naman pala! Saan ka galing, ha?"
Napangiwi ako at pinaliwanag nalang sa kanya kung ano talaga ang nangyari kung bakit ako matagal nakabalik sa kanya. Nagulat sya dahil sa mga sinabi ko. Pumunta kami rito para pakinggan ang mga kanta nila Ren pero nawala na ang focus namin sa mga kanta.
Nagchikahan na lamang kami.
"Talaga ba? Nakita mo sya?" gulat na tanong ni Reign sa akin. Napatango ako kaagad kaya kaagad nya akong tinignan nang malungkot. "Okay ka lang ba?"
Mahina akong natawa. I smiled when Reign is looking at me with full of concern. Alam nya talaga na mahina ako pagdating kay Gin.
"Ayos lang naman," sagot ko. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon ito kay Ren na kumakanta sa stage. "Let's just enjoy the songs."
Napabuntong hininga si Reign dahil sa sinabi ko pero kaagad din naman nya akong hinayaan na. Napansin nya ata na ayaw ko nang pag-usapan pa si Gin.
Nakakaaliw dito. Ang daming sigawan at hiyawan na naririnig namin galing sa mga fans ng banda nila Ren. Napapasabay kaming lahat sa kanya. We just scream when the song is jolly or rock but when it's sad...all of us cry.
"So, this is the last song that we'll be performing for tonight." biglaang sabi ni Ren kaya narinig namin ang malungkot na hiyaw ng mga fans. Kaagad syang natawa. "Don't worry, hearts. There will always be a next time."
Napahiyaw ang mga fans dahil sa sinabi ni Ren. Nawala ang lungkot nila at napalitan ito ng excitement kasi may next time ulit. Natahimik lamang ng magsimula na ang tugtog. Hindi pa kumakanta si Ren pero halata na sa tugtog na masakit ito.
"Ang kantang ito ay sinulat ko para sa mga taong palaging nandyan para sa minamahal nila pero hindi pa rin nakuhang piliin," nakangiting sabi ni Ren. Lahat ng fans ay napahiyaw ulit. "Ito ay ang kantang sinulat ko noong mga panahong umiiyak pa ako dahil hindi ako yung pinili," she chuckled. "This is song titled 'Sana ako nalang'.
Lahat kami ay napahiyaw dahil doon. We already knew that this song would hurt us based on its title but when we heard it...we realized that 'hurt' is still not enough to explain how we feel right now after hearing Ren sing it.
This song incapacitated us.
Ren sang the song wholeheartedly. Her voice added pain to the song.
Bakit hindi nalang ako?
Bakit hindi nalang tayo?
Ginawa ko naman ang makakaya ko
Makita lang ang ngiti mo
Ngunit bakit noong pinapili ka sa aming dalawa
Sya ang pinili mo
Bakit hindi ako?
Bakit hindi nalang tayo?
Sana tayo nalang
Bakit sya ang pinili mo?
Sana ako nalang
She looks like she's still bearing some pain in her heart. Napatingin ako kay Reign. Napapaiyak na rin sya sa kanta kagaya ko. That song hold the things that I wanted to ask Gin before and until now.
I wanted to ask him why it cannot be me. I wanted to beg for him just to love and choose me rather than Syrine...because I did everything for him to feel loved yet I wasn't chosen.
"Congrats! Ang galing nyo!"
Nandito kami sa backstage ni Reign. Tapos na ang performance nila. Tapos na rin ang mga picture taking nila sa kanilang mga fans. Pinapasok naman kami rito sa backstage kasi sinabi namin na pinsan kami ni Ren.
Niyakap ko kaagad si Ren at sinabi kung gaano sya kagaling pagkatapos sya na yakapin ni Reign. Napangiti sya sa mga sinabi namin ni Reign sa kanya.
We just decided to eat on restaurant. Hinintay lamang namin si Ren kasi may meeting pa sya kasama ang mga bandmates at manager nila. Umupo lamang kami ni Reign habang hinihintay si Ren.
"Kamusta ang nursing?" tanong ko kay Reign.
Napailing kaagad sya sa tanong ko. "Nakakapagod, beh. Ang daming mga senior staff nurse na nanggigisa."
Mahina akong natawa. "I think that's normal."
May isa kasi akong kakilala rin na sinabing ganyan daw talaga sa hospital. Nanggigisa sa mga baguhan.
"Oo naman. Normal lang naman iyon pero nakakasama pa rin sa loob kasi medyo masasakit na ang mga sinasabi nila," sabi nya sa akin. "Ikaw ba? Kamusta pagiging engineer?"
"Nakakapagod din pero hindi naman kagaya sa iyo. Chill lang naman doon pero nakakapagod pa rin kasi ang parami nang parami mga projects."
We just talked about each of our fields until Ren walked toward us. Tapos na raw ang meeting kaya umalis na kami para pumunta sa restaurant. May dala kaming kotse kaya nag convoy na lang kami.
"Ako ang magbabayad, ha."
Napalingon kami kay Ren dahil sa sinabi nya. Kakatapos lang namin sabihin sa waiter kung ano ang order namin. Nakipagtalo pa kami kay Ren pero sya ang nagwagi kaya wala na kaming nagawa kundi sya ang pabayarin.
"Really? Ang harot naman ni Suji."
Mahina akong natawa sa reaction nila nang sabihin ko ang rason kung bakit hindi pa umuuwi si Suji ngayon. "Hayaan na. Atleast, masaya na sya."
"Oo nga," sabi rin ni Reign. "Hindi katulad sa inyong dalawa."
Napahalakhak si Reign nang matigilan kami ni Ren dahil sa biglaang sinabi nya. Kaagad namin syang hinampas sa braso nya kasi nainis kami sa sinabi nya.
"Kalma ka lang. Malapit ka na," sabi ni Ren kay Reign.
Napaingos si Reign. "Malabo iyang mangyari sa mga lowkey relationship."
"Lowkey pa nga," sabi ko, natatawa kay Reign.
Natawa si Ren. "Hindi ma flex. Baka number 2 ka, beh."
"Hoy, siraulo kayo!" kaagad na sabi ni Reign kaya natawa kami lalo ni Ren.
Nang dumating na ang order namin, kumain kaagad kami. Nag-usap lang kami tungkol sa buhay namin ngayon. After eating, nagbayad lang si Ren bago kami naghiwa-hiwalay ng tatlo kasi uuwi na kami.
Weeks has passed, naging busy ako lalo. May condo na ako kasi pinayagan na ako nila Mama at Papa. Inaasikaso ko rin ito kasi may parte rito na pina renovate ko. Naging busy rin ako lalo dahil sa trabaho ko, medyo marami na ang projects ko.
"Magpahinga ka kaya?" tanong ni Suji.
Nakauwi na sya sa Pilipinas. May condo rin sya, tabi ng condo ko. Doon sila nakatira ni Shawn. Dito rin sya nagtatrabaho sa kompanya ni Tito Carlos kagaya ko.
Nandito sya sa opisina ko para guluhin ako. Gusto nya kasing gumala raw kami mamaya nila Shawn, eh, ayoko. "Magpapahinga ako mamaya sa condo ko."
Napanguso sya sa akin. "Sumama ka na mamaya sa amin ni Shawn," pamimilit nya ulit sa akin.
"Si Reign yayain mo."
Pinilit nya pa ako nang pinilit pero ayoko talaga. I need to sleep later at my condo. Masakit na ang ulo ko kaya kailangan ko ng pahinga which I did after coming home at my condo.
Nang magising ako pagkaumaga, kaagad akong naligo at nagbihis para pumunta sa gym. I started working out to stay fit. After working out, dumiretso na ako sa Mall para mag grocery kasi paubos na stock ko sa ref.
May dala lang akong cart habang nag-iikot dito sa grocery shop para maghanap ng mga bibilhin ko. I was minding my own business kahit na ang daming nakatingin sa akin ngayon.
Kilala kasi ang pamilya namin. Nailabas na rin ako minsan sa magazine tungkol sa mga Alferez kaya ang daming tinitignan ako ngayon. Some admired us while some hated us.
"Dewberry," pagbigkas ko nang makita kaagad ito.
Pinili ko ang strawberry at nilagay sa cart. I was about to turn my back when I heard some familiar voices.
"But, I want some candies, Dad."
"Only one, baby. Okay? Baka masira teeth mo. Iiyak si Mommy mo."
"Mom! Please tell Dad that I want more candies."
"No, baby. Please just have one."
Napalingon ako sa bandang iyon. Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga ito. It was Gin and Syrine with a child.
Napaawang ang labi ko nang makitang karga ni Gin ang batang babae habang si Syrine naman ay may hawak na cart. They looked like a happy family which breaks my heart.
The dream that I had before...having a child with Gin...suddenly became fuzzy as if the wind is now blowing it. The small hope that I had suddenly lost strength from holding unto my heart.
While looking at Gin's family, I really can tell...that I am still the only one who's in love with the stars.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro