
25
Chapter 25
Zari
"Nakaadjust na po ako sa trabaho, Ma. Magpapatulong na rin po ako kay Reign sa paghahanap ng condo ko na malapit lang sa pagtatrabahuan."
We're eating lunch today. Wala si Papa, may seminar daw sila ngayon. Weeks has already passed, nag apply ako sa kompanya ni Tito Carlos- Papa nila Kaia at Ren. Ayoko kasi na ako ang nagmamay-ari ng kompanya. Gusto ko lamang maging isang normal na Engineer. Buti nalang at pinayagan ako nila Mama at Papa.
Natigilan si Mama sa pag kain at sinamaan ako ng tingin kaya napakunot ang noo ko. "Condo?" medyo tumaas ang boses nya pagkatanong nito. "Aalis ka rito sa bahay? Bakit? Kulang pa ba ang pag-aalaga namin sa iyo, Zari?"
I sigh. Ineexpect ko talaga ito kahapon pa. "Ma," inabot ko ang kamay nya at hinawakan ito para pakalmahin sya. "I am already a grown-up woman. I need to stand up by myself. Dito naman po ako matutulog kapag wala na akong trabaho."
"Pero mamimiss kita," napanguso si Mama. "Limang taon ka sa US tapos pag uwi mo rito, sasabihin mo sa akin na lalayo ka na naman?" sinamaan nya ako ng tingin. "Ayaw mo ba sa amin ng Papa mo, Zari?"
Napabuntong hininga ako. "Ma, mahal ko po kayo. I just need to be independent. Ayokong masyadong magdepend sa inyo tsaka malayo po ang bahay natin sa workplace ko." pagpapaliwanag ko.
Tumahimik si Mama dahil sa sinabi ko. I bite my lips. I feel guilty for deciding on living on a condo without them but I really need to this. Kailangan kong tumayo sa mga sarili kong paa.
"Mama please," hinawakan ko ang kamay nya.
Mama sigh. "Mag-uusap tayo ulit pag nandito na ang Papa mo."
Napailing na lamang ako. Pagkatapos naming kumain, agad na akong pumunta sa kuwarto ko. I decided earlier to review the design that one of the architects in our office sent me. Napabuntong hininga ako nang mapansin na ang daming iadjust dahil sa design na binigay nya para irenovate yung condo ng client namin.
Napalingon ako sa phone ko nang mag ring ito. It's Reign. Kaagad ko itong kinuha sa bedside table ko bago sinagot.
"What? I'm busy, Reign." sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni Reign.
[Punta tayo mamayang 7PM sa LCE Club.] sabi nya sa kabilang linya.
Napairap ako kahit hindi nya ito nakikita. "As what I've said earlier, busy ako, Reign. Mag-aya ka nalang ng iba o di kaya matulog ka katulad ng dati."
[Narinig kita kanina na busy ka. Alam ko, okay? Pero may pake ba ako?]
"Bahala ka. May inaasikaso ako, Reign. Tumahimik ka diyan."
She chuckles. [Dali na. We need to support Ren. Magpeperform yung banda nila sa LCE Club. Ano na? Pupunta tayo o hindi?]
Natigilan ako sa sinabi ni Reign. Banda? Bakit may banda si Ren? Diba dapat guro na sya ngayon? Naguluhan ako kaya para ma-ease yung naguguluhan kong utak, sinabihan ko si Reign na pupunta ako kasama sya. Natuwa naman ang gaga.
After the call, nireview ko ulit ang design. Tinawagan ko ang architect para naman matanong ko sa kanya kung ano ang iba rito. Tsaka nagtanong din ako kung okay lang ba sa kanya na baguhin ang iba kasi lalampas na kami sa budget na inilaan ng client namin. Pumayag naman kaagad sya kaya natuwa ako.
"Ma, walking lang kami ni Milo!" paalam ko bago lumabas na kasama si Milo.
Nakatali sya. Hawak ko lamang ito habang naglalakad kami. I even take pictures of us together. Napapangiti lamang ako habang nakatingin kay Milo. I can't imagine how big he is right now. Dati ang cute at ang taba nya pang puppy! Hindi nya nga maabot ang bewang ko. Hanggang tuhod lamang ang abot nya kada nag-a-up sya.
Ngayon, abot nya na ang bewang ko. Ang laki nya na talaga!
"Hi, ang cute nya!" nakangiting sabi ng isang lalaki na naglalakad papalapit sa akin.
He's wearing a suit. Lumapit sya sa banda ko at yumuko para i-pat ang ulo ni Milo kaya napangiti si Milo sa kanya. Napangiti rin naman sya dahil doon.
Nag-angat sya ng tingin sa akin bago tumayo nang maayos. "I'm sorry," he chuckles. "I just love dogs. I'm really sorry."
I smile at him. "No, it's okay. I don't have a problem with it. Tsaka parang gusto ka rin naman ni Milo, eh." napangiti ulit ako nang tumahol si Milo pagkasabi ko non.
Mahina kaming natawa kay Milo bago kami tumungo sa bench para umupo. I feel tired so I decided to sit beside him. Hinahaplos nya lamang si Milo habang kausap ako.
"Really? Your ex gave this to you?" he chuckles. "Buti naman at hindi ka umiiyak habang nakatingin kay Milo."
I roll my eyes at him. "I've already moved on," I lied.
Nag-angat sya nang tingin sa akin at tinignan ako nang mariin bago mahinang natawa. "Lying is bad, right, Milo?" tumingon sya kay Milo. Napangiti sya nang malawak ng tumahol si Milo bilang pagsagot.
I just shake my head at them. Hinayaan ko lang syang i-pet si Milo hanggang sa may tumawag sa phone nya. He walks away for a minute to answer it before coming closer again.
"Sorry, I gotta go." napakamot sya sa ulo nya. "May meeting pa pala ako. I forgot about it when I saw this little bud," napangiti sya nang nagbaba sya nang tingin kay Milo.
Mahina akong natawa. "Go ahead, then. Maglalakad lang kami saglit tapos uuwi na rin." I smile. "Nice meeting you, by the way."
"Nice meeting you also," nag-abot sya nang kamay sa akin. "I'm Johan,"
Tinanggap ko ito. "I'm Zari," ngumiti ako. "I hope we'll meet each other again."
We just smile at each other before we parted ways. Nilakad ko pa saglit si Milo bago umuwi na sa bahay. I just sleep for a bit and wake up from my alarm. Nag alarm kasi ako kanina para hindi ako malate sa usapan namin ni Reign.
Naligo lang ako at nag-ayos bago nagpaalam na kay Mama na aalis ako. I just went to the address of the club that Reign texted me earlier. Napatingin ako sa relo ko. It's still 6PM pero ito ang usapan namin kaya pumasok nalang ako sa club.
Hindi masyadong marami ang tao kaya ang dali kong nakita kung saan nakaupo si Reign. She's wearing a color orange satin mini dress. She's drinking a tequila while texting someone in the phone. Dali kaagad akong naglakad papuunta sa kanya.
"Ang tagal mo naman,"
Napairap ako sa bungad nya. "Nag-ayos pa kasi ako tsaka mamaya pang 7PM, noh."
Tinuro nya ang upuang nasa tabi nya. "Upo ka,"
Kaagad akong pumunta roon para umupo. Nag order na rin ako ng iinumin.
"Hindi ko alam na may banda pala si Ren," sabi ko kay Reign. I sip on my drink. "Diba teacher na dapat sya ngayon?"
"She decided not to pursue education." sagot ni Reign. "Nagulat lang ako kasi naisipan nyang maging singer. I never imagined her being one."
I nod. "Wala na talaga akong alam kung ano na ang ginagawa ng mga pinsan natin."
"Nag US ka kasi," inirapan nya ako. "Hindi mo man lang alam na ang dami ng sikat sa pinsan natin,"
Napakunot ang noo kong nilingon si Reign dahil sa sinabi nya. "Sikat? Sino?"
"Fleyziah became famous because she's now a high paid model. Sa pagkakaalam ko, nasa Paris sya ngayon para sa isang fashion show nya."
Napaawang ang labi ko. "Really?" napangiti ako. "I'm proud of her."
"Hindi lang sila ni Ren yung sumikat. Si Amarah din dahil sa mga librong naisulat nya." napangiti si Reign habang nagkukwento. "Noong nalaman kong sya pala ang author noong paborito kong libro, kaagad kong tinawagan ang gaga at pinagalitan kasi hindi nya pinaalam sa akin iyon." mahina syang natawa.
I smile. "They are now successful, huh?"
"Yes," nawala bigla ang ngiti sa labi ni Reign kaya napakunot ang noo ko. "May isa ring sumikat na pinsan natin."
"Really? That's good!" napangiti lalo ako.
Wow, ang sikat na pala ng iba kong pinsan. I'm so proud of them.
"It's not good, actually." biglaang sabi ni Reign kaya natigilan ako. "She became famous because she had an issue. She gathered so much hate to the point where she left this city."
Napaawang ang labi ko. Nararamdaman ko ang pagbigat ng puso ko dahil sa narinig. "Sino?"
"Si Kira," napabuntong hininga si Reign.
Nanlaki ang mga mata ko. I can't believe it. Kira is so pure for me, actually. I had some interactions with her during reunions. She's too kind for me. Hindi nya ako hinahayaang awaying ng ibang mga pinsan namin. She always protects me.
How can such a pure angel like her gather some hate? I can't understand.
Tatanungin ko sana si Reign kung bakit nang biglang may lumapit sa amin. Ang mabigat na nararamdaman ko ay gumaan nang makitang si Ren ito. She's wearing a camo pants with a tank top and loose. She's smiling at us- she looks so excited.
"I can't believe you guys are here! Oh my gosh, Zari! I miss you!" yayakapin nya na sana ako nang biglang may lumapit sa kanya para magpapicture.
Natawa na lamang ako kasi hindi nya ako nayakap. Ang dami kasing humingi ng autograph nya. May mga humiling din na magkaroon ng picture na kasama sya. Tapos nang wala na sanang gugulo pa, tinawag na sya ng Manager nila.
"Dito ba sya nagtatrabaho?" tanong ko kay Reign pagka alis ni Ren sa harapan namin.
Napatango si Ren. "Manager nila yung may-ari ng club na ito. Hindi lang din sila rito nagpeperform, eh. Last time, sa park sila nag perform. Ang daming tao roon na namangha dahil sa performance nila."
I smile because of what I've heard. Napalingon kaming lahat sa harapan nang pumwesto na si Ren at ang buong banda nya. Pumwesto na sya at hinawakan ng maayos ang mic.
"Good evening, everyone. We would like to say thank you for coming here." napangiti sya nang humiyaw ang mga tao. Paglingon ko sa likod, nagulat ako. Puno na pala ang bar- ang sikip kung tignan. "Reign, thank you for coming again." sabi ni Ren kay Reign, napalingon ulit ako kay Ren dahil doon. "You always support me! I love you, beh!"
Napangiti si Reign dahil doon.
"And for my cousin who came back from the US! Zari, thank you for coming! I love you!" nakangiting sabi ni Ren sa mic nya. "Now, let's get started!"
Lahat ng tao ay napahiyaw dahil doon. Napangiti ako nang nag-ayos na sila para simulan na ang pagkanta.
"This song is the first one that I've written." she chuckles. "Broken hearted kasi ako noong oras na yun kaya naisulat ko to," she smiles. "The title is 'Saglit' by Amore Band."
"Amore Band ang pangalan ng banda nila," bulong sa akin ni Reign kaya napatango naman ako.
Naging madilim ang buong bar- tanging ilaw lang sa stage kung nasaan ang Amore Band ang may ilaw. Nagsimulang tumugtog ang instruments nang malakas at naging mahina ulit na syang pagkanta na ni Ren.
Saglit, pwede bang huminga muna
Ikaw ba talaga ay lilisan na
Yapak mo ba talaga ay papalayo na
Pwede bang manatili muna
Yakapin ang isa't isa
Bago ika'y lilisan na
Oh, mahal
Manatili ka muna
Siniko ako ni Reign kaya napalingon ako sa kanya, naguguluhan. She smiles while looking at me. "Masakit ba yung kanta?"
"Oo, bakit?"
Mahina syang natawa bago lumingon ulit sa stage kung nasaan nagpepeform si Ren. "Umiiyak ka kasi,"
Natigilan ako at napahawak sa pisngi ko. Basa nga ito- halatang kakaiyak ko lang. Pinunasan ko kaagad ito at napabuntong hininga na lamang. Naalala ko kasi yung araw na naghiwalay kami ni Gin dahil sa kantang ito.
Napalingon na lamang ako kay Ren para magpokus sa pagkanta nya. Biglang naging intense ang pagtunog ng drum na syang naging silbeng paalala na korus na ito kaya napahiyaw kaming lahat.
Saglit!
Hindi pa ako handa
Saglit!
Ikaw ba talaga'y lilisan na?
Saglit!
Ayoko pa muna
Saglit!
Pwede bang huwag na?
As I'm staring at Ren's face while she's singing the song 'Saglit', natigilan ako. She looks in so much pain while singing it. Naging mas masakit para sa amin na nandito ang kanta dahil emotional nya itong kinakanta ngayon. Damang dama namin ang sakit ng pagkanta nya.
Kaya nang matapos ang pagkanta ni Ren, lahat kami ay napapalakpak. Ang dami pang napapunas sa luha. Ang sunod na kinanta ng banda nila Ren ay iba ng kanta pa nila.
"Saan ka pupunta?"
Napalingon ako kay Reign dahil sa tanong nya. Tumayo kasi ako kasi naiihi na ako.
"Restroom lang," sabi ko. "Naiihi kasi ako."
Napatango lamang si Reign kaya umalis na ako doon. Naikot ko pa ang buong club dahil hindi ko mahanap ang restroom. Buti nalang at may mabuting tao na tinuro sa akin kung nasaan ang restroom.
Pumasok na lamang ako sa restroom at umihi na. Lumabas na rin naman ako pagkatapos para bumalik sa kung nasaan si Reign....nang may biglang bumangga sa akin.
"Shit!"
"Sorry."
Kaagad akong napatingin sa nabangga ko dahil pamilyar ang boses nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Johan ito. Pati sya rin ay nagulat kasi nakita nya ako.
"Zari?"
"Johan?"
Natawa kami nang sabay-sabay kami sa pagbanggit ng pangalan ng isa't isa. Tumabi kaagad kami kasi nakakaharang kami sa daan.
"Why are you here? I never expected that I would see you too soon," he chuckles a little bit.
I smile. "That's my cousin," turo ko kay Ren na nagpeperform sa stage.
"Sabi ko na nga ba, ikaw yung Zari na tinutukoy nya kanina." mahina syang natawa.
"Ikaw, bakit ka nandito?" I ask him.
He smiles at me. "I'm with some friends. Hali ka, pakilala kita."
Nagdalawang isip pa ako kasi baka hanapin ako ni Reign pero kaagad din akong umo-o dahil alam kong walang pake yung bruha na yun sa akin. Naglakad lang kami patungo sa isang table kung saan may limang lalaking nakasuot ng suit ang nakaupo rito.
"Guys, I have someone here with me." kaagad na sabi ni Johan kaya lahat ito ay napalingon sa banda namin.
I stare at one of their faces. They look unfamiliar until I saw the one person who's now staring at me also. Ramdam ko ang pagnginig ng tuhod ko at ang pagmanhid ng puso ko. He's so shocked while looking at me- nakaawang ang mga labi nya.
"Oh, you're looking at him." biglaang sabi ni Johan at tumawa. "You can't like that man. He's married," tumawa ulit si Johan.
Yes, I know. I know that I can't like him. I've always known that since before that I can't like this man again. This man's name is Gin Callen Castres. The man who I loved before.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro