Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

Chapter 23
Zari

"Shuta! Ang talino mo talaga, beh!" sabi ni Suji, tinapik nya pa ang balikat ko. Nilingon nya si Reign. "Pero mas matalino ako kay Zari, diba, Reign?" kaagad napakunot ang noo ni Reign sa tanong ni Suji. Si Suji naman ay sinamaan sya nang tingin. "Kapag hindi ka sasagot nang oo, jojowain ko yung kalandian mo."

Napairap si Reign sa sinabi ni Suji. "Edi, jowain mo. Pake ko sa taong yun?"

I just laugh because of them. Tapos na ang program at nasa labas kami ng univeristy. Ililibre ko sila ng lunch pero hindi namin alam kung saan kakain.

"Hala, Reign!" hinampas ni Suji si Reign. "Tignan mo, oh! May taxicab!" nilingon ako ni Suji gamit ang mga nagniningning nyang mga mata. "Sakay tayo, Zari."

"Pucha, hinampas ako ng gaga." hinimas ni Reign ang braso nya. "Ano ba, Suji? Para kang bata. First time mo ba na makakita ng taxicab? Sumakay tayo sa isang taxicab kahapon. Nakalimutan mo na ba?"

I chuckle. "Hayaan mo na, Reign."

Napanguso si Suji. "Eh, gusto kong sumakay ulit. Tsaka gusto ko yung 'Sundan mo yun, Manong.' sa taxicab. Shit! Feeling ko artista na ako noon." nagningning pa lalo ang mga mata nya.

"Bobo ka ba? Hindi sila nakakaintindi ng tagalog!" saad naman ni Reign kay Suji.

Napairap si Suji kay Reign. "Panira ka talaga, eh, noh?"

Natawa na lamang ako sa kanila. Nag-iisip pa ako kung saan ko sila ililibre. I've been searching on Internet. Gusto ko sanang mag fastfood nalang pero mukhang ayaw nila kaya ayokong isuggest.

"Hey! Where are you going?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Shawn sa bandang likuran ko. He's alone. Kasama nya kanina ang parents nya pati yung babaeng kapatid nya.

"We're still discussing where would we go." sabi ko.

Natigilan sila Suji at Reign bago nilingon si Shawn. Si Suji ay kaagad na lumapit kay Shawn. "Hey, Shawn. Where's your parents?" naging mahinhin ang boses nya kaya napabuga na lamang ako ng hininga. Ito na naman sya.

"Lantod," sabi naman ni Reign, halatang nagbibiro lamang.

Shawn smiles at Suji. "They went home already. I told them I'll be hanging out with a friend which is Zari." nilingon ako ni Shawn at kinindatan.

Napahawak si Suji sa dibdib nya bago nilingon si Reign. "Friend nya na si Zari raw. Shit! So it means hindi friend ang turing nya sa akin? Omg! Type nya ako?" mahina lamang ang boses ni Suji. Yung saktong hindi maririnig ni Shawn.

Inirapan sya ni Reign. "It means sino ka raw," panggagaga ni Reign kay Suji.

At the end, we just went to a restaurant. Doon kasi kami dinala ni Shawn. Sya na rin ang naglibre sa amin since pumayag daw kami na isama sya sa gala namin. Pumunta rin kami sa mga Mall para mag shopping.

"Tignan mo iyang si Suji. Ang harot," sabi ni Reign habang nagchecheck ng mga damit.

Natawa na lamang ako kasi tama nga si Reign. Imbes na mag check ng mga damit si Suji, puro lamang sya pakikipag-usap kay Shawn. Napailing na lamang ako. I just look at Reign. Nagulat ako nang makitang malungkot ang ekspresyon ng mga mata nya habang nakatingin sa color violet na dress.

Her eyes screams longing while looking at that dress. Hindi ko maintindihan kung bakit noong una pero kalaunan naintindihan ko na rin. It has the same style of Syrine's favorite dress.

"Reign," tawag ko kay Reign. Tumigil sya sa ginagawa nya para tignan ako. "Kamusta kayo ni Syrine?" tanong ko sa kanya.

It looks like I struck a nerve. Bumahid lalo ang lungkot sa kanyang mga mata kaya napakagat ako sa labi ko. "No, don't answer it." kaagad na sabi ko nang pasagot na sana sya. "Sorry. It was so insensitive of me to ask you that question. Just don't mind it." I smile at her.

"No, it's okay." kaagad na sabi nya. "It's not like I'm avoiding a topic that talks about her. It's just that I don't know how to answer your question. Hindi ko rin kasi alam kung kamusta na kami. I tried to reach her once but she avoided me."

"I'm sorry." geniune na pagsabi ko. "Don't worry, someday Syrine and you will be fine."

She just smiles at me. Ako naman ay tumalikod na para sana magtingin ng iba pang damit ng bigla nyang tawagin ang pangalan ko. I turned around to look at her.

"Are you mad at her?" she asks.

"No," kaagad na sagot ko. "Wala akong galit sa kanila ni Gin," I geniunely answered.

Sa totoo lang, wala talaga akong galit na nararamdaman para sa kanila. I really wanted to be mad at them so that I won't be mad at myself anymore. Pero hindi, eh. Hindi ko magawang magalit sa kanila. They are too precious for me to hate them.

All I felt was pain because of them. Sakit kasi dapat ako yun. But we coudln't do anything. They also had no choice but to end up with each other. Hindi lang ako yung nasaktan...apat kami.

"Ang sakit ng paa ko." kaagad na sabi ni Reign pagkaupo nya sa couch.

Kakauwi lang namin ngayon sa condo ko. Si Shawn ay nauna na rin kasi may lakad pa raw sya ngayon kasama ang kapatid nya. Si Suji naman ay parang tanga na tili nang tili.

"Ang gwapo nya talaga!" napatili ulit sya. "Jojowain ko yun. Zari, back off!" she glares at me.

Napairap naman ako. "Hindi ko sya type,"

"Ay taray! Ganda mo talaga, beng!" hinampas ni Suji si Reign. Napahawak naman si Reign sa hinampas ni Suji at sinamaan ito nang tingin. Si Suji naman ay napakagat sa labi. "Hala, sorry. Nadala lang ng emosyon."

Napailing na lamang ako sa kanila. I just went to the bathroom to wash myself. Nag skincare na rin ako bago nagbihis para matulog na. Pero dahil nag on nang tv si Suji sa sala, nakinood nalang ako kasama sila.

We just enjoyed the moment. Malapit na kasing bumalik si Reign sa Pilipinas.

"Hoy! Bawal mag cp!" sigaw ni Suji kay Reign.

Napairap si Reign kay Suji bago ibinalik ang tingin sa cp nya. "Tumahimik ka nga. Palibhasa, walang ka chat."

"Hoy! Papaiyakin ka rin nyan!" saad ni Suji. "Diba, Zari?"

I chuckle. "Been there, done that."

"Napaka ulol nyo talaga," napailing nalang sa amin si Reign.

1 week nalang uuwi na si Reign kaya sinulit na naman iyong remaining days nya rito sa US. Nag hike pa nga kami, eh. We became adventurous. Pauso ni Suji.

"Mamimiss ka namin, Reign." sabi ni Suji.

Nandito kami ngayon sa airport. Hinahatid na si Reign. Nalulungkot ako kasi aalis na si Reign. Baka kasi mag-isa na sya roon. Since wala na kami ni Suji. Taga roon pa naman si Syrine pero sabi nya ay hindi talaga sya pinapansin nito.

"Dadaliw ka rito, ah." sabi ni Suji.

Reign snorted. "Inutusan pa nga ako."

"Sira!" hinampas nya si Reign. "Ay hala, sorry hehe."

Napailing na lamang ako nang nagsihampasan na naman sila. Kaagad kong niyakap si Reign. "Mamimiss kita."

"Edi uwi na kayo. May pa US pa kasi ang mga gaga." inirapan nya kami.

Natawa nalang kami ni Suji kay Reign. We just gave each other's hugs before she turned around to leave. Napangiti nalang ako nang doon na tumulo ang mga luha ni Suji.

"Mamimiss ko yung gaga na yon," napapunas sya sa mga luha nya. "Wala na akong mahahampas."

"Abusive," sabi ko naman.

Nagsitawanan nalang kami ni Suji bago kami umuwi na sa condo. Nag arrange na kami roon. Nagsihatian din kami ng mga area para sa mga gamit namin. Medyo nag-away pa kami kasi sobrang dami ng mga gamit na dinala nya.

"Hindi ka na ba babalik sa Pilipinas?" tanong ko kasi ilang maleta pala ang dinala nya.

Mahina syang natawa. "Hoy! Huwag ka ngang mabadtrip. Si Mama nag impake nyan noh. Hindi ako. Para ngang ayaw nya na akong pabalikin, eh. Isipin mo yun, para akong pinalayas ng Mama ko."

Napailing na lamang ako. I also toured her at the University. Nag enroll na rin sya.

"Saan kayo unang nagkita ni Shawn?" tanong ni Suji.

"I forgot." tanging sabi ko.

Sa totoo lang ay naalala ko pa kung saan. Ayoko lang sagutin si Suji kasi alam kong marami syang follow up questions. Hindi matatapos ang usapan.

"Marami bang gwapo rito? Uy! Sino yun?" tinuro nya ang banda kung saan sya nakatingin gamit ang nguso nya.

Napalingon ako roon. "Ah, yan ba? Teacher yan. Huwag mong landiin."

"Ayaw nya ba ng forbidden love?"

Hinampas ko kaagad sya kaya natawa sya nang malakas. After we toured the University, kaagad kaming kumain sa Taco Bells. We just talked about school things at first...until it suddenly about his ex.

"Minahal ko sya ng lubos." she sighs. "Kulang pa ata. O hindi nya talaga gustong maramdaman yung pagmamahal na meron ako para sa kanya."

Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Suji. "Hindi iyon kulang. Alam ko kung paano ka magmahal. Alam kong sobra iyong binigay mong pagmamahal."

"Oo naman, noh. Binigay ko ang lahat sa akin.....hanggang sa naubos ako."

Natahimik ako sa dahil sa sinabi ni Suji.

Napabuntong-hininga sya at pilit na ngumiti. "Siraulo talaga yung ex ko. Gago sya." ramdam ko na ngayon ang galit sa boses nya. "Gusto kong maghiganti."

I remained silent. Ayokong sabihin na huwag gawin iyon o kung ano pa man. I don't know about her pain. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. But based on what she said...na gusto nyang maghiganti...nasisiguro kong sobra na yung sakit na nararamdaman nya ngayon.

Suji is a good person. I knew her since we're 5 years old. Alam ko kung gaano sya ka geniune at ka forgiving na tao. Kaya kung gusto nya mang mahiganti, yun iyon sa mga taong sinaktan sya ng lubos.

"Pero kailangan ko munang mahalin yung sarili ko." biglaang pagsabi nya kaya napalingon ako sa kanya. She chuckles. "I need to love myself...to the point where I'll have the strength to hate him more."

I smile at her. "Yes, you should do that. Huwag ka rin munang lumandi kay Shawn unless nalang kung healed ka na talaga. Sobrang bait nya para maging rebound."

"Hoy! Hindi ko naman gagawing rebound. Attracted ako sa gwapong yun. Oo, gusto ko syang jowain pero huwag muna ngayon. I still need to prioritize myself."

"Iyan nga dapat," sabi ko. "Buti naman nagmature ka na...medyo." mahina akong natawa.

Napanguso naman si Suji at inirapan ako. "Ikaw rin naman. Nag mature ka na. I can also tell that he handled you well. Hindi na mataas ang anger issue mo." mapait syang natawa. "Sayang kayo, noh?"

Nawala ang ngiti sa labi ko. "Sira ka talaga."

She just laughed. Pagkatapos naming kumain, nag shopping muna kami saglit at nag grocery bago umuwi na. I also called Mama to check on their situation at home. Napangiti ako nang makita si Milo sa screen.

"Ang laki nya na," napangiti ako.

"Miss ka na namin. Diba, Milo?" bumaling pa si Mama kay Milo na nasa tabi nya. Napangiti ako lalo nang tumahol si Milo...na para bang sinagot nya si Mama. "Oh, miss ka na nya."

"I miss you too." nakangiting sabi ko.

I smile at them before we ended the call. Napabaling ako kay Suji nang bigla syang kumanta.

"Second chances they don't ever matter, people never change. Once a whore, you're nothing more." kanta nya nang malakas sa lyrics ng Misery Business.

Napailing nalang ako. Gabi nya kaya naghanda na ako sa sarili ko. Hindi pa naman ako inaantok kaya kumuha nalang ako nang konting light na beer sa ref ko bago pumunta sa balcony.

Napakagat ako sa labi ko nang pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil nakakita ako ng mga bituin. "Ano ba yan, naalala na naman kita." napahinga ako nang malalim bago uminom ng beer.

"Okay lang naman umiyak," biglaang sabi ni Suji na nasa gilid ko lang pala. May hawak din syang beer at ininom ito. "Stop pretending already. I know that you're still hurt because of what happened."

"Hindi naman ako nagpapanggap," napabuntong hininga ako. "I just can't find myself crying unless I'm watching the stars. You know how much he reminded me of the stars."

"Oo naman, bituin nyo ang isa't isa, diba?"

I smile painfully. Yeah, we're each other's star. Pero kagaya ng mga bituin sa kalangitan....malayo kami sa isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro