21
Chapter 21
Zari
Months has already passed. Tapos na rin ang klase namin. I also enrolled already on the university in US. Okay naman sila Mama at Papa tungkol dito.
They also already knew that Gin and I broke up. Alam din nila ang rason. At first, they were angry at Syrine's parents but I told them not to. Sabi nga nila, kung ano yung nakakabuti kay Syrine, yun lang ang iniisip nila Tito at Tita.
"Zari..." tawag ni Mama sa akin.
Nag-angat ako nang tingin kay Mama. Nag-iimpake kasi ako. Okay na yung mga damit ko. Mga ibang bagay na lamang ang hinahanda ko. My flight is tomorrow.
"Yes, Ma?"
Napabuntong-hininga si Mama bago sya umupo sa dulo ng kama ko. She looked at me with her concerned eyes. "Sigurado ka ba?"
"Sa alin po?" tanong ko.
"Na iiwan mo na kami ng Papa mo?" napanguso si Mama sa akin.
Mahina akong natawa kay Mama. "Ma, dati pa lang pangarap ko nang mag college sa US, diba?"
"Oo pero noong naging kayo ni Gin, nagbago naman yung pangarap mo bigla." biglaang sabi ni Mama kaya natahimik ako. "Is this about your dream or because of them?"
"Mama naman," mahina akong natawa. "My dream never changed. Kahit noong naging kami dati, hindi pa rin iyon nagbago."
Napabuntong-hininga na lamang si Mama sa sinabi ko. After I packed the other essential things, natulog muna ako saglit. Nagising lamang ako nang ginising ako ni Mama kasi nandito raw si Suji.
"Hey girl, don't worry. I got your back." kaagad na sabi ni Suji sa akin. "I already blocked Syrine. Hindi na kami nag-uusap. Si Reign naman ay hindi makapaniwala kasi hindi naman iyon sinabi ni Syrine sa kanya. She also ignored Syrine. Of course, we also ignored Gin. Ang pangit naman kung si Syrine lang."
Napailing ako sa sinabi ni Suji. Nandito si Milo sa tabi ko kaya hinaplos ko lamang sya habang kausap si Suji. "Suj, hindi ako galit sa kanila." sabi ko kaya napairap sya sa akin. Hinampas ko kaagad sya gamit ang ibang kamay ko. "Makinig ka nga."
"Ano ba? You can't force me. I just can't believe them." sabi nya.
Napailing ulit ako, hindi alam kung ano ang gagawin kay Suji. "Suj, wala tayong magagawa. Sila nga walang magawa, eh. Tayo pa kaya?" napairap ako sa kanya.
"Hay naku! Kahit na. Bobo naman kasi ng jowa ni Syrine. Hindi sya pinaglaban."
Napabuntong-hininga nalang ako. We just watched movies while eating popcorn. I appreciated Suji. Nandito sya ngayon para sa akin dahil alam nyang nasasaktan pa rin ako sa nangyari. I admit that I already accepted the fact that the man who I loved will be marrying my cousin but I also admit that I'm still hurting.
Gin introduced me to the world I'm not familiar with. He made me enjoy things in that world and just like how the story should end.....he let me tour that world alone as he tours someone else already.
"Zari," tawag ni Suji sa akin. "Magiging maayos din ang lahat, okay?" sabay ngiti nya sa akin. "Kung masakit ito," tinuro nya ang puso ko. "Walang pumipigil sa iyo na umiyak."
I smiled. "Thank you, Suji."
Gusto kong umiyak. Gusto kong mawala yung sakit pero hindi ko magawa. My heart ached badly but my tears won't fall. Masakit lang sa dibdib. Yung mga luha ko ay hindi alam kung paano tumakas sa mga mata ko.
"Girl," kaagad na tawag ni Suji sa akin- kakabalik nya lang sa kuwarto ko galing sa kusina. "Gin is here."
Napaawang ang labi ko. Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko. How funny it seems when the butterfly was replaced by thorns.
"Sabihin ko ba na hindi ka interesadong kausapin sya?"
"Huwag!" kaagad na sabi ko at bumangon sa kama. I smiled at her because she seems worried about me. "Ayos lang ako. Gusto ko rin namang makausap sya bago ako umalis na."
Walang ibang nagawa si Suji kundi hayaan akong harapin si Gin. When I already saw Gin at the infront of our house, he seems stressed. Ibang-iba sa Gin na minahal ko noon. Gin was a ball of sunshine before unlike now...he seems dark.
"Let's talk over there," tanging sabi ko- itinuro yung malaking puno na medyo malayo rito.
Pumayag naman kaagad sya at tumango sa akin. Nang makarating na kami sa banda rito, kaagad nya akong hinila para yakapin. Mahigpit na yakap ang binigay nya sa akin- isang yakap na para bang ayaw nya nang bumitaw pa.
Kaagad na tumulo ang mga luha sa mata ko kaya nagulat ako. Napakagat ako sa labi ko nang unti-unti ng tumulo ang mga luha ko at sumikip na lalo ang dibdib ko. He hugged me tightly because of it. His shoulders were shaking; he seemed crying.
"Y-You're leaving tomorrow," he said with his shaky voice.
Napatango ako at binaon ang mukha sa dibdib nya. "Y-Yeah. This will be our last meet."
"Bukas aalis na kami patungo sa ibang bansa para maikasal kami ni Syrine doon." biglaang pagsabi nya kaya napahikbi na ako. Napahigpit lalo ang yakap nya sa akin. "A-And tomorrow you're leaving."
Napakayakap ako pabalik sa kanya- hinihigpitan ito. "Ayokong makita kang ikasal sa iba." makatotohanang sabi ko. "Kaya please lang, huwag mo akong pilitin na dumalo sa kasal mo." napahagulhol ako.
"Zari..." hinaplos nya ang likod ko.
Bumitaw sya sa yakap kaya bumitaw na rin ako. Napaupo ako sa lupa. Kaagad kong ibinaon ang mukha sa balikat kong nakapatong sa dalawang tuhod ko. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang sya ay nakatayo lamang sa harapan ko.
"Noong nag-usap tayo sa phone, ikaw lang ang nagsalita." biglaang sabi nya. "I listened. That's why I want to ask you a favor. Please let me speak for now. I also want to tell you everything...." he blew a breath. "Before you leave."
Napatango lamang ako. Tanging hagulhol lamang ang nagawa ko habang pinapakinggan sya.
"Thank you for loving me. Thank you for everything. Dati walang kahulugan yung mga bituin sa a-akin..." his voice broke. "P-Pero noong dumating ka....nagkaroon na nang kahulugan ang iyon sa akin. Even my life....you gave meaning to it."
Napatigil sya kaya napaangat ako nang tingin sa kanya. Parang nilukot ang puso ko nang makitang nakatakip sya sa labi nya gamit ang mga kamay nya. His tears were already falling to his cheeks. Nasaktan ako lalo dahil sa nasaksihan ko.
"I-I love you so much." napahikbi sya sa harapan ko kaya napahagulhol lalo ako.
He bended his knees para magpantay kami. He cupped my face and kissed me. I kissed him back. Pareho naming hinahalikan ang isa't isa habang ang mga luha namin ay patuloy pa rin sa pag-agos.
Nang bumitaw sya sa halik, kaagad na syang tumayo at tumalikod na sa banda ko. "You will always be my star, Zari."
Because of that, I burst. Napahagulhol ako lalo. Kahit na umalis na sya, umiiyak pa rin ako rito sa may bandang puno. Kahit na lumapit na si Suji sa banda ko para icomfort ako, napapahikbi pa rin ako.
Hindi ko alam pero gusto kong pumunta na sa kanya at magmakaawang ako nalang yung pakasalan nya. Gusto kong pumunta sa kanya at sabihin na kami nalang. Na huwag na kaming maghiwalay pa.
Gusto ko sya lang.
Pero hindi na pwede....ikakasal na sya bukas...kay Syrine.
"Suji...ang sakit. Sobrang sakit..." napahagulhol ako habang yakap ako ni Suji.
Hinahagod na ni Suji ang likod ko habang naiiyak na rin. Dumalo na rin si Mama sa amin at tinulungan si Suji na icomfort ako.
"Zari....anak....tama na." naiiyak na sabi ni Mama sa akin. "Maawa ka sa sarili mo. Pakawalan mo na sya."
Napakagat ako sa labi ko habang umiiyak. Hindi ko sya magawang pakawalan. Sya lang talaga. Sya lang talaga yung gusto ko. Yung mahal ko. Yung taong pipiliin ko araw-araw kahit sobrang sakit na....kahit sobrang nakakadurog na.
"Mag-ingat ka roon, ha?" ani ni Mama. "Hindi ka na namin mahatid sa Airport ng Papa mo kasi.." napanguso si Mama, naiiyak na. "Ayokong umiyak sa Airport."
Mahina akong natawa. "Ayoko rin naman, Ma. Ang pangit na magsisiiyakan tayo roon. Baka kung ano isipin ng iba."
Papa chuckled. "Take care, Zari." hinalikan ni Papa ang noo ko. "Call us anytime you need us."
"Yes, Pa. I'll miss you both," sabi ko kila Mama at Papa.
After some goodbyes, bumyahe na kami nila Suji at Reign papuntang Airport. Silang dalawa ang hahatid sa akin. Hindi na sila dumalo sa kasal nila Gin at Syrine.
"Suji, Reign," I called. Kaagad naman silang lumingon sa akin at tinanong ako kung ano ang problema. "Paano kung sa US sila ikakasal? Pwede ba akong sumilip?"
"No." sabay nilang sagot.
I chuckled. "It will just hurt me, right?"
"Yes, it will."
Gusto ko sanang tignan sila na ikasal para sa peace of mind ko pero baka may masira lamang akong kasal.
When we arrived at the Airport already, naghintay lamang kami nang oras bago magsimula ang flight ko. We also ate first then took some pictures together.
"Mamimiss ka namin," naiiyak na sabi ni Suji nang nakapila na ako kasi flight ko na.
"Ingat ka. Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang sa amin."
I smiled at them. Malapit na ang turn ko kaya kaagad akong naghanda na. But someone just cupped my face and gave me a peck kiss. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Gin ito.
He's wearing a suit. Halatang handa na sya para sa flight nila. Agad na kumirot ang dibdib ko. Paglingon ko kila Suji at Reign, nagulat din sila kasi nandito si Gin.
"Zari," tawag ni Gin kaya nilingon ko sya. A tear fell from my eyes when he smiled painfully at me. "I want to see you...leave."
"Gin..."
Bakit parang gusto kong manatili? Bakit nagdadalawang-isip ako bigla? Why did I suddenly feel like I should betray my cousin?
"Don't look at me like that." biglaang sabi nya kaya natigilan ako. "Don't look at me like you're hesitating to leave."
"I love you," napayuko ako habang tumulo na ang mga luha sa pisngi ko.
Hinawakan nya ang kamay ko kaya napaangat ako nang tingin sa kanya. "It's almost your turn. Don't hesitate." hinalikan nya ang likod ng kamay ko. "Please be happy."
Napatango ako habang umiiyak. When it was already my turn, I turned my back on him. I knew that after this encounter, everything will end. But I can't turn back. I need to face forward....and leave. It's for both of us.
As I entered the plane, our flower of love has already withered away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro