Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

Chapter 20
Zari

"GUYS, ATTENTION! LISTEN TO ME, MGA ENDANGERED SPECIES!" sigaw ng president namin sa classroom- nasa may bandang blackboard sya. Dahil sa pagsigaw nya, lahat kami ay napalingon sa banda nya. "Okay, so. Hear me out." Humina na medyo ang boses nya nang mapansing nasa kanya na ang atensyon namin.

"Ang gwapo ko namang endangered species," sabi ng isang classmate namin na agad namang inirapan ni president. Lahat kami ay natawa dahil doon.

"Sino ang may mga jowa rito?" biglaang tanong ni president. Lahat naman ng may jowa ay nagtaas nang kamay- kabilang na kami roon ni Suji. Napairap si president sa amin. "Okay. Sana all." Nagtawanan kami dahil naging bitter sya bigla.

"So, ano ba ang sasabihin mo?" ani ng isang classmate namin.

"Pwede kayong pumunta sa parke mamaya. May pasabog si Mayor! Diba, these past few weeks, ang daming tao na nag-aayos doon?" tanong ni president na kaagad naman naming tinanguan. Napapansin din namin kasi iyon, doon kami napapadaan bago makapunta sa school. "May mga stall doon kung saan pwede kayong kumain. May mga photobooths din! May mga banda rin na kumakanta roon! I went there yesterday with my jowabells!" napatili pa sya.

"Hoy, baklang Chihuahua. Wala kang jowa!" sigaw ng best friend ni president. We all laughed at what he said. They are both gays, by the way.

"Umepal pa nga ang balyena," rebutt naman ni president kaya natawa kami lalo. "Anyways, tinatawag ni Mayor itong Park of Roses. I don't know kung ano ang ibig sabihin noon. Siguro dahil swak sya pang date sa mga jowa ninyo or wala silang maisip na iba na pwedeng ipangalan doon. Hanggang next week lang ito kaya pumunta na kayo hangga't hindi pa natatapos ang event."

"Paano kung walang jowa?" tanong naman ng isang classmate namin.

"You can go there with your friends." Sagot naman ni president. "Kaya subukan nyo na huwag mainggit sa mga jowang nakikita nyo sa gilid. Sakit sa mata nila! Ang haharot! Jusme!"

Natawa kami kay president. Dahil sa event na yun, na excite ang lahat sa amin. At mukhang hindi rin sa classroom namin kumalat iyon. Buong campus sya kumalat. Kada daan namin nila Suji, iyon ang naririnig naming chika. Even the teachers are interested in going there with their loved ones.

"Pupunta kayo kasama ang mga jowa nyo?" tanong ni Reign habang binubuksan ang Tupperware nyang may lamang salad.

"Yes. I already told him. Okay naman sa kanya," sagot naman ni Suji, nakangiti pa sya habang sinasabi ito.

Napabuga ako nang hininga. "I don't know. He's busy."

Natahimik sila Reign at Suji. Hindi ata nila alam kung ano ang sasabihin. Gin texted me earlier that he won't be having lunch with me. Kasabay nya raw sila Eros ngayon. I just replied that it's okay even though it's not. Si Syrine naman ay hindi sumabay sa amin. Sabi nya ay may ibang kasabay raw sya. Hinayaan nalang namin.

May konting oras pa para tumunog ang bell kaya ginamit naman ito para ayusin ang mga sarili namin. Si Suji ay naglalagay nang liptint sa kanyang labi habang si Reign ay naglalagay nang pulbo sa mukha nya. Ako naman ay nagsusuklay lang.

"Reign, pupunta ka sa park mamaya?" tanong ko kay Reign.

Natigilan sya sa ginagawa nya. Namula ang pisngi nya kaya napataas ako sa kilay ko. "H-Hindi. Mukha ba akong may jowa?" inirapan nya pa ako.

Kaagad na napahalakhak si Suji. "Ayoko nalang mag talk."

"Siraulo." kaagad na sabi ni Reign kay Suji.

Napailing na lamang kami at natawa. Sa totoo lang ay gusto kong imbitahan sana sila na pumunta sa park. Gusto ko kasing pumunta roon. Napapikit ako nang mariin bago kinuha ang phone ko para tawagan si Gin.

"Ano ba? Bakit ba ayaw sumagot?" naiinis na sabi ko habang tinatawagan si Gin.

Ilang beses ko na syang tinawagan, wala pa ring response. Wala akong ibang nagawa kundi ang pumasok na sa classroom. Baka malate pa ako dahil dito.

"Hey, Zari." kaagad na tawag ni Suji sa akin nang makarating na kami sa classroom. Wala pa si Miss kaya free kaming mag-usap ngayon. "Don't be irritated by it. Hanggang next week pa naman iyon. Gin and you still have time, you know?"

Napahinga ako nang malalim. Yeah, Suji's right. Pwede pa kaming humabol. That's what I thought. Isang araw nalang bago matapos ang event na iyon sa park, hindi pa rin kami nakakapunta ni Gin doon.

"Love, can we go there?" I asked him on the phone.

I'm at the house. Sya naman ay nasa bahay nila. We can't go on a date because he's busy.

[Love...please. I'm busy. I'm so sorry. Babawi ako.]

"Love!" frustrated na sabi ko. "Hanggang bukas na iyon. Pagkatapos noon ay wala na. Plea-"

[Gin, punta tayo sa bandang iyon. I wanted to try those things. Can we?] naputol ang sasabihin ko nang narinig ko ang pamilyar na boses sa linya ni Gin.

Napaawang ang labi ko. I don't know how would I react. Nanginginig ang labi ko. I feel like my thoughts were wandering into different places. I was literally overthinking right now. I knew that voice. Since I was a child, I've always heard about that voice.

Syrine's.

"Oh, you're busy." tanging sabi ko.

I bit my lips. I don't want to burst. Siguro dahil sa business? Yeah, right. Baka about business lang.

[Love, it's not what you're thinking.] kaagad na depensa ni Gin sa kabilang linya.

"A-Ah, y-yeah." peke akong natawa. "Uhm...Mama called me. I need to end the call immediately. Bye, love. Send my regards to my cousin." kaagad kong binaba ang tawag.

Napaawang pa rin ang mga labi ko. My heart is pounding too much. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. I couldn't even breathe properly.

Nanginginig ang mga kamay ko kaya pinagsiklop ko ang mga ito. I reached for my phone to listen some music but I can't calm myself. Tumawag ulit si Gin. Hindi ko magawang sagutin ang tawag nya lalo na ang tawag ni Syrine noong tawagan nya ako.

Dahil ba kay Syrine? Busy ba sya kay Syrine? Is he cheating on me? Are they in a relationship? Kaya ba hindi sumasabay si Gin sa akin habang si Syrine naman ay hindi sumasabay sa amin nila Reign? Are they betraying me?

Or am I just overthinking? Siguro dahil lang sa business. Oo, baka yun nga. I chuckled. Siguro nag-ooverthink lang talaga ako.

Pinakalma ko ang sarili ko. I was fooling myself to calm down. Nang kumalma na ako, nakatulog na ako. Nagising lamang ako nang kumatok si Mama sa pintuan ng kuwarto ko. I checked the time. Dalawang oras pa pala akong tulog. Akala ko umaga na. Hindi pa pala.

"Zari, may bisita ka!"

Kaagad akong tumayo. Maybe it's Gin. Ganito si Gin, eh. Kapag nag-aaway kami, palagi syang pumupunta sa bahay para makipag-ayos sa akin. Yeah, maybe he'll prove it to me that I am just overthinking.

Kaagad akong lumabas sa kuwarto ko at bumaba na. May ngiti sa labi ko nang bumaba ako. Lumabas na rin ako sa bahay kasi nandoon daw ang bisita ko. I was ready to greet Gin but....it wasn't him. It was Bourbon.

"Ah, hi, Zari." napakamot sya sa ulo nya. "Free ka ba ngayon? Gusto mo ba na pumunta tayo sa park?" sabay ngiti nya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Yes, I wanted to go there. But...with Gin. Gusto ko sya ang kasama ko. Kahit na kasama nya si Syrine ngayon. Kahit na busy sya. Kahit na hindi ko alam kung bakit hindi sya pumunta rito. Kahit na hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ba talaga ako o tama talaga ang hinala ko.

Gusto ko sya lang....kahit na ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig ko kanina.

"Sa park ba?" peke akong natawa. "Hindi ako interesado sa park, eh. I just really want to stay at my room, Kung pupunta man ako sa park...siguro kapag kasama ko na si Gin." I smiled.

"Ah, si Gin ba?" bigla syang nagtunog awkward sa tanong nya. "I saw....uhm...no. Nevermind." Bourbon chuckled. Nanliit ang mga mata ko. "Sorry, I was just wondering if you wanted to go there. But you said no so it's okay."

"You saw what?" I raised a brow.

Natigilan sya. Napalunok sya kaya napataas lalo ang kilay ko. Napabuga sya nang hininga. "I don't want to hurt your feelings."

"Just spill it!" sabi ko kahit na kinakabahan na ako kung ano ang sasabihin nya ngayon sa akin.

I already have a guess. But I was stopping myself from thinking about it. Ayokong masaktan lalo. I wanted to avoid the pain.....but the pain always finds ways to find us.

"Gin and Syrine were there earlier. They're dating." sabi ni Bourbon.

Napapikit ako. Napahilamos ako sa mukha ko. Parang nilulukot ang puso ko dahil sa narinig ko ngayon. Napakagat ako sa labi ko nang mag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. I was sobbing in a silent way. Kahit na gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Zari..." agad na dumalo sa akin si Bourbon para pakalmahin ako. He was even cursing Gin's name.

"W-Were they eating food there?" tanong ko habong umiiyak.

"Y-Yeah. They were eating popcorns." nag-aalinlangang sagot ni Bourbon sa akin.

Napaawang ang labi ko. I can't even breathe properly. "G-Good."

Nagulat ako nang hinila ako ni Bourbon papasok sa kotse nya. Wala akong gana na magsalita para tanungin sya kung saan nya ako dadalhin. I just cried in his car. He even played some music for me to feel better. But I don't feel good. It still hurts.

"We're here," biglaang pagsabi ni Bourbon bago nya hininto ang kotse.

Napalingon ako sa labas ng bintana. Walang bahay rito. Mukha syang gubat kung tutuusin. Kaagad akong lumabas sa kotse ni Bourbon. Bourbon told me that he'll just stay in his car. Ako naman ay umupo sa may dulo habang umiiyak.

Kaagad tumunog ang phone ko. It was Gin. Walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tawag nya. I am hurt but I still love him. Noong sinagot ko ang tawag nya, hindi ko sya minura. I was just waiting for him to talk. I even smiled while crying.

[Zari....]

Mas naiyak ako lalo nang tawagin nya ako sa sariling pangalan ko. I bit my lips. Pero hindi pa rin ito sapat para tabunan ang ingay ng iyak ko.

"Gin..." naiiyak kong sabi. "I....I'm not mad."

Natahimik sya sa kabilang linya. So I decided to talk. I wanted this to be the end. I wanted to let my pain be known. I wanted to voice out my feelings for once.

"I'm just hurt. I don't know what to say about it. Ayokong magalit." I sobbed. "I love you so much. Hindi ko kayang magalit sayo."

[Zari..] he sounded like he was about to break down.

"Please don't talk." kaagad kong sabi habang nagpupunas nang luha. "Just let me talk please."

[O-Okay...]

Napangiti ako sa kabila ng pag-iyak ko. "Y-You are my first. You introduced me to love. You let me take some risk." napahikbi ako. "That's why I love you so much."

Napahagulhol ako. I bit my lips. HIndi ko alam kung kaya ko pa bang magsalita. I just keep on sobbing. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. I wanted to end this pain already.

"Gin....maghiwalay na tayo." napahikbi ako lalo. "Mahal naman kita...pero ang sakit lang kasi." napahagulhol ako. "Hindi ako galit sayo, okay? Hindi ako galit." napasigaw ako sa iyak ko kaya kaagad kong tinakpan ang labi ko.

"I just want some clarification, Gin." sabi ko habang umiiyak.

Napalukot ako sa dibdib ko. Ang sakit. Hindi ko alam na ganito pala kasakit sa pakiramdam ang makipaghiwalay.

[W-What is it?]

"I-Ikaw...I-Ikaw ba yung fiancee ni Syrine?"

Napapikit ako habang umiiyak. I wanted to know his side by letting him answer my question. Gusto kong hindi magalit sa kanya. Ayokong magalit sa kanya.

[Y-Yeah...I am.]

Napahagulhol ako dahil sa isinagot nya. I ended the call immediately. Napasigaw ako sa iyak ko. I screamed my pain....hoping that it will go away.

Hindi ko alam kung paano ko nakakayang huminga pa kahit na sobrang sakit na ng puso ko ngayon. I can't even breathe properly. Puro hagulhol lamang ang ginagawa ko habang naaalala ko ang mga magandang alaala naming dalawa.

"Lord, please let him be happy." naiiyak na sabi ko habang pinagsiklop ang mga kamay ko- nagdadasal. "Please let him be happy. Please, Lord. Please let him be happy. Please let him be happy. Please." napahagulhol ako.

I love him so much. He was my star. Katulad ng mga bituin, malayo na sya ngayon sa akin. Hindi man sya sa akin ikinasal.....atleast alam kong nasa tamang babae sya. Iyon lang ang makakapagpasaya ngayon sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro