18
Chapter 18
Zari
"Zari, wala kaming magagawa diyan. It's your Tito's decision. Anak nya si Syrine. Bawal tayong makialam," Papa said, nalulungkot na rin para kay Syrine.
I told my parents about Syrine's situation. Nalulungkot kasi ako para sa kanya. She has a boyfriend. Base sa reaksyon nya, halatang sobra ang pagmamahal na meron sya sa jowa nya ngayon kesa sa mga naging jowa nya noon. It's so obvious that she was already being treated right by a man she loves right now.
Pero, bakit ganoon? Why does destiny keep on testing the path we take? It was just like a road that keeps on shaking just to test you or just to break your faith.
Destiny is cruel.
I just slept with Milo that night. Niyakap ko sya ng maigi para mabawasan yung lungkot na nararamdaman ko ngayon. I really felt so helpless. I wanted to help Syrine in a way that I can.
I also told Gin about Syrine's situation. I wanted to ask for his help. Alam ko kasi na yung pamilya nila ay gusto sa ideya na magpakasal sa isang taong hindi nila mahal. I wanted to ask for his advice on how he tell his parents that he's not up for it.
He smiled sadly. "Love, my parents are not really into that kind of thing. Yung gusto lang nila ay maging masaya ako. That's why they won't force me into marrying someone I don't love."
Napahinga ako nang malalim. "I wanted to help my cousin, love."
"I know," ngumiti si Gin at hinawakan ang kamay ko. "Just give her some time. Let her think about the other plans that might help her."
"Paano kung wala syang maisip na paraan?"
Gin looked away. "Then, that means she doesn't have many choices at all."
Dahil sa sinabi ni Gin, natakot ako lalo para kay Syrine. I always cheered her up everyday we had a time to hang out. Ganoon rin naman ang ginagawa nila Suji at Reign. We're really so sad for her.
I also can see that Syrine was avoiding her boyfriend. When I asked her why she just told me that she still can't tell him about it yet. Naintindihan ko naman sya kaya tumango nalang ako sa kanya. I also told her that if she can't handle the pressure anymore, we'll help her carry it up.
"Gin, are you okay?" I asked Gin.
Nakaupo sya ngayon sa bench. He was staring deeply at his food. Parang walang balak kainin ito. Nang malaman nyang nandito ako, nagbago kaagad ang mood nya. From the blank expression to a light mood.
Naguluhan ako sa inakto ni Gin. "Are we okay?" I asked when I already sat down beside him.
Ngumiti sya at binigay sa akin ang isang sandwich. Nagpasalamat naman kaagad ako pagkatanggap ko nito. He sighed. "Just a family problem, love."
Nakatitig pa rin ako sa mukha ni Gin. "Are you sure?" hinawakan ko ang kamay nya. "You look stressed."
"Yeah," he chuckled. "Don't worry about me. I'm fine. How about you, love? Si Syrine? Okay na ba sya?"
Napansin kong iniiwasan ni Gin na pag-usapan ang tungkol sa kanya kaya binago ko na lamang ang topic. I just updated him about Syrine's situation. Napapatango na lamang sya habang nagkukwento ako. He's just listening while eating sandwich.
"I'm sure that she'll tell my cousin about that soon. Let's just wait for her decision." Gin said.
I sighed. "Oo naman. Alam kong sasabihin nya talaga sa susunod kasi yun naman talaga ang dapat nyang gawin pero paano kung..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko at napabuntong-hininga na lamang.
Ngumiti si Gin at hinawakan ang kamay ko bago hinaplos ito nang marahan. "Just trust Syrine. I know she can handle this one."
Napatango na lamang ako. I'm also frustrated on Syrine's situation. Paano kasi kung hindi aayon ang tadhana sa gusto nya diba? All I just wanted was to see my cousins happy. Sa pamilyang meron kami, mahirap maging masaya.
Sa mata ng ibang tao, dahil sa mayaman kami, paningin nila ay masaya na kami. But no, a lot of us suffer from the pressure that has burdened on us since we were still young back then. Kailangan namin abutin ang mga expectations ng pamilya namin para makibagay sa apelyido na meron kami.
We suffered because of our surname. Kaya gusto ko sanang makita silang masaya. I wanted them to feel the feeling of being happy and loved. Isa sa mga hindi naranasan ng iba sa amin.
"Hoy!" nagulat ako nang bigla akong itulak ni Suji. Naglalakad kasi ako sa may hallway, kakatapos lang ng whole class. Napalingon ako sa kanya. "Tulala ka, ah? Ayos ka lang ba? Bakit parang mas affected ka pa kesa kay Syrine?"
"Concerned ako sa kanya. Tanga." sabi ko.
Natawa sya sa akin at inakbayan ako. Tinignan ko sya nang naiinis. Loko syang ngumisi sa akin. "Alam mo, beshy ko na cousin pa, matatag yan si Syrine. Alam kong kaya nya yan noh. Hindi ko sinabing hindi nya kailangan ng tulong. Ang sinasabi ko ay kailangan nya lang ng oras para mag-isip sa kung ano ang gagawin nya tapos doon na sya kikilos."
"Eh, pwede naman tayong tumulong pa rin eh." sabi ko.
"Tigas ng ulo nito," sabi ni Suji sa akin.
I just shook my head. Napalingon kami nang tawagin kami ni Reign. Kasama nya si Syrine na may malalaking eyebags. Kakapuyat at kakaiyak nya kada gabi. Kaagad namin syang niyakap ni Suji. Natawa naman sya nang marahan bago kami niyakap pabalik.
Bumitaw ako sa yakap at nag-aalala syang tinignan. "Hey," hinawakan ko ang balikat nya. "We can talk to Tito for you. Sasabihin namin na ayaw mo talaga, ganoon."
Pagak na natawa si Syrine sa akin. "Don't bother about it. I already told him that I love someone right now. But, he insisted that this is for my future. As if naman na sya ang may ari nitong buhay ko."
Natahimik kaming tatlo sa sinabi ni Syrine. Malungkot akong napayuko habang si Suji naman ay pilit na pinapatawa si Syrine. Si Reign naman ay nakatingin lang nang mariin kay Syrine.
"Zari?" tawag ni Reign kaya kaagad akong napatingin sa banda nya. "Himala. Wala kayong date ngayon ni Gin."
Pansin ko sa gilid ng mata ko ang pagtigil ni Syrine. She looked uncomfortable by it. Siguro dahil pinsan ni Gin ang jowa nya? Nag-aalala ata sya na baka ano ang iniisip ng mga Castres sa kanya? I don't know.
Umayos ako nang tayo. "Sabi nya ay may lakad daw ang mga Castres ngayon."
"Oh, okay." tanging sabi ni Reign sa akin.
After we hanged out, nagsiuwian na kami. As usual, pinipilit ko talaga sila Mama at Papa na pilitin si Tito na huwag ipakasal si Syrine sa iba. But, they always say the same thing. Wala raw silang magagawa kasi desisyon iyon ng isang magulang.
"Mama, please." nagmamakaawa na ako ngayon kay Mama.
We're here at our office in the house. Si Papa ay nasa kwarto nila Mama, natulog na dahil pagod daw galing sa trabaho. Si Mama naman ay may inaasikasong mga dokumento. She smiled sadly at me.
"Zari, anak," sumandal sya sa swivel chair nya at tinignan ako nang mariin. "Diba sabi ko sayo ay wala akong karapatang makialam sa desisyon ng mga magulang ni Syrine, diba? Besides, Chester isn't my sibling. Hindi ko sya mapipilit."
Laglag ang balikat kong pumunta sa kuwarto ko. I just did my skincare routine before calling Gin on FaceTime. After 5 calls, he answered it. He looked so stress. Pilit syang ngumiti sa akin.
[Hey, love.] bati nya sa akin gamit ang inaantok nyang boses. [I love you.]
He's laying on his bed. Wala syang suot sa pang itaas pero hindi rin naman masyadong kita ang katawan nya dahil naka dim ang lights ng kwarto nya.
"I love you." I also said. "You looked so stressed. Do we have any problems?"
[Nope. It's a family problem, don't worry. Trust me, this will gonna be okay.] he replied. [By the way, are you busy tomorrow?]
Napakunot ang noo ko. "Wala namang klase bukas kaya hindi ako busy. Why?"
[Let's date.] he smiled at me. [We have a private beach. We can date out there.]
Kaagad akong napangiti sa sinabi ni Gin. "Really? Okay! See you tomorrow."
Mahina syang natawa. [See you tomorrow, love. 9 PM.]
"9 PM! Love you!"
[I love you.]
After I ended it, kaagad na akong naghanda ng gamit ko. Nagpaalam na rin kaagad ako kay Mama bago ako natulog. Good thing she allowed me so I ended up sleeping with a smile on my face.
Nagising ako sa alarm clock ko kaya kaagad na akong naligo. I also did my skin care routine. Nang tumawag na si Gin para sabihing papunta na sya, kaagad akong nagbihis na. I just wore a Nautical Striped Romper and partnered it with a color white Ipanema Pearl Sandals. Nakasuot na rin ako sa ilalim ng swimsuit ko para diretso na mamaya.
After preparing, kumatok na si Manang sa kwarto ko para sabihing nasa baba na si Gin. Chineck ko pa ang bag ko kung may hindi pa ako nailagay bago bumaba na. After talking with Mama, umalis na kami. We just talked a little bit while he's driving until we arrived at their private beach.
"Wow! Ang ganda!" manghang pagkakasabi ko.
Natawa si Gin bago nilagay ang gamit ko sa isang sand chair. May mga katulong dito na sinabihan nyang maghanda ng pagkain para sa amin bago sya lumapit sa akin at niyakap ako galing sa likod. Napangiti naman ako bago hinawakan ang kamay nya sa may bandang bewang ko.
"Ang ganda mo." bulong nya sa tenga ko.
Nilingon ko sya sa may balikat ko. "I love you,"
Nagulat sya sa sinabi ko pero kaagad din namang nakabawi. "I love you more," he kissed my cheeks. "Tumayo ka roon," turo nya sa may bandang medyo malapit sa dagat. "I'll take a picture of you."
Kaagad ko namang sinunod ang sinabi nya. I did a lot of posing and I really enjoyed it. Kinunan ko rin sya ng mga litrato at nang makabalik ang mga kasambahay nila na may dalang pagkain para sa snacks namin, inutusan nya sila na kunan kami ng litrato.
"She's a good photographer," sabi ko kay Gin habang nakatingin sa pictures namin sa phone nya. "It's so good."
"Yeah. She's a former photographer. She stopped due to some reasons." sabi ni Gin bago hinubad ang suot nyang t-shirt.
Napaawang ang labi ko. I can see his abs and muscle. Napansin nya ang titig ko kaya kaagad nya akong inasar. Napairap na lamang ako. We just ate before we decided to prepare already. Kaagad kong kinuha ang sunscreen ko at nag request kay Gin na lagyan ako sa may likod.
"Nice swimsuit, by the way." sabi ni Gin pagkatapos akong lagyan ng sunscreen.
Namula ang pisngi ko. "Thank you."
He just chuckled at me. Hinawakan nya ang kamay ko bago kami naglakad patungo sa dagat at naligo na. Hinampas nya ang dagat kaya tumalsik ito sa may bandang dibdib ko. Agad akong napairap kay Gin nang tawanan nya ang reaksyon ko.
"Come here, love." malambing na sabi nya. "I wanna hug you."
Lumapit naman kaagad ako sa kanya at tumalikod sa banda nya para mayakap nya ako galing sa likod. He hugged me from behind. Sinubsob nya rin ang mukha nya sa may bandang leeg ko. I can feel his breath on my skin.
Napatingin ako sa may ulap habang nakatakip gamit ang kamay para hindi matamaan ng araw ang mga mata ko. "Mas maganda pa rin ang mga bituin." sabi ko.
Natawa si Gin sa akin. "Mas maganda ka pa kaya noh."
"You always say that I am beautiful," pansin ko sa kanya. Nilingon ko sya sa may balikat ko. "Why is that?"
Tinignan nya ako at binigyan ng matamis na ngiti. "Because you're beautiful."
I smiled at him. Bumitaw sya sa pagkakayap sa akin at pinaharap ako sa gawi nya. I put my hands on his shoulder and he put his on my waist. Napapikit ako nang dahan dahang lumapit ang mukha nya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang labi nya na dumapo sa labi ko.
He kissed me with love...and passion. He kissed me under the sun and the thousands of birds passing in our direction. Basa ang aming mga katawan na magkadikit sa isa't isa. When we broke the kiss, pareho kaming hinihingal. But, we found ourselves smiling.
"You are my sunshine." nakangiting sabi ni Gin.
I kissed him on his lips. "You are my star."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro