Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

Chapter 11
Zari

"In love sya sayo?"

Gulat na tanong ni Suji sa harapan ko. She's smiling while asking me this question. Napairap ako kasi naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya ngayon sa akin.

"Y-Yan yung sabi nya," I said.

Napatili sya kaya napahampas ko kaagad sya. Niyugyog nya ang balikat ko. "Ang taray mo naman! Ano ba yan!" napanguso pa sya. "Kailan ba maiinlove sa akin ang crush ko?"

"In love na sayo si Eros," sabi ni Syrine.

Malakas na natawa si Suji. "Sira! Bobo ka talaga, Syrine!"

"What? I thought the both of you are in love with each other? Sya lang pala?" gulat na tanong ni Syrine.

"Bobo!" binato ni Suji si Syrine nang unan. "Kaibigan lang kami!"

Nandito kaming apat ngayon sa bahay. Sabado kasi at walang klase. I've decided to tell them about this since I don't know how to handle this kind of situation. Sa aming apat, ako pa lang ang hindi pa nakaranas magkaroon ng jowa.

I know that I've already said to myself that I can't love Gin, but some part of me wanted to become a rebel of myself.

"Zari," tawag sa akin ni Reign, hindi pinapansin ang bangayan nila Suji at Syrine. I looked at her. "Nag chukchakan na kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Reign. "Ano ba, Reign! Mahiya ka nga!"

"Ay 'di pa pala?" napakibit balikat na lamang si Reign.

Napatigil sa pagbabangayan sila Syrine at Suji dahil doon. Inusisa kaagad nila kung ano ang pinag-usapan namin ni Reign. Natawa na lamang sila pareho nang malaman nila kung ano iyon.

"Stupid!" sigaw ni Syrine kay Reign. "Bakit ganyan naman yung tanong mo? Sira!"

"Bobo ka! Syempre nasanay ako sayo na lahat ng naging gusto mo, nakakasex mo." prangkang sabi ni Reign.

Namula ang pisngi ni Syrine dahil doon. "Stupid ka talaga!"

Hinampas ko nang unan si Reign kaya nagtataka nya akong tinignan. "Napaka desisyon mo naman. Hindi ko nga sinabi na gusto ko rin si Gin!"

"Gaga! Kung 'di mo s'ya gusto, hindi mo na kami tatanungin pa kung anong gagawin mo. Bobo mo talaga sa pag-ibig." sabi ni Reign. Nahampas ko tuloy ulit sya nang unan! Bastos ng bibig, eh!

Tinawag kami ni Mama para kumain na nang snacks kasi naghanda sila Manang para sa amin. We just watched some movies on my room. Nang gumabi na, umuwi na rin naman kaagad sila.

My week has been tiring. Biglaang pag quiz at mga oral recitation na hindi ko na masyadong nasasagutan. Because all of it are all surprises! Hindi man lang kami binigyan ng tyansang magreview muna saglit! I wanted to curse so badly because I am so tired already!

Nanghihina akong napasandal sa upuan ko rito sa classroom. Hindi ko magawang lumabas ng classroom. Lumabas na si Suji para pumunta raw sa ABM building bago raw uuwi na. Naiwan akong mag-isa sa classroom. Rinig na rinig ang mga usapan ng mga grupo ng mga babaeng naglalakad sa hallway.

Pero pagod ako kaya hindi ko masyadong napagtuunan ang pinagsasabi nila. Also, I respect their privacy so I didn't mind on understanding them.

Napasandal nalang ang noo ko sa arm ng arm chair ko. Napakagat ako sa labi ko nang naalala ko bigla yung ako ang unang kasama ni Gin mag celebrate sa birthday nya bago sya umuwi sa bahay nila. Kumain lamang kami nang fishball at kwek kwek. Hindi na ako sumama sa bahay nila! Nakakahiya kasi!

"Hey,"

Napaayos kaagad ako nang upo. Nagulat ako nang si Gin ang nakita ko nang mag-angat ako nang tingin. He looked so tired also. Magulo ang buhok nya. Nang mapansing nakatitig ako sa buhok nya, sinuklayan nya ito gamiti ang mga daliri nya. I bit my lips when I realized how hot he is right now.

"U-Uh, hey." awkward na pagbati ko pabalik sa kanya.

He chuckled lightly. "Pagod ka? Hatid na kita sa bahay nyo,"

"My driver is already on his way. Hinihintay ko nalang ang text nya." sabi ko naman at sumandal na sa upuan ko.

Kumuha sya nang isang upuan at itinabi sa akin. Inasar ko pa sya na ang kapal ng mukha nyang manggulo sa room namin. Inirapan nya lamang ako bago tumabi na sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang bigla nyang hinawakan ang ulo ko at isinandal ako nang marahan sa balikat nya.

"Pagod ka na," sabi nya. "Lagay mo muna phone mo rito," turo nya sa arm ng armchair ko. "Matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nag text na ang driver mo."

I just nodded and say my thank you towards him. Nakatulog na lamang ako sa balikat nya. I found it comfortable kasi kaya nakatulog ako kaagad. Ginising nya naman kaagad ako gaya ng sinabi nya nang nag text na ang driver ko. Hinatid nya lang ako sa may gate bago umalis na para pumunta sa parking lot. Nandoon ang kotse nya.

"Ma, I'm home." sabi ko.

"Nasa kusina ako, anak!" palaging linya ni Mama kada uwi ko sa bahay. Palagi nya talagang tinutulungan sila Manang sa pagluto.

Umakyat nalang muna ako papunta sa kwarto. I just wore my pajama and shirt. Himala kasi walang assignments na binigay sa amin kaya dumiretso na ako sa baba. I just helped Mama. Nagulat ako kasi nagbibake rin pala ngayon si Mama.

"Ma, chocolate cupcake?" tanong ko.

Mama looked at me. She kissed my cheeks. "Oo,"

"Ma, tutulong ako." I smiled.

Napakunot ang noo ni Mama. "Asikasuhin mo nalang ang mga activities at assignments mo."

"Walang binigay, Ma." tanging sabi ko.

Mama just let me help her. Gumawa na rin ako ng akin. May balak kasi ako bigyan ng cupcake. Napansin yun ni Mama kaya napangiti nalang sya. Nilagay nya muna sa oven ang mga cupcakes para ibake bago lumingon sa akin.

"Gusto mo sya?" biglaang tanong ni Mama kaya gulat akong napalingon kay Mama. Napansin nya ang reaksyon ko kaya natawa sya nang marahan. "Mama mo ako, Zari. Pwede mong sabihin sa akin iyan."

Napahinga ako nang malalim bago sumandal sa counter. I smiled sadly at Mama before I told her all about my thoughts and feelings on Gin. She just chuckled because of it.

"Normal lang ang matakot, Zari." hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Ang hindi normal ay ang hindi mo bigyan ng chance ang sarili mong magmahal at maging masaya."

"Mama naman.." natawa ako. "Hindi nga natin alam kung sasaya ba talaga ako sa kanya, eh."

It's true though. Hindi ko talaga alam kung sasaya ba talaga ako sa kanya. Maybe, he feels like home. Pero, pwede namang magbago ang lahat. Baka nga kapag naging kami, masasaktan lang ako. Baka saktan nya lang ako.

"Zari," pinisil ni Mama ang kamay ko at binigyan ako nang ngiti. "Hindi mo malalaman iyan kung hindi mo susubukan. When it comes to love, you need to take some risks. Kung takot ka, hindi yan pagmamahal."

Natahimik ako sa sinabi ni Mama. I found it true though but I still can't. I'm still afraid. Masyado pang kulang ang pagmamahal na binibigay ko sa sarili ko para magmahal nang iba. I still have a lot of doubts....even on myself.

Hindi ko pa kaya. Masyado pa akong kulang para sumubok.

Nang tumunog ang oven, kinuha lang ni Mama ang mga binake namin. I just put some of it on the mini tupperware. Ibibigay ko to kay Gin bukas. After we ate, natulog na kaagad ako sa kuwarto ko. Maaga pa ako bukas.

"Uy, ano yan?" nandito na naman si pakialamerong si Bourbon. Nakita nya kasing may dala akong tupperware na ibinalot sa pulang tela.

Natawa sya nang makitang nairita ako sa presensya nya.

"None of your business," tanging sabi ko bago umupo na sa upuan ko.

Pero ang siraulo, ginulo pa rin ako. I just told him that it's a cupcake. Nanghingi pa nga! I just told him that it's for another person! Sinabi ko na lamang na order ito.

"Seller ka na pala, Zari. Lugi na ba kompanya nyo?" pangbibiro ni Bourbon.

I rolled my eyes. "Siraulo!"

Inaasar nya pa ako na seller nga raw talaga ako! Sinabi nya pa sa mga kaklase ko at sa subject teacher namin na nagbebenta ako nang cupcake! May mga gusto pang mag order! Siraulo talaga itong si Bourbon! Sinabi ko nalang ang totoo para tumigil na sya kakaasar sa akin. Binawi nya naman kaagad sa iba yung mga sinabi nya.

"Malapit na tapusan! Beach tayo nyan, guys?" our president giggled.

We all said yes. Nang dumating ang adviser sa room namin, sinabi nya na may hang out ang lahat ng grade 11 students pagkatapos ng klase. Pupunta raw ang lahat sa iisang beach. Natuwa ang lahat lalo. The more, the merrier ika nga nila.

"Excited ba kayo?" tanong ni Syrine.

I just shrugged my shoulder while Reign and Suji nodded at her. Napatango nalang din si Syrine at pilit na ngumiti sa amin. Matamlay sya ngayon kaya agad kaming nagtanong kung ano ang nangyari. Ayaw nya talaga kaming sagutin.

"Syrine, sasapakin kita." Reign threatened. "Sabihin mo iyan. Nag-aalala na ako para sa iyo."

Napanguso si Syrine. "Wala nga! Parang sira 'to!"

"Ulol! Ano nga iyan!" ani naman ni Suji.

Ginulo pa nila lalo si Syrine hanggang sa nagsitulo na ang mga luha nya. Nagulat kaming tatlo dahil doon. She only cried while we comforted her. Walang salitang lumabas sa bibig nya. Puro iyak lang ang tugon nya.

"Hi, beb-Hala! Anong nangyari sa iyo, Syrine?!" gulat na ani ni Eros, kakarating sa table namin. Kasama nya si Gin, pareho silang gulat nang makitang umiiyak si Syrine ngayon.

Napatigil sa pag-iyak si Syrine at pinunasan kaagad ang mukha nya. Tumabi na lamang si Gin sa akin habang si Eros ay tumabi kay Suji. Gin asked me about Syrine, sinabi ko lang na hindi ko rin alam. She just keeps on crying.

She's really hurt right now. The type of pain that you cannot describe using words. May mga sakit kasi na ang tanging luha lamang ang makakapaliwanag nito.

"Hey," tawag ni Gin kay Syrine. Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ni Syrine! Close pala sila? "Is it about Tobias? I'm sorry about my cousin."

"Ay, si Tobias ba, Syrine? Maghanap ka nalang nang iba! Siraulo iyon!" ani naman ni Eros.

Nakatingin lamang ako sa kamay ni Gin na nakahawak sa kamay ni Syrine. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makitang hinimas ni Gin ang kamay ni Syrine! Is this how he comforts someone? Ang cute nya namang mag comfort.

Siniko ako ni Suji kaya napalingon ako sa kanya. Nagulat pa sya kasi iritado ko syang tinignan ngayon. "Ayos ka lang ba?" she asked, tumango naman kaagad ako. Hindi sya naniwala kaya napairap ako. Napa 'oh' nalang sya nang mapagtantong nairita ako dahil nakahawak ang kamay ni Gin sa kamay ni Syrine ngayon. "Selosa,"

"You're just imagining things," depensa ko.

Napangiti nalang sya. She's enjoying this! I just rolled my eyes. Hindi naman kasi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Kami ba? Tsaka I'm happy naman kasi willing syang mag comfort sa pinsan ko. Hindi ako nagseselos. Pake ko naman sa kanila?

Nag ring na ang bell kaya tumayo na kaagad ako. Napalingon silang lahat sa akin. Natawa pa nang mahina si Suji kaya sinamaan ko kaagad sya ng tingin!

"Pupunta na ako sa classroom," I plainly said.

"Sabay na tayo, sis." lokong sabi ni Suji.

I rolled my eyes at her. Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa amin ngayon. Hindi kasi nila alam kung bakit ganito kami ngayon ni Suji. "Shut up, Suji."

"Ay, nakakahurt." pang-aasar nya. "Hawakan mo ang kamay ko, Zari. Higpitan mo tapos himasin mo!" natawa nalang sya nang tumalikod na kaagad ako.

Siraulong pinsan na to! Mabilis nalang akong naglakad patungo sa STEM building. Napasinghap ako nang may humawak bigla sa kamay ko. Napalingon ako rito. Si Gin pala! Kinuha nya kaagad ang bag ko para sya na ang magdala. Hinawakan nya na rin ang kamay ko pero kaagad ko itong binawi!

Pagkatapos nyang hawakan ang kamay ni Syrine, kamay ko naman ang hahawakan nya?

"Okay ka lang ba?" pagbasag ni Gin nang katahimikan, naglalakad pa rin kasabay ako. I just nodded kaya napakunot ang noo nya. "Parang hindi, eh."

"Edi hindi," malditang pagkakasabi ko.

Napakunot lalo ang noo nya. I just shook my head at him. Hawakan nya pa sana ang kamay ni Syrine. Hindi naman ako nagseselos, eh. Nagulat lang ako kasi hinawakan nya! Pero hindi ako nagseselos. Wala naman akong pake. Bigay ko pa sa kanya kamay ni Syrine, eh.

"Susunduin kita mamaya rito sa room mo." sabi nya bago ako iniwan sa room.

I just rolled my eyes. Para namang wala akong choice kundi hintayin sya rito. Pumasok nalang kaagad ako sa room. Inasar pa ako ni Bourbon kasi dala ko pa rin ang tupperware. Nakalimutan ko palang ibigay to kay Gin.

May kahawak ng kamay, eh.

Nakinig na lamang ako sa guro. Nagkaroon ng groupings. Malas ko pa kasi kagrupo ko sila Bourbon at Suji. Pareho akong inaasar! Si Bourbon inaasar ako sa cupcake habang si Suji naman ay inaasar ako kay Gin!

"Manahimik nga kayo," iritadong sabi ko.

Natawa sila nang malakas. Sinuway naman kaagad sila ng teacher namin! Muntik pa kaming maminusan dahil sa pagiging maingay nila!

"Huwag mong inaasar ang selosa, Bourbon." saad naman ni Suji, natatawa pa rin pero mahina na ang pagkakatawa nya para di marinig ni Miss. Baka maminusan pa kami, sasakalin ko talaga sya!

Nanlaki ang mga mata ni Bourbon dahil sa pagkagulat. "May crush ka na, Zari?"

"Oo, meron na syang crush. Sorry ka, bro. Bawi ka nalang next life." pagtapik ni Suji nang balikat ni Bourbon.

I just shook my head at them. Mga siraulo. I didn't mind them nalang. Sasakit ulo ko lalo sa kanila. Nang uwian na, nagpaiwan ako sa room. Yung humawak kasi ng kamay kanina ni Syrine, sinabing susunduin ako rito. Ako nalang ang naiwan sa room.

Tunog ng electric fan nalang ang naririnig ko.

"Sorry, natagalan. May kinausap lang." Gin apologetically smiled at me before getting my bag.

Tumayo ako. Kukunin ko sana yung bag ko pero ayaw nyang ibigay! Hinayaan ko nalang. "Si Syrine ba?" napapikit ako kasi nagtunog selosa ako. Napangisi tuloy sya! Napairap na lamang ako.

Maglalakad na sana ako patungo sa pintuan nang bigla nya akong hinila kaya napahawak ako sa may braso nya! Nahiya ako kaya kaagad akong bumitaw at lumayo sa kanya! Pero dahil nakahawak ang kamay nya sa bewang ko, napabalik lamang ako sa pagiging malapit sa kanya!

"Ano ba," nahihiya na ako! Ramdam ko na rin ang pag-init ng pisngi ko!

Nag-iwas nalang ako nang tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang hininga nya sa may bandang leeg ko! Napakapit ako lalo sa balikat nya.

"Nagseselos ka ba?" he sounded like he's smirking. "I'm just comforting your cousin. I just feel like I should comfort her, especially that it's my cousin who made her cry like that."

Napairap ako pero hindi nya iyon makita kasi nasa may bandang leeg ko ang mukha nya! "Ang cute mo namang mag comfort. Nanghahawak nang kamay."

Ramdam kong natiglan sya dahil sa sinabi ko. Natigilan din ako! Muntik pa akong mapasapo sa noo ko! Ang gaga ko! I hissed when his face touched my neck. I could feel him smirking.

"Ang cute naman ng crush ko. Nagseselos na," he chuckled. "Akala ko ba hindi mo ako gusto?"

"Hindi talaga." tanging sabi ko at tinulak na sya papalayo! Nahihiya na ako, ah!

Natawa nalang sya nang marahan bago inabot ang kamay ko at pinagsiklop ito! "I just caressed her hand because I wanna make her feel that there is someone who cares for her. I treated her as my sister, Zari. Ganoon lang ako dahil nalulungkot din ako para sa kanya."

"Yeah, wala naman akong pake." I rolled my eyes.

Natawa nalang sya. "Fine, I won't hold and caress other hands anymore." he smirked. "Kamay mo nalang ang hahawakan ko."

"Oh! Shut up," nahihiyang sabi ko! Namumula na ngayon ang mga pisngi ko!

He chuckled because of it. Sinamahan nya nalang ako papunta sa gate. Nakita ko kaagad ang driver ko kaya napahinga ako nang maluwag. I looked at Gin who's smirking at me right now while giving me my bag.

"Here," I shyly gave him the cupcakes. "Malamig na yan. Ilagay mo nalang sa microwave."

"What is this?" biglang nawala ang ngisi nya.

I bit my lips. "Cupcakes," I bit my lips more kaya napatingin sya roon. "I baked for you."

Nahihiya na ako kaya kaagad na akong tumalikod at naglakad na papunta sa kotse na ginamit ng driver ko. I just sat on the back and told Manong to driver already. Napatakip pa ako sa mukha ko! Nahihiya dahil kanina! Hayop talaga si Gin!

Nagulat ako nang nag vibrate ang phone sa bulsa ko. I took it to see why did it vibrated. I just received a text from Gin! Naramdaman ko tuloy na nag-init lalo ang mukha ko! I checked his message. Napakagat nalang ako sa labi habang binabasa ang text nya.

Gin:

Thank you for the cupcakes! I love it. Kinain ko na kaagad kahit malamig lol

I just smiled. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang phone ko nang bigla itong nag vibrate ulit. I checked it again para basahin. Isang text na naman pala galing kay Gin.

Gin:

I also love the one who made it! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro