Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10

Chapter 10
Zari

"I made it!"

Napangiti ako sa sigaw ni Suji. She looks so happy while talking with Eros right now. Sinasabi nya kay Eros kung gaano sya kasaya kasi napasama sya sa mga pumasa ngayong 3rd grading. She looks so happy that I couldn't even imagine on how could she survive if Eros won't be there with her anymore.

I can see that she's in love with him...or am I imagining things?

Minsan, tinatanong ko sya about sa kanila ni Eros. She always answers the same thing. Kaibigan lang 'daw' sila. I just always nod. I won't force her to say that they are in love with each other. I can't judge their status by looking at them. Baka kasi close lang talaga sila. Like, Gin and I. We're always hanging out with each other.

Pero magkaibigan lamang kami.

"You made it, right?" Gin asked.

Kakaupo nya lang sa table namin. Ako lang ang nakatingin sa kanya ngayon. Busy kasi sila Eros at Suji sa pagtingin sa isa't isa. I bit my lips and nodded cutely.

"Yeah, I guess?" I shyly said. Ayokong magtunog mayabang! "How about you?"

He gave me a drink, I accepted it. He drank his. "Same," he wiped his mouth. Nabasa kasi ininom nya ang juice nya. "Inspired ako eh."

"Inspired?" I asked. "Kanino?"

He smirked. "Sayo,"

I was taken aback. Hindi ko inaasahan ang sinagot nya! Akala ko babarahin nya ako! Nag-iwas ako nang tingin! There's some butterflies on my stomach again. Hindi ko alam kung malala na ba itong nararamdaman ko para sa kanya o normal lang ito pero hindi pa rin talaga ako nasasanay?

I've never liked someone else until I met him!

"Zari," tawag nya sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. I was reading a book while he's doing a business plan. "Can I use your name?"

"No," sabi ko kaagad.

Napatawa sya nang malakas. "Damot, ah? Gold ba iyang pangalan mo?"

"Au lang," sabi ko.

Natawa sya lalo sa sinabi ko. I just continued on studying. Hindi ko alam kung bakit nya ako tinanong ng ganoon at wala naman akong balak alamin ang tungkol doon kaya hindi na rin ako nagtanong.

"May meeting mga teachers! Early dismissal!" masayang sabi ni Suji, sumayaw pa ng energetic sa gitna namin nila Gin at Eros!

I just rolled my eyes while Gin just shook his head and look away. Si Eros lamang ang nakatingin kay Suji. He seems...inlove with my cousin. Hindi ko nga lang sure kung inlove rin ba si Suji sa kanya o masaya lang yun kasi may isang taong nandyan lagi para sa kanya.

I admit that I'm not a good cousin. I wasn't always there with her. Kaya malaki ang utang na loob ko kay Eros dahil nandyan sya palagi para kay Suji. He was just like doing anything just for someone he loves.

"Malala tama ng pinsan ko sa pinsan mo, noh?" natawa si Gin.

Gin and I are here in the rooftop. Kami lang dalawa. Hapon na kaya preskong hangin ang sumalubong sa amin, hindi tirik ng araw. I sat on the floor and smile at Gin.

Tumabi sya sa akin pag-upo. "Halatang halata si Eros, diba?"

"Yup," I chuckled. "Pero manhid ang pinsan ko,"

Nagulat ako nang bigla nyang hinila ang kamay ko at hinawakan ito. He intertwined it with his. Nakagat ko nag labi ko. It feels good. He really feels like home.

"Parang ikaw," diretsahang sabi nya.

I raised my brow. Naoffend ako don, ah? "Pardon?" pinilit kong maging tunog maldita para matakot sya.

Imbes na matakot, natawa sya. He held my hand tighter. "Hindi pa ba halata?"

"Ang alin?" naguguluhang tanong ko.

Napasapo sya sa noo. He looks defeated. Na para bang pagod na sya sa akin. What did I do? Malay ko ba sa kanya. Do I look like a mindreader? Hindi ko nga alam kung ano ang iniisip nya kung bakit mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Manhid talaga ng mga Alferez," mariing sabi nya.

Napahampas ako sa braso nya. "Shut up,"

He just laughed. We just stayed like this until I received a text from my driver. Umuwi na kaagad ako pagkatapos non. Pagkauwi ko, nakita kong may isang lalaking nahihirapan sa pagkarga ng upuan. I helped him with it.

"Zari, don't!" pigil kaagad ni Mama sa akin, tinulak ako nang marahan. Napalayo ako sa lalaki at nahirapan ulit sya dahil bumigat na naman ang dala nya. "Babae ka, hindi mo dapat ginagawa iyan. Hayaan mo na sya. Lalaki naman sya."

"Ma," I shook my head. "Anong klaseng mindset yan?"

For the first time in my life, I'm irritated with my Mama. Halatang nakita ni Mama ang pagkairita ko sa kanya kaya dumaan ang kaba sa mga mata nya. I just helped the man with the chair. Hindi ko na pinansin pa si Mama. Nagpasalamat na lamang ang lalaki sa akin. I just smiled at him and said no worries.

Dahil sa pagkairita ko kay Mama, hindi na ako naghapunan. Hindi na rin ako nag agahan. Inuna ko muna ang pride ko. I want Mama to admit his wrong. Mali ang ginawa nya. Kung kaya ng lalaking magbuhat, kaya rin ng babae. Kung kaya ng babae, kaya rin ng lalaki.

"Gutom ako," sabi ko kay Gin nang ayain nya ako nang buko juice. "Pwede ba na kumain nalang tayo kesa sa uminom ng buko juice?"

He nodded and bought some food for us. Pagkalapag nya pa lang, kinuha ko na ang akin at kinain. Halatang nagulat sya sa ginawa ko. Hindi kasi ako naging ganito kagutom sa paningin nya noon. Puro kasi ako sabi na busog ako pero ngayon gutom na gutom ang hitsura ko.

"Are you okay?" concerned na pagtanong nya. "Hindi ka naman pinaparusahan sa bahay nyo, noh?"

I rolled my eyes. "Sira!"

He just shook his head. Napatigil ako sa pagkain nang bigla syang kumuha nang tissue at pinunasan ang baba ng labi ko. He chuckled when he saw my reaction. I just rolled my eyes and continued on eating until I finished it.

"Grabe! Busog na ako." I spoke.

He smiled. "Buti naman. Ano ba ang nangyari at bakit ganoon ka kagutom kanina?"

"I didn't eat dinner and breakfast." I bit my lips. "Nainis lang kay Mama."

Nagulat sya sa sinabi ko. He pursed his lips, halatang may gusto syang sabihin pero pinipigilan nya. Hula ko na mumurahin nya ako. He looked mad and concern.

"Sana kumain ka," he softly said. "Masamang magpalipas ng gutom, Zari."

"Mataas lang ang pride," sabi ko.

He shook his head. "Gutom ka naman,"

I just chuckled. Naiirita talaga sya. Somehow, it gave me some butterflies at the thought of him being concerned with me. Nang matapos na syang kumain, hinatid nya lang ako sa STEM buildling bago umalis na para tumungo sa ABM building.

"Ay taray, may pa hatid na!" kinikilig na sabi ni Suji. She pointed at my face. "Marunong palang lumambot ang isang tigre!"

"Huwag ka dyan, Suji! Baka ma 'rawr' ka bigla nyan!" sigaw naman ni Bourbon, ang ingay. "Scary,"

"Shut up," sabi ko naman.

He mocked me. "Shut up,"

I just rolled my eyes. Dumating na ang teacher ng next subject kaya napaupo kaagad kaming lahat sa mga upuan namin. I just took some notes habang may discussion na naganap. I just walked with Suji when we already went outside to go to Cafeteria since the class was already over.

"Gwapo, noh? Sayang, di ko type." mayabang na sabi ni Suji, may pinapakitang picture ng isang guwapong lalaki. HUMSS student daw rito.

I laughed. "Ikaw ata yung hindi type," she rolled his eyes. My eyes widened when I remember something. "Are you cheating with your boyfriend?"

Napakunot kaagad ang noo nya. "Ha? Meron pala akong jowa? Katakot ka naman."

"Si Eros!" hinampas ko ang balikat nya.

Nanlaki ang mga mata nya at natawa nang malakas. She shook his head, natatawa pa rin. "Sira! Lt ka, ah! Kaibigan lang kami! Di namin type ang isa't isa."

"Magjowa kayo," sabi ko.

"Desisyon," sabi nya.

Naglakad na kami papunta sa Cafeteria. We ordered some food and ate it before we went to the soccer field. Napairap ako nang nag cheer kaagad si Suji sa isang gwapong soccer player dito. Ang landi! Nag-aalala pa rin ako kasi baka jowa nya pala talaga si Eros! Tapos nanglalandi pa sya ng iba! Sira talaga.

"Ano ka ba, Zari? Hindi nga kami non." inirapan nya ako. "Friends lang. Hindi na lalampas don, okay?"

"Ayaw mo sa kanya?" I raised a brow.

"Gusto ko sya pero bilang kaibigan nga lang talaga," she smiled. "Okay na ba? Nasagot ko na tanong mo, Mayora! Ikaw naman ang sasagot sa tanong ko!"

Napakunot ang noo ko. "And why would I?"

"Kasi maganda ako," barumbadong sagot nya.

I just didn't mind her stupid response. Pero ginulo nya ako! Kinuha nya pa ang phone ko para lang makapag focus sa kanya. I just agreed to my immature cousin so she would stop bothering me already. Kapag kasi hindi mo pagbibigyan, kukulit lalo.

"Anong meron sa inyo ni Gin?" napataas baba ang kilay nya. "Mukha kayong lovers."

"Desisyon," sabi ko naman.

"Sira! Guwapo naman si Gin!"

"Si Eros din," bawi ko.

Natawa sya nang malakas. "Iyo na, sis."

"No thanks." sabi ko naman.

We just kept on teasing each other. Nang uwian na, kaagad akong sinundo ng driver ko. I didn't even say goodbye to Gin. Hindi rin naman kasi required iyon. I just went to my room straightly. I just focused on reviewing and doing my assignments when suddenly my door opened and Mama went in.

"Anak, kakain na." she told me.

I just focused on my things. "Busog na po ako."

Hindi ako busog.

Lumapit sa banda ko si Mama kaya nagulat ako. She caressed my back. "I'm sorry for what I said last time, okay? I'm just worried na baka mapaano ka. I'm sorry, anak. I didn't mean to sound it like bad."

"Mali yung ginawa mo, Ma." tanging sabi ko.

Mama said her sorry again. Naawa ako kay Mama kaya sumunod ako sa kanya pababa. We just ate dinner before I went to my room. I bit my lips when my phone vibrated and saw that it's Gin's messages. May number na kasi kami ng isa't isa.

Gin:

Done studying?

Me:

Yes hbu

Gin:

Same.

Me:

Good.

Gin:

Are you busy right now?

Me:

No why

Gin:

Paalam ka sa Mama mo. Dadalhin kita sa pangalawang bahay namin. Stargazing, you want?

Nagningning ang mga mata ko at agad lumabas na sa kwarto para magpaalam kay Mama. I didn't lie to Mama. Sinabi ko kaagad sa kanya na si Gin ang kasama ko. Napatili sya kaya napairap na lamang ako. She just let me. Ang sabi nya rin ay sya na ang bahala magpaliwanag mamaya kay Papa.

I just texted Gin na pinayagan na ako ni Mama. He just asked about my address and I just sent it to him. On the way na raw sya kaya kaagad naman akong nagbihis na. I just wore a comfortable jean and an oversize color maroon t-shirt. Nagsuot na rin ako nang color black na rubber shoes.

"Ang ganda mo naman," he sincerely said when I went inside his car.

I bit my lips to stiffle a smile. Nakakaramdam na naman ako ng mga paru-paro sa tiyan ko. I just love it when he always says how beautiful I am. Punong puno ako ng insecurities sa sarili ko. Pero dahil sa pagsabi nya sa akin palagi na maganda ako, naghihilom ang mga sugat na itinamo ko mismo sa sarili ko.

He helped me boost my confidence.

"Wow," sabi ko nang makapunta kami sa rooftop ng bahay nila Gin.

Walang tao rito kaya komportable ako. Kami lamang dalawa ni Gin. May higaan kaya humiga kami rito habang nakatingin sa mga kalangitan. Tinaas ko ang mga kamay ko, parang inaabot ang mga butuin. Natawa sya dahil dito.

"You really like stars, huh?"

Binaba ko na ang kamay ko at napalingon kay Gin. "Yup," he smiled at my response. "Ikaw ba? Gusto mo rin ba ang mga butuin?"

"Yes," tinignan nya ako nang mariin. "I love the stars."

I smiled and look away from him, hindi ko na kinakaya ang mariing titig nya para sa akin. "Same. I love the stars."

Nabalot kami ng katahimikan. I'm just staring at the stars. Admiring them. The dark skies remind me of our life while the stars remind me of the blessings that God has given to us. While the moon is our God. The one who shines so brightly. Mas nagningning pa sa mga butuin na nandidito sa kalangitan.

"Zari,"

Napalingon ako kay Gin, may ngiti pa rin sa mga labi. He looks good right now. His dark gaze didn't bother me at all. Maybe, because I loved it? I loved it every time he stares at me.

"Yes?" tanong ko sa kanya, hinihintay ang sasabihin nya.

He opened his lips, handa ng sabihin ang gusto nya sana pero kaagad ding itinikom ito na para ba na takot sya sa magiging reaksyon ko. He pursed his lips. Napakunot ang noo ko.

"Just say it," I said. "Ano ba yun?"

He looked at me again and gave me a smile. "Baka layuan mo ako,"

"Why would I?" curious na tanong ko.

He shook his head. "Wala," he chuckled coldly. "Ayokong lumayo ka."

Napatingin lang ako sa kanya. Parang takot nga syang layuan ko sya. I held his hand. Gulat syang napatingin sa akin. I gave him an assuring smile.

"Hindi ako lalayo," I said. "Sabihin mo lang kung ano yung nais mong sabihin."

He bit his lips. "Promise?"

I chuckled. Ang cute nya! "Promise."

Nagulat ako nang bumangon sya at umupo sa kama. I also did what he did. Nakatingin sya nang mariin sa akin ngayon. Parang kinakabahan sya pero huminga lang sya nang malalim bago ngumiti ulit sa akin ngayon.

"Zari," he cupped my face softly and kissed my forehead. Nagulat ako kaya napaawang ang labi ko. "I'm so in love with you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro