Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09

Chapter 09
Zari

"Yes! Success!"

Sigaw ng mga kagrupo ko ng tapos na kaming humarap sa Panel. We're all happy because of it. Isang try pa lang pero success na. We expected that we're gonna redo our research. Akala kasi namin na hindi maganda ang ginawa namin.

We doubted ourselves.

"We should have a party sana kaso malapit na exam! Sayang!" saad ng isang kagrupo ko.

Lahat kami ay sumang-ayon. Gusto ko rin sanang magcelebrate kaming lahat kasi successful ang research na ginawa namin kaso kailangan pa pala naming mag focus sa pagreview dahil malapit na ang exam.

Hindi kasi pwedeng ipagsawalang bahala nalang namin tong exam namin. Second sem na, mahirap yung mga lessons at expected na rin na mahirap ang lalabas sa exam. So, we just decided not to celebrate. Ang mahalaga, successful ang ginawa naming research paper.

"Success?" Gin smiled.

I bit my lips to stiffle a smile but I failed. Napangiti lalo si Gin nang makitang napangisi ako. "Success!"

"Congratulations, Zari!" he tapped my head softly. "You deserve to have a date right now. Buti, 'di ko kayang idecline ang offer mo."

Napahampas ako sa braso nya. "Sira!"

Napagdesisyunan nalang naming pumunta sa Mall. He has a car with him kaya sa kanya na ako sumakay. Nagpaalam naman ako kay Mama na hindi ako maaga munang makakauwi, pumayag rin naman sya. I also texted my driver na hindi na ako magpapasundo sa school. Sinabi ko lang na ang maghahatid sa akin pauwi ay ang kaibigan ko.

"Okinawa akin," sabi ko nang tanungin ni Gin kung anong milk tea ang gusto ko.

He just nodded and went straight to the counter. Napag-isipan naming mag milk tea muna bago manood ng sine sa third floor. Gin will pay for our milk tea while I'm the one who's gonna pay our tickets on cinema. At first, gustong akuin lahat ni Gin ang bayad, but I declined his offer. May pera rin naman ako noh!

"You look cute," sabi ni Gin nang makitang uminom ako nang milk tea.

I just rolled my eyes. I just keep on sipping my milk tea hanggang sa mapuno ang bibig ko at lumobo ito. Gin laughed because of it.

"Tumahimik ka nga," sabi ko sa kanya nang lumala na ang pagtawa nya.

Napahawak sya sa tiyan nya, natatawa pa rin. "Hindi lang ako makapaniwala na ang cute mo lalo kapag ganoon ang itsura mo," he said again. Kanina nya pa sinasabi sa akin kung gaano ako kacute!

I bit my lips to stop myself from smiling because of what he said. Yumuko na rin ako para hindi halata na namumula na ang mga pisngi ko. Hindi na ako nagsalita pa. I just let him laugh. Nang matapos na sya sa pagtawa, he pinched my cheeks! Tinabig ko naman kaagad ang kamay ko! Napairap nalang ako nang tumawa na naman sya lalo.

"Gin, dalian mo." sabi ko sa kanya. "Manonood pa tayo ng sine, diba?"

Napatigil na sya sa pag tawa at huminga nang malalim. "Uh, yeah. Sorry. Cute mo lang talaga."

Naramdaman ko na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. I just let myself feel this in silent. I'm not that kind of vocal person para sabihin sa kanya itong nararamdaman ko. I can like him in secret. I can admire him from here. Kahit gaano man kalayo, kaya ko pa rin syang gustuhin.

I'd rather like him in silence than take some risks.

"Ganda nito, Miss." sabi nya sa akin nang makaupo na kami rito sa sinehan.

He chose the movie for both of us because I let him decide on it. It's a horror movie that is all about the child who died because of his Mom. Maghihiganti sya sa Mom nya.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Gin sa tabi ko nang mapansing chill lang akong kumakain nang popcorn dito habang sumisigaw na ang iba dahil sa movie na ito.

I shook my head. "I like it,"

"Sana ang pangalan ko nalang ay it," mahinang bulong nya sa sarili nya pero narinig ko pa rin naman. I just didn't ask about it because I already understand what he wanted to say.

Kung alam nya lang sana kung gaano nya naparamdam sa akin ang mga bagay na hindi kayang iparamdam sa akin ng iba. Siya ang aking tinatangi. Kung masasaktan man ako dahil sa pagka duwag ko, ayos lang para sa akin. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mawala lamang ang nararamdaman nya sa akin.

Gustong gusto ko sya na umabot na ako sa puntong ayaw ko syang gustuhin ako. Kasi alam ko na ang kasiyahang naipadama nya sa akin ay hindi ko kayang maipadama sa kanya.

"Zari, na enjoy ka ba?" biglang tanong nya ng makalabas na kami sa sinehan kasi tapos na ang pinapanood naming movie.

Napabaling ako sa kanya. "Sa movie ba? Oo, ang ganda ng twist."

He chuckled lightly. "Hindi," napakunot lalo ang noo kaya natawa sya lalo. "Nag enjoy ka ba kamo na kasama mo ako?"

My heart skipped. Natigilan ako sa tanong nya pero kaagad din namang nakabawi. "Yes," I want to be honest. Napangiti sya sa sagot ko kaya nakahinga ako nang maluwag. "Thank you for accepting my offer to be with me right now."

"Oo naman. Kahit pa na lifetime pa kitang samahan, ayos lang." biro nya.

I just chuckled. We just went for a dinner. Kumain lamang kami sa Jollibee rito sa Mall para mas tipid pa kesa naman sa mag restaurant pa kami. I ordered a spag with a chicken. Hindi na ako nag kanina pa. Samantalang, si Gin naman ay isang manok na may kanin ang inorder nya.

"May ig ka ba?" biglang tanong ni Gin kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"Yeah, why?" takang tanong ko. "Ifofollow mo ako?"

"Ah hindi!" biglaang pagtanggi nya kaya napakunot ang noo ko. "Just asking, Miss."

"Ah, okay?" naguguluhan pa rin ako. "How about you? Do you have one?"

"Wala!" biglaan na naman nyang pagtanggi kaya naguluhan ako lalo. He cleared his throat. "Wala, Miss."

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

He chuckled lightly. Parang may kakaiba. "Let's eat faster para makauwi na tayo. Magrereview ka pa, diba? STEM student eh."

I rolled my eyes. "Mahirap din kaya ang ABM, diba?"

"Okay lang naman. Nadadala lang ng prayers." pagbibiro nya kaya natawa na lamang ako.

We just continued on eating our food. Nang matapos na, kaagad na rin naman akong hinatid ni Gin sa bahay. I just said my thank you at him before I decided to went inside of our house. Tinanong pa ako ni Mama kung saan ako galing. I just said that I was celebrating for the success of our group's research paper. Hindi na rin naman nagtanong pa ulit si Mama kaya nakahinga na lamang ako nang maluwag.

Naging busy na ako simula non dahil sa may mga pa make up classes na nagaganap para lang matuloy yung mga lessons na kailangan para sa exam. I also did some review. Konting tulog nalang ang nagagawa ko kada gabi dahil may mga sasagutan pa akong sandamakmak na assignments at activities bago mag review na. Naging busy na rin araw-araw kasi may mga requirements pa na pinapasa.

"You should sleep for a bit,"

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig na magsalita rito. I was shocked when I saw that it's Gin. Nakangiti sya habang may hawak na mga libro. Tumabi sya sa akin nang upo at nilapag sa bakanteng parte ng lamesa ang mga libro nya. He opened a book for him to review.

"Long time no see," tanging sabi ko habang naka half close ang mga mata ko, inaantok dahil pagod na kakareview.

He looked at me. Napahinga sya nang malalim bago hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat nya. "Long time no see also. I don't have enough time these past few weeks to talk with you. I'm sorry, busy lang sa pagpasa ng mga requirements. Ngayon lang nagka oras kasi tapos ko na ang lahat."

"It's okay," sabi ko, nakasandal pa rin sa balikat nya. He really feels like home. "I'm also busy, I understand."

Wala rin namang dapat pang ipagpaliwanag kaya naguguluhan talaga ako kapag ganito si Gin. I'm not dense, I know that he still have feelings for me. I cannot tell him directly that he shouldn't feel that way because it might sound bad. Baka mag away pa kami. He treats me like his girlfriend, napapansin ko kada nagsasama kami.

I also want to do those things that he keeps on doing at me. Gusto ko ring mahalin sya. But I am a coward person. Hindi ko magawa. Gusto ko nalang ilihim ang aking nararamdaman. Kasi natatakot talaga akong masaktan.

"Are you busy later? Milk tea date sana," ngiti ni Gin.

I stopped from walking. Sinamahan nya kasi akong maglakad patungo sa STEM building. At first, I declined his offer. Malayo kasi ang ABM building dito banda sa amin. But he's persistent, so I just let him.

"N-" I cleared my throat. "Yes, I'm sorry."

Hindi ko mapapawala ang nararamdaman nya kapag magsasama kami palagi. I wanted him to like someone else. I don't want him to be mine. My feelings for him are not like the others. I'm already contented watching him being happy, may it be on me or because of the others. Gusto ko syang maging masaya kaya hindi ko kayang maging akin sya.

Because at the moment I first laid my eyes on him, alam ko na. Alam ko nang hindi nya mahahanap sa akin ang saya na dapat maramdaman kapag nagmamahal ka.

"Gagi! Alam nyo ba, mga bebegorls?" siraulong bungad samin ni Suji nang makaupo na kami nila Reign at Syrine sa table na pinili nya rito para sa amin sa Cafeteria.

"Yes?" matinong sagot ni Syrine sa kanya.

"What?" sagot ko naman.

Umirap si Reign. "Wala, umatake lang pagka siraulo nyan."

"You're so harsh!" sigaw naman ni Syrine kay Reign.

"Pake mo ba?" saad naman ni Reign.

"Uy, manahimik nga kayo!" suway ni Suji sa kanilang dalawa. "May sasabihin kasi ako! Naaangasan ako rito!"

"Wala kaming pake," ani ni Reign.

"Meron," saad naman ni Syrine. "Magkuwento ka na."

"Ge, magkwento ka. Si Syrine lang may interes dyan." sabat ni Reign na agad sinamaan ni Syrine nang tingin.

I chuckled lightly. "True,"

"Sama nyo! Kasi Syrine, diba may mga requirements tayong ginagawa at deadine na hinahabol nito?" tanong ni Suji kay Syrine. Napatango naman si Syrine. Suji smirked. "Bukas deadline ng mga requirements na ipapasa diba? Angas ko! Ngayon lang ako gagawa! Ngayon lang ako nagkaroon ng gana eh!"

Napalukot ang mga mukha namin dahil sa sinabi ni Suji.

"Oh, diba walang kwenta?" napairap si Reign.

"Oh, shut up!" sigaw ni Syrine sa kanya. "Lahat naman mahilig mag procrastinate!"

"Pero di ganyan kalala," sabi ko.

"Tama," pag agree naman ni Reign.

"Grabe kayo sa akin! Normal lang to noh!" sabi ni Suji at tumayo na bago niligpit ang mga gamit nya. "Syrine, sama ka? ABM building ako."

"G!" sabi naman ni Syrine.

I rolled my eyes. "Ganyan ka na ba kainlove kay Eros kasi pupunta ka na talaga sa building nila?"

Nagulat si Suji sa tanong ko. "Sira!"

Natawa na lamang sila Syrine at Reign sa reaksyon ni Suji. She seems defensive. Okay lang naman sa akin kung may jowa ulit sya. Ayoko lang kung katulad man iyon ni Luis. I hate seeing her cry again. Saksi ako kung paano nya iniyakan si Luis dati. Kaya nga nagulat ako nang malamang nakayanan nyang iwan na si Luis.

Umalis na rin si Reign. May pupuntahan lang daw. Umalis nalang din ako sa Cafeteria at tumungo sa isang table rito sa may mga bench banda. Umupo nalang ako dito at nilapag sa lamesa ang mga gamit ko.

Fresh air, nakakagana.

"Here, coffee."

Napaangat ang tingin ko. I automatically smiled. Si Gin pala ito. I accepted the coffee and let him sit beside me. Tahimik lamang kami. Parehong nagrereview. We're both busy with our books. Silence hugs the atmosphere but the awkwardness didn't.

For the first time in my life, I adore the silence.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro