Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06

Chapter 06
Zari

"Are you asking me out for a date?"

I raised a brow at him. I can't believe this man wanted me to be his girlfriend. I mean, do I look like I wanted to have a boyfriend?

"Yes," he smiled shyly. "But, if you don't want it, I won't force you."

"Oh, thanks," I spoke. "But I'm sorry I hate taking risks. I hate commitments."

He licked his lips. Nakatitig pa rin si Gin sa akin. "I really like you."

"Well, I don't." tanging sabi ko.

Agad-agad akong umalis papalayo sa kanya. I changed my mind. I don't wanna be friends with him anymore. Ayoko na ring makausap o makasama man lang sya. I don't want any man who likes me.

"Uuwi ka na kaagad?" gulat na tanong sa akin ni Suji nang nagpaalam na ako kaagad sa kanya na uuwi na ako.

I nodded at smiled at her. "See you on Monday."

"Teka," hinila ni Suji ang braso ko. "Bakit ang aga naman? Balak ko pa sanang mag jam tayo nila Eros ngayon eh. Kasama pa naman natin mga pinsan nila."

"Kayo nalang muna," saad ko.

As much as I can, I wanted to avoid Gin. His confession is too much for me to handle. Hindi ko lang talaga alam kung nagbibiro ba sya sa paraang pagtanong nya kung pwede ba kaming maging mag jowa o totoo talaga yun. But I don't care if it's either true or not, I still want to avoid him.

He's dangerous for me.

"Maybe we lost in translation! Maybe I asked for too much! But maybe this thing was a masterpiece until you tore it all up!" pasigaw na iyak ngayon ni Syrine.

Kanina kasi biglang pumunta si Syrine sa bahay. She looked so broken hearted. Sabado naman bukas kaya hinayaan sya ng parents nya at nila Mama na dito muna matulog. She's just crying while singing. Tinext ko nalang din sila Reign at Suji about dito kaya nagmamadali kaagad silang magpaalam sa parents nila na dito muna sa amin matulog.

"I did my best, but I guess my best wasn't good enough!" pagkanta na naman ni Syrine, napapahagulhol na sya kaya kaagad akong lumapit para hagurin ang likod nya. She smile sadly at me, tears are still streaming down my cheeks. "Alam mo, Zari, ang sakit ng ginawa nya."

"What happened?" I asked.

She may be irritating sometimes, but still, she's my cousin. Kahit na anong mangyari, kadugo ko pa rin sya. I also love her though. Hindi ko lang pinapahalata.

Naiyak lalo si Syrine. "Niloko nya ako!"

Napaiyak sya lalo kaya wala akong ibang nagawa kundi ang hintayin na dumating sila Reign para may kasama akong mapakalma ito. Nang dumating na sila sa wakas, kaagad silang dumalo kay Syrine at tinanong kung ano ang nangyari.

"Ha? Hiniwalayan ka? Akala ko ba fling lang?" tanong ni Reign.

Syrine pouted. "I lied."

"Jowa mo pala sya?!" sigaw ni Suji. "Ay teka, yun ba yung kasama mo nong pinakilala ni Reign si Justin?"'

"Hindi," si Reign na ang sumagot kasi mas lumala ang pag-iyak ni Syrine ngayon. "Si Tobias Castres. Jowa mo pala yun? Akala ko fling lang yun."

"Ay, mukhang fuck boy yun eh." saad naman ni Suji.

"Ang sakit!" napahikbi si Syrine. "Ginawa ko naman ang lahat para lang maging masaya sya sa relasyon namin pero wala pa rin. Naghanap pa rin sya ng iba!" napapikit si Syrine habang tumutulo pa rin ang mga luha nya. "Ang sakit talaga! Hindi ko na kaya!"

I don't know who the fuck Tobias Castres is, pero alam ko sa sarili ko na gusto ko syang sapakin. Seeing Syrine hurting because of him aches my heart. Halata kasi na gustong gusto talaga sya ng pinsan ko. But he broke her precious heart.

That's the scariest part of being in love. When the rainbow suddenly fades away as the butterflies disappear.

"Manonood tayo ng sine! Para makamove on ka kay Tobias!" sigaw ni Suji kay Syrine na nakahiga pa rin sa kama ko.

It's already 10 am. Naligo na kaming tatlo at nakakain na pero si Syrine ay nananatili pa ring nakahiga sa kama. Ayaw nyang bumangon.

"Ayoko!" sigaw ni Syrine. "Sya naaalala ko palagi pagdating sa sine!"

"Pucha, aalis na nga lang ako." saad ni Reign at tumayo na.

Lahat kami ay napalingon kay Reign na busy na sa pagtipa sa phone nya. She's too focused on her phone kaya hindi nya ata nararamdaman ang mga titig namin sa kanya. She's so weird right now. She's also seems to be bothered by something. Pero ayaw nyang sabihin sa amin kaya nakakafrustrate.

"Aalis na ako," sabi ni Reign, nakatingin pa rin sa phone nya. "Kita nalang tayo pagka lunes sa school. Kayo na bahala kay Syrine. Bye."

"Hala, huy!" pigil ni Suji kay Reign pero nakalabas na ito sa kwarto ko kaya walang ibang nagawa si Suji.

Dahil dito, kaagad na tumayo si Syrine at naligo na. She also ate some food bago namin napagpasyahang mangabayo dito sa lupain ni Papa.

"Ang fresh ng air." saad ni Suji nang makapunta na kami sa may dulo ng lupain. "Sarap sa feeling."

"Oo," saad ko naman.

Napairap nalang kami ni Suji nang marinig na naman namin ang iyak ni Syrine. She's still crying about her dumb ex. Binuksan nya kasi ang phone nya at nag online ang gaga. Nakita nya raw ang picture na inupload ng ex nya na may kasamang iba.

"Ang sexy nya! Tangina mo, Tobias Castres! Dinagdagan mo lang ang insecurities ko!" pasigaw na iyak ni Syrine. "Sexy rin naman ako! Pero bakit niloko mo lang ako?!"

Kasabay ng pag iyak ni Syrine ay ang pagbuhos din ng malakas na ulan. Buti nalang wala si Reign, takot kasi sya pagdating sa ulan.

Nanatili lamang akong nakatayo habang nakatingin kay Syrine na kinocomfort ngayon ni Suji. I felt sorry for her. My heart is aching because of her crying.

Dahil dito, nadagdagan ang takot kong magmahal. I don't wanna experience that kind of pain. Hindi ko kakayanin yan.

"You dumped my cousin," nakangising saad ni Eros sa akin.

Nandito kaming tatlo nila Suji sa Cafeteria. Walang class sa first subject dahil may meetings ang mga teachers. Natutulog ngayon si Suji habang nakapatong ang kamay ni Eros sa ulo nito. I drank my C2 before raising a brow at him.

"Yeah. So?"

"A lot of girls want to be his girlfriend."

Walang pake akong tumango kay Eros. "Okay, then."

Napatanga sya sa akin ngayon."Grabe. Hindi mo talaga gusto ang pinsan ko." napahalakhak pa sya. "Iba ka talaga, Alferez."

I just faked a smile at him. I just don't want to be someone's girlfriend yet. I still have a lot of fears when it comes to taking risks. Hindi ko pa kaya.

"Mas iba yung pinsan mong si Tobias." saad ko kay Eros. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko kasi nanlaki ang mga mata nya. "My cousin really love him pero niloko nya lang. So, paano kung sinagot ko nga ang pinsan mo? Edi dalawa na kami ni Syrine na sawi ngayon? Oh, no thanks."

"Grabe ka naman," napahawak pa sya sa dibdib nya. "Ibahin mo si Gin kay Tobias."

"Oh? Why would I?" I raised a brow at him.

"Because we're not the same person. Lahat ng tao may kanya-kanyang personalities. Lahat tayo iba-iba ay paniniwala at opinyon. If Tobias cheated on your cousin, what makes you think that I'll cheat on you also? You're judging me immediately. Hindi mo pa nga ako kilala."

Gulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Napalingon ako rito at nakagat ko ang labi ko. He seemed offended by what I said. But I do have a pride, kaya hindi ko kayang mag sorry sa sinabi ko ngayon. I also wanna express my opinion.

"Oo, hindi pa kita kilala. Hindi mo rin naman ako kilala pa ah? Pero bakit gusto mong maging mag jowa tayo? Ano yun? Gagawin mo akong trial card?!" sigaw ko sa kanya.

He was taken aback by what I've said. Hindi ko alam kung may point ba ang sinabi ko, but I just wanted to burst this out. Hindi pwedeng manatili ito sa utak ko. I really wanna ask him about this. We don't know each other. Magkasam lang minsan at ang pangit pa ng unang pagkikita naming dalawa. That's why I can't understand when he said he likes me.

"I mean it," kagat labing sabi ni Gin. He seems serious.

I sighed and shook my head. "Don't like me."

"And why is that?" He raised a brow at me, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"I'll just break your heart." tanging sabi ko bago umalis na sa harapan nya.

I walked towards the restroom. Pagkapasok ko sa isang bakanteng cubicle, kaagad akong napasandal sa kakasiradong pintuan ko lang. I blew a breath.

Mapait akong natawa sa rasong sinabi ko kay Gin. I'll just break his heart? Lol. Am I really sure about my reason? Or I just said that to cover up the truth that I am most afraid that he's the one who's gonna break my heart. Because I know that I can't see myself hurting him, a precious man.

"So, he courted you?" nakangising tanong ni Suji nang nakaalis na si Miss sa room, kakatapos lang sa discussion nya sa klase namin sa Oral Communication.

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Gin," sabi nya. I rolled my eyes kaya natawa sya sa akin. Siniko nya pa ako na para bang inaasar ako! "Sabihin mo na! Dali! Niligawan ka pala, ha?"

"More like, he asked me directly to date him." I simply said.

Suji raised a brow. Halatang nagulat sa sinabi ko. "Hindi ka nya niligawan? Yung panliligaw na normal na ginagawa ng mga pinoy?" I nodded at her kaya nanlaki ang mga mata nya. "Siraulo yun! Pinoy sya! Hindi sya Amerikano!"

I just shrugged my shoulders off. Kahit naman niligawan nya ako sa paraan na ginagawa ng mga Pinoy, hindi ko pa rin sya sasagutin. I'm afraid to be in a relationship because I don't like to experience some kind of pain.

"Uuwi na ako. Nandito na Driver ko." sabi ni Reign sa akin.

Nandito kami ngayon sa labas ng gate. Hinihintay ang mga drivers namin. Nauna nang umuwi sila Suji at Syrine kasi maaga silang sinundo.

"Sige, ingat kayo." sabi ko kay Reign.

She just nodded at me. Kaagad na syang lumapit sa kotse nila at pumasok na. She rolled down her window and waved her hands at me cutely. I smiled and waved back at her. Pinanood ko lang na umalis ang sasakyan nila Reign.

"Hindi ka pa uuwi?"

I closed my eyes in irritation when I heard a familiar voice. Dumilat ako at sinalubong ang mga mata nya gamit ang mga naiiritang mga mata ko.

"Hinihintay ko pa ang Driver ko." simpleng sabi ko.

He nodded. Nagulat ako nang tumabi sya sa akin. I immediately gave some distance between the two of us. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin pa.

"Na aawkwardan ka na ba sa akin?" biglaang tanong ni Gin sa tabi ko.

Napabaling ako sa kanya. He's looking at his feet while moving it in circular motion na para bang inaaliw nya ang sarili nya roon. I felt guilty while looking at his face. He's so precious for me. He's nice to be a friend pero ayoko na syang kaibiganin pa. It's so sad kasi hindi ko na sya pwedeng makausap pa. Because I wanted to avoid him.

"Yup," sagot ko sa tanong nya kanina.

He smiled sadly. "Sana hindi nalang ako umamin noh?"

"Oo, sana hindi nalang." tanging sabi ko.

A moment of silence. Nanatili lang akong nakatingin sa baba. I was curious of his feelings for me. Kung kailan at kung bakit ba ito nabuo. Ngunit di ko magawang itanong ito sa kanya. In order for me to avoid him, I shouldn't dig deeper.

"Hindi na ba mababago ang isipan mo?" tanong ni Mama, nakanguso na ngayon sa akin. "Sayang naman sya, anak."

I rolled my eyes at Mama. Naikuwento ko kasi sa kanya ngayon-ngayon lang ang pag-amin sa akin non ni Gin. Sinabi ko na rin kay Mama na hindi ko ito magawang magustuhan pabalik. She already knew why. She's my mom, afterall.

"Ma, ayoko talaga." sabi ko.

"Sayang naman, Zari, anak." nalungkot lalo si Mama.

Napasandal ako sa headboard ng kama ko. "Mas sayang yung muntikan ng friendship na nabuo sa pamamagitan namin, Ma."

"My baby is coward." saad ni Mama, napailing na lamang sa akin ngayon.

I closed my eyes and smile sadly. "Everyone is when it comes to love."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro