
05
Chapter 05
Zari
"Sa tingin mo, makakalakad kaya ang isda?"
I rolled my eyes in frustration. Kanina pa itong si Gin sa harapan ko. He's always asking me some nonsense questions. Nagrereview ako kasi may quiz mamaya sa SRS tapos ginugulo nya na naman ako.
"Can you please shut the fuck up? Nagrereview ako para sa quiz namin mamaya!" I screamed at him. Hindi na maipaliwanag ang pagkairita ko sa kanya ngayon.
Napaangat ang balikat nya dahil sa pagkagulat. Hindi nya ata inexpect na sisigawan ko sya. He smiled, takot na ngumiti. "I'm sorry. Magrereview nalang din ako."
"Whatever," I rolled my eyes.
I just continued on reviewing. Naging okay na rin naman ang pag review ko kasi tahimik na ngayon si Gin na nagrereview rin sa harapan ko. Nang magring ang bell, agad na kaming umalis ni Gin at nagsitungo na sa kanya-kanyang building namin.
"Nakapag review ka?" bungad na tanong ni Suji pagkarating ko sa room.
She's standing infront of the class. Hindi naman masyadong awkward kasi busy naman ang lahat sa pagbasa nang mga libro nila. Suji was just putting some face powder on her face. Halatang kagagaling din sa pagreview dahil nakapatong pa rin sa teacher's table ang libro nya sa SRS.
"Himala, nag review." sabi ko, nakatingin pa rin sa libro nya.
"Gaga, syempre!" hinawakan nya ang baba ko at iginiya ang mukha ko pataas para magpantay ang paningin naming dalawa. "Nag review ka ba?"
"Oo," inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa baba ko kasi ang awkward. Baka ano ang isipin ng ibang tao. "Umupo ka na sa upuan mo. Para sa guro yan na upuan, hindi sayo."
I just went towards my seat. Binuksan ko ulit ang libro ko sa SRS para mag review pa ulit. Kinuha ko na rin ang notebook ko para ireview yung notes ko. May mga nasa notes ko kasi na hindi nailagay sa libro.
"Zari, pahingi sagot. Di ko alam tanong ni Miss," magulong sabi ni Bourbon sa harapan ko, sumilip sya sa akin nang hindi na sa banda namin nakatingin si Miss.
I bit my lips. "God showed him love and gave him chances to tell him the truth." pagsabi ko sa sagot.
Napangisi pa sya at kinindatan ako. "Thank you, babe."
"Shut up," iritadong sabi ko.
Bourbon is always like this towards me. Marami sa amin na nanggaling sa Las Esperanza National High School, kaming mga Alferez, pati na rin si Bourbon at ang mga kaibigan nya. Magkaklase kami since grade 7 hanggang ngayon.
Puro pang-aasar lamang ang ambag nya sa buhay ko. Pagpapakita nang motibo na crush ako. Lahat sila ay inaasar kami. Everyone thought that we'll be a perfect couple. But I don't like him. He's a bastard.
"Uy, grabe," napahilot si Bourbon sa leeg nya nang matapos na ang quiz at nakakuha sya nang perfect score. He looked at me and smile. "Thank you sa pagbigay ng sagot, babe."
"Don't call me that," I glared at him.
He just chuckled at me. Pumasok na ang teacher namin sa next subject kaya naging tahimik ang lahat at naging pokus sa discussion. Medyo naaaliw naman kami kasi napaka easy lang naman ng topic, kayang sabayan ng lahat. Oral Com.
"I'm so beautiful, but I was still being betrayed," pagkanta ni Suji sa sinusulat nyang kanta ngayon sa Cafeteria. Napakamot sya sa ulo nya. "Ay potek, ang pangit, di makasabay sa tono."
"Para saan ba yan?" I asked.
Apat kaming nandito. Suji, Eros, Gin, and I. Wala sila Syrine at Reign. Sumabay si Syrine sa kafling nya habang si Reign naman ay hindi namin alam kung bakit hindi sya nakasabay ngayon sa amin sa pag recess.
"Wala, trip ko lang. Bored ako eh," napakibit-balikat si Suji.
"Pikit ka nalang tapos wag ka nang dumilat pa." lokong sabi ni Eros sa kanya.
Napahampas si Suji kay Eros. "Try mo, ikaw nakaisip nyan eh."
Gin and I just shook our heads. Nagsisimula na naman ang dalawa. I stared at Gin. May kakaiba sa kanya ngayon. He seems bothered by something. Nasanay ako sa pagiging maingay nya kaya nakakagulat na ang tahimik nya ngayon. He's just staring at his food right now, like he's thinking deeply.
"Do you have any problem?" I asked him, concerned lang.
Like he always does to me. Hindi naman pwedeng sya lang ang concern sa aming dalawa. I admit that he always annoys me, but I also wanted to be his friend since I witnessed how gentle and good, he is.
He smirked before looking at me. I raised a brow at him which made him chuckles. "Concerned, huh?"
"Just asking,"
He bit his lips to contain himself from smiling but he failed so he just shook his head. "I'm just wondering why everyone keeps saying that gender equality is a must, but ended up being sensitive when it comes to men."
Napakunot ang noo ko. Naguguluhan sa pinagsasabi nya. "What do you mean?"
"I mean, a lot of people says women empowerment, something like that. Then, they would be like gender equality, but they ended up uplifting women only. Don't you get my point?"
I shook my head at him. "Sorry, I don't get you. I mean, how did we come insensitive when it comes to men?"
"Some women always say that women should be treated like that. That woman should be doing this and this. I mean, don't men deserve to be treated like that also? Don't men deserve to do anything also?"
"Gin, I don't understand you." saad ko. "They said women should be, but they didn't say that men shouldn't be. What they did is empowering women, not downgrading men. It focuses on women only because it's feminism."
"Should we all just focus on gender equality? Not just on female or men?" frustrated na tanong ni Gin sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"Let them be if they wanted to empower women, like how us, women, let any man empower men," I said. "But like you, I also want gender equality. I want all to be equally treated right. May it be men, women, gay, lesbian, bisexual, and so many more genders. Because we're all humans, and humans should be treated right."
Gin just nodded and say sorry onto me. I just said it's okay. We just focused on our foods. Nang matapos na kami ay sumama nalang ako kay Gin na pumunta sa library sa school dahil wala ang mga teachers ngayon. May mga meeting daw.
"Wow, interesado ka pala pagdating sa Math." saad ni Gin, nakatingin sa librong hawak ko ngayon.
I rolled my eyes. "I'm in Stem Engineering."
"Mahirap ba?" nag-aalalang tanong ni Gin.
I faked a smile. "Chill lang."
"Paanong chill ba?" natatawang tanong nya ngunit pinilit pa ring imaintain sa pagkamahina ang boses nya. Baka mapagalitan kami ng librarian.
I showed him my tired look kaya natawa sya. "Like this,"
"Chill nga," he laughed.
The librarian heard Gin laughing kaya napagalitan kami. I just kicked Gin's foot under the table. We just read the books that we picked earlier. Nang mag ring na ang bell, lumabas na kami. I was about to walk towards Stem Building when suddenly he called my name kaya napalingon ako sa kanya.
"Here," may inabot syang earphone sa akin. My eyes widened when I realized it was my earphone. Nung hinablot nya last time. "Sinasaoli ko na,"
"Wow, sayo na. Nakabili na ako ng bago."
He laughed. "Natagal ako sa pagsaoli. Nawawala kasi sya sa isipan ko."
I raised a brow. "Really? Wow," I said sarcastically.
He smirked. "Bigla-bigla ka kasing sumusulpot sa isipan ko. Ayan tuloy, nawawala yung earphone sa isipan ko."
I just rolled my eyes. Tinanggap ko nalang ang earphone at umalis na para tumungo sa Stem Building. I was about to enter the room when I heard someone crying kaya tumungo kaagad ako doon. I saw someone being bullied. A man being bullied by 3 men.
"Sige na! Bakit ba ayaw mo nalang sumunod sa amin?! Gusto mo pa bang mabuhay, huh?" sigaw ng isa habang sinisipa sya.
Ang isa naman ay natawa pa habang sinisipa rin ang lalaki. "Hihilain mo lang yung utong nong naka red. Ayaw mo non, mahihila mo utong nya? Maganda naman sya eh." lumapit sya lalo sa lalaki kaya nanginig ito. "Hindi ka na lugi nyan."
"M-Masususpended ako," napasuka nang dugo ang lalaki.
"Wala na kaming magagawa dyan! Gawin mo nalang ang gusto naming ipagawa sa iyo." napangisi ito sa kanya. "Kung gusto mo pang mabuhay,"
Because I was mad at what I've heard, walang pag-aalinlangan na naglakad ako patungo sa banda nila. Malapit na ako sa banda nila nang may humila sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad. I looked at this person who grabbed my arm furious.
"Ano ba?!" sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Gin ito. He looked so serious. There are eleven men behind him, looking at the man being bullied. They looked so similar to each other. They have the same features, yet some do have that serious and cold face while some also have some light aura.
"Hindi ka pwedeng lumapit doon," seryosong sabi ni Gin sa akin kaya napalingon ako sa kanya. He's still holding my arm. "Baka mapaano ka,"
"Pero kawawa yung tao, Gin." iritadong sabi ko. "Hahayaan nalang ba natin syang apihin ng mga pangit na yan?! Mag-isip ka nga!"
"Bakit? Kapag lalapit ka ba, may magagawa ka?" biglaang pagsingit ng isang kasama ni Gin.
He looked so cold and serious. He's puffing a cigarette while staring at me, almost mocking me. I rolled my eyes at him. Dinagdagan nya lang ang pagkairita ko kay Gin.
"Shut the fuck up, Devyll." mariing sabi ni Gin dito.
Devyll? Yan pala ang pangalan nya? Weird.
"Come here," hinila ako ni Gin kaya iritado akong sumunod sa kanya. Tumigil kami sa isang pwesto na wala masyadong tao. Gin looked at me irritatedly. Tinignan ko rin sya sa ganoong paraan kaya napabuntong hininga na lamang sya. "Let us handle it."
"Really? Kayo?"' I scoffed. "Funny,"
"We're from ABM building. Pumunta kami sa STEM building dahil dito kasi nagpapatulong sya. So, wag ka nang makialam muna." he sighed. "Please? Pumasok ka nalang sa room mo."
"And why would I believe you?" I shrugged my shoulder and raise a brow at him.
He clicked his tounge. "Yun lang naman kasi ang rason para pumunta kaming lahat ng pinsan ko sa building na ito."
Natahimik ako dahil sa sinabi ni Gin. I just sighed and nodded at him. Hindi ko rin naman pwedeng ipilit na ako na ang tutulong sa lalaki. I know this would hurt my pride but I must admit na wala akong kakayahan pagdating sa pakikipag-away.
"Late ka ah," sabi ni Suji nang makapasok ako sa room.
Pinapasok ako ni Sir. Mabait kasi si Sir kaya hindi sya nagagalit kada may late. He always tries to understand us, students, kasi dumaan din daw sya sa pagiging estudyante.
I smiled. "Sorry."
I just went to my seat. Nakinig na lamang ako sa discussion ni Sir. May group activity na naganap kaya nag participate na rin ako. Napairap na lamang ako nang kagrupo ko pala ngayon si Bourbon.
"Naks, ikaw leader, gusto mo?" tanong ni Bourbon sa akin.
"Nope, iba nalang."
"Si Zari raw leader! Gusto nya raw!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bourbon. Hinampas ko kaagad sya pero kaagad syang lumipat ng pwesto kaya hindi ko sya nahampas. I immediately turned to my other groupmates.
"Ay, hindi. Ayoko. Iba nalang." saad ko sa kanila.
"Ikaw nalang, Zari."
"Oo, ikaw nalang. Matalino ka naman eh."
"Oo, tsaka ikaw lang ang nakikita naming pwedeng maging leader sa grupo natin."
Sabay-sabay na sabi nila. I tried to change their minds again pero gusto talaga nilang ako ang maging leader kaya wala akong ibang nagawa kundi ang maging leader nalang ng grupo. I was cursing Bourbon at my mind while doing the group acitivity that has been given onto us.
"Kami pinaka highest! Wooh!" sabay na sabi ng mga kagrupo ko.
I just rolled my eyes. Nadrained ako dahil sa group activity na to. Kailangan kasi pabilisan ng pagsulat at pag arrange ng pictures. I immediately went outside the room para pumunta sa Cafeteria. Tapos naman na ang klase kaya pwedeng lumabas na sa classroom.
"Isa pong tubig, yung 20 pesos. Salamat." sabi ko sa tindera.
She just nodded and gave me a water. I paid her naman bago tumungo sa isang table. Uminom kaagad ako nang tubig pagkaupo ko at napahawak sa noo ko. Pagod na ako. I didn't expect na mapapagod ako dahil lang sa isang group activity.
"Are you okay?"
Napaangat ang tingin ko sa may-ari ng boses na ito. Si Gin lang pala. No, scratch that. Si Gin pala ito.
"Yeah, just tired." sagot ko naman.
Umupo sya sa harapan ko. I should be irritated by his presence pero hindi ako nakaramdam ng pagka irita. Maybe, because I am happy that he helped someone who needed help?
"Natulungan mo na ba sya?" I asked. "No, I mean, natulungan nyo na ba sya?"
He drank his C2. "Uh, yeah."
"Good." napahinga ako nang maluwag. "Concerned talaga ako."
Napangiti sya sa akin. "Oo, halata naman. Kami rin."
"Pinsan mo ba sila?"
He nodded. "Dami namin noh?"
"Kasing dami namin," saad ko.
He just chuckled. I just drank my water. Nang maubos ko na ang tubig ko, tumayo na ako para bumalik na sa classroom. I stood up, not saying any words onto him.
"Zari?"
I stopped. Napalingon ako sa banda nya.
I raised a brow. "What?"
"Would you like to go out with me?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro