Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03

Chapter 03
Zari

"Kamusta ang pag-aaral nyo, mga apo ko?"

Napatingin kaming lahat na magpinsan kay Lola dahil sa tanong nya. Nasa gitna kami ng dinner nang bigla kaming tinanong ni Lola nito. Katabi ko si Mama kaya napahawak sya sa hita ko na para bang sinasabing ako na ang unang sumagot sa aming mag-pinsan.

"Okay lang naman po, Lola." ako na ang unang sumagot.

Inabot nya ang baso ng tsaa nya bago ngumiti sa akin. "Mabuti naman." napalingon sya sa iba ko pang mga pinsan. "Kayo, ayaw nyo bang sagutin ang Lola nyo?"

"Okay lang din po yung amin." sagot ni Suji.

Napatango naman si Lola at nag pokus na lamang sa pag kain nang hapunan nya. Nabaling na lamang ang topic sa mga kompanya nila Papa at ng mga kapatid nya. It was fun at first, but Lola suddenly became mean on Mien- my cousin, as always.

"Bakit ayaw mong maging businesswoman? Ayaw mo bang gumawa ng isang bagay na matutuwa ang mga magulang mo? Puro nalang mga walang kwentang bagay talaga ang dulot mo sa pamilyang ito, Mien Zieran. Hindi ka na ba talaga nahihiya?" biglaang pagsabog ni Lola kay Mien kaya natahimik kaming lahat.

Mien was unbothered by it. Nanatiling kumakain pa rin kahit na kung anu-ano na ang mga masasakit na salita ang binabato sa kanya ni Lola. Pero kung nandito man si Zafina- isa pa naming pinsan ay sya naman ang pagbubuntungan ng galit ni Lola. Apo kasi sya ni Lolo sa labas.

Galit si Lola kay Mien at sa ina nyang si Tita Kenla dahil maaga itong nabuntis daw ni Tito Brent. Sinira raw nila ang future ni Tito Brent. Para sa akin ay si Tito Brent naman ang sumira sa future ni Tita Kenla. Mayaman naman ang Alferez. Bakit hindi nalang kasi bumili si Tito ng condom?

Galit din si Lola kila Zafina at mga parents nya. Dahil si Zafina at Tito Rey-papa ni Zafina, ang naging bunga ng kasalanan ni Lolo kay Lola dati. Lolo cheated on her.

"Mama!" suway ni Tito Brent kay Lola. "Tama na po yan. Kung itutuloy nyo po ang pang gaganyan sa pamilya ko. Hindi na talaga kami sasalit ulit pag may family dinner na naman!"

Lola raised her brow on Tito Brent. "Huwag mo akong hinahamon, Brent."

"Allegra, tama na yan! Sumusobra ka na!" suway ni Lolo kay Lola.

Natahimik si Lola dahil dito. Napahinga naman kami nang maluwag. Wala ng naging topic dahil sa ginawa ni Lola kay Mien kanina. Nagmadali nalang kami ng mga pinsan ko sa pag kain para maka alis na sa lamesa. Tumambay nalang kami sa may garden.

"Mien, wag mo nalang yun pansinin."

"Proud kami sayo noh."

"We love you."

Sabay-sabay naming sabi kay Mien nang nasa garden na kami. Umupo lang sya sa may bench at tipid na ngumiti at tumango sa amin bago bumaling na kila Fleyziah, Sienna, at Kaia.

"Grabe si Lola," tanging sabi naming lahat.

Hindi kami close lahat pero nag-uusap lang minsan lalo na at may insidenteng ganito. Tumungo nalang kaming apat nila Suji sa pinakagilid. Umupo lang ako sa may bench.

"Lola was mean." sabi ni Syrine.

Napairap kaming tatlo sa kanya.

"Naging topic na yan kanina. Tama na. Move on na." saad ni Suji kay Syrine, tinatapik pa ang balikat nito.

Syrine groaned. "Gusto ko lang pag-usapan natin ulit."

"Kausapin mo sarili mo," aniya ni Reign sa kanya.

Napatanga si Syrine kay Reign. "How can I do that?"

"Pati yan, di mo alam?" napairap pa si Reign sa kanya.

Napailing na lamang kami ni Suji nang nagsisimula na naman ang dalawa sa pag-aaway. We just talked about their crushes. Nagulat pa ako kasi biglang sinabi ni Reign na may ka-fling na raw sya!

"Congrats," saad ko kay Reign na lamang.

"Thanks," sambit nya. "Sayo, kailan?"

"Ew," tanging sabi ko na tinawanan na lamang nila.

Pagkalabas ng mga magulang namin, nagsiuwian na kami. Hinanda ko na lamang ang PE ko kasi ito ang susuutin ko bukas. After doing it, natulog na rin ako kaagad.

Weeks has passed kaya mas lalo akong naging focus sa acads. Pahirap nang pahirap ang topics araw-araw. May mga break downs na rin ako dahil dito pero nakakaya ko rin naman kaagad ito. Konting iyak lang araw-araw.

"Gusto kong kumain nang siomai rice!" pasigaw na kanta ni Suji kasama ang bago nyang kaibigan na si Eros Castres- pinsan daw ni Gin.

Hindi ko alam kung paano sila nagkakila. Wala na rin naman akong pake dahil mukha namang matinong tao si Eros. Magkasabay kami ngayong tatlo mag recess dito sa Cafeteria. Nakakahiya kasi ang daming napatingin sa banda namin. Ang ingay nilang dalawa! Naiirita na ako!

"Malaya ka na!~" pasigaw na pagkanta ni Suji, napapapikit pa. "Magagawa mo na!~"

"Oh! Teach me how to dougie!" biglaang pagkanta ni Eros kaya napapasabay nalang si Suji sa kanya rin.

Napahawak ako sa ulo ko. "Naiirita na ako."

"Calm down, beybe!" siraulong sabi ni Eros sa akin.

Napailing na ako at tumayo na para umalis sa banda nila. Tumungo na ako papunta sa restroom at muntik pa akong mapaatras nang makitang nakasandal si Gin sa labas ng restroom na para sa mga lalaki habang may pinipindot sa phone nya.

Napairap nalang ako at tumungo na sa para sa mga babae at umihi roon. I washed my hand tapos pinunasan gamit ang panyo ko.

"Hi, Miss Zari! Miss mo ako?"

I faked a smile to Gin. Nakagat pa nito ang labi nya na para bang tuwang tuwa sya sa reaksyon ko. Kung pwede lang manaksak, sinasaksak ko na to.

"Hindi," I plainly said.

"Talaga? Like, hindi ka napatanong sa sarili mo kung bakit hindi mo ako nakita nang dalawang linggo?"

Napatanga ako sa tanong nya. Ang kapal ng mukha. "Hindi. Pake ko ba? Gusto ko pa nga sanang hanggang matapos ang school year na hindi ka makita eh."

"Talaga ba?" napanguso pa sya. "Paano kung totohanin ko yan?"

I smiled sweetly at him. "I would love that!"

"Grabe!" sabi nya.

Inirapan ko lang sya bago ako tumungo pabalik sa Cafeteria. Bumili lang ako nang chips at juice bago tumungo na sa labas ng building at umupo sa may bench. I just did some review habang kumakain at umiinom.

"Studious,"

Napaangat ang tingin ko rito. Si Gin lang pala. Nakangisi sa akin, halatang inaasar ako.

"Wala kang pake."

I hate this man.

Tumayo na ako at umalis na sa papalayo sa kanya. I just went towards STEM building at dumiretso na sa classroom. Napairap ako nang lumapit sa akin si Bourbon Alias, classmate ko. Kukulitin na naman ata ako.

"Zari, alam mo ba?" he smirked onto me.

I raised my brow. "Hindi, ano ba?"

"Kung may research paper na, hinihiling ko na sana kagrupo kita."

I smiled at him. "Ako hindi."

I stopped myself from laughing when he got offended by my sudden attack. Pero wala akong planong bawiin iyon. Ibigay nyo na lahat ng parts sa research paper na iyan, wag lang ang hayaan akong maging kagrupo si Bourbon Alias. I hate him.

"Gaga! Hali ka! May ipapakilala si Reign sa atin!" dali-daling sabi ni Suji, hinihila na rin ako papalabas sa room.

Hinihingal kaming dalawa nang makarating na kami sa bench kung nasaan nandon nakaupo sila Syrine, Eros, Reign at ang katabi ni Reign na hindi ko kilala. Wala rin akong balak na kilalanin pa sya. Unless, he wanted to introduce himself.

"So, anong meron?" tanong ko pagkaupo sa tabi ni Syrine.

"Kafling ni Reign," bulong sa akin ni Syrine. "Iba talaga pinsan natin. Ayaw sa mga guwapo."

Napalingon ako sa katabi ni Reign na kafling nya pala. They are talking so sweetly. Ngayon ko lang nakitang naging mahinhin at namumula ang mga pisngi ni Reign habang kausap ang kafling nya. I just rolled my eyes. Wala talagang standards si Reign pagdating sa mga lalaki. Sana pala hindi nalang sya nainlove.

"So, Zari, this is Justin, uhmm.." pagpapakilala ni Reign kay Justin sa akin. "Kafling ko." she said awkwardly. "Justin, si Zari." pagpapakilala ni Reign sa akin kay Justin. "Pinsan ko."

"Hi," bati ni Justin sa akin at tipid na kumaway. I just smiled at him.

Well, he looks rich. May isang biyaya pa palang syang natanggap.

Pinanood na lang namin si Reign na kinakausap ang kafling nya. Hanggang sa dumating na rin ang kafling ni Syrine na Hero raw ang pangalan. Napalingon na lamang ako kay Suji na busy kachikahan si Eros.

"Hey," tawag ko kay Suji. Napalingon sila pareho ni Eros sa akin. "Where's your boyfriend? Himala, hindi mo pinapunta rito."

Natawa si Eros. "Broken hearted pinsan mo, Zaritol. Break na raw sila kagabi pa." tinapik nya ang balikat ni Suji. "Kawawa iniwan. Bawi ka nalang next life."

"Shut up, nafriendzoned." saad naman ni Suji kay Eros.

Tuloy ang asaran nilang dalawa kaya napagpasyahan kong umalis nalang at pumunta sa may gate para kumain nang fishball habang hinihintay ang driver ko na sunduin ako. I just bought 10 fishballs. Pumunta ako sa may gilid at tahimik na kumakain.

"Lonely mo naman, Miss Zari Mina Alferez."

Gulat akong napalingon sa harapan kong si Gin ngayon. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Kaibigan mo pinsan ko, Miss." napangiti pa sya.

"We're not friends. Sila lang ni Suji."

Sinundan ko nang tingin si Gin habang naglalakad sya patungo sa tabi ko.

"Inadd kita sa Facebook. Accept mo ako."

"Uh, no," I said.

Napakunot ang noo nya. "Bakit naman hindi mo ako iaaccept?"

"Bakit naman kita iaaccept?"

"Kasi crush mo ako?" mahanging sambit ni Gin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Kung may dala lang akong kutsilyo, sinaksak ko na to. "Ang kapal ng mukha mo."

Since I was a child, wala akong naging crush na kaugali ni Gin. I like boys who doesn't give a fuck about me. Gusto ko yung walang pake sa akin. Ayoko sa mga lalaking kinukulit ako at lalo na yung mga lalaking gusto ako. I found them annoying. Mga mahihilig sa commitment.

I am the type of person who doesn't want to commit. Magkakamatayan na. I hate risks, I'm afraid of that.

"Oh, so you hate him? Sayang, feel ko bagay kayo." kinikilig na sabi ni Mama sa akin ngayon.

Napaupo ako sa kama ko. Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. I told her about Gin. Lahat ng ginawa ni Gin sa akin, sinabi ko kay Mama. Akala ko maiirita rin sya pero mukhang kinikilig pa sya.

"Ma, siraulo yun! Ayoko don!" mariing sabi ko.

Napalabi si Mama pero nanatili pa rin ang panunukso sa mga mata nya. "I like him for you. Halatang gustong gusto ka."

"Hindi nya ako gusto! Inaasar nya lang ako, Ma!"

"No, he likes you! Ganyan ginawa ni Papa mo sa akin dati! Inaasar ako palagi! Oh, kita mo na anong nangyari?" napaturo si Mama sa sarili nya. She smiled sweetly. "Naging mag-asawa kami."

"Tapos nabuo ako," napairap ako.

"Like him back!" panunudyo ni Mama sa akin, niyuyugyog pa ang mga balikat ko.

Umakto akong nasusuka at lumayo na kay Mama. "Ayoko!"

"Why?" naguguluhang tanong ni Mama sa akin.

Napahilamos ako. "Mas gusto ko nalang maging hotdog."

Natawa nalang si Mama sa akin bago kami sabay na baba para kumain nang hapunan kasama si Papa na kakarating lang galing sa trabaho. I gave him some kiss on his cheeks.

"May nagkakagusto na sa anak natin, Lucas!" kinikilig na aniya ni Mama kay Papa.

Napairap si Papa. "Okay, Blayne."

Napakagat si Mama sa labi nya. Napangiti ako. Lagot. Tinawag nya si Papa sa unang pangalan nito. Gusto kasi ni Papa na Mahal ang itatawag nila sa isa't isa.

"Sorry na, Mahal. Naexcite lang akong ikuwento sa iyo na may interesadong lalaki na sa buhay ni Zari!"

"Ma!" suway ko kay Mama. Ayokong sabihin nya ito kay Papa.

Striktong napalingon sa akin si Papa. Tinaasan pa ako nang kilay. "Malas naman ng lalaki."

Napaawang ang labi ko. "Pa!"

Natawa nalang sila pareho ni Mama sa akin. I just shook my head and rolled my eyes at them. Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kuwarto para ihanda ang sarili bago ako matulog. Pagkahiga ko sa kama, kinuha ko lang ang phone ko para tignan ang Facebook ko.

Gin Callen added you as a friend.

Accept | Delete

Napapikit ako at napahinga nang malalim bago inaccept ang friend request nya. Alam kong aasarin nya ako lalo dahil dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro