02
Chapter 02
Zari
"Zari, galit ka ba sa akin?" nakangusong tanong ni Suji. "Sorry na. Kiss kita, gusto mo?"
"Nagrereview ako. Please lang." saad ko, nagrereview sa hawak kong libro namin sa Earth Science.
"Sige na nga. Pakopya mamaya, ah?"
I turned the pages. "Malayo upuan natin."
"Ipagdikit natin." napahalakhak pa sya.
I just shook my head and focused on reviewing. Nakakaba talaga kapag may quiz kasi magiging competitive ka bigla lalo pa at lahat ng mga estudyante rito sa Havien University ay mga matatalino.
"Gagi, di ako nag review." kinakabahang aniya ni Suji nang makarating na kami sa classroom.
"Mataas ang time kanina. Di ka nag review." sabi ko.
Napanguso sya. "Piano technique nalang tayo?"
"No. Di ako marunong non. Manghingi ka nalang kay Trina. Iyang katabi mo. Matalino yan, baka pakopyahin ka. Try mo." saad ko bago umupo na sa upuan ko.
Napatingin na lamang ako kay Suji na umupo na sa upuan nya habang kinakausap ang katabi nyang si Trina. Trina is a nice woman. Baka pakopyahin sya. Di kasi nag review. Puro lang chika. Pero pigil ko na lamang ang tawa ko nang inilipat ni Sir si Trina nang upuan papalayo sa banda nila Suji. Kaya ayon, wala syang makokopyahan na.
"Gago, potek dos lang score ko sa quiz! Di ako nakakopya, badtrip! Nilayo sakin ni Sir si Trina!" pagrarant ni Suji nang nandito na kami ngayon sa Cafeteria kasama sila Syrine at Reign.
Natawa si Syrine. "Oh, bawi ka nalang next quiz."
"Next life nalang." saad naman ni Reign.
"Gaga! Badtrip! Dos lang." naiyak si Suji. "Bakit ba kasi ako pinanganak na bobo?"
"Mag review ka kasi." sambit ko.
Napanguso si Suji bago tumabi sa akin at humawak sa braso ko. "Sa second sem, sana magkatabi tayo."
"Ayoko. Okay na ako sa seat ko." sambit ko naman na ikinanguso lalo ni Suji.
Natawa na lamang sila Reign at Syrine sa amin. We just ate some snacks para masulit ang recess bago bumalik na sa kanya-kanyang room namin. GenMath, discussion lamang ang naganap. I just took some notes para hindi ako mahirapang mag review. Medyo mahirap kasi mag review pag walang notes.
"Pakopya ako nang notes mo para maging matalino ako kagaya mo." saad ni Suji sa akin, hinatak ang notes ko.
"Ibalik mo sa akin pagkatapos mo. Magrereview ako mamayang gabi." saad ko, nagliligpit nang gamit para makaalis na sa room. Tapos na kasi ang klase.
Sumabay lang kami ni Suji kila Reign at Syrine para kumain nang street foods sa labas. I enjoyed it naman kaya hindi ako masyadong nabahala sa ginasto kong pera. Well, it makes me full though.
"Kamusta, Zari? You good?" pormal na tanong ni Papa habang kumakain kami nila Mama ngayon nang hapunan. "How about your acads?"
"I'm doing good, Pa. Okay rin ang acads ko."
"Ang talino." proud na sabi ni Mama. "Mana sa akin."
"Sa akin sya nagmana, Mahal." may panlalambing sa tono ng boses ni Papa habang sinasabi nya ito kay Mama. Bumaling sa akin si Papa. "Naalala mo pa rin yung usapan nating dalawa?"
"Yes, po."
Ang usapan namin ni Papa ay tungkol sa grades ko. Kapag may 90 pababa ako na grade, hindi na sila papayag ni Mama na Engineering ang kukunin ko. We have a company. Pinaghirapan iyon nila Mama at Papa pero dahil sa kagustuhan kong maging Engineer, hindi ko maaalagaan ang kompanya ni Papa. Mauuwi lang sa wala ang mga efforts nila.
I talked about this before with them. We just made an agreement. Rerespituhin naman daw nila ang desisyon ko, because I'm still their daughter. Hindi lang din naman ako ang sumuway sa mga gusto ng mga magulang. Ang dami ko pang mga pinsang Alferez na iba ang nais na maging trabaho. Usapan kada may reunion.
"May crush na ba ngayon ang dalagita ko?" panunudyo ni Mama sa akin ngayon habang nasa kwarto kami.
I'm doing an assignment at my study table, while Mama is sitting on the side of my bed, looking at me with a smile on her face. Napanguso ako kay Mama kaya napangiti sya lalo.
"Ma, wala po. Kung meron man ay sasabihin ko naman iyon kaagad sa inyo." sabi ko.
Napabuntong-hininga si Mama at tumayo bago lumapit sa banda ko. She caressed my back. "Wala ka bang natitipuhan ngayon na lalaki, anak?"
"Wala, Ma. Puro sama ng loob lang nakukuha ko sa lalaking iyon." saad ko.
"Uy! Sino yan?"
Nagulat ako sa biglaang pag sigaw nang tanong ni Mama. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko narealized na nasabi ko ang isang bagay na yun. Naalala ko na naman ang gagong iyon. Sana malunok nya yung earphone ko.
"Wala, Ma. Schoolmate lang." simpleng saad ko kay Mama na ikinairap nya lang nang pabiro.
Patuloy lamang ang pag-uusap namin ni Mama hanggang sa natapos ko na ang assignment ko. She immediately left to let me sleep already. Maaga pa ako bukas.
"Ma, sabay na kami nila Suji mamaya para sa family dinner. Pakisabi nalang kay Manong na di ako magpapasundo muna ngayon." saad ko kay Mama.
Nakaalis na kanina si Papa. Maaga syang pumunta sa opisina nila. Pero may isinabi sya sa amin ni Mama na pupunta raw kami sa bahay nila Lolo at Lola para mag family dinner.
Lahat ng mga Tito at Tita ay nandoon, dala ang mga pinsan ko. Ngunit alam na ng lahat sa amin na hindi makakapunta sila Tito Rey mamaya dahil ayaw silang makita ni Lola. Lola is still holding grudges due to Lolo's betrayal onto her before.
"Okay, Zari. Ingat kayo mamaya! Love you!" saad ni Mama.
Nasa may pintuan na ako para sana lumabas na pero bumaling ulit ako kay Mama na nasa may bandang couch nakaupo. I smiled and waved my hands at her. "Kayo rin ni Papa mamaya, Ma. Bye! Love you!"
Nagpahatid na ako sa driver ko patungo sa paaralan. Sinabi ko nalang din sa kanya na hindi na ako magpapasundo pa mamayang hapon baka kasi makalimutan ni Mama na sabihin ito sa kanya. Makakalimutin pa naman si Mama.
"Sumabay ka nalang sa amin, Ren." pag suggest ko sa isa rin naming pinsan na si Ren Yeshia.
Sabay na napatango sila Suji sa sinabi ko. Halatang nahihiya sya sa amin ngayon kaya pinipilit namin syang maging komportable sa amin. 11 ang pinsan ko sa Alferez at hindi ko close ang lahat sa kanila. Ang nakaclose ko lamang ay sila Suji, Reign, Syrine, Ren, at Fleyziah. Ang iba ay nakakausap ko lamang minsan pero hindi masyadong close kagaya kila Suji.
"Sige. Itetext ko nalang ang driver ko. Kita nalang tayo sa gate mamayang 4PM." saad ni Ren Yeshia na agad naman naming tinanguan.
Kumain lang kami nang recess. Umuna na si Suji sa classroom dahil may gagawin pa raw syang assignment doon para sa first subject ngayong hapon. Ngayon lang kasi raw nya naalalang may assignment pala sa MIL.
Nandito lang ako sa restroom. Nakatingin sa harapan ng salamin habang naghuhugas nang kamay. I wiped my hands para hindi ito basa na bago lumabas sa restroom.
"Aw!"
"Shit!"
Sabay na sabi namin nang nabangga ko ngayon pag labas ko sa restroom. Iritado ko itong tiningnan pero kaagad ding natigilan nang makitang si Gin pala ito. Nakangisi na ang moko habang hawak ang dibdib nya.
"Hi, Miss. Anong ginawa mo sa restroom? Nagpapahinga?" napangisi lalo ang moko.
I faked a smile. "Kinukulam ka."
"Ha? Ano yun? Di kita narinig. Sorry," nilapit nya pa ang tenga nya na para bang gusto nyang marinig ulit yung sinabi ko. "Pinapantasya mo ako?"
"Shut up." saad ko, itinulak na ang mukha nya papalayo sa akin.
Naglakad na ako papalayo sa kanya pero napairap ako nang marinig na tinawag ako ng gago. Iritado ko syang nilingon at para namang naaliw ito habang nakatingin ito sa akin ngayon.
"Hindi ako madamot," sabi nya sa akin kaya napataas ang kilay ko, naguguluhan sa pinagsasabi nya. He bit his lips. "Gusto mo ibigay ko sayo yung apelyido ko?"
"Ew, cringe." tanging sabi ko bago tinalikuran na sya at umalis na.
Tumungo na ako kaagad sa STEM Building para makapunta na sa classroom. Buti nalang at kakarating lang ni Miss pagpasok ko sa room kaya hindi ako nasarhan nang pintuan. Nakinig na lamang ako sa discussion namin na patungkol lang naman sa Evolution ng Media.
"Puntahan nalang kaya natin si Ren sa building nila?" tanong ni Syrine. Napatingin ito sa relo nya. "Wala pa kasi sya rito sa may bandang gate."
"5 minutes. Baka papunta na yun dito." aniya ni Reign.
Sinunod naman namin si Reign. 5 minutes na pero wala pa rin si Ren kaya nag-alala na kami. Pumunta nalang sila sa building nila Ren ngayon, HUMSS building. Ako lang ang naiwan sa gate. Baka kasi pupunta rito si Ren tapos nasa HUMSS building kami.
Matagal sila kaya pumunta ako sa may gilid para hindi makaharang sa mga dumadaan. I just scrolled thru FaceBook dahil nabored ako kakahintay sa kanila. Naiirita na rin ako kasi hindi mahaba ang pasensya ko pero kinontrol ko nalang ang sarili ko.
"Hi, Miss. Sino hinihintay mo?"
Oh gosh, dagdag irita na naman.
"Wala ka nang pake kung sino ang hinihintay ko, Gin Castres." mariing sabi ko, naiirita na talaga.
Nagulat sya sa sinabi ko pero kaagad ding napangisi kaya napairap ako. Siraulo ba to?
"Oh," may inabot syang isang cup na may seven na tokneneng dito. "Sayo na."
"Ayoko,"
Inabot nya pa lalo. "Wala yang lason."
"Hindi ako naniniwala."
"Wala nga! Gayuma lang meron!" natawa sya nang malakas kaya nasipa ko ang paa nya. Ang dami na kasing napapatingin sa banda namin ngayon.
Tinanggap ko nalang ang binigay nya sa akin dahil gutom na rin ako. We just talked for some nonsense things. Pero infairness, nawala pagka bored ko.
"Zari, kasama na namin si Ren!"
Napalingon ako sa banda ng kung sino ang tumawag sa akin. Si Suji pala, kasama sila Ren. I smiled and waved at them. Ang tagal nila ah.
"Zari pala ang pangalan mo. Okay, Zari. I gotta go." ngiti ni Gin sa akin. "See you tomorrow."
"Ah, sana last na to." malditang pagkakasaad ko sa kanya.
Natawa sya nang malakas. "Imposible yan! Makikita mo ako every Monday-Friday kasi susundan kita palagi kung saan ka pupunta! Joke!" natatawang saad nya bago umalis na papalayo sa banda ko, patungo sa isang grupo ng mga lalaki na puro gwapo at halatang mga mayayaman.
I just rolled my eyes. Siraulo talaga. Tinanong ako nila Suji kung sino raw iyon. Hindi ko sinagot ang tanong nila nung una pero makulit sila kaya wala akong choice kundi ang sagutin ang tanong nila. As expected, napatili sila, pati na si Reign na wala naman talagang pake sa mga lovelife namin.
"Castres? Mayaman yan sila, girl! Pumalpak dati yung isang negosyo nila pero kaagad ding nabawi. Mga magagaling na negosyante." kwento ni Syrine, nagningning pa ang mga mata nito.
"Ah ganon ba?" walang pakeng sabi ko.
Natawa sila. Napalingon ako nang sipain ni Ren ang paa ko. "Hindi mo ba sya gusto? Yung Castres na yun."
"Gusto," saad ko kaya napatili sila. "Gusto ko syang sakalin." I smiled sweetly because of their reaction. Puro mga nanghihinayang sa sagot ko.
"Shuta ka naman!" sabay-sabay na sabi nila at napailing na lamang sa akin ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro