
Chapter 8
(Dedicated to thereal_rj)
Chapter 8: Game
Ross' P.O.V.
"Razle tulong!" Hindi ko alam bakit andito siya pero gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
"Salamat Razle, salamat." Nakaramdam ako ng tuwa nung niligtas niya ako mula dun sa magnanakaw. Sobrang saya ko. Muntik na akong mapahamak pero dumating siya para tulungan ako.
Matapos niya akong iligtas, niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Pero may naririnig ako. Isang boses. Tinatawag ako. Unti-unti kong naririnig.
May bumulong sa akin. Fantasies don't exist in realities.
"Ross. Ross Ariane, gising na."
"Huh?!"
"Ross Ariane! Uyy gumising ka na! Mali-late ka sa klase mo nyan." Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko nalang bigla si tita sa gilid ng kama ko. Ginigising niya ako.
ANO? Pero si Razle? Huh?
"Tita?" Nagulat ako bigla nung siya na yung nakita ko at wala naman si Razle. Napaupo na lang ako sa kama. At tinitigan ko siya, nagtataka ako.
"Ross, bumaba ka na ha. Kakain na tayo. Ikaw na bata ka, nananaginip ka nanaman ng kung anu-ano. Tignan mo yang mukha mo. Naglalaway ka nanaman. Hahaha."
Nakakaasar talaga tulo-laway nanaman ako. Yan tuloy si tita tawang-tawa sa itsura ko.
"Tita,naman eh!" Halata namang nagpipigil siya ng tawa. Hay naku!
"Sino nga ba yung sinasabi mong R-Razle? Razle nga ata?" Napakunot-noo naman si Tita.
Hala patay. Bakit siya pa napanaginipan ko? Anong sasabihin ko kay tita?
Bumalik na ako sa katinuan. Ngayon ko lang talaga na realized.
Isa lang yung PANAGINIP. Isang masamang panaginip. GHAD. ROSS. Ano na nga bang nagyayari sa akin?
"Ahhh ehh. Tita. E-Ewan ko po. Hindi ko nga alam b-baka kakilala ko lang po dati. Hindi ko lang po siguro maalala. Hahaha wala yun tita." WALA YUN.
"Ahh okay, kala ko naman kung sino."
"Kung anu-ano nanaman pumapasok sa utak ko. Hehehe sige tita. Mag aasikaso na po ako." Mukhang nakumbinsi naman si tita. Ang weird naman ng panaginip na yun. Siguro nagkakaproblema sa dreamland ko. Hays.
"Ahh sige Ross para makakain ka narin at makapasok na sa school." Nginitian ko si tita at tumakbo na ako sa banyo. Kelangan ko ng maligo. Sa sobrang pagod ko siguro kahapon kaya ganun ang panaginip ko. Pero ang weird. Bakit siya?! NAKU! Yung mokong na yun? Masasama sa panaginip ko? Tsk.
Bakit hindi na lang si Luke? or si JK? GHAD.
"Sige po tita. Good morning po pala!" Nagmadali akong maligo at nagbihis na agad ng uniform ko pagkatapos. Inayos ko narin agad yung mga gamit ko, ayaw na ayaw ko kasi talagang ma-late. Kumain narin kami ni tita ng fried eggs at hotdogs na niluto niya. After naming kumain umalis narin ako. Nagmamadali akong naghanap ng masasakyan. Ayun swerte ko may jeepney na.
Mga ilang minuto lang ay nakarating narin ako ng school. Nakahanap kasi agad ako ng jeepney na masasakyan. Hindi rin naman talaga ganun kalayo yung school ko sa bahay namin kaya nakarating din agad ako. Pagpasok ko palang ng gate, napakarami nang mga estudyante kahit maaga pa naman. Wala naman siguro sa amin ang gustong ma-late. Pwera nalang sa mga walang pake.
Maya-maya ay nakarating narin ako sa room namin. Sa Section 1.
Ganun parin. Parang may rambol na wala naman. Sanay na ako sa kanila. Wala pa kasi si Ma'am V. Naalala ko, ngayong hapon na pala yung game nila Luke. Kaya i-eexcuse na rin kami sa klase mamaya. Hay salamat. First time kong makikita si Luke na maglalaro. Kasing galing niya kaya si Razle? Speaking of-
Hay bakit ba lagi ko nalang siyang iniisip? Lokong lalakeng yun ah. Sinisira ata utak ko.
Nakita ko si Razle papasok sa pintuan ng room. Ang cool niya ngayon. Pero kahapon ganun din naman style ng buhok niya, ng damit at saka wala namang nagbago?
Ganun pa rin yung mukha niya. Hala. Pati mata ko may depekto narin ata. Bakit ganun? tingin ko ang cool niya talaga ngayon? PUNYEMAS. Parang bigla lang siya nag slow motion sa paningin ko.
"Ross? May problema ba? Kanina ka pa ata nakatulala sa may pintuan banda?" Tanong sakin nung nasa kaliwa ko. Ahy oo si Sheyn yung nasa kaliwa ko. Ngayon ko lang napansin. Pero parang ngayon lang din naman niya ako kinausap.
"Huh? Ahh ehh. W-Wala naman. May naisip lang ako. Haha." Napansin ko namang kanina pa pala nakaupo si Razle sa upuan niya.
Hala? Si Razle? Pinagpapantasyahan ko na? No way.
Ang pagpapantasyahan ko lang eh yung "the one and only" ng buhay ko nuh!
Pero sabi nila, ang "forever mo" o yung "the one" mo, hindi na kailangang hanapin pa sa kung saan-saan. Darating din sila sa buhay mo sa "tamang panahon".
Tamang panahon? Kelan kaya? Mag-aantay ako kahit walang forever. Sana makita ko siya sa tamang oras, sa tamang araw o panahon, gusto ko makita ko siya nang hindi pa huli ang lahat. Gusto ko yung oras na yun, nakalaan lang talaga para sa aming dalawa. Yung walang tututol o magiging kontrabida.
Pero sabi rin nila, "walang perpektong relasyon" kasi daw kahit isipin mo pa kung gaano kayo kasaya sa inyong pagsasama. Hindi talaga maiiwasan na magkaproblema, yun bang may makikialam ng samahan niyo, yung tipong sisirain kung anong meron kayo. Minsan nga sa tinagal-tagal ng pagsasama, sa huli pa nagkakaproblema. Hay napakakomplikado talaga ng buhay. Lalo na yung buhay pag-ibig na yan.
GHAD. ROSS. Hala? Hugot eh!
Saan ko naman kaya nahugot tong mga pinagsasabi ko?
Tadhana. Sana bati tayo. Haha. Wag mo akong paglaruan ha!
Kanina pa pala nagsimula yung klase. Ngayon ko lang napansin na kanina pa kakasalita si Ma'am V sa harap. Nakakaboring. Kaya siguro lumilipad nanaman ang utak ko sa kung saan dahil sa naboboring na talaga ako.
Buti na lang hindi lahat ng sinasabi ng utak natin, ay sinasabi rin ng bibig natin. Nakakatuwang isipin na hindi sa lahat ng oras pipilitin ka ng bibig mong magsalita, dahil pwede mo namang itago sa isip mo lahat ng thoughts na gusto mong isipin nang hindi nalalaman ng iba.
Si Ma'am V. Mataba. Mataba. NAKAKABORING! HAHAHA
Buti hindi niya naririnig yung iniisip ko. Malakas pala talaga ako mam-bully sa utak. Hays. Ewan.
Natapos rin ang klase sa kanya, matapos ang ilang taon. *evil laugh* Just Kidding.
Tumayo na kaming lahat para umalis na sa room niya. Wednesday ngayon kaya vacant sa next subject na General Chemistry. Hay mahaba-habang oras toh'. Buti na lang para mas makalagaw ako dito sa campus. Masarap magpahangin, nakaka suffocate na kasi kung parating nasa loob ng classroom. Halos isang oras o higit pa na nakaupo lang. Parang mapapaso yung pwet ko kakaupo.
Makapaglakad na lang nga. Naglibot ako nang naglibot sa loob ng campus. Mamaya na talaga yung basketball game nila Luke. Excited na ako.
"Hi Ross!" Aray ha! Bigla ba namang kumapit sa braso ko itong babaeng toh!
"Sheyn?" Ingay rin pala ng Sheyn na toh! Lakas pa makahatak sa akin.
"Pwede makisabay? Jebal?" Ayan umiiral pagka adik nito sa KPop.
"Makisabay? Sa library ang punta ko eh." Sagot ko naman sa kanya, na nakapagpalawig ng ngiti niya.
"Oh bakit ganyan ka makangiti?" dagdag ko pa at biglang kumunot ako ng noo.
"HAHA Sakto! Dun rin naman ang punta ko!" Bigla niya naman akong inakbayan at hinila papuntang Library.
"Sandali! Sheyn!" Nabubuang na talaga ang babaeng toh! Kaya ayun nakisabay na rin ako sa pagtakbo niya.
Tumambay na lang kami sa library. Nagbasa ng mga aklat at doon na namin iginugol yung oras namin.
Napansin ko rin naman si Razle. Oo andito rin siya. Pati si-Sino na nga ba yun? Ahh si Mr. Bait. Si JK. Andito sila. Hobby na rin pala nilang magbasa.
Halos matagal-tagal din akong naghanap at nagbasa ng mga aklat ni R.L.Stine. Marami na akong natapos. Aries ako kaya mabilis daw magbasa. Sabi sa horoscope. Ewan ko. Nakalimutan ko na kung saan ko ba yun nabasa at kung kelan. Haha. Basta yun lang natatandaan ko. May pagka ulyanin na nga ata ako.
Nakita ko naman si Sheyn na busy rin sa pagbabasa. Magkalapit lang inuupuan namin kaya nagtataka talaga ako. May pagkakapareho kami ni Sheyn sa kaweirduhan. Yun bang bigla-biglang magiging loka-loka tapos minsan bigla na lang din magseseryoso.
"Sheyn-" pabulong kong sabi pero hindi niya naman pinatapos.
"Sshhh. Huwag ka maingay." Hay naku may sayad din ito eh.
Tumingin ako sa taas ng orasan dito sa library. Sakto 12:01pm na. Kelangan ko na munang mag tanghalian. Para ready na ako mamayang manuod sa game. Magche-cheer pa ako kay Luke.
"Mauna na ako ha. May kelangan pa akong puntahan mamaya." Kinalabit ko si Sheyn at binulungan.
"Ahh. Haha okay lang Ross." Sagot niya at dumeritso na ako sa paglalakad.
Kinuha ko na yung libCard ko. Baka kasi makalimutan ko nanaman. Pati narin gamit ko.
Pumunta na ako ng canteen. Hindi kasi ako nakadala ng baon ko. Eh nagmamadali kanina. Yan kasing si Razle nanggulo kanina sa dreamland ko. Ayan muntik na akong ma-late sa klase. Hindi tuloy nakadala ng pang lunch.
Bumili na lang ako ng kanin at adobong baboy. Kumain narin ako at dun na nag dine in.
Nabusog ako.
Maya-maya ay umalis na ako sa canteen. dumeritso na ako sa covered gym. Magsisimula na kasi yung game nila sa basketball.
Andito na silang lahat. Pati mga cheerleaders.
GO LUKE! GO JK! GO FOR THE WIN!
JK?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro