Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

(Dedicated to deeyosaxx)

Chapter 7: Mr. Bait

Razle's P.O.V.

Nakakapagtaka.

Bakit ganun makatitig si Ross kanina? Nung kinausap ako ni Zeyn? Ahy Oo. Zeyn Marie nga ata name nung girl na nagbigay sa akin ng gift na ito.

Biglaan naman ata ito. Ano kayang nasa isip ni Ross kanina? Tsk. Ang sama talaga ng tingin niya eh.

Nung lumingon ako sa kanya, bigla naman siyang umalis at mukhang nagmamadali. Ano kayang problema ng babaeng yun? Hay naku. Ewan.

"Ah Mister? Excuse me lang. Pwede makisuyo? Nakalimutan kasi nung babae na kakaalis lang ngayon, yung mga gamit niya. Parang nagmamadali kasi siyang umalis eh. Naiwan niya tuloy yung bag niya."

Narinig ko na inutusan ng librarian yung isang lalake dun banda nakaupo sa harap ni Ross kanina. Lumapit din naman agad yung isang yun. Sino kaya yun?

"Ahh sige po Ma'am. Saan po ba yung gamit niya?" tanong naman niya sa librarian.

"Mister, yun oh. Yung bag na nasa baggage area. Kulay red na may black and white na tatak." Pamilyar ako sa bag na yon. Kung hindi ako nagkakamali kay Ross yun. Oo sa kanya nga talaga yun.

Hay naku burara talaga yung babae na yun. Nawawala sa sarili kapag nakikita yung kagwapuhan ko HAHA *evil laugh*

Kinuha narin nung lalake na yun yung gamit ni Ross. Pero hindi ko talaga mamukhaan kung sino yun. Nakatalikod sa deriksyon ko eh.

"Mister! Halika muna saglit. Pati library card niya naiwan rin. Pakibigay nalang sa kanya ha. Salamat."
Papaalis na sana yung lalaki para sundan si Ross pero tinawag siya bigla nung librarian.

"Ahy sige po Ma'am welcome. Ahh okay Ross pala pangalan niya. Riss Ariane." Nakita ko namang tinitigan nung lalake na yun yung library card ni Ross. Mukhang kinikilatis yung mukha niya. Hay naku upakan ko toh' eh. Parang matutunaw na yung picture ni asungot sa kakatitig nun.

Umalis narin yung lalake at hinabol na nga ata si Ross. Hindi pa naman siguro nakakalayo yung babaeng yun.

Nakakaboring na dito. Lalabas na rin nga ako.

Kinuha ko na yung library card ko sa librarian at hindi ko kinalimutan yung mga gamit ko. Hindi ako malilimutin noh. HAHA palibhasa yung babaeng yun ulyanin na, asungot pa! HAHA nakakatawa siya.

Lumabas na ako ng library at sakto paglabas ko ng pintuan. Nakita ko naman na nag uusap na nga si Ross at yung lalakeng yun dun sa hindi kalayuan.

Hay naku. Tsk. lumihis ako ng deriksyon at naghanap ng ibang madadaanan.

Lumiko na ako at dumeritso sa paglalakad. Wala narin namang pasok ngayong hapon kaya maglilibot muna ako.

Nakita ko naman yung basketball court o tinatawag rin nila ditong "covered gym". Gusto ko munang maglaro ng basketball. Matagal-tagal narin nung last time na naglaro ako at nagdrible ng bola. Nakakamiss.

Pumasok na ako sa loob at kumuha ng bola. Nagbasketball na ako. Nakakaenjoy kahit mag isa lang akong naglalaro.

......

Ross' P.O.V.

Nakakainis talaga yung mokong na yun. Dahil sa kanya! Yung gamit ko naiwan ko!

Pero ako naman talaga nakaiwan eh. Pero kasi ano. Eh! Ahh basta siya parin may kasalanan!

"Ross... Ross Ariane?" WAIT. May tumatawag ata sa akin? Tumingin naman ako sa likod para tignan kung sino ba yung tumatawag sakin. Parang boses kasi ng isang lalake?

Pagharap ko. Oo ako nga ata ang kelangan. Sigaw ng sigaw. Pero cool tumakbo. May dala ata siya? Wait parang akin yung bag na yun ah. Kulay red na may black and white na tatak. Bakit dala niya?

Papalapit na siya nang papalapit sa akin. Tumayo lang ako sa pwesto ko. Inaantay ko lang siyang makalapit.

Ayan na siya.

"Ross? Ross Ariane Buenvina, right?" Sabi niya. Ang gwapo ng lalakeng toh ah.

"Ahh eh. Oo. Paano mo naman nalaman name ko? Stalker ka nuh?!" Dahil sa init ng ulo ko kanina. Napagbuntungan ko ata tong lalakeng kaharap ko. Eh alam ba naman pangalan ko at hawak pa ata ang bag ko. Hay naku!

"Ahh hindi. Haha nakita ko lang kasi library card mo. Tinitigan ko nang mabuti para sure. Hehe." Ngumiti siya. Yung nakakapang- akit. Ang gwapo niya.

SANDALI. Library Card? Library?

TIMANG! ROSS! Nawawala na nga siguro ako sa katinuan. Malamang baka itong lalakeng ito ang magbabalik sa akin ng gamit ko.

"Ahhh. Akin ata yung bag na hawak mo."

" Oo. Hinabol kita. Naiwan mo kasi yan kanina sa library. Kaya hinanap kita agad." Iniabot niya naman yung bag ko at kinuha ko rin sa kanya. Binuksan ko baka kasi may kung anong nawawala . Naninigurado lang naman HAHA.

"Haha, Ross naman. Wala akong kinuha dyan ah! Baka sabihin mo na-" Hindi na niya natuloy.

"Joke lang. Haha salamat ha." Ngumiti nanaman siya, kaya nginitian ko narin. Grabeh mahihimatay na ako sa kagwapuhan niya. Ang cool pa niya.

"Ahhy ito rin pala. Sorry I almost forgot. Yung library card mo. Ang cute mo pala talaga. Sige. Punta na ako sa library dun pa gamit ko eh." ANO DAW? Cute?

As in C.U.T.E.? Sinabihan niya ako nun? HAHAHA ESH.Kakilig

"By the way."Bigla siyang lumingon sa akin mula sa hindi kalayuan.

"Ang ganda mong titigan sa larawan, pero mas maganda kang titigan nang harapan."

GHAD!

Abot-langit nanaman ang ngiti ko. Maya-maya ay tumalikod na siya at kumaway. Dahan-dahan na siyang lumakad papalayo sa akin.

"Ahh Wait! Mr. Bait?! Anu pala name mo?" Sumigaw ako. Baka kasi hindi ako makatulog pag hindi ko nalaman yung name ni Mr.Bait. HAHA Landi eh!

Lumingon naman siya sa akin.

"Ahh John Kenneth. JK for short! Yun nalang itawag mo sakin! Sige bye!" Waaaah! Ang cool talaga niya. "J.K." How cute.

"Sige thanks ulit JK!" Sumigaw ulit ako at nagpasya nang umalis. Baka matunaw ako sa kilig hahaha.

Derideritso lang ang paglalakad ko at nadaanan ko yung covered gym nila dito. Ito din kasi yung basketball court. Naalala ko nanaman si Luke. Dito nga ata gaganapin yung game bukas.

First time ko itong makikita sa loob. Kaya nagpasya na akong sumilip muna saglit.

Binuksan ko lang nang konti yung pinto. And biglang-

WHAT THE-! 

S-Si R-Razle! Siya nga ata. Naglalaro ng basketball. Nang nakahubad ang shirt? WAAAH!

Y-Yung abs niya. Nalaglag bigla ang panga ko kaya tinakpan ko nalang bigla yung bibig ko. Baka makagawa pa ako mamaya ng kung anong ingay. Baka mamaya kung ano pa isipin ng lalakeng yun.

Sumilip ako ulit. GHAD. ANG HOT.

Hinubad niya lang siguro saglit yung shirt niya kasi mukhang pawis na pawis siya kanina. Ngayon nakasuot na siya ulit at nagdidrible na ng bola. Wow ang galing niya rin palang mag basketball. Sana kasali din siya sa game bukas.

"Sino pong andyan?" Naku lagot. Napansin niya sigurong may nakatitig sa kanya. Mangyayari nanaman ba ang nangyari kanina?

Umalis na ako at tumakbo nang mabilis. Ayaw kong maabutan niya ako. WAAAH!

Takbo!takbo! Takbo lang Ross! Napalunok ako nang bigla kong maramdaman ang muling pagtagaktak ng pawis ko.

Ayan malapit na ako sa gate! KONTI NA LANG! GHAD! Mukhang hindi niya naman ako nakita. Kaya biglang gumaan pakiramdam ko.

Lumabas na ako ng gate at nagpasya na akong umuwi na lang.

Sumakay na lang agad ako sa malapit na jeepney kanina. Hay mga ilang minuto rin nakauwi na ako. Sa wakas.

Nakakapagod tumakbo ah. Buti na lang talaga hindi ako naabutan ng supladong yun. Kung hindi. Hay naku.

Lagi na lang lalake nakakasagupa ko ah. Nakakatunaw sila! GHAD. Ginugutom ako dahil sa mga sunod-sunod na nangyari at kailangan ko ng pahinga. NAKAKA-STRESS.

Binuksan ko na agad yung gate at pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagbukas ko palang ng pinto nakita ko na agad si tita. Nakaupo sa may sofa.

"Hello po tita." Nakangiting sambit ko sa kanya dahil hanggang ngayon lutang pa din ako.

"Oh medyo maaga ka ngayong umuwi ah. Hindi bale magluluto na agad ako ng favorite meal natin. Para makapagpahinga ka na." Mmm sarap nun ah. Yehey our favorite! "Beef steak".Mapaparami ang kain ko nito ah. Nagbihis na ako at umupo na sa sofa para antayin si tita.

Dumeritso naman siya sa kusina para makapagluto na.

After nagluto si tita. Kumain na agad kami. Umakyat na ako sa taas at pumunta na sa kwarto ko. Gusto ko nang magpahinga. Wala namang assignments. Kaya hindi na muna ako magrereview hehe.

"Good night na po tita. Love you po"

"Sige matulog ka na Ross. Good night. Love you too." 

Humiga na ako sa malambot kong kama. Namiss ko toh' gusto ko na talagang matulog. Maya-maya ay pinikit ko na ang mga mata ko.

Muli kong iminulat ang aking mga mata dahil naalimpungatan ako. May narinig ata akong kumalabog sa baba. Parang tunog ng kaldero.

Hindi ko alam kung anong oras na pero napagpasyahan kong bumaba na lang. Wala sa sarili akong naglakad pababa sa hagdan at tinungo ang kusina. 

Inaantok pa ako eh. "Sino ya-?" *hikab*

Walang sumagot. Baka pusa lang naman. Madilim ang kusina kaya kinapa ko yung Refrigerator namin. Iinom na lang ako ng tubig para mahimasmasan ako. Kumalampag naman ngayon ang gate. Dali dali kong binuksan ang pinto at tumungo sa gate. Hindi ko alam kung bakit binuksan ko pa ito. Pero ang nasa isip ko ngayon ay mahuli kung sino mang magnanakaw o tao ang umaaligid sa aming bahay ngayon.

Hindi ako natatakot. Ewan. Talagang may nag uudyok sa aking lumabas ng gate at lumabas nga ako.

Walang tao.




Tahimik ang paligid nang biglang-

May humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"R-Razle, Razle, tulong!" Please.

________

Miss Author's Note:

Hala? Ano kayang nangyari kay Ross? Nako lagot. Tulungan kaya siya ni Razle? 

#teamhazy ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro