
Chapter 6
(Dedicated to krizia_17)
Chapter 6: Mr. Kupido
Ross' P.O.V.
Umalis na lang ako kanina sa pathway, naisipan ko kasing pumunta sa library. Naubos ko narin yung pagkain ko na binili ko kanina sa canteen, isang coke in can at chocolate cupcakes.
Medyo maingay na kanina sa canteen kaya gusto ko munang lumipat ng pwesto at humanap ng katahimikan. Alam kong sa library ko yun matatagpuan.
Transferee lang ako dito sa school na ito kaya marami pa akong hindi nalilibot. Sa mga malalaking facilities na nakatayo dito, hindi na ako magtataka kung pati library ay ganun din.
Excited na kasi akong maghanap pa ng iba pang mga kwento na isinulat ni R.L.Stine. Ewan ko kung bakit ganun ko siya ka idol. Ang galing niya kasing magsulat at mafefeel mo na parang nandun ka na rin sa eksena ng kwento niya.
Maliban dun mahilig din ako sa kwentong kababalaghan na nakasulat sa tagalog version. Mas nararamdaman ko kasi yung binabasa ko kapag naiintindihan ko ng husto yung pagkakasulat.
Minsan sinusubukan ko rin magbasa ng mga teen fictions yun bang may happy ending sa dulo yung kwento, kapag puro nalang kasi katatakutan. Palagi ko nalang nababasa yung mga tragic events sa huli. Gusto ko minsan na maiba naman. Nakakalungkot kasi kung palaging trahedya nalang.
Pero hindi ko talaga alam kung totoo na may happy endings or kung may forever nga ba talaga. Meron nga ba?
Sa mga love story kasi parang walang kasiguraduhan. May mga nagsasabing wala at may nagsasabi din namang meron daw?
LOVE.. isang salitang nagpapagulo sa atin pero dahilan din naman ng kaligayahan ng mga tao sa mundo.
WAIT. Nabangga ba yung ulo ko? May nakain ba ako na kung ano or something? GHAD. Bakit ito yung iniisip ko?
Hindi pa naman ako na inlove ah!
Wala kaya akong time sa mga ganyan! OO. WALA
Sagabal lang yan at wala akong alam diyan. HAHAHA
Lahat daw ng nagmamahal or things like that. Nasasaktan. TAMA. Nasasaktan lang!
Mr. Kupido naman kasi kung kanino-kanino mo pinapatama yang pana mo. Tss
Asan nga ba yung library?
Ang pagkakaalam ko katabi raw nun ay guidance office. Pero hindi ko naman alam kung saan ang daan papuntang guidance.
Itinuon ko na lang yung tingin ko sa mga rooms na sunod-sunod kong nakikita.
Sa mga rooms lang ako nakatingin, para bang may hinahanap ako na kung sino. Pero ang totoo library lang naman ang gusto kong makita.
Punyemas naman oh. Hindi ko parin natatagpuan. Ang hirap hanapin. Pero deri-deritso lang ang paglalakad ko.
Nagulat ako bigla nung tumingin na ako sa harap ko. May mga basketball players akong nakita na talagang makakasalubong ko.
Alam ko mga estudyante sila dito, siguro magpapraktis sila sa court. Tatabi na sana ako para hindi nila ako madaanan-
"Aaaaaaahhh!" Pero huli na! Huli na kasi sa sobrang kakatakbo nila at kakalaro sa daan ng bola, nagkasalubungan kami nung parang leader nila.
Ang lakas ata ng sigaw ko. Dahil sa banggaan namin ng lalakeng to natisod ako sa gumulong na bola at bigla na lang napahiga.
Pinikit ko na lang yung mga mata ko. Nararamdaman ko siya.
WAAAAAAH!
Nasa taas ko siya! Minulat ko bigla yung mga mata ko.
GHAD! NASA TAAS NIYA PALA AKO! AAAAAAAH!
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang malalaglag na sa pagkagulat.
Napalunok ako bigla. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Pareho kaming nagulat. Pati mga kasamahan niya hindi na umiimik. Kanina kasi ang iingay at ang lilikot nila.
SHIT!
ANO NA GAGAWIN KO? ANO NA?!
Ngayon parang hindi kami makagalaw sa kung anong pwesto toh.
Konting-konti nalang at natauhan narin ako. Susuntukin ko na sana siya pero tumayo naman siya bigla kaya hindi niya napansin yung galaw ng kamay ko.
Inalalayan niya ako para makatayo.
Ako? Heto tulala sa nangyari.
"Sorry Miss, I'm so sorry. Ok ka lang ba?" Naramdaman kong sincere siya nung sabihin niya yun sakin.
Pero okay lang ba talaga ako? GHAD. What just happened?
"Ahh. Eh OO! Okay lang. HAHA Hindi mo naman sinasadya." Nakatingin tuloy sakin yung mga kasama niya. Para bang nagbubulungan sila ng kung ano, parang pang asar na tingin. Pinipigil ata nilang tumawa. Tsk.
Uminit bigla mukha ko. Ewan mukhang namumula na ako.
"Uhmm. Im Luke. Luke Ivan Del Castillo." Inilahad niya yung kamay niya nung nagpakilala siya kaya inabot ko narin. Nag shake hands kami.
"And you are?"
"Uhm Im Ross. Ross Ariane Buenvina." Ngumiti siya sakin at ganun rin ako. Hindi ko alam pero bigla na lang tumagaktak ang pawis ko.
"Punasan mo pawis mo." Ngumiti siya at iniabot niya yung panyo niya sa akin. Ang gwapo niya.
WAIT Bakit nga ba ako pinagpapawisan?
Dahil ba sa nangyari? O dahil sa kanya?
"We're just strangers but you suddenly took my heart."
Ha? ANO DAW? Parang bigla akong naging lutang nung sabihin niya yun.
Huwag ka namang ganyan. Baka mahulog agad ako sayo niyan.
Bago mo palang ako nakita, pangalan ko lang ang alam mo hindi ang ugali ko.
Punyemas. Hindi ko makalimutan. Parang ramdam ko pa din abs niya. GHAD ang hot ng lalakeng toh!
"Sorry ulit miss ha. I mean Ross, sige ha. Alis na kami magpapraktis pa kami para sa game namin bukas." Kinuha niya naman sa gilid ng daanan yung bola na gumulong kanina nung nagkasalubungan kami.
"And another thing, manuod ka bukas sa amin ha. Thanks!" Ngumiti nanaman siya at kumindat pa. Kumaway naman yung iba niyang mga kasama.
"Ahy wait lang Luke, saan ba banda yung library?"
"Ahh yung library, dyan sa unahan lang, sa kanto banda, tapos lumiko ka sa kanan yun yung unang malaking room na makikita mo." Sa totoo lang hindi ko naintindihan. Parang alien language ang narinig ko. Natutulala ako. GHAD tama na Ross.
"Ahy thank you Luke." Parang abot-langit naman ang ngiti ko. Basta dederitsuhin ko na lang tong daanan. Kanan ba sabi niya? Liliko sa kanan?
" Welcome. Sige Ross, kitakits na lang bukas." Hay naku ayan nanaman sila nagdidrible at naglalaro ng bola habang naglalakad. Sabi niya bukas pa naman ang laban nila, pero kung tignan mo sila ngayon parang mga kiti-kiti sa daan. Tsk tsk.
Mahanap na lang nga ang library para makapagbasa na. Andami ko nang nasasayang na oras eh.
Deritso lang ang lakad ko. Ngayon sa harap lang ako nakatingin baka kasi may mabangga nanaman ako. Basta sabi ni Luke, sa kanto then liliko ako sa kanan.
"LIBRARY"
Matapos ang nakakalokang paghahanap sayo. Nakita rin kita.
Pagpasok ko palang napansin ko na ang napakaraming libro sa mga shelves at hindi nga ako nagkamali. Napakalaki ng library dito. Maraming pwedeng upuan para makapagbasa.
Iniabot ko na sa librarian yung Library card ko at inilagay ko na ang bag ko sa area na tinuro sakin.
"Miss, pakilagay na lang yung bag mo dyan sa shelf na yan sa kaliwa mo." May lalagyan pala talaga sila ng mga gamit parang baggage area narin. Bawal daw kasi magdala ng bag sa loob. Ang pwede lang ay ballpen at notebook. Pero hindi ko nalang kinuha yun dahil wala naman akong isusulat.
Pumasok na'ko at naghanap ng pwedeng basahing mga libro. Hinanap ko agad yung kay R.L.Stine. yun naman kasi talaga pinunta ko rito eh.
Mamaya nalang ako sa bahay magrereview. Sabi kasi ng mga classmates ko vacant muna daw yung mga subjects namin ngayong hapon. Nagpatawag kasi ng urgent meeting ang prinsipal sa halos lahat ng mga teachers namin.
Andaming books ng idol ko. Goosebumps, mysteries... etc..
Nakakuha na ako at mas pinili ko nalang na imbes na umupo sa upuan dun sa harap. Pumwesto nalang ako sa dulo ng mga shelves at umupo sa sahig.
Mas maganda nang magbasa dito banda para walang masyadong makakita sakin dahil nasa sulok ako.
Isinandal ko na yung likod ko sa pader at ipinatong ko yung libro na hawak ko sa mga tuhod ko.
May napansin ako.
Nung magbabasa na sana ako, napansin ko na parang may tao din sa kabila lang nitong nasa kanan ko na shelf. Parang nakaupo siya katulad ng pwesto ko. Kaya di ako gumawa ng anu mang ingay. Sinilip ko kung sinong nasa kabila. Nakasuot nanaman siya ng earphones at nagbabasa ng libro. At parang ang author na nakalagay .... Stine. Yun lang nakita ko. Malalaki kasi yung mga nakalagay na libro sa shelf na nakapagitan samin. Siguro R.L.Stine. mahilig din pala siya dyan? Ewan hindi ako sure.
Tinitigan ko lang siya habang nagbabasa siya ng hawak niyang libro. Ang cute niya pala talaga sa malapitan. Matangos ang ilong niya, halos kitang-kita mo kasi naka side view siya. Maputi rin at tingin ko magkasing tangkad lang kami. Nung last time na pagkakabangga namin hindi ko masyadong napansin eh kasi sobrang nagulat ako nun.
"Sino pong andyan?" Hala? Napansin niya kayang may nakatitig sa kanya? Napahawak ako bigla sa mukha ko.
Patay?! Alam niya kaya na ako yung tumititig sa kanya?
Nagpasya na ako na umalis sa pwestong yun baka kasi kung ano isipin niya. Kaso nag eenjoy pa akong tignan siya pero hindi bale, may next time pa. Haha
Paalis pa lang ako bigla ko siyang narinig na nagsalita.
"Sino po bang andyan?" Naku lagot na. Inulit niya yung tanong niya. Siguro nga napansin niyang may kanina pa nakatitig sa kanya.
Tapos umalis nako bigla sa area na yun at lumipat nako sa upuan sa harap para kunware dun talaga ako. Nakayuko lang ako.
"Oh kuya Razle. Hello po. Ako po si Zeyn Marie. Kasi po ano. ahh. Ehh. Crush ko po kayo. ESTE BASTA PO. Humahanga po ako sa inyo. Ang cool at ang talino niyo po kasi. May gift po ako sa inyo. Happy birthday po." Napatingin naman ako bigla sa kanila. Birthday pala ngayon ni Razle? At sino ba yung babae na yun?Naiinis tuloy ako. Halata namang nagulat si Razle.
Yung babae naman halatang kinakabahan. Namumula at hindi mapakali yung kamay.
"Ahh ehh .Zeyn Marie, Right? Thank you. Dapat hindi kana nag-abala hindi ko pa naman birthday. Sa next week pa. Pero salamat ha." Ngumiti naman si Razle sa babae na yun.
"Welcome po. Sige alis na po ako." Tuwang-tuwa naman yung babae at halatang nagpipigil. Kinikilig ata?Hay naku tsk tsk. Sa next week pa naman pala. Masyadong excited.
Sa sobrang titig ko sa kanila bigla namang napalingon sa deriksyon ko si Razle. Na parang pupuntahan niya ako. Lumihis agad ako ng tingin. At lumabas na. Mabilis akong naglakad para hindi niya ako mapansin.
Pero malayo-layo na ako sa library may napansin ako!
PUNYEMAS! ROSS ARIANE. YUNG GAMIT MO!
Nakakainis ka Razle!
____________
Miss Author's Note:
Ross naman! Hays malilimutin ka talaga.
Pero mukhang may kakaiba kay Ross pagdating kay Razle ah HAHAHA
Hello mga wattpaders, Thanks for reading.
#teamhazy :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro