Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Ariane

Ross' P.O.V.

5am palang tapos na akong magluto at kumain, nakaligo narin ako at kelangan ko na lang ihanda ang mga gamit ko para makapasok na sa school.

Simula kasi nung umalis sila mama. Natuto na'kong asikasuhin ang sarili ko.

Nung andito pa sila sa tabi ko, sila ang palaging kumikilos para sakin. Only child nila ako eh. Ako yung prinsesa nila, may yaya pa nga ako that time. Pero ngayon natuto na'ko. Natuto nakong mag isa.

Syempre hindi ko kinalimutang dalhin yung mga horror books na sinulat ni R.L.Stine. Sa tuwing nababagot ako at walang magawa, maliban sa pagrereview, eh nakahiligan ko nang magbasa ng mga ganyan.

Nakakaexcite kasing basahin, kahit sobrang nakakakilabot at nakakatakot, pakiramdam ko may thrill.

Hindi ko rin kinalimutan yung baon ko, magastos pa kasi kung dun pa ako bibili ng pang lunch ko. Bacon ang ulam ko mamaya. Mmmm sarap.

Kakatapos ko lang kain pero medyo ginugutom nanaman ako. Haha

Akala niyo siguro mataba ako. NOPE. Ewan ko nga sa dami ba naman ng kinakain ko araw araw, hindi ko parin maintindihan kung bakit hindi man lang ako tumataba.

Siguro may kung anong dragon ako sa tiyan. Haha

"Tita, tita Levie, papasok na po ako sa school."

Mahimbing ang pagkakatulog niya kaya malumanay akong nagpaalam sa kanya.

Unti unti niya namang minulat ang mga mata niya.

"Oh Ross, ang aga mo. Oh siya sige, okay na ba mga gamit mo?"

"Opo Tita, okay na po."

"Oh heto yung baon mo, huwag kang magpapagutom ha at kung may kelangan ka, tawagan mo agad ako. Okay na ba mga notebooks na dala mo? Alam mo naman cellphone number ko di'ba? Ross. Naku, mag ingat talaga. Lalo na sa mga lalake ha! Kung may masamang mangyari. Tumawag ka kaagad or magsumbong agad sa teachers dun or kung wala ka man sa school. Sa police station agad ha!" Tita talaga O.A. na haha

"Tita naman! Sa iyo ko ata namana ang ka O.A.-han ko HAHAHA."
Napaka protective ni tita, maalalahanin at napakabait. The best tita in the whole world.

" Ah basta! Huwag mo talaga kalimutan mga bilin ko." Sabay nagpout siya sa harap ko. Haha so cute.

"Opo tita, salamat po. I love you po, bye." Kiniss ko siya sa pisngi at sinuot ko na ang bag ko.

Papalabas na ako ng pinto

"Love you too. Ross." Pahabol pa ni Tita. Na excite tuloy akong pumasok.

Ayan nakarating narin ako sa gate ng school, papasok palang ako napansin ko si Razle. Oo si Razle yung kaisa isang nakilala ko sa mga new classmates ko.

Nakita ko siya. Bumaba siya dun mula sa Lamborghini. SA LAMBORGHINI. GHAD. ANG GARA NG KOTSE. Bigla na lang nalaglag panga ko nung makita ko siya. Este yung CAR NIYA!

Yung car niya ha! Hindi siya! HAHAHA

Shems. Kulay red. Wow ha. Ngayon alam ko na. May kotse nga siya. Kainggit.

Magkakaroon din ako niyan. At mas mahal pa diyan!

MANGANGARAP AKO! HAHAHA

Huwag naman sanang hanggang pangarap lang.
Pero siyempre mag iipon muna ako, kaya kelangan.

Kelangan pumasok na ako! Tutulo na ata laway ko sa lalaking yun. Pasimple lang siya. Pero mayaman naman pala talaga. Tss

Pumasok na ako at hinanap ko yung room namin. Basta may nakalagay lang yun sa taas ng pintuan na "Section 1".

Wait asan nga ba yun? Sa sobrang laki ng school, nalilito ako.

Pero maganda naman talaga dito kaso parang malulula ka sa mga 2-storey buildings. Maraming magagandang bulaklak na nakapaligid. Mapapansin mo talaga kapag naglalakad ka. Parang nakakagaan ng pakiramdam. Mapresko at malalawak ang mga pasilyo.

Sinundan ko na lang yung mga nakalagay sa taas ng mga pintuan." Section3","Section2".  Ayun! "Section 1".

YES! Nakita ko na yung room ko.
Sakto pagpasok ko sa loob. Kitang kita mo na nagkakagulo na sila. Hala?! May rambol?

Ahy wala pala. Talagang ganito siguro sila pag wala pa yung mukhang terror naming guro. May nagbabatuhan ng papel, nagpapaganda, polbo, polbo. Hala ate baka maging harina na yang mukha mo.

May mga tahimik rin naman at parang may sariling mundo. May busy sa cellphone, at meron din namang nagsa soundtrip lang katulad ng katabi ko. Yung sa kanan ko banda. Oo si Razle. Minsan talaga naweweirduhan ako sa kanya. Nakakabingi kasi siya. Hindi man lang nagsasalita.

Hay ang tagal naman ng terror na yun. Este. Si Ma'am V.

Speaking of-

"Good morning class."

"Good morning Ma'am V." Sabay sabay kaming tumayo at nagsalita. Maliban lang kay Razle. Eh panung di ko mapapansin . Siya kaya katabi ko. Cold guy. Tss

"Get your activity notebook in Math. "

Hay naku. Kakapasok palang ng terror na ito. Dilubyo na agad ang dala! Tsss.

"You'll have your first pre-test in my subject. And make it faster." GHAD Tama ba narinig ko? Yung totoo?

Ano siya ?! Tungaks?! Hindi niya ba alam, hindi kami marunong mag MAGIC?!

Ayan kinabahan tuloy kaming lahat sa kanya. Yung iba pa simpleng review konti. tsk tsk Pre-test nga dba? PRE-TEST.

Bahala na! PASHNEA

"Yung makakakuha ng mataas sa pre-test na toh' ay exempted na sa paggawa ng ipapa assignment ko mamaya." Terror. Waaaa . Wala siyang awa!

I will do my besssshh. Ahy mali! Best pala. HAHA Bahala na si Superman! I MEAN SI BATMAN. HAHAHA

"I will only give you 10 minutes to finish a 25-item pre-test. Don't worry madali lang yan. Multiple choice naman eh. Kaya im sure kaya niyo yan." Waaa Oo. May natitirang bait pa siya. Pero 10minutes? As in sampung minuto.

Ayan na isa isa niya nang binibigay ang mga test papers. Unang test ko ito sa kanya. Kaya dapat ayusin ko.

Parang wala lang kay Razle? Di man lang siya kumikibo or what? Haysstt. FOCUS

Focus. Focus.Focus

Pinagpapawisan na ako. Pero yang si Razle. Pa easy lang. GHAD

8 minutes left.

5minutes left.

4mins.

3mins.

WAAAAAHH!!

"Okay time's up. Please pass your papers forward." Hay salamat po. Salamat nakasurvived ako. Kung hindi ahy naku! Baka bombahin ako ng terror na ito!

Pinagpalit ni Ma'am V yung mga papel na galing sa kaliwa papunta sa mga classmates kong nasa kanan. And vice versa.
Yung sa kanan naman eh ibinigay niya sa mga nasa kaliwa.

"Okay, check the answers ng mga hawak niyong papel and after that titignan natin kung sino ang may pinaka mataas na nakuha."

Sino kayang nagchecheck sakin? Ilan kaya nakuha ko?

Ayan tapos na kaming lahat sa pagcheck at ibinalik na namin sa mesa ni Ma'am V.

"Wow, very good, looks like dalawa ang may pinakamataas na scores."

Kinakabahan ako. Sana kung hindi man ako kasama sa may pinaka mataas. Sana katanggap tanggap naman yung score ko. waaaa

"Okay after kung sabihin, pumunta nalang dito sa harap ah."

Tug tug tug tug

"Okay, Razle."
Si RAZLE? Waaaaah!

Super. Ang galing niya naman.

Eh sino kaya yung isa pa?Sana ako. Ako nalang. Hehe.

"And, Ariane."

__________

Miss Author's Note:

Hey. There you go. Thankfully i've updated this chapter.

Sana mas maimprove ko pa. HAHA kapit lang guixxx!
_______#teamhazy_25

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro