
Chapter 3
(Dedicated to RicaBelga)
Chapter 3: Flashback
Ross' P.O.V.
"Ikaw din, miss na kita agad." Sabi niya sa akin at niyakap ako bigla.
I'm so lucky to have you, tita Levie. Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon hindi ka pa rin nagsasawang alagaan at mahalin ako.
"Oh sige na, magpahinga ka na sa taas. Good night." Sambit niya sa akin na hindi pa rin nangangawit ngumiti.
"Opo tita, love you." Mas nilawakan ko naman ang ngiti ko sa kanya.
"Love you too." Tuluyan niya nang niligpit ang pinagkainan namin at dumeritso na ako sa taas.
Paghiga ko sa kama ay tinitigan ko lang ang mga pictures na magkasama kami ni tita Levie. Hindi ko alam pero lagi ko itong ginagawa. Somehow narerelax ako, nakakalimutan ko ang pagod ko sa tuwing makikita ko ang maamo niyang mukha.
Hindi ko halos maramdaman na wala sa tabi ko ang mga tunay kong magulang because you always treat me as your own daughter.
Ikaw yung lagi kong nasasandalan kapag may problema ako, lalo na sa school, yung gusto kong ikwento kila mama sa iyo ko lang sinasabi.
For me, you're more than a best friend and a tita. Parang mama na rin ang turing ko sa iyo at hindi ko kakayin kung mawala ka pa sa akin. I love you that much.
Parang timang ako na kinausap ang picture niya. Eh nandiyan lang naman siya sa kabilang kuwarto. Haha
Kiniss ko ang picture niya sabay nakangiting ibinalik ko na sa "treasure box" ko. Inilalagay ko sa red box na yun lahat ng mga importanteng souvenirs, remembrance at iba pang mga bagay na mahalaga sa akin.
Nakaagaw naman ng pansin ko ang isang souvenir bracelet. Kulay red ang mga kaunting beads na nakapalibot dito at mayroong nakalagay na "Ross" (Pangalan ko) at sa baba nito ay "From: Mama & Papa♡".
MAYGHAD. Can you please stop making me cry?
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Naaalala ko nanaman. Pero. Why? Bakit bigla-bigla?
Four years from now, hindi ko malilimutan ang paglisan nila. I'm already 16 pero hindi pa rin sila bumabalik.
Mahal pa rin kaya nila ako?
Babalik pa kaya sila?
Kelan?
Mga tanong na laging sumasagi sa isip ko. Aaminin ko. Namimiss ko sila. Sobra.
Kahit matagal na sila dun, hindi pa din ako nakakalimot.
Si mama ang nag iisa kong ina, siya si Rose Marie Buenvina. Maganda, maputi at may mahabang buhok at brown eyes siya. Palakaibigan si mama kaya nga marami siyang mga kumare.
My father is Marco Buenvina. Siyempre gwapo, tisoy, brown eyes din at medyo chinito. Kwento pa nga niya habulin daw siya ng mga babae nung hayskul palang siya. Eh minsan nga binabatukan siya ni mama kapag kinikwento niyang si mama pa daw nanligaw sa kanya.
Ang saya-saya namin noon, lagi kaming nagbobonding, lagi kaming nagtatawanan at kumakain ng sabay, pero ngayon hindi na.
Hindi na dahil nasa ibang bansa na sila. Halos apat na taon din yun.
*Flashback*
"Marco, kung hindi tayo maghahanap ng trabaho sa ibang bansa, sa tingin mo matutustusan pa natin yang nag iisang anak natin?"
Narinig kong sabi ni mama. Hindi kasi nila alam na nakikinig ako that time.
"Rose, alam ko naman yun, talagang lumulubog na ang kompanya-" Sa totoo lang wala akong maintindihan sa kanila. Takot ngayon ang nararamdaman ko. Sobrang natatakot ako.
Natatakot sa kung ano man ang tinutukoy nila. Takot na ngayon ko lang naramdaman.
"Sige hahanap ako ng mag aalaga kay Ross." Sabi ni papa.
Ano?
Ganun lang kadali sa kanila na iwan ako?! Anong klaseng mga magulang sila?
Sinisigaw ng isip ko habang unti unti nang tumutulo ang luha sa mga pisngi ko. Lumayo ako. Umalis ako sa kinatatayuan ko.
Nagkulong nalang ako sa kwarto ko.
Anong pinagsasabi nila? Bakit hindi ko pa rin maunawaan?
Ano bang balak nila?
Dahil sa katahimikan ng paligid ay boses lang nila ang nangingibabaw. Naririnig ko dahil nasa kabilang kwarto lang sila.
Pero kahit naman marinig ko. Sobrang bagal pa rin magsink-in sa utak ko.
Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila mama at ng taong kausap niya sa kabilang linya.
"Anak?"kumatok si mama sa pintuan ng room ko.
Well nagpretend ako na tulog. Kaya naramdaman kong kusa na nyang binuksan yung pinto. Tumabi siya sa'kin. Alam kong nakatingin na siya sakin ngayon.
Hinawakan niya yung mukha ko. Please lang. Ayaw kong umiyak.
Hindi ko na kaya. Saglit na lang at luluha narin ako.
"Anak, sana maintindihan mo." pabulong na sabi ni mama sa'kin habang marahang hinihimas ang balikat ko.
"Aalis na kami next week ng papa mo. Tapos na nyang asikasuhin yung mga papeles na kelangan namin para mag abroad."
Tama nga ang nasa isip ko. Aalis sila. Iiwan nila ako.
Pero? Kakayanin ko ba? Sino nang mag-aalaga sa akin? Paano na ako?
"Anak. mahal na mahal ka namin." Mama kung mahal niyo ako, hindi niyo ako iiwan.
"Para sa kapakanan mo toh anak. Sana maintindihan mo."
Sabi ni mama habang sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Hindi ko na napigilan at ayaw ko nang pigilan pa.
"Mama! " niyakap ko na lang bigla si mama. Niyakap ko siya na parang wala nang bukas. Hindi ko narin kasi napigilan na umiyak.
"Mama. Wag na lang po kayo umalis ni papa. Please po."
"M-Mha, mahal na mahal ko po kayo. Mha. M-Mha, wag niyo po akong iwan ni papa." Nauutal-utal na ako sa pagsasalita dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Tuluyan ko nang niyakap si mama. Halos ayaw ko nang bumitaw sa mga bisig niya. Pumasok naman bigla si papa at niyakap rin ako.
"Anak. sana maintindihan mo." with a low voice. Hindi ko na gustong bitiwan si mama at papa.
Niyakap ko sila nang niyakap at maya-maya'y tuluyan na nga akong nakatulog.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ito na nga yung time ng flight nila mama papuntang United States of America.
Niyakap ko nalang si Tita Levie. Habang minamasdan ang pag alis nila mama at papa. Alam ko masakit pero kelangan. Hindi ko napigilang lumuha habang nakayakap kay tita.
"I Love you mama at papa!"
Pasigaw kong sabi sa kanila.
*end of flashback*
Mga huling salita na binitiwan ko sa kanila bago nila ako tuluyang iwan.
Saklap lang eh.
Sobrang dami ng mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari pero nangyayari.
Bakit kaya?And
Yung mga bagay na gustong-gusto nating mangyari, hindi naman nangyayari.
Everything happens for a reason daw sabi ni tita. Reason? Sadya nga bang hindi ko maintindihan? O ayaw ko talagang intindihin?
___________
Miss Author's Note:
Sorry po sa slow updates. Baguhan pa lang po ako eh ^.^
Feel free to read.vote and comment :))
#teamhazy_25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro