Chapter 22
Chapter 22: Distance
Ross' P.O.V.
"Wala ka bang balak pumasok?" Lumabas siya saglit mula doon sa private room ni Razle at tinanong ako nang malumanay. Medyo kanina pa kami nakarating dito sa ospital dahil minadali naming kumain sa canteen.
"Ha? Ah Sunod lang ako magsi CR muna ako Luke." Nakangiting tugon ko sa kanya. Kaya tumango na lang siya sa akin at bumalik na sa loob.
Sa totoo lang hindi naman ako naiihi or kung ano. Medyo nahihiya lang akong pumasok. Ewan. Basta. Nasilip ko kasi kanina nung pagbukas ko konti ng pintuan, na nandun pa rin yung babaeng nakasama niya nung isang gabi at siyempre alam ko naman na kelangan ko munang bigyan sila ng time ni Zeyn. Sobrang nag alala talaga yun kay Razle.
Maayos na rin naman si Razle eh, okay na ako dun. At least makakalabas na rin siya mamaya. Sabi kasi kanina ni Luke na bumubuti na rin daw ang lagay ng lalakeng yun kaya kakayanin niya nang makalabas ngayong araw.
Parang timang lang akong palakad lakad dito sa area malapit sa room ni Razle. Naboboring ako kakabilang ng yapak ko pabalik balik. Eh ito lang naman ang naiisip kong pangpalipas-oras. Nakayuko lang ako at seryosong nakatitig sa naglalakad kong mga paa. Para bang wala akong pake sa dadaanan ko.
"Ross, bakit andito ka sa labas?" Napahinto ako nang mabunggo ako sa dibdib ng kung sinong lalakeng ito na nagsalita. Itim na jacket. Pamilyar na amoy.
Napahawak ako sa noo ko sa pagkagulat dahil medyo napadikit talaga ito sa jacket niya.
"JK-" Ross? Hindi ba Ariane ang tawag niya sa akin? Nakakapanibago lang. Baka nakalimutan niya lang siguro.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong niya pa ulit sa akin at bahagyang dumistansya sa kinatatayuan ko.
"Ha? Kasi. Ano eh. Galing akong CR. P-Pabalik na rin." Nauutal kong sagot. Pero nagtataka ako dahil hindi man lang siya nagulat nung makita ako. Parang may kakaiba.
"Pumasok na tayo sa loob. May klase pa mamaya." Walang emosyon niyang sabi sa harap ko. Medyo mahina din ang boses niya at mukhang pagod siya sa itsura niya.
Nauna siyang maglakad at hindi man lang inantay ang sasabihin ko. Okay lang. Wala na rin naman akong sasabihin eh. Hindi na rin muna ako magtatanong.
Hindi ko na itatanong kung...
Bakit hindi ka pumasok kanina? Bakit hindi mo ako nasundo? Anong problema? Bakit parang lumalayo ka? Kung okay ka lang ba talaga?
Tumakbo ako nang konti dahil ang bagal ko pa lang maglakad at si JK nandoon na sa private room na yun. Pagbukas ko pa lang ng pinto parang hindi na ako makahinga. Huminga ako nang malalim at tuluyan na ngang pumasok. Nakita ko naman agad silang lahat pati ang babaeng yun na katabi ngayon ni Razle. Doon siya nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ni Razle.
"Ross-" Napalingon siya sa akin kaya tumingin na rin ako sa kanya.
"Hi Bro! Musta kana Razle?" Nilaparan ko ang ngiti ko. Hindi ko alam kung totoo yun o pagpapanggap lang. Bigla siyang napalunok dahil sa kakaibang tono ng boses ko.
"O-Okay naman." Pilit siyang ngumiti sa akin at ibinaling na ang tingin niya sa babaeng katabi niya ngayon. Sinusubuan siya nito ng lugaw. Alam kong pilit yung ngiting yun. Kilala ko ang lalakeng ito.
"Ate Ross! Kanina ka pa ata nasa labas." Napalingon naman ako kay Zeyn na kanina pa pala ako tinatawag at pinapalapit doon sa couch na inuupuan nila.
Malaki ang private room na ito. Pang mayaman. Napansin kong nagtatawanan pala sila. Kumakain sila ng kung anong matatamis na pagkain habang nanunuod ng nakakatawang movie sa laptop ni Razle.
Ganun na ba ako katagal sa labas ng room na toh? Mga pashnea talaga. Hindi man lang ako sinabihan kanina na marami pa lang pagkain dito. Sinusulyapan ko lang sila Razle at yung babae habang pinapakain siya nito. Mukhang masaya rin naman sila.
"Luke? Sino na nga ulit yung magandang babaeng yun?" Tanong ko sa kanya nang may mahinang boses. Pero hindi naman talaga as in maririnig nila Razle yun dahil malaki laki naman ang distansya ng inuupuan namin sa puwesto nila. Bale isang mahabang couch ito. Simula sa kanang bahagi ng couch ay nakaupo si Luke, Sheyn, Zeyn, sumunod si JK at ako naman sa kaliwa sa dulong bahagi. Pa curve naman kasi ito kaya nakapagtanong ako nang maayos kay Luke.
"Si Celine." Sagot niya naman sa akin at kumuha ng chocolate na nakatambak sa tabi ng laptop.
Celine.
Sino ka nga ba?
Hindi na ako nag abalang magtanong pa about sa Celine na yun. Napabuntong hininga na lang ako.
Inilapag ko sa baba ng couch yung bag ko. Bigat sa likod eh. Nag unat ako nang konti at sumandal sa couch. Unti unti na rin akong nakakahinga nang maluwag dahil nakakarelax rin pala dito sa loob.
Kanina pa ako walang kibo katulad ni JK na katabi ko lang. Maliban na lang sa tatlong ito na nanunuod pa rin at sa dalawang yun na kanina pa nag uusap matapos maubos ni Razle yung kinakain niya.
Sinulyapan ko nang bahagya si JK. Mukhang ang layo naman ng iniisip niya. Medyo problemado siya ngayon. Hindi ako sure pero ramdam kong may kakaiba. Naninibago lang siguro talaga ako sa inaasta niya ngayon.
Ako lang din ata ang nakapansin. Busy silang lahat dito eh. Pero ano nga bang problema? Please tell me.
Hindi ako sanay sa pakikitungo mo. *sigh*
Kumuha ako ng chocolate at walang pakundangang sinubo ang mga ito.
One.
Two.
Three..
Four-
"Ariane, hinay-hinay naman." Napansin kong nakaapat na subo na pala ako ng chocolate sa bunganga ko. Ang sarap kasi. Mahilig talaga ako sa tsokolate..
WAIT.
*Rewind*
"Ariane, hinay-hinay naman."
"Ariane, hinay-hinay naman."
"Ariane, hinay-hinay naman."
"ARIANE" Napalingon ako bigla sa nagsalita.
"JK?" Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko alam parang bigla akong nakaramdam ng saya. Si JK? Tinawag akong Ariane? Seryoso? Hindi ko alam pero medyo kinikilig ako. Esh.
"JK-" Mahinang binanggit ko ulit ang pangalan niya. Sa totoo lang parang naluluha na ako. Ang babaw ko. Sobra.
Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Siya naman nakatitig sa relong suot niya at mukhang binibilang ang oras.
"Wala ka naman sigurong balak ubusin yang tsokolate." Sarap talaga upakan tong lalakeng toh! Hays. Kanina lang eh ang sweet ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko. And now mukhang may balak pang pigilan akong kumain. Pashnea. May pagka bipolar talaga.
Yung tipong topakin. Sana lagi ka na lang ganyan. Yung para bang may saltik na nakikitungo sa akin. Hindi yung JK na umiiwas sakin.
Kahit asarin mo pa ako o ilang beses barahin. Okay lang. Basta-
"20 minutes na lang." Dagdag pa niya na bigla namang tumingin sa akin ngayon.
"H-ha?" Nauutal kong tugon sa kanya. Anong 20 minutes na lang? Tagal mag process ng utak ko.
"Sabi ko. Konting minuto na lang kelangan na nating bumalik sa campus. May pasok." Ah yun pala yun. Ngumiti siya sa akin kaya dahan dahan akong napangiti. Ghad. Mas gwapo siya kapag ganyan.
JK. Just be like that. Don't push me.
"Guys we need to go." Sinabi ni JK kila Luke na bigla namang nagulat dahil tutok na tutok sa pinapanuod nila.
"Yah! Hindi pa nga tapos eh." Pagmamaktol nitong si Luke. Hays medyo may pagka isip bata pa toh eh. HAHA.
"Oo nga eh! SAYANG." Dagdag pa nitong si Sheyn. Na napansin ko namang dumeritso ng tingin sa akin at nagpout sakin habang nagkakasalubong ang dalawa niyang kilay. HAHAHA
Alam ko ang dahilan ng pag iinarte niyang yan. Shems. Medyo kakilig lang.
"Okay lang yan guys. Movie marathon ulit kayo next time sa mansion. Pero dapat kasama na ako ha!" Pagpoprotesta naman nitong si Razle. Nakangiting lumingon sa kinaroroonan naming lima.
"Oh ano? Let's go?" Tanong ko sa kanila at nangunang tumayo. Inayos ko kasi yung uniform ko na medyo nagusot dahil sa pagkakaupo ko sa couch.
"Thanks sa pagdalaw sa akin guys. Sayang lang. Hindi nakasama sa kwentuhan si Ross kanina. Si JK kasi humabol eh." Napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Razle. Yung totoo. Ganun na ba talaga katagal ang paglalakad ko nang pabalik balik sa labas ng room na toh kanina? At ganun na rin ba ako kabagal maglakad kanina papasok dito para si JK lang ang makahabol sa kwentuhan nila? Punyemas. Pake ko ba?
"Ha?" Mataray kong tanong kay Razle. Sinulyapan ko rin si Luke... si Sheyn... si Zeyn. si JK. Grabe talaga tong mga toh.
"Wala kwentuhan lang yun kanina..Just random things. Question and answer ganun." Pagpapahinahon naman sa akin ni Razle. Eh ano din?
Pake.ko.ba?
"Ah. Haha sus okay lang." Sarkastikong sagot ko sa kanya at ngumiti ng pilit. Okay lang naman eh! Siguro mas okay na yun dahil mukhang ang saya saya mo kanina. I mean niyo kanina kasama yang Celine na yan.
"Tara na. Baka malate pa tayo mamaya." Sumingit naman si Zeyn Marie. Kalma.lang Ross. Haha. Hayaan mo yang si Razle kapagkatuluyan na yang gumaling eh matatadyakan mo na yan o hindi kaya ay mauupakan mo na yan nang tuluyan..HAHA *evil laugh*
"Bye Razle." Sabay sabay naming sambit at sunod sunod na lumabas. Naiwan naman silang dalawa ni Razle sa loob.
"JK, ikaw na maghatid dyan kay Ross. Sa akin na daw sasabay tong sila Zeyn at Sheyn. Sumunod ka na lang agad dun sa room natin ha." Sabi ni Luke kay JK na tumango naman sa kanya.
Nauna nang naglakad sila Luke at sumakay na sila sa car ganun din kami ni JK. Pinasakay niya na ako sa car niya.
Napatigil ako bigla habang isinusuot ang seatbelt sa inuupuan ko.
"JK, yung gamit ko nakalimutan ko." Pag aalalang nasabi ko sa kanya bigla.
Nakita ko namang natawa siya. Grabe toh!
"At ano namang nakakatawa?" Mataray kong tanong sa kanya. Eh sa hindi naman talaga nakakatawa eh.
"Eh kasi hanggang ngayon malilimutin ka pa rin." Binatukan ko nga eh kasi bigla nanamang bumuga ng tawa. Kainis ah.
"Aray!" Sigaw niya pero tuloy tuloy pa ring tumatawa.
Kaya pinaghahampas ko siya ng palad ko sa braso niya. Hahaha
Ayan sabay na kaming nagtatawan. Mga may sayad talaga.
"Kunin na natin." Tumayo na kami at lumabas ng car. Babalik kaming dalawa dun sa private room ni Razle, naalala ko kasing naiwan ko sa baba ng couch yung bag ko. Hays. Ulyanin.
Akmang dederitso na sana ako sa couch nang biglang may bumungad sa akin pagbukas ko pa lang ng pinto. Eksenang magiging dahilan pala ng pag uunahan ng mga luha sa mata ko. SHIT-
Si Razle...
At Celine?
Magkadikit. Ang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro