Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Familiar

Ross' P.O.V.

Bigla na lang ako napalingon sa likod ko nang may narinig akong nagsalita. Nanlaki ang mata ko.

"Uy teh! Bulay yun ah!" Nagulat ako dahil bigla lang akong kinausap ng isang, bakla? Hindi ko alam pinagsasabi niya. Ano daw?

Nagulat ako dahil ang gwapo niya. Grabe. Paanong kilos babae siya? Maputi na medyo parang chinito. Teka. Parang somehow familiar ang mukha niya.

Nagkita na ba kami? Kilala niya ba ako?

"Ha?" Pagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala. Tumingin naman ako sa paligid pero walang ibang naglalakad sa malapit.

Ako ba talaga kinakausap niya?

"Uy teh? Shunga lang? Haleeer." Dagdag niya pa na nakapagpakunot ng noo ko. Natatamimi talaga ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko  rin nga kasi masyadong naintindihan yung term na ginamit niya.

"Sorry? Uhm Ano po yun?" Napalunok ako dahil biglang nagsalubong ang kilay niya at he rolled his eyes.

"Hmm. Sabi ko gwapo yung lalake. Gosh." Pagkasabi niya ay napahawak siya sa kanyang bewang.

"S-sinong lalake?" Nauutal kong sabi dahil hindi ako sure kung sinong tinutukoy niyang gwapo. So bulay means gwapo. Ah yun pala yun.

"Yung naghatid ba sayo. Yung kakapasok lang sa kabilang room." Ah. Okay. So si Luke pala.

"Si Luke."

"Gosh! Pangalan pa lang yummy na!" Ha? Grabeng bakla toh ah. Mukhang may balak pang kainin si Luke. Haha

"Full name please." Pagkasabi niya ay nagtaka ulit ako. Full name? Nino? Full name ni Luke? O ako?

"Nino?" Tipid kong tanong. Ang gulo niya. Promise

"Haleeer. Malamang nung bulay. Alangan naman sayo." Somehow natatawa na ako dahil sa inaasta niya. Ganun na ba siya kainteresado kay Luke? HAHA

"Ah. Si Luke. Luke Ivan Del Castillo." Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Ang weird talaga niya.

"Bakit may problema ba?"

"Ha? Wala nuh! Haleer!" Depensa niya naman kaya tumango na lang ako.

"Sige babush na girl! Thankiee!" Nakangiting umalis siya at tumakbo na. Hindi ko pala natanong name nun ah. Next time na lang nga. Pero parang nagkita na kami dati eh. Hay naku.

"Pasok na. Kanina ka pa diyan." Natauhan ako nang biglang nagsalita si Sheyn Cydee sa gilid ng pinto ng room.

"Ahy Sheyn, ikaw pala. Kanina ka pa rin ba diyan?"Nagtatakang tanong ko.

"M-medyo lang." Nauutal niya namang sagot.

"Tara na nga." Nakangiting hinila ko siya papasok sa room. Magkatabi lang naman kami ng upuan eh.

"Hinatid ka pala ni Luke kanina." Bulong ni Sheyn sakin habang patuloy na nakatingin sa harap kung saan naglelecture ang guro namin.

"Ha? Oo. Tinext daw kasi siya ni JK. Itong si JK kasi sabi niya isasabay niya ako. Eh na late naman ata ng gising." Pabulong ko rin na sagot sa kanya. Para hindi marinig ng teacher namin.

"Ahh kaya pala." Tipid niyang tugon sa akin at pinagpatuloy na lang namin ang pakikinig sa lecture.

Pagkatapos ng discussion eh saktong dinismiss na kami for morning class. Yun lang ang klase namin dahil nagiging busy na ang mga faculty members sa papalapit na final exam.

Pagtayo ko pa lang ay natuon na agad ang tingin ko sa bakanteng upuan niya.

"Kelan ba daw makakalabas si Razle sa ospital?" Tanong ni Sheyn na nakatingin sa akin ngayon. Nag-aalala rin siya kay Razle. Pero lahat naman talaga kami nag-aalaka sa kanya eh.

"Hindi pa ako sure. Pero makakarecover din daw siya agad sabi ng parents niya." Panatag kong sagot. Kelangan naming lakasan ang loob namin na malalagpasan niya rin ang kung ano mang problema ang kinakaharap niya ngayon.

Kaya niya yan sus.

"Pinsan!" Pamilyar na boses ang pasigaw na nagsalita. Napalingon naman kami ni Sheyn sa deriksyon niya.

"Pinsan!" Agad naman akong hinila ni Sheyn papunta sa labas ng room kung nasaan si Zeyn Marie.

"Tapos na rin morning class niyo?" Tanong ni Sheyn kay Zeyn na kanina pa atang nag aantay sa aming makalabas.

"Ha? Oo. Diba halos pareho na sched natin." Sagot naman niya.

"L-Luke?" Napansin kong nasa likod pala siya ni Zeyn. And papalapit na siya sa kinatatayuan naming tatlo. Bigla namang napayuko si Sheyn pagkakita kay Luke.

"Hello!" Masayang lumapit sa amin si Luke.

"Si JK? Pumasok?" Tanong ko sa kanya nung makalapit na siya sa amin. Nagtataka lang ako kasi parang medyo umiiwas na siya sa akin ngayon. Bigla bigla na ring nagbabago isip niya. Basta parang ganun. Pero may be nagkakamali lang ako.

"Hindi pumasok eh. Hindi ako sure. Pero wala sa room kanina." Sagot niya na bahagya namang napakamot ng ulo.

"Saan naman kaya ang lalakeng yun?" Mahinang tanong ko sa sarili. Kahapon lang nagtext pa sa aking isasabay niya ako tapos hindi naman sumipot. Si Luke pa ang inutusan eh naiilang nga kami minsan pag magkasama.

"Ah si Kuya Razle? Asan siya?" Nagtatakang tanong ni Zeyn Marie sa akin. Kaya napatingin na rin ng bahagya si Sheyn sa akin. Na halatang gusto ring marinig ang isasagot ko. Eh kahit ako hindi ko na rin nga alam kung ano nang ganap sa kanya.

"Hindi ko alam kung nakalabas na siya ng ospital." Sagot ko sa kanya at huminga ako nang malalim. Ano na nga bang ganap sa kanya? Kumusta na kaya siya? Yung babaeng kasama niya nung isang gabi, kasama niya pa rin kaya? Shems.

"Ha? Anong ospital? Bakit siya nasa ospital? May nangyari sa kanya ate Ross?" Nagulat ako sa sunod sunod na tanong ni Zeyn. Oo nga pala. Hindi niya alam ang nangyari kay Razle. Alalang alala naman siya sa tono ng pananalita niya. Importante nga pala sa kanya si Razle.

Isang taon lang ang tanda sa kanya ni Razle at halos dalawang buwan lang ang tanda ko sa kanya pero ang hilig niya pa ring tawagin akong ate.

"Oo Zeyn naospital si Razle nakaraang araw pa dahil nakita naming nawalan ata siya ng malay at nakabulagta sa room niya nung pagpunta namin dun sa kanila. Kaya nagpagpasyahan naming dalhin agad siya sa ospital nila Luke at JK. Hanggang ngayon hindi namin alam kung ano ba talagang nangyari sa kanya nun at nangyayari sa kanya ngayon. Hindi naman na ikukwento ng parents niya sa amin."sagot ko sa kanya na maiging pinakinggan rin naman ng dalawa.

"Mabuti pa kumain nalang muna tayong apat sa canteen. Tanghali na rin naman eh. And para madalaw na natin si Razle after eating lunch." Mahinahong sambit ni Luke sa amin na sadyang nakapagpakalma rin naman kay Zeyn Marie na natulala kanina nung ikinuwentong nangyari kay Razle. May point si Luke hindi naman magandang tumunganga lang kami dito sa campus.

"Sige Luke! Dalian natin ha!" Masiglang sambit ni Zeyn na nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi ni Luke.

"Tara na." Singit naman nitong si Sheyn. Hay nag uusap pa nga sila Zeyn eh. Loka loka rin talaga eh. Haha

Bigla niya kaming hinatak ni Zeyn patungo sa canteen. Si Luke naman ay sumusunod lang sa amin.

"Aray ha!" Sabay pang sigaw namin ni Zeyn Marie paghila niya sa braso namin.

"HAHAHA. Ginugutom na ako eh! Ang bagal niyo." Bigla na lang siyang tumawa kaya humalakhak na rin kami ni Zeyn. Ang panget kasi nung tawa ni Sheyn yung pang timang lang. HAHAHA. Sinasaniban nanaman ata ang babaeng ito.

Nakita ko sa hindi kalayuan yung baklang nakausap ko kanina, nakatingin siya sa amin habang kumakain kami sa canteen.

Medyo naguguluhan talaga ako sa kilos niya. Minsan pure kabaklaan pinapakita niya katulad kanina pero ngayon medyo panglalake ang tindig niya. Napalingon siya sa akin kaya ngumiti ako bigla pero nilihis niya yung paningin niya at tumalikod na. Alam ko mabait yung baklang yun. Baka nahihiya lang sa amin.

"Sinong tinitignan mo dyan?" Tanong ni Luke sa akin na napatigil naman sa pagsubo ng pagkain. Sila Zeyn at Sheyn naman ay patuloy lang sa pagkain. Mukhang gutom na gutom sila.

"Ha? Ah. Wala. Kain ka lang. Haha." Sagot ko sa kanya na nakapagpakunot ng noo niya.

"Okay." Ibinaling niya naman agad pabalik sa pagkain ang atensyon niya.

Bakit nga ba nakatingin sa amin yung baklang yun?

Baka nagkakagusto na siguro talaga siya kay Luke Haha. Pero something weird. Kakaiba ang tingin niya. Parang may kung ano. Ewan. Baka ganun na lang ang pagnanasa niya kay Luke haha. Shems.

Pero kay Luke nga ba siya kanina pa nakatingin ? O ? Hindi ko alam.

But really. I'm still wondering-

"Who's that gay?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro