Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20: Consequences

JK's P.O.V.

"Bro, hindi ko talaga alam ang gagawin ko." Problemado namang nagsalita itong si Luke sa akin.

"Eh ano ba kasing problema mo?"  Nandito kaming dalawa ngayon sa rooftop ng bahay.

Kanina pa ako naguguluhan sa ugok na toh.

"Bro, gwapo naman ako hindi ba? Mas gwapo pa nga ako sa inyong dalawa ni Razle eh!" Parang baliw na nagsalita si Luke at bigla namang tumawa. Sabay lagok ng isang shot ng beer.

"Ano ba talagang pinagsasabi mo bro? Lasing ka na eh!" Nakakainis talaga toh siya lalo na kapag nakainom. Kung ano ano lang ang sinasabi. Para bang wala sa sarili.

Napansin kong mukhang lasing na lasing na talaga siya. Kanina pa siya dito umiinom eh. Wala ako sa mood para makipagsabayan sa drama niya kaya hindi ako masyadong uminom.

Bubuhatin ko na sana siya para ihatid sa kanila pero bigla namang nagsalita.
"Bro, mahal ko siya bro."

"S-sino?"

"Mahal na mahal ko siya bro."  Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla ko naman siyang nabitawan na dahilan ng pag upo niya.

Alam kong hindi niya ramdam ang sakit ng biglaang pag-upo dahil sa sitwasyon niya.

Bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang beer at lumagok ng isang baso.

"Sino nga kasi yang tinutukoy mo?" Tinanong ko ulit siya kahit parang alam ko na ang isasagot niya.

"Mahal ko si Ros-" Naputol ang sasabihin niya dahil nag black out na lang siya bigla.

Tama ba ang narinig ko? Siya ba talaga ang tinutukoy niya?

Beep beep

"Where are you? You're being late again."

"Susunod na ako."

"Okay, just hurry bab-" Hindi ko na siya pinatapos. Pinatay ko na agad ang cellphone ko. Ininom ko muna ang natitirang alak at tuluyan nang binuhat si Luke Ivan.

Putcha. Bigat ng lalakeng 'to ah! Isinakay ko na siya sa car ko at nagdrive. Hinatid ko siya sa mansion nila at nagpatulong sa mga katulong na dalhin sa room niya.

Pumasok ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Walang masyadong mga sasakyan ngayon sa daan dahil gabing-gabi na. Kaya hindi ako nag aalangang magdrive nang mabilis.

"Hey baby, let's dance." Bulong sa akin ng babaeng ito habang nakapulupot sa bewang ko. Magkatabi kami ngayong nakaupo sa sulok ng bar na 'to.

"Ayaw ko." Seryoso akong nagsalita at ininom nang deritso ang isang baso ng beer. Nakatingin lang ako sa paligid ng bar at minamasdan ang mga taong walang tigil sumayaw kasabay ng napakalakas na tugtog.

"Fine." Sagot niya sa akin na hindi ko naman kinibo. Pero mas nainis ako nang mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin sa tagiliran. Lasing na lasing na talaga ang babaeng 'to. Ni dignidad sa sarili mukhang wala na. Shit.

Isang napakawalang kwentang gabi. Inubos ko lang ang oras kakainom ng alak. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko maramdaman ang epekto ng alak.

Uminom pa ako nang uminom. Hanggang sa maramdaman kong paglabo konti ng paningin ko.

"Ross." Bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko pagkasabi ko ng pangalan niya. Lasing na ata ako.

Nagulat ako dahil bigla kong hinatak ang babaeng kanina pa nakayakap sa akin. Parang nakikita ko si Ross.

Si Ross nga siguro itong kayakap ko.

"Mahal na mahal kita. Akin ka lang." Hinawakan ko siya sa mukha at walang pag-aalinlangang hinalikan na ginantihan niya naman.

Tama ba ang ginagawa ko?

"Mahal na mahal din kita John Kenneth." Sagot pa niya.

____________

Ross' P.O.V.

"Tita, ako na pong magluluto ng beef stake. Our favorite." Nakangiting sambit ko sa kanya. Excited na kasi akong magluto ulit nito and siyempre malakas ang loob ko dahil medyo nakukuha ko na ang timpla ni tita. Haha.

Masarap naman akong magluto. Pero pili lang rin ang kabisado kong lutuin.

"Okay, sarapan mo ang pagkakaluto ha. Magliligpit lang ako sa taas." Masayang nagsalita si tita at umakyat na sa taas.

HAHAHA. Sana hindi sumobra sa timpla. Kung hindi aasarin nanaman ako ni tita.

Kinuha ko na ang mga ingredients at pinalambot ang karne. Iniluto ko na ang mga ito at inihanda ang mesa kung saan kami kakain ni tita.

"Ross."

"Bakit po tita?" Kinabahan ako dahil seryoso niyang binanggit ang pangalan ko pagkababa niya.

"Ang bango!"

"Huh? Ng ano po?" Nagtataka ako sa sinabi niya.

"Ng beef stake!" Parang batang sumagot si tita sa akin. HAHAHA.

"Sus ako pa tita?" Bigla nalang kaming nagtawanan ni tita. Maya-maya ay kumain narin kami.

"Kumusta na pala ang kalagayan ni Razle?" Napahinto ako sa pagsubo dahil sa tinanong ni tita. Uminom muna ako ng tubig at saka nag isip ng pupwedeng isagot.

"Ah. Okay naman po siya. Pero pinagpapahinga pa sa ospital ng parents niya." Pagkasabi nun ay itinuloy ko na ang pagkain ng beef stake.

"Kawawa naman siya nuh? Eh sinong nagbabantay sa kanya? Hindi ba busy ang mga parents niya sa business nila?" Mabibilaukan na ata ako sa sunod sunod na tanong niya. Pero. Sino nga bang nag aalaga sa kanya ngayon? Sino nga ba?

"Hindi ko po alam eh. Baka may ipinadala naman po sigurong katulong ang mommy at daddy niya sa kanyang private room." Mahinahon kong sagot sa kanya.

Nakikita ko namang nag eenjoy siya sa niluto ko. Eh ang sarap ba naman. HAHA. Napadami ang kain ni tita kaya sinabayan ko na rin siya. Halos maubos na namin ang niluto ko.

"Ross, best friend mo diba si Razle?" Nabigla ulit ako sa tanong ni tita kaya uminom agad ako ng tubig. Pero best friend ko naman talaga siya eh. Wala naman atang mali sa tanong niya?

"Ha? Opo. Bakit mo naman natanong tita?" Tumingin naman siya sa akin matapos akong magtanong sa kanya.

"Ang bait ng lalakeng iyon. Kaya tumulong ka rin para makarecover siya agad ha." Pagpapayo sa akin ni tita na tinanguan ko naman at sinabayan ng ngiti.

Kahit hindi mo naman sabihin tita eh. Gustong-gusto ko siyang bantayan at alagaan. Pero baka hindi na muna kailangan. May nagbabantay naman sa kanya.

"Siyempre naman tita. Best friends kaya kami and dinadalaw naman namin siya nila JK at Luke eh." Dagdag ko pang sagot kay tita at itinuloy ang pagliligpit ng aming pinagkainan.

Lunes ngayon kaya may pasok ako. Minadali ko ang pagkilos dahil baka mahuli ako sa klase. Nagtataka nga ako dahil sabi sa akin kahapon ni JK eh susunduin niya ako para sabay kaming pumasok. Pero wala pa rin siya. Baka may importanteng inasikaso lang. Kaya nagbihis na lang agad ako at nag abang ng masasakyan.

___________

Luke's P.O.V.

Dinalaw ko saglit si Razle kanina sa ospital. Maaga pa naman eh. Good thing pwede na raw siyang mailabas mamayang hapon sabi ng mommy niya.

Ngayon deritso na akong tumungo sa bahay nila Ross. Nagtext kasi kanina si JK sa akin na sunduin ko daw yung babaeng yun. Baka ma-late daw siyang pumasok ngayong umaga.

"Sakay na Ross!" Sigaw ko sa kanya na agad namang napalingon sa kinaroroonan ko. Ngumiti ako nang husto pagsilip ko sa kanya sa bintana ng car ko.

"Luke?" Nagtatakang tanong niya habang papalapit sa pintuan ng car ko. Tumayo naman ako bigla at lumabas.

"Hindi na muna raw makakasundo si JK sayo. May importante lang atang inasikaso." Sabi ko sa kanya at pinapasok na.

------------

Ross' P.O.V.

"Thanks Luke! Mauna na ako ha." Nakita ko namang dali dali agad siyang bumaba sa car niya at tumayo sa harap ko.

"Ihahatid na kita sa room niyo." Buang talaga toh. Ihahatid? Eh magkatabi lang naman room namin. HAHA.

"Haha. Magkatabi lang naman ang room natin."

"Kaya nga. Magkatabi lang ang room natin." *wink* Ngumiti naman siya nang wagas. Shems. Gwapo ka naman eh. Marami pa namang babae diyan.

Naalala ko nanaman tuloy ang sinabi niya sa akin nakaraan nung nasa ospital kami.

Hays.

"Thanks again, Luke." Ngumiti ako sa kanya pagkasabi ko nun. Andito kami ngayon nakatayo na sa pagitan ng room namin.

"Yep, no problem Ross. Magreview ka nang maayos ha." Kumaway na siya sa akin at ganun din naman ako. Nakita kong pumasok na siya sa loob ng room nila.

Hanggang sa

"Uy teh? Bulay yun ah!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro