Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

(Dedicated to Rhazeblade)

Chapter 2: Mr. Suplado

"Shit!"
"Miss pwede ba mag-ingat ka rin!? " in a cold voice.

Kung mamalasin ka nga naman oh! May nabangga pa akong lalake. Ramdam ko ang inis niya nung sabihin niya sakin yun straight into my eyes.

Nakakatakot siya. Hindi ko talaga sinasadya. Pashnea. Muntik na talaga siyang matapunan ng kinakain niyang ice cream. Ang lampa ko talaga.

"Sorry po, sorry talaga. So sorry, eh kasi-" hindi ko na natuloy kasi pamilyar yung mukha niya.

O.M.G. pati boses. Si RAZLE.

First impression lasts pa naman. Namula bigla yung mukha ko. Shit happens talaga. Bakit ngayon pa? Nakakahiya.

"Sa susunod please make sure na tumingin ka rin sa dinadaanan mo."  Naiiritang sabi niya.

I feel so down. Humingi na ako ng sorry. No effect.

Ngayon siguro umiiral nanaman ang pagiging supladita ko. Hindi na ako makatiis. Hindi ko sinasadya yun.

"Sorry na nga dba? As in S-O-R-R-Y! Sorry na." Wala man lang kibo. Parang walang tao sa harap niya. Anong akala nito? Hangin lang ako? Ganern? Well, I'm not.

"Sorry na nga dba? Suplado!" Ayan tuloy suplado ka ngayon. Nakakainis ka Razle ha! Akala niya naman sinasadya ko. Hindi niya ba alam na nagsorry na si Ross Ariane Buenvina sa kanya. Kung alam niya lang bihira lang lumabas ang sorry sa bibig ko.

Wala pa ring kibo.

Big deal ah. At saka di naman talaga siya natapunan ng ice cream. Muntik. Muntik lang.

Arte niya kasi. Dapat talaga natapunan nalang siya ng ice cream. Choco flavor pa naman. Magmumukhang nataehan siya niyan .  *Evil laugh* Well. Tapos narin naman. Nangyari na ang nangyari.

Nakita ko namang unti-unti na pala akong lumalayo sa kanya. Kaya tumalikod na lang ako at naglakad. Hindi ko na nagawang lumingon pa sa kanya.

"Nakakainis! Gwapo sana kaso suplado!" Nagulat ako nang bigla kong naramdamang may humila ng bag ko kaya napahinto ako bigla.

"Anung sinabi mong Asungot ka?!" Patay kang bata ka narinig niya atang tinawag ko syang suplado.

"Anong problema mo? Nag sorry na ako hindi ba?" Tanong ko habang nakataas yung isa kong kilay.

Pero wait? Did he just call me "Asungot"? Seriously? What the -!

"Hoy! Anung asungot? Ganda ko kaya!"pasigaw kong sabi habang tinuturo yung pointed nose niya. Hindi naman kalakasang sigaw. Yung tama lang. Umiiral nanaman ang pagka loka-loka at pagkasupladita ko.

"Hay! Ewan ko sayo." Bigla niyang pinitik yung daliri ko na nakapoint sa ilong niya sabay deritso na siyang lumakad. Kahit kelan talaga hindi ko maintindihan ang mga lalake . Lalo na yung isang yun.

I almost forgot! Canteen. FOODS.

"Woooy! Suplado! Saglit!" . Syempre hinabol ko sya. Kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya kahit nakakairita siya. 

Siya lang naman ata mapagtatanungan ko dun banda. May pagkamahiyain nga kasi ako. At saka sabi ni tita huwag daw akong basta-basta mag aaproach sa mga hindi ko pa kilala. Marami daw mga fraternities and gangs rito. Mahirap na daw at baka mapagtripan ako.

Kaklase ko ang lalakeng toh. Kaya keri lang. Siyempre para sa pagkain.

PAGKAIN!PAGKAIN! PAGKAIN! Nagpipiyesta na ang mga bulate sa tiyan ko.
So I really don't care kung ano pa isipin niya sakin. Sinusunod ko lang naman ang tiyan ko.
________

Razle's P.O.V.

Nakakainis naman dito. Tapos mamemeet ko pa itong asungot na ito. Sorry for that word, pero asungot talaga eh!

Heto ang kulet sunod ng sunod sa akin. Binangga na nga ako kanina. Badtrip. May gana pang bumuntot sa akin.
Sigurado akong isa rin siya sa mga tinamaan ng kagwapuhan ko.

Mga babae talaga. Makakita lang ng gwapo, nagkakagusto na agad. Makapag soundtrip na lang nga.

"Razle, sorry na and by the way I'm Ross, one of your new classmates."

"I.know." I said in a cold voice.

"Uhmm M-May itatanung lang sana ako- I mean pwedeng magtanong?" Sabi niya sakin kaya tinanggal ko na lang earphones ko para hindi naman mapahiya ang babaitang asungot na ito. Pero nakakairita eh. Parang linta. Dikit ng dikit!

"Hindi pa ba yan tanong sa lagay na yan?"

"I know who you are. Stop wasting my time." Sabi ko sa kanya.

"Suplado. peace na nga. Eh nagugutom na kasi ako -"
Isang banggit pa ng salitang yan baka ikagulat mo nang husto ang gagawin ko sa iyo.
"I mean Razle pala. Kanina pa kasi ako gutom eh."

Eh anu naman kung gutom ka?

Nasa akin ba ref niyo? O mukha na ba akong canteen ngayon?

Gusto ko talaga siyang sigawan nang matahimik na ang mundo ko.

"Stop calling me like that." Sabi ko in a cold way at seryosong tinapunan siya ng tingin. Mukhang natakot naman siya. Good.

Stop saying that word because it doesn't suit me.

So annoying. *Sigh*

"P-pwede pa tour naman sa canteen ? Hindi ko kasi talaga alam eh. Please?"
May pa cute effect pa. Kala niya madadala naman ang ka gwapuhan ko. No way.

Eh asungot lang nga. ASUNGOT! Gagawin pa akong tour guide.

I can't take this anymore. Masisira lang araw ko.

"Fine." sabi ko sa kanya para matahimik na. Ang ingay. Sobrang sakit sa tenga. Pero. Dapat makaganti ako sa kanya. *evil laugh in mind*.

"But-" Sabi ko sa kanya na nakapagpakunot naman ng noo niya.

"Ano? Please dalian mo. Gutom na talaga ako. Kakainin na ng mga bulate tong tiyan ko." Naiiritang sabi niya pero bigla namang ngumiti ng pilit.

Walang libre sa mundo.

Lahat may kapalit.

"You owe me one. Next time ako naman ang hihingi ng favor and you mustn't say "NO"." Bigla naman siyang napaisip at napakamot ng ulo.

"Oo na. Sige na. Pero isa lang ha! Dalian mo. Ayaw ko na ginugutom mga alaga ko." Dali-dali niya akong tinutulak sa likuran. *evil laugh in mind*

Dumeritso na kami sa canteen.

"Oh ayan. Miss Ross dito kana sa canteen. At pwede tigilan mo na ako sa pangungulit mo at baka madagdagan pa ang utang mo sa akin." mahinang sambit ko sabay umalis na ako sa kinatatayuan namin at baka mairita lang ako lalo sa kanya.

Hay naku. Mga babae nga naman.

___________

Ross's P.O.V.

Sa totoo lang medyo nakakatakot ang  cold guy na yun. Este si Razle pala. Kasi naman kapag nakita mong seryoso na siya, maninindig talaga mga balahibo mo  sa kanya.

GHAD! Pasalamat na lang ako, wala siyang ginawang masama sa akin at tinulungan niya pa ako kaso may kapalit naman.

Hayaan ko na lang siya baka hindi naman ganoon kahirap hihingiin niyang favor next time.

At saka kahit ganun siya, natatamimi ako pagkaharap ko siya. Shems. Ang gwapo niya kasi.

Pantasya pa more Ross. Hindi ba gutom ka?

Wait? Hindi pa nga pala ako nakapagpasalamat kay Mr. Suplado. Este Razle nga pala. Haha

"Thanks Razle!"pasigaw kong sabi sa kanya. Ayan nakaagaw ata ng pansin sa mga kumakain.

Hindi ko naman napansin agad na ang bilis niya palang nakaalis sa canteen. O talagang malayo nanaman ang narating ng isip ko? Huh? habang minamasdan siya?

N.O. Laki ng epekto ng pagkagutom ko ah.

By the way, pagkain nga pala pinunta ko.

"Ate pabili nga po niyang Ham Burger, Choco Biscuit at saka Choco shake." Iniabot ko kay ateng tindera yung bayad ko and binaryahan niya naman agad.

Mahilig ako sa chocolate flavor na pagkain, kaya binili ko na agad yung choco biscuit para may mameryenda ako sakaling kumulo bigla tiyan ko.

Then dumeritso na ako sa may kanang bahagi ng mga nakahelerang mga upuan at lamesa. At naghanap ng mauupuan.

Hindi ko pa memorized schedule ng mga subjects ko kaya hindi ko na alam next class ko. Binuksan ko ang bag ko at hinanap kung saan yun nakasulat.

YES!

Thankfully. Vacant next subject namin. Buti na lang naimbento ang salitang vacant lalo na sa high school. Kahit saglit lang eh nakakapagpahinga ng utak.

So yun nga naglibot na lang ako dito,pero sa malalapit lang para madali kong matandaan yung daan.

Loner ang peg. Hays.

Next class. Boring.

Halos kakasimula pa lang ng pasukan pero bakit parang nakakawala ng gana. Sa susunod na mga araw baka hindi na rin. Tiwala lang.

After a million decade. Just kidding. Uwian narin.

Pero si Razle palang namemeet ko. Hindi pa ata magandang pagtatagpo ang nangyari sa aming dalawa and stranger pa rin ako dito.

Hindi bale. Magkakaroon parin ako ng mga new friends. Hindi pa end of the world kaya tiwala lang ulit.

Ang hirap pala dito sa Manila. Nakakapagod mag antay lalo na't pag traffic.

Kailan kaya ako magkakaroon ng sariling kotse?

Si Razle kaya may kotse? Teka bakit ko ba siya iniisip? Hay makapagbasa nalang nga.

*reading my horror book while waiting for a jeepney*

Hay salamat may huminto narin sa harapan kong jeepney. Pagkaupo ko pa lang binigay ko na agad bayad ko. Pinaabot ko lang dito sa katabi kong lalake.

"Tabi na lang po manong." Sabi ko kay manong jeepney driver. Medyo malapit lang naman kasi ang bahay namin.

Aray naman po! Eh bigla ba namang pumreno tong si manong.

"Thanks po kuya." Nginitian ko na lang yung  lalakeng katabi ko dahil tinulungan niya akong damputin yung nalaglag kong aklat. Manong driver kasi wagas makapreno.

"Welcome." Sabay ngumiti rin siya sakin. Hindi naman siya ganun kagwapo pero may appeal. Pero gwapo siya eh. Basta. So manly ang voice niya. Kyaaaa. Gentleman. Kasing edad ko lang siya kung titignan. Ang puti niya. Medyo may pagkachinito ang itsura niya. Hindi ko lang masyadong maaninag dahil sa matipid na ilaw sa jeepney.

Ang bilis talaga ng oras, nandito na ako sa harap ng gate namin at finally makakapagpahinga na ako. Nakakamiss sila mama. Sobra.

"Oh nakauwi ka na pala." sabi niya habang nakangiti at nakatingin sakin.

"Opo, namiss nga po agad kita." I throw my sweet smile and head towards her.
_______

To be continued.

Miss Author's Note:

Hello, thank you for reading my first story. Sorry po kung di ako expert and may mga typos. Pero ginagawa ko po best ko ^.^I hope you'll continue supporting. ;)
☆☆☆☆☆☆#teamhazy_25

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro