Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19: Feelings

"ROSS." Seryoso siyang nagsalita at nakatitig sa akin ngayon.

"Luke?" Si Luke lang naman pala. Hayst. Nadamay pa. Pero bakit andito siya? Atsaka bakit hindi niya kasama si JK? Kanina pa siguro siya dito.

"Ross, saan ka naman pupunta?"tanong niya sakin habang mas unti-unti pang lumalapit sa kung saan ako ngayon.

"Ahh eh pauwi na rin. Gabi na eh." Walang gana kong sambit.

"Pauwi ka na? Pinuntahan mo na ba si Razle sa loob?" Tinanong niya ako sabay ginulo pa ang buhok ko. Tsk. Mukong na toh

"Hay sus, hayaan mo muna yun. Mukhang may importanteng bisita eh. Baka makaistorbo tayo." Sabay nag*poker face* ako sa kanya. Haystt. Paano na toh? Gabi na, mahihirapan nanaman akong maghanap ng jeep.

Bahala na. Makaalis lang dito.

"Wait, si JK? Bakit di mo kasama?" Tinanong ko si Luke. Sabi kasi ni JK sabay daw silang pupunta rito sa ospital.

"Ahh yun? May importanteng lakad lang daw. Ewan ko kung saan eh." *wink*

Hay naku. Pakindat-kindat pa tong lalakeng toh. Makaalis na nga. Kailangan ko nang umuwi. Hahanapin na ako ni tita.

"Oo nga pala Luke. Uhmm kasi."
"Bakit Ross?"
"Kilala mo ba kung sino yung kausap ni Razle sa loob?" Nagtatakang tanong  ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman.

"Ha? Yun ba? Si Celine."

"Kilala mo siya?"

"Ha? Oo. Pero wala lang yun."

"Ahh. Kasi ano eh-" Bigla akong napahinto dahil hinawakan niya yung braso ko.

Tinitigan niya ako at unti-unting lumapit sakin. Yung mas malapit.

Kaya napasandig narin ako sa pader. Yung parang kino-corner niya ako ngayon. What the-?

Bigla akong nagulat at napatitig sa kanya. Bigla lang talaga. Parang hindi na nga ako makagalaw. SHEMS.

Ang katawan ko. Ang mga paa ko. 'Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I'm completely frozen.

"Ross-"

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Ano toh Luke.

First time lang toh. Unang beses na tinitigan niya ako nang ganito.

Hindi ako makasalita. Dahan-dahan akong napalunok at parang hindi ako makahinga nang maayos.

Para akong nabinge sa sunod niyang mga sinabi. Hindi ko maintindihan. Ewan hindi ko alam.

Luke! Ano ba nangyayari sayo? Pero hindi pa rin sya lumalayo. Kaya pumikit na lang ako bigla. Basta ewan. Bahala na!

LUKE.

_________________

Luke's P.O.V.

"Ahh ehh Ross? Uhmm. Ihahatid na lang kita. Okay lang ba? Just forget what I've said."Shit ano ba nangyayari sakin?

"Ahh eh, oo. O-Okay. O-Okay lang naman L-Luke." pautal-utal na sagot ni Ross. Nakikita ko na parang kinakabahan narin siya.

Please act normal lang Luke.

"Haha, nakakatawa ka talaga, akala mo siguro nuh-." Sabay tinuro ko yung nose niya.

Pero mukhang pinagpapawisan na ako dahil dun ah. Sobrang kaba.

"Buang ka talaga!" Sigaw niya. Haystt ayan na, magbubuga na po ng apoy si Miss Ross. Tss. Luke naman kasi. Kung anu-ano iniisip mo eh.

"Aray!" Bigla niya na lang akong sinuntok sa braso sabay kumunot ng noo.

Nakakatawa talaga tong babaeng toh.

Pero buti na lang napigilan ko. Putcha muntik na talaga.

PERO PUTCHA TALAGA. Bakit pa ako nagsalita? Damn.
"Tara na nga!" Sabi niya, sabay naglakad na siya nang mabilis kaya sinundan ko na lang tong prinsesa.  Buti na lang.
____________

Ross' P.O.V.

GHAD! WHAT JUST HAPPENED?

Anong nakain ng lalakeng toh?

Anyare kanina?

Bakit sobrang lapit niya sa mukha ko?

GHAD. Hahalikan niya ba ako? Haystt. Ross wag kang asyumera!

Pero eh. SHEMS. Kainis na lalake yun ah.

Kaya heto naglalakad ako nang mabilis.

May topak talaga yun. Promise may topak!

Sarap talaga bugbugin.

Andito na kami banda sa parking area. Tsk tsk. Hindi ko nga pala alam yung car ng lalakeng toh.

Wait. Tama bang sumabay ako sa kanya?

Tama ba?

Sasabay ba ako?

Oo sige na. Baka kung ano pa isipin eh.

Kahit papaano marunong naman ako mag taekwondo. Pang self defense lang. In case of emergency. Tsk.

"Saan banda yung car mo?" Tinanong ko siya habang nililihis yung tingin ko sa kanya.

"Haha, doon banda oh. Yung kulay red sa may kanan." Tapos yung mukha niya parang ewan.

May gana pa siyang magbiro. Hayst. Kainis talaga eh.

Pinakaba niya ako nang husto.

Ayun buti naman pinagbuksan niya rin ako ng pinto sa car niya.

"Get in." Pangiti-ngiti pang buang na toh.

So heto nga gabi na talaga. Kaya no choice ako. Kelangan ko talagang sumabay sa kanya.

Mas ka-close ko naman toh kaysa sa mga tambay dyan sa kalye nuh. Atsaka wala naman siyang gagawing masama sakin. I HOPE.

Subukan niya lang ahy. Magsisisi talaga siya.

Hay salamat malapit na. Yun na oh. Doon na banda yung bahay ko. YES.

"Oh ayan na po Miss Ross, andito na po kayo sa inyong tahanan."*wink* tsss. Isang kindat pa magkakablack-eye ka na Luke.

Haha joke lang ba. Hindi pa naman ako ganun ka-sama.

"Salamat sa paghatid Luke." Okay. Move on na'ko. Kakalimutan ko na lang yung kabuangan niya kanina. So I smiled at him while waving my right hand.

"Bye Ross. Good night. And kalimutan mo na lang sinabi ko. Joke lang yun." Ngumiti rin siya sa akin at pinatunog ang busina.

Hay. Salamat po. That was a relief.

"Good night Luke, thanks a lot." Umalis na siya at sinarado ko narin yung gate. Nakakapagod ang araw na toh.

Sobrang nakakapagod.

After I ate my dinner with tita Levie, dumeritso na ako sa kama. I want to get some sleep.

Beep.beep.

Beep.

Beeeep.

Bigla na lang ako napabalikwas sa kama ko nung may naririnig akong tumutunog.

Ramdam na ramdam ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Minulat ko na yung mga mata ko at kinapa ko yung cellphone ko sa kama.

Tsk. Siguraduhin lang na importante tong makikita ko sa cp ko. Kung hindi lagot talaga tong taong toh. Kung sin-o *hikab* man siyaaa.

Hayst. Inaantok pa ako.

Timeheck: 4:00 A.M.

Seriously?!Ang aga-aga. Istorbo.

"From: 090975452**
(4:00A.M.)

'Hindi ka pa rin titigil nuh? Just wait until you see. Sisirain kita. Sisirain ko kayo! "

Huh? Unknown number. Pero bakit? Sino siya? Paano niya nalaman number ko?

Anong sinasabi niya?
I suddenly dropped my cellphone on my bed.

'Sisirain kita. Sisirain ko kayo'?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro