
Chapter 18
Chapter 18: Jealous
"Hi RV."
"Who's there? Ross? Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap."
"Ahh ehhh.-" Hindi ko alam kung si Ross talaga yun pero sure ako siya yun eh. Medyo madilim kasi banda sa door ng room na toh.
Akmang tatalikod na sana si Ross pero tinawag ko ulit.
"Uyy Ross, bantayan moko dito. Dali na-"
Pero nagulat na lang ako nang bigla kong nakita ang babaeng matagal ring lumayo sa'kin.
The girl whom i've used to laugh with. The girl who used to be there for me whenever I needed a friend. The girl who used to be my strength yet my weakness. The girl who used to give me hope but also the reason why I'm acting like a hopeless person now.
She used to be like that. But it's all in the PAST.
Hindi ko parin mapigilang matulala sa nakikita ko ngayon. Yung tipong andaming tumatakbo sa isipan ko pero ni isang salita hindi ko man lang mailabas.
Pero pinilit ko.
"C-Celine?" Yan lang ang nabitiwan kong salita. Nauutal pa nga ako eh.
"Hi RV, I want to call you like that again. I missed you." Napakamalunay niyang sambit.
Hindi parin siya nagbabago. Ang ganda niya at mahinhin pa rin kumilos at magsalita.
Alam ko namiss ko siya pero hindi ko inasahan na magkikita pa kami ulit. Akala ko talaga hindi na siya babalik.
"Uhm. Kelan ka pa nakabalik dito?" I asked her while opening my bottled drink. Mukhang kelangan ko kasing uminom ng tubig.
"Kanina lang. I just want to see you RV. Tita Jess told me about what happened to you. Kaya pinasakay ako ni dad sa aming private plane." Sabi niya at umupo na sa isang chair dito banda sa harapan ko.
Tita Jess ang tawag niya sa mom ko. Short for 'Jessamyn Valler'. Since bata pa kami, close na ang mga families namin.
"Huh?Sinabi ni mom sayo? And wait, the thing is, 'you only want to see me'? You came back here just to see my situation?" Tanong ko sa kanya. Alam ko medyo lutang pa ako ngayon. Pero gusto ko lang malaman kung ako ba talaga ang dahilan nang pag-uwi niya rito.
I just want to know.
Kung...
"RV, isa ka rin sa dahilan. Gusto ko rin kasing bisitahin ang mga grandparents ko here. Malapit na kasi anniversary nila mamo at papo." Alam ko walang masyadong nagbago sa itsura at pagkilos niya, pero sa pagitan naming dalawa, alam ko malaking kaibahan na kaysa noon.
Marami nang nagbago. Sabi nga nila, 'walang permanente sa mundo, lahat nagbabago'.
Because the truth is 'Only CHANGE is unchangeable'. And nothing's gonna change that fact.
"Ahhh okay, salamat sa concern. Celine." Hinayaan ko na lang na alagaan niya ako. Medyo sumasakit nanaman kasi ang ulo ko. Parang nahihilo na lang ako bigla.
"RV, susubuan na lang kita. You need to recover as soon as possible." Naappreciate ko siya, pero hindi ba medyo awkward? Parang nakakailang kasi eh. Ahhh basta.
"Celine, okay lang kaya ko naman eh." Sabay ngiti ko sa kanya. Ayaw ko namang ma offend siya.
"No, RV. Please. Let me take care of you. Kahit saglit lang. Hayaan mo namang makabawi ako kahit konti, sa dami ng pagkukulang ko. Alam ko kulang pa toh." Then she smiled at me. And she suddenly holds my right hand.
Natahimik na lang ako bigla sa mga sinabi niya pati sa ikinilos niya.
Dahan-dahan ko namang inilayo ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Oo, gustong ko siyang yakapin. Pero hindi pwede eh.
Parang may kung ano nanaman akong naramdaman pero hinayaan ko na lang.
Pagbibigyan ko na lang siya na alagaan ako.
Atsaka past narin naman yun. Malalaki na kami ngayon. We're matured enough now. I guess.
"Sorry." She whispered.
Kinuha niya yung bowl na may chicken soup. At sinubuan niya na ako.
Wala yun. Ginawan ko lang nang malisya. Wala talaga yun.
Tsk. Razle ano ka ba?
Isinantabi ko na lang ang nakaraan at nakisabay sa takbo ng mundong ginagalawan ko ngayon.
"Okay lang."
Okay lang naman eh.
_________________
Ross' P.O.V.
Papasok pa lang ako sa room kung nasaan si Razle. Napansin ko na agad na may kausap pala siya.
"Hi RV, I want to call you like that again. I missed you."
Sa boses pa lang nung babae mukhang maganda na siya. Parang artistahin kung kumilos at magsalita. RV? nickname ni Razle? Hindi ko alam yun ah.
Magkaano-ano ba silang dalawa?
Edi wow. Ikaw na bahala sa kanya ha. Mukhang mas masarap naman yang soup na sinusubo mo sa kanya kaysa dito sa lugaw na binili ko pa sa sulok ng planetang toh. Tsss!
'No RV, please.... tsu tsu. Nye nye!' Pabebe ang peg? Haysst. Kainis talaga ah. Makaalis na nga.
Iniwan ko lang yung lugaw dun sa harap ng pinto, ahy mali, tinapon ko na lang sa trash can. At unti-unting sinarado yung door.
Medyo sumakit lang kasi yung mata ko. Napuling ata sa mga nakita ko.
Naglakad ako nang mabilis yung tipong wala man lang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Lahat yan sa utak ko kaya medyo napuno ata, mukhang sasabog na. Yung parang ganun. Tsss
OA ka talaga Ross! Super!
Pero sino ba talaga yung babae na yun? Hay bahala na nga sila.
Baka maistorbo ako eh.
Tsss. Hindi pa nga ako masyadong nakakalayo ay may naririnig na agad akong tumatawag sa pangalan ko. Bigla ba naman akong hinila-
"ROSS."
☆☆☆☆☆
Miss Author's Note:
Ano na ang nangyayari? HAHAHA
_________#teamhazy_25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro