Chapter 15
Chapter 15: Concern
JK's P.O.V.
Andito na nga kami sa harap ng bahay nila Razle. Magkasama kami ni Ross sa kotse ko at nagdrive namang mag-isa si Luke Ivan sa sarili niyang kotse.
Hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang inasta ko kanina. Nakokonsensya tuloy ako. Eh kasi naiinis lang naman ako, kelangan nang magpractice tapos hindi pa matuloy-tuloy.
Ahhh. Basta.
Bakit ba parang ganito na ako kay Razle these past few days?
"Tao po!" Nakailang ulit na atang sumigaw si Luke hindi parin lumalabas ang katulong nila Razle.
Kung sabagay talagang hindi siya maririnig. Sa sobrang laki ng bahay. Este. Oo nga pala. Mansion nila Razle.
"Luke, uhmm suggestion lang? May doorbell po kasi." Pinindot naman ni Ariane tong doorbell sa tabi ng gate. Hahaha Natawa ako dun ah.
"Ahy sorry. Hahaha. Uhm sumigaw lang ako para mas marinig nila." Sabay kindat ni Luke kay Ariane. Palusot!
Mokong to ah! Binatukan ko nga. Pasimple pa!
"Aray!" Inis niyang sambit. Buti nga sayo!
"Sorry naman, bigla lang kasing nag-landing tong kamay ko sa batok mo! Hahaha." Sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Uyy kayong dalawa! Tama na nga yan!" Mataray namang nagsalita tong si Ariane. Uyy babae! Kahit magtaray ka! Maganda ka parin!
Uhm. Ehh. Oo basta.
Bakit ba? Walang kokontra! Sige!
_______
Luke's P.O.V.
Langya itong JK na toh ah! Kala mo kung sino! Makahampas ng batok ko, kala mo gwapo!
SUS Ako kaya ang pinaka gwapo sa aming tatlo!
Sige kontra pa!
Bwesit na doorbell. Napahiya pa tuloy ako nang konti kay Ross. Pero okay lang. Nakapogi points naman.
JK kasi eh! Naiinis ako sa lalakeng toh ah. Kung hindi lang ako naaawa sa kanya kanina ko pa yan tinadyakan!
Eh paano ba naman? Ako dapat ang maghahatid kay Ross papunta dito kila Razle. Epal kasi eh. Napakalaking epal.
Hindi pa nga kami nagkaka moment ni Ross. Tutol na agad tong sadistang lalakeng toh! Hmmp.
Inirapan ko siya ng tingin at dumeritso nang lakad pabalik sa harap ng gate.
_______
Ross' P.O.V.
Nakakainis talaga tong dalawang toh! Kanina pa nagbabangayan! Para bang mga batang paslit.
Haystt.
Nakakatawa silang tignan. Hay ewan.
"Ahy good afternoon po!" Bati samin ng isang katulong nila Razle. Hay salamat naman.
"Good afternoon din po!" Sagot ko kay manang. Wala namang imik tong dalawa. Oo naabutan na kami ng hapon. Dun na kasi kami kumain ni JK sa bahay nila Luke Ivan ng tanghalian. Hindi na nga ako nakabalik sa bahay. May niluto pa naman siguro si tita para sa aming dalawa. Pero hindi bale. Babawi nalang ako kay Tita.
Nag-aalala lang kasi ako kay Razle. Kaya mas pinili naming magpalipas ng oras kila Luke para deritso na kami dito kila Razle.
Sa kasamaang palad halos kalahating oras na kaming nag-aantay dito sa labas ng bahay nila at ngayon lang lumabas etong si Manang.
Kaya anong maganda sa hapon? Hindi ba?
Tsk. Ang init-init pa naman. Epekto ng global warming. Choos.
Dagdagan pa ng aso't pusang kasama ko.
Parang ganito oh
JK: arfff. Arfff!!! Grr
Luke: Meooowww!! Hmmmp
Hahaha *Evil laugh in mind*
"Uyy Ross! Ano pang tinatayo mo dyan?!" sabay pang sigaw nila JK at Luke sakin. Nauna na pala silang pumasok sa loob ng gate at ako nalang naiwan dito sa labas.
Eh panu kasi?! Grabeh ka-adventurous ng mind ko. Nakaabot nanaman ng pluto. GHAD
Hoy utak! Si Dora ka ba? Masyado kang explorer eh.
Nagpapakatimang nanaman ako.
"Oo na po! Salamat sa pag-aantay niyong dalawa ha. Naappreciate ko talaga! Promise." sarkastikong sambit ko at inirapan ang dalawa.
Bleeeh.
........
Razle's P.O.V.
Bwesit! Kanina ko pa talaga pinipilit na tumayo pero hindi ko magawa! Just SHIT.
Sobrang sakit ng ulo ko! Para akong magbablack-out ano mang oras.
Pero kelangan nila ako. Kelangan kong piliting tumayo. Naiinis ako sa sarili ko.
Importante yung intermission na yun sa campus. Mapapahiya lang kami kung hindi agad makakapag practice. Bwesit talaga!
Kaya ko toh!
Bakit kasi ngayon pa?!
Bakit ngayon na kelangan ako nila Ross.
Tuluyan na ngang dumilim ang paningin ko at naramdamang nasa sahig na ako.
______
"Ano okay na ba siya?"
"Anong nangyari sa kanya?"
"Bigla nalang siyang nawalan ng malay kanina Miss Ross."
Ross? Bigla na lang akong naalimpungatan nang may naaninag akong masilaw na kung anong bagay sa harap ko.
Oo isang nanakasilaw na bagay. Siguro ilaw lang. Pero ang silaw. Kaya hindi ko muna iminulat ang mga mata ko.
"Bakit? Ano bang dahilan?"
"Hindi ko po alam Miss eh."
"Sige Manang pakitawag na po sila JK at Luke kung nacontact na po nila yung mommy ni Razle."
"R-Ross?"
"R-Razle? Okay ka na ba?" Si Ross nga. Yung boses na yun. Alam kong siya kahit nakapikit ako ngayon. Parang kumikirot pa rin. Ang sakit parin ng ulo ko.
Pero asan ba ako? Unti-unti kong hinaplos ang hinihigaan ko. Hindi na nga ako sa kwarto ko.
Asan ako ngayon? At ano bang nangyari?
Nawalan ako ng malay? Kelan pa? Bakit di ko matandaan?
"R-Razle? Okay ka lang ba? Razle?" Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala ni Ross sa boses niya.
Salamat andito ka.
Hindi ako makasalita sa sakit ng ulo ko. Halos mangiyak-ngiyak na ako sa nararamdaman ko.
Pero pinipilit ko.
"Uhmm Oo. Okay lang ako. Ano ka ba."Sagot ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko.
Sa pagmulat ko nakita ko siya. Nakita ko ang mala-anghel niyang mukha. Napaka-amo.
Bigla namang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil andyan na siya sa tabi ko.
Napagtanto ko na sa aking pagmulat. Andito nga ako sa hospital. Hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo ko.
Pero bakit?
Parang gusto ko siyang yakapin ngayon. Yun ang alam kong gusto kong gawin.
Ang mayakap siya.
"Ano ka ba Razle ha?! Pinag-alala mo kaming lahat! Akala namin kung ano na nangyari sayo?!" Hindi ko alam bakit sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko parin mapigilang tumawa. Nakakatawa talaga tong babaeng toh. Akala mo naman mamamatay na ako sa lagay na toh.
Sumakit lang naman itong ulo ko hindi ba? Hindi naman ako mamamatay eh.
Sakit lang naman ng ulo.
☆☆☆☆☆
Miss Author's Note:
Hala?! Ano kayang nangyayari kay Razle. Pati ako tuloy naawa na sa kanya. Pero teamsecret parin ako! Hehehehe.
Oh ayan ha. Lahat sila sa part na toh. May sari-sariling Point of Views na. haha
Wahhh! Salamat po ng marami. ^-^ pati kay Annanananana20, LoverX01 and many more.
Also to mervegulucukkk. Hello sis. :)
And to all.
Kamsa. I really appreciate each and every one of you.
^_^ feel free to vote and leave your comments. If you have any suggestion just comment or pm me. :) thankiee
_________#teamhazy_25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro