Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

(Dedicated to SakuraGreenrose011)

Chapter 12: Unknown

Ross' P.O.V.

GHAD. Time check. 2:14 a.m.

What? Sisikatan na ata ako ng araw. 'Hindi pa rin ako makatulog.

Pinupuruhan na ata ako ng insomnia ko ah. Halos ilang araw na rin akong ganito.

Parang hindi ako mapakali.

Hindi rin ako makatulog nang maayos. Parang may nagmamasid lagi sa akin or minsan feeling ko may sumusunod sa akin.

Yung tipong parang palaging may nagbabantay ng ikinikilos ko.

Katulad nalang kagabi..

☆☆☆flashback☆☆☆

Sabay-sabay kami ng aking mga barkada na tumambay dun sa may park. Uwian narin kasi kaya nagpasya na kaming magbonding muna kahit saglit lang.

Kasama ko sina Razle, Luke at JK. Well, sila naman talaga ang lagi kong kasama.

Lagi rin kasing may mga lakad sila Zeyn Marie at Sheyn Cydee. Magpinsan kasi eh.

Kaya tropang malupet ang laging magkakasama.

"Uyy, Ross!" Loko to ah! Sinigawan ba naman ako ni Razle! SARAP UPAKAN.

"ANO?!" Syempre sinigawan ko rin siya. Nakakabingi kaya yung ginawa niya! NAKAKAINIS.

Nakaupo kami sa damuhan dito sa park. Maaabutan na nga kami ng gabi. Kakaupo dito eh.

"Eh ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa tinatanong ni Luke kung kelan daw ba tayo magpapractice para sa Christmas Program natin?" Oo na Razle. Shems. Pasensya. Malayo nilalakbay ng utak ko. Nasa pluto pa. Heto bumabalik na.

Magpeperform nga pala kami ng intermission number sa program na yun sa campus.

"Ahh, sorry. Eh yun ba? Siguro simulan na natin. Uhmm. Bukas! Saturday naman eh." Sagot ko sa kanila.

"Yes! Sige ba! Free naman ako bukas eh." Sagot pa ni JK.

"Ako nang susundo sayo Ross ha! Dun tayo sa bahay." *wink* tss. Sabay kindat pa ni JK. Oo na ah. Hindi naman kasi tanong yung sinabi niya. Tsk tsk.

"Oo na ah." Sagot ko sa kanya.

Sabay inakbayan ba naman ako bigla ni Luke Ivan. "Anong oras bukas bro?" Isa pa to eh. Kung hindi ko lang toh mga barkada baka sinapak ko na. Kumindat nanaman! GHAD. Isa pa talaga!

Oo na nga kasi. Kasi nga. Nakakalusaw yang kagwapuhan niyo! Kainis ah!

Ikaw ba naman paligiran ng mga naggagwapuhang mga lalake. Ses. Buti nga hindi pa ako hinihimatay sa lagay na toh'. Punyemas.

"Sige alis na ako mga bros. Baka hanapin na ako sa amin." Dalagang pilipina lang ang peg neh? Bigla nalang tong tumayo si Razle na para bang bigla nalang na bad mood.

Medyo pagabi na nga pero maaga pa rin naman ah. HAHA

Ses. Razle.

"Ahhy, oo nga pala tutulungan ko pa si Tita. Ako rin mga bro kelangan ko naring umuwi. Sige bye! Text na lang kayo kung anong oras ha or chat niyo lang ako sa messenger."

"Oh sige bye mga bros!" Sabi naman ni Luke Ivan.

Ganun din si JK. Kumaway na sila. At tuluyan na kaming naghiwa-hiwalay.

Nag-aantay ako na may magyaya sakin na ihatid ako. ASA. Wala. Ganyan ang mga kaibigan.

Shems. Gabi na.

Naglalakad na ako. Oo hanggang ngayon hindi parin ako nakakasakay ng jeep.

Gabi na talaga. Punyemas talaga. Oo. Time check. 7:30p.m.

Hindi naman gaanong nakakatakot maglakad nang ganitong oras. Maaga pa naman. Konti.

Atsaka may mga ilaw naman sa gilid ng dinadaanan ko. Pero ako lang ata ang tao rito. Maliban na lang sa mga pasulpot-sulpot na mga sasakyan sa daan.

Habang naglalakad ako. Bigla akong may naramdamang mga yapak. Oo parang may nasa likod ko. Hindi na ako lumingon pa sa likuran, kundi derideritso lang akong naglakad.

Sa bawat yapak ko ay siyang unti-unting pagtaas ng mga balahibo ko.

Ramdam ko. May tao nga atang sumusunod sakin.

Papalapit na siya. Papalapit nang papalapit. Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Tug tug tug tug tug

Unti-unti pang bumilis ang pagtibok nito dahil sa takot na nararamdaman ko. Kasabay nito ang pagtagaktak ng pawis ko. GHAD.

Mas binilisan ko naman ang paglalakad ko. Mali. Tumatakbo na pala ako.

"AHHHHH!"

"Meowww!" BWESIT NA PUSA! Paharang-harang sa daan. Ayan naapakan ko tuloy bigla. SHIT

Sa biglang gulat ko. Napalingon naman agad ako sa likod.

Nakakapagtaka. Wala naman palang tao. Siguro guni-guni ko lang. ISANG GUNI-GUNI.

"PEEEP. PEEEEP." AY ANAK NG! PUNYEMAS TALAGA! Bigla akong bumalik sa katinuan nang marinig ko ang wagas na pagbusina ng kotse ng kung sino mang sakay nito.

"Ross, sumakay ka na. Gabi na oh." Huh? Si?

Sinabi niya yun after niyang ibaba ang glass ng window sa car niya. Lambo. Kulay red.

GHAD. Si Razle.

Jusmiyo. Marimar. Akala ko talaga mamatay na ako kanina. Marami pa akong pangarap.

O.A. ha.

"Hindi ka pa ba sasakay? Sige ka, magbago pa isip ko."

"Oo na po." Pilit naman akong ngumiti sa kanya. Hays. Kung hindi lang ako nanganganib. Tsk. Hindi ako sasakay sa magara mong kotse.

Pumasok na ako. Pinagbuksan niya kasi ako ng pinto sa may driver's seat banda. Yung katabi niya.

"Ikaw na pala nagdidrive ng car?" Tanong ko sa kanya. Wala kasi si Mang Juan.

"Ahhy oo. Minsan lang. Si Mang Juan naman kasi talaga ang nagdidrive kapag papasok ako ng school. Trip ko ngayon eh." Ses. Oo na po.

"Ahh. Okay. Salamat ha." Salamat. Promise. Kung di ka dumating. Ahy naku. Baka atakihin na ako sa puso. Kung alam mo lang Razle.

"Welcome. Wala yun." Tuloy-tuloy lang siyang nagmaneho. Magaling pala siyang magdrive. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan eh.

Bakit ganun? Bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

Salamat Razle.

☆☆☆end of flashback☆☆☆

Hayss. Ang haba na masyado ng flashback ko.

Hay naku. Ewan. Kung ano-anu na naman ang iniisip ko.

Pero eh. Hindi talaga ako makatulog nang maayos. Bakit ba kasi?

2am? SERYOSO? May practice pa kami mamaya. Makukulangan talaga ako sa tulog nito eh.

Simula kasi ito nung may tumawag sa akin na kung sinong demonyetang babae eh. Sino ba kasi siya?

GHAD. SA TOTOO LANG. NAKAKASTRESS.

Pagbantaan ba naman ako! Eh sinong hindi matatakot sa ganun diba?

I really hate that girl or woman. Or ? Ughh. Siguro demon! Naiinis talaga ako dun!

Kinuha ko yung cellphone ko. Hindi pa rin kasi ako mapakali. Tinext ko sila para magtanong about sa practice.

"To:Razle, JK, & Luke

Guys!?
What time ang practice? ^_^

Kila JK diba? :) HAHA

#tropangMalupet

Gm_Ross

2:50 a.m."

Matapos ang limang minuto. Walang nagreply.


Ahy Tungaks! Maga 3:00 a.m. palang. Malamang mga tulog pa yun.

GHAD. Nawawala nanaman ako sa katinuan.


Sinet ko yung alarm ng cellphone ko sa 7:00 a.m.

Ayaw kong malate sa practice namin. Ako nanaman pagdidiskitahan ng tatlong yun.

Pinilit kong matulog. Promise pinilit kong pumikit. Matapos maglaro ng kung ano-anong games sa cp ko.

Sa wakas.

.............

Miss Author's Note:

Waaaah! Salamat po. Natapos ko rin tong chapter na toh! Haha salamat sa inyong lahat.

Sa kabila nang napakabusy kong buhay. Dahil sa mga gawaing bahay at pagiging tindera. At sa maarteng signal ng internet. Haha choosss.

Pati na kila thereal_rj, karleidoscope_, chloe_jaie, genusherb, at marami pa pong iba.

Thank You po. Mahal ko kayo.

Kamsahamnida.

☆☆☆ #teamhazy_25

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro